Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Kaunaunahang totoong pagibig.

And yes, I'd decided to move on na. Sana maging masaya ako sa desisyon ko. Sana. :) At sana, sa pagshare ko ng story ko eh kasabay na 'yun ng pagiwan ko ng nakaraan.

Masaya ang feeling ng magmahal ng may commitment. Lalo na kung unang beses mo lamang ito maramdaman. PERO, laging may kaakibat ito na responsibilidad.

Maaalalahanin ako sa lahat ng tao at hindi ko alam na dahil sa trait na ito eh may magkakagusto sa akin ng lubos. Parepareho lang treatment ko sa lahat pero 'yung guy na ito, siya 'yung naglakas loob. First few days na naging close kami, barkadahan lang. Hindi ko alam, nadedebelop na pala siya. Hanggang sa sumapit 'yung bday ko at kinantahan niya ako. I fell for him, somehow. Kinilig. And then, as days passed, kinakantahan niya ako sa phone every night. Madaming sweet words. First time ko maramdaman na mahalin ng isang guy. First time makantahan. First time na makaholding hands. Makiss. mahug. Lahat ng ginagawa ng magkarelasyon. Ang sweet sweet namin nu'n. Feeling mo talaga 'di kami maghihiwalay. Kahit kailan.

Hanggang sa nagkaproblema na. Unang pagaaway namin nu'n eh yung sa salitang forever. Hindi kasi ako naniniiwala sa salitang iyon pero naoffend ko siya. Sabi niya, ang hirap ipursue relationship namin tapos sasabihin ko na hindi pala kami magtatagal. I felt wrong, so eventually, hinayaan ko ang sarili ko na paniwalaan 'yun at pinagkatiwalaan ko na lang siya na totoo nga ang salitang habambuhay. Hindi ko alam, may problema na pala sa bahay nila. Financially at inaakusahan na siya na kung anuanong ginagawa sa buhay. And then, I'm still nagging him. Monthsary namin nu'n. he told me na wala siyang money. sabi ko, treat ko na lang. eh ayaw niya. gusto ko pa siyang makasama. nagaway kami at hindi nagpansinan. I'm just waiting na siya unang magapproach. kaso, wala eh. pero, i did everything para magkaayos. akala ko okay na. tapos biglang humingi ng cool off.

Ang start ng cool off ay start ng pagkaruin ng relationship. Pero, we still tried na ayusin. Inayos pero halatang hindi pa completely buo. Pero dahil mahal ko siya, nagtiwala na lang ako sa kanya. Nagdecide kami na magkita to do a thing. Gabi nu'n. While we were making that I can sense that 'di pa talaga ayos. pero lagi niyang sinasabi na mahal ako nung gabing yun. Kinabukasan, di niya ako masyadong kinakausap. I asked him, mahal mo pa ba talaga ako? And so it goes. It ended up.

Mahirap magmahal ng sobra sobra. Kasi, sa oras na ginawa mo 'yun, you'll be risking everything. At kapag nawala? Dala nito pati buong pagkatao mo. You'll be starting sa simulang simula talaga. 0% ba. You'll be thinking na mabuhay muli, maghanap ng iba, basta all silly things na pwede mong maisip. Sisirain muna nito pagkatao mo and eventually kapag nagmumukha ka ng sira, ikaw na magtatanong sas sarili mo. Worth it pa ba ng mga ginagawa ko para sa sarili ko? And that will be the start of standing up again. May changes. Oo, andun pa din 'yung sakit. Pero, ang outcome naman ng sakit ay tiyak na magugustuhan mo din.

Isa na lang ang iniisip ko ngayon. AT LEAST AKO, MASASABI KONG TOTOO AKONG NAGMAHAL KASI GINAWA KO ANG LAHAT PARA MASAVE ANG ISANG BAGAY NA PINAPAHALAGAHAN KO. SIGURO, HINDI LANG TALAGA ITO ANG NAKALAAN PARA SA AKIN. HINDI KO SIYA KAWALAN. Maganda ako at marami pang lalaki dyan. Hahanap ako ng lalaking mamahalin ako ng totoo. At yung lalaking hindi sisira ng pangako niya. ISA AKONG KAWALAN SA BUHAY NIYA. hahaha JOKE.

Advice ko lang sa mga fellas out there. Wag niyong gagawing depinisyon ng kasiyahan ang iisang tao dahil sa oras na mawala ang taong ito ay tiyak na tangay nito ang kaligayahan niyo.
Sign In or Register to comment.