Reklamo sa mga drivers/konduktor ng mga PUVs — PinoyExchange

Reklamo sa mga drivers/konduktor ng mga PUVs

Eto ang buong kwento ko.

Last week, sumakay ako ng PUB, Mayamy Trans with plate number TWL 917. Binabagtas ng driver ang kahabaan ng Commonwealth. Gabi na. Around 8pm. Pagiwang giwang ang pagddrive ng driver, kaya naman isang pasahero ang sumigaw, pinapaayos nya sa driver ang pagmamaneho dahil marami daw pasahero at baka maaksidente ang bus. Pero ang lokolokong driver ay nangatwiran na kung natatakot daw sa pagddrive, bumaba na lang daw. Dun nainis yung pasahero. Nagbanta ang pasahero na kapag pinababa sya, makakasiguro ang driver na magrereport sya (pasahero) sa kinauukulan. Muling nangatwiran ang driver, sinabing maayos naman ang pagmamaneho nya dahil kasama pa nya mismo sa bus ang kanyang pamilya. Pero ako mismo, alam kong hindi maayos ang pagddrive nya. Sa katunayan nga muntik ng bumangga ang aming sinasakyang bus sa isa pang bus sa may Philcoa. Dito na ako pumasok sa eksena. Sinegudahan ko na ang reklamo ng isang pasahero pero patuloy pa rin sa ganun estilo ng pamamaneho ng driver, hanggang sa kahabaan ng east avenue. Pagdating sa kamuning bumama na ako.

Paano ba ito isusumbong sa mga kinauukulan?

Kayo, ano ang inyong mga reklamo o karanasan sa mga PUVs?
Sign In or Register to comment.