Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Blind Items 10 Enter At Your Own Risk

Thanks, Admin Nakura.

Lipat ko lang BIs posted by Dong Yano.

Bading na TV host, basted sa panliligaw sa batang aktor!

Tuwing Pasko ay palaging naaalala ng young actor ang ang isang bading na TV host. Disyembre kasi nang magtangkang ligawan si young actor ng isang gay TV host.

Nakakaisang taon pa lang ang young actor sa showbiz noon, pero marami na ang nagkaka-crush sa kanya. Na*ging kilala rin siya dahil sa naging ka-loveteam niya. Kaliwa’t kanan ang mga natatanggap niyang mga regalo mula sa fans pero hindi niya malilimutan ang mga mamahaling regalo na galing sa isang gay TV host.

Mga mamahaling T-shirt at mga sapatos ang dumarating sa set ng taping ni young actor noon. Isang balikbayan box nga ito kung duma*ting every week sa set na kinakagulat ng mga co-stars ni young actor.

“Akala nila noon, may business ang young actor na nagbebenta ito ng mga imported na shirts at sapatos. Nag-place na nga ng order ang mga kasabayan niya sa show,” natatawang kuwento ng aming source.

“Pero lahat iyon ay regalo ng bading na TV host na baliw na baliw sa young actor. Hindi ka maniniwala sa laman ng balikbayan box. Mga mamahalin ang brand. Eh siyempre, natutuwa ang young actor kasi nagsisimula pa lang siya noon. Hindi niya afford ang mga iyan.

“Kaya ‘yung mga kasabayan niya ay sobrang naiinggit kasi may sponsor na ito sa damit at sapatos samantalang sila, wala pa at gumagastos pa sila.”

Three days nga bago mag-Pasko ay nag-last taping day pa ang show ng young actor bago sila magbakasyon. May dumating na malaking van sa set at hinahanap ang young actor. Pagbukas ng van ay laman nito ang puro groceries. Tamang-tama na pang-Noche Buena.

Kasunod nga ng van ay isang kulay pula na kotse at lumabas nga roon ang gay TV host. Pormal itong nagpakilala sa young actor at sinabi nito na humahanga siya sa husay at sipag nito.

“Siyempre, kinabahan ang young actor, hindi niya alam ang gagawin niya. Nagpasama pa siya sa ka-loveteam niya noong gusto siyang kausapin ng gay TV host,” kuwento pa ng aming source.

“Hindi tuloy masabi ng gay TV host ang gusto niya dahil magkatabi nga si young actor at ang ka-loveteam niya. Kaya ang ending ay hiningi na lang nito ang number ng young actor sabay umalis na ito at baka nakakaabala siya sa taping nila.”

Sa mismong araw ng Pasko ay nag-text nga ang gay TV host at sinabi na nito na type niya ang young actor at gusto niya itong ligawan. Natulala ang young actor at matagal siya bago nakasagot. Pero, sinagot na rin ng young actor na maging friends na lang sila at nagpasalamat ito sa kanyang mga regalo. Pero kung gusto raw nitong bawiin, maibabalik pa naman daw ni young actor ang lahat ng niregalo sa kanya.

Pero hindi na sumagot ang gay TV host at hindi na ito nagparamdam pa ulit sa young actor.

RUEL MENDOZA
MONDAY, DECEMBER 20, 2010
«134567250

Comments

  • TOTOO KAYANG wala pa ring pagbabago sa kabalahuraan itong dating sexy actress na tuwang-tuwang ikinukuwento ang mga sexcapades nito sa mga lalaking nakakaulayaw niya?

    Dati, pagkatapos nitong makipagtalamitam sa ilang aktor na naka* trabaho niya, kaagad na ikinukuwento nito sa mga kaibigan o katrabaho rin niya. Meron pang dinu-drawing kung ano ang hugis at kung gaano kalaki ang kargada ng ilang aktor na natikman niya.

    Akala namin nagbago na dahil nag-mature na rin naman ito. Pero ganun pa rin pala.

    Non-showbiz at kagalang-galang na propesyon pa naman ang karelasyon nitong dating sexy actress, walang kamalay-malay ang karelasyon niyang bini-video pala siya ni aktres gamit ang cell phone habang kinakain-kain ang kanyang pagkalalaki.

    Proud na proud pa siyang ipinapakita sa mga katrabaho niya at ikinukumpara kung ganun din ba kalaki ang mga natitikman ng ilang nakakatrabaho niya.

    May isang aktres na wholesome pa na*man ang image, tuwang-tuwa rin niyang sinasagot si dating sexy actress na ganun din kalaki ang sa asawa niya. Ganun ang ilan sa mga pinag-uusapan nila sa shooting ng indie film na nagawa nila.

    TALONG ANONYMOUS
    December 20, 2010
  • Sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival, may natirang isa na hindi nagpa-review sa Cinema Evaluation Board (CEB).

    Sayang, base sa feedback nakakatawa ang pelikula kaya nakakatakang hindi sila nagpa-review.

    Salve Asis
    December 20, 2010
  • patapak sa bagong blind items thread

    merry christmas anjuna, tea drinker, dong yano and other blind items contributors

    kudos sa inyong lahat!!!
  • Natawa kami sa description ng isang reporter sa isang aktor na nasobrahan ng foundation ang mukha. Parang arina na sinalpakan ng mukha ang aktor nang humarap sa press sa isang showbiz event. Gusto sigurong itago ng aktor ang ilang pimples sa kanyang mukha, kaso nasobrahan ang foundation.

    Straight male ang aktor at walang kabahid-bahid ng kabadingan pero kaila*ngang mag-makeup ng konti to hide his pimples. Nasobrahan nga lang ang foundation at ’yun ang nag-stand out. Susme, hindi man lang napansin ng make-up artist na sobra ang puti ng face ng aktor at ’yun tuloy ang unang napansin ng press.

    Nitz Miralles
    December 20, 2010
  • WIN NA WIN TSINUGI NA

    Nakapitong buwan din sa ere ang Pilipinas Win Na Win ng ABS-CBN, ito ang programang ipinampalit ng network sa Wowowee ni Willie Revillame, pero talaga yatang isinumpa ang variety show na ito.

    Mula noon ay walang magandang ipinakita ang show, kahit nandu’n pa si Kris Aquino ay nangungulelat ‘yun sa rating, kung sino-sino na ang idinagdag du’n at ibinawas pero wala pa ring nangyari sa programa.

    Kalat na ang balita na hanggang katapusan na lang ng Disyembre ang PWNW, kinausap na ng pamunuan ng network ang mga hosts ng show, kumbaga sa maysakit ay hanggang du’n na lang talaga ang buhay ng programang ipinagmamalaki noon ng Dos na magtatagumpay kahit wala si Willie.

    Kung tawagin ng mga tagasuporta ni Willie ang show ay Pilipinas Lost Na Lost, dahil kahit minsan ay hindi ‘yun nag-rate nang maayos, parang may kung anong kamalasan ang pangtanghaling bloke ng Dos nang umalis na si Willie sa kanilang noontime show.

    Ano kaya ang masasabi ngayon ng mga hosts nito na nagmayabang pa noon, lalo na ang hindi kagandahang komedyana na kung ilarawan ng marami ay walang utang na loob, dahil ni hindi nito pinahalagahan ang malaking tulong na nagawa sa kanya ni Willie.

    Tama ang sinabi ng mga kaibigan namin, na kay Willie Revillame pa rin ang huling halakhak, di ba naman?

    Bandera
    12/18/2010
  • GlobePexer wrote: »
    patapak sa bagong blind items thread

    merry christmas anjuna, tea drinker, dong yano and other blind items contributors

    kudos sa inyong lahat!!!

    Merry Christmas, Globe Pexer! :wave:
  • MONDAY DECEMBER 20, 2010 PHILIPPINES

    mr_showbiz.jpg

    PUZZLER: This family of "celebrities" seems to have been spreading negative vibes in this season of cheers. Our source said that during a recent pictorial, the stage mother, down to her two "wicked" daughters, had nothing but complaints coming out of their lips ever since they set foot on the venue. First complaint was that they were not treated well because no one was on hand to see to them when they arrived and they waited for less than 20 minutes there. They also complained about the dressing room, the downtime when they were made to wait while the photographer does his work with the lightings and all. The culmination was the bad attitude shown after the photographer recommended that they change their hairstyle to make the shoot much nicer. Everyone in the production wishes they will never have the opportunity to work with this family ever again.

    HINT: The matriarch used to be a back-up singer to her husband. The daughters come out in some soap operas, one is always written to be a rebel daughter and the other just broke up with her hunky boyfriend.
  • Entertainment Live
    Dec. 18, 2010
    Blind Item

    Isa na lang ang BI ni Ogie :confused:

    Dalawang sosyalerang celebrities, hindi nagbayad ng kumain sa isang hotel with their non-showbiz friends.

    Ang initials ng dalawang sosyalerang celebrities kasama ang isang letter na panggulo ay:

    wrpgb
  • tivibufftivibuff PEx Rookie ⭐
    didyay wrote: »
    Entertainment Live
    Dec. 18, 2010
    Blind Item

    Isa na lang ang BI ni Ogie :confused:

    Dalawang sosyalerang celebrities, hindi nagbayad ng kumain sa isang hotel with their non-showbiz friends.

    Ang initials ng dalawang sosyalerang celebrities kasama ang isang letter na panggulo ay:

    wrpgb

    Georgina Wilson and Bubbles Paraiso
  • ^ I was thinking Ruffa naman and Bubbles.
  • tea_drinkertea_drinker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    GlobePexer wrote: »
    patapak sa bagong blind items thread

    merry christmas anjuna, tea drinker, dong yano and other blind items contributors

    kudos sa inyong lahat!!!
    Maligayang Pasko rin, GlobePexer, at sa lahat ng suki ng thread :):):)

    images?q=tbn:ANd9GcT4xUHaXIY7B5SBZYAZHRoSGIjOuVm7uJuieXHmIsC3b_fR1r0BXA
  • tea_drinkertea_drinker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    didyay wrote: »
    ^ I was thinking Ruffa naman and Bubbles.
    Same here :)
  • oo nga pwede either kina ruffa ar georgina... hehehe
  • tea_drinkertea_drinker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    didyay wrote: »
    MONDAY DECEMBER 20, 2010 PHILIPPINES

    mr_showbiz.jpg

    PUZZLER: This family of "celebrities" seems to have been spreading negative vibes in this season of cheers. Our source said that during a recent pictorial, the stage mother, down to her two "wicked" daughters, had nothing but complaints coming out of their lips ever since they set foot on the venue. First complaint was that they were not treated well because no one was on hand to see to them when they arrived and they waited for less than 20 minutes there. They also complained about the dressing room, the downtime when they were made to wait while the photographer does his work with the lightings and all. The culmination was the bad attitude shown after the photographer recommended that they change their hairstyle to make the shoot much nicer. Everyone in the production wishes they will never have the opportunity to work with this family ever again.

    HINT: The matriarch used to be a back-up singer to her husband. The daughters come out in some soap operas, one is always written to be a rebel daughter and the other just broke up with her hunky boyfriend.
    • The matriarch used to be a back-up singer to her husband. - Pia Magalona
    • The daughters come out in some soap operas, one is always written to be a rebel daughter and the other just broke up with her hunky boyfriend. - Saab and Maxene Magalona, respectively
  • tea_drinkertea_drinker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    The Queen and the Knight!
    by: Foxy Lady | STIR Contributor
    20 Dec 2010 | 08:13 AM

    When the Queen and the Knight-in-Shining-Armor dated secretly, it was buzzed as an unlikely pairing as she was separated from her celebrity husband and he was the prize catch of the season. But not a lot of showbiz outsiders knew it was their sisters who love women who were seeing each other. Now it can be exposed as a cover up for their sisters’ love affair.
  • tea_drinkertea_drinker PEx Influencer ⭐⭐⭐
    didyay wrote: »
    WIN NA WIN TSINUGI NA

    Nakapitong buwan din sa ere ang Pilipinas Win Na Win ng ABS-CBN, ito ang programang ipinampalit ng network sa Wowowee ni Willie Revillame, pero talaga yatang isinumpa ang variety show na ito.

    Mula noon ay walang magandang ipinakita ang show, kahit nandu’n pa si Kris Aquino ay nangungulelat ‘yun sa rating, kung sino-sino na ang idinagdag du’n at ibinawas pero wala pa ring nangyari sa programa.

    Kalat na ang balita na hanggang katapusan na lang ng Disyembre ang PWNW, kinausap na ng pamunuan ng network ang mga hosts ng show, kumbaga sa maysakit ay hanggang du’n na lang talaga ang buhay ng programang ipinagmamalaki noon ng Dos na magtatagumpay kahit wala si Willie.

    Kung tawagin ng mga tagasuporta ni Willie ang show ay Pilipinas Lost Na Lost, dahil kahit minsan ay hindi ‘yun nag-rate nang maayos, parang may kung anong kamalasan ang pangtanghaling bloke ng Dos nang umalis na si Willie sa kanilang noontime show.

    Ano kaya ang masasabi ngayon ng mga hosts nito na nagmayabang pa noon, lalo na ang hindi kagandahang komedyana na kung ilarawan ng marami ay walang utang na loob, dahil ni hindi nito pinahalagahan ang malaking tulong na nagawa sa kanya ni Willie.

    Tama ang sinabi ng mga kaibigan namin, na kay Willie Revillame pa rin ang huling halakhak, di ba naman?

    Bandera
    12/18/2010
    Pokwang, iniiyakan ang malapit na pagtatapos ng PWNW
    Uploaded by Gwenn | Showbiz | Dec 19, 2010 | Remate

    ‘YUN palang pagdaan ni Pokwang kasama sina Rico J. Puno at iba pa noong ginanap ang Star Magic Christmas Party for the press ay ‘yun ang araw na pinatawag sila ng management ng Kapamilya.

    Masayang-masaya silang napadaan, beso dito, beso doon pero hindi akalain ni Pokwang na kapalit sa mga halakhak ay luha.

    Ang balita ay talagang napa-iyak ang komedyana nang malamang hanggang December 31 na lang ang kanilang programang Pilipinas Win Na Win. Maraming taon din ang ginugol ng komedyana sa nasabing program mula noon sa Wowowee at maraming pagsubok din sa buhay ang kanyang napagdaanan.

    Sa pagkakataong ito ay maraming nakiisa sa kanyang kalungkutan at palaging binibigyan ng moral support sa pagsabing, when one door closes, a lot of windows open.

    Kasama si Pokwang sa pelikulang Super Inday and the Magic Bibe na isa sa mga lahok sa MMFF 2010 na bida si Marian Rivera at love interest si Jake Cuenca. Prodyus ito ng Regal Films and directed by Mike Tuviera.
  • AWARE PALA ANG isang magaling na actor na pinalitan na siya ng isang singer sa buhay ng isang actor.
    77 views | December 20 | Posted by admin | Blind Items

    AWARE PALA ANG isang magaling na actor na pinalitan na siya ng isang singer sa buhay ng isang actor.
    Nang makausap ng premyadong actor ang isa kaIbigan ay kinumusta nito ang dati niyang special friend na actor. Wala namang panghihinayang sa kanyang tono nang kumustahin niya ang matagal na niyang hindi nakikitang kaibigan.
    At updated pala siya sa love life ng kanyang special friend dati. Alam niyang isang singer ang ipinalit nito sa kanya. Sport lang naman ang actor at tanggap naman niyang wala na siyang appeal sa special friend niya.

    May common denominator ang actor at ang singer. Pareho silang Tsinito.

    Alex Brosas
    Pinoy Parazzi
  • MAHULAAN N’YO KAYA itong male host na napakabuting kaibigan ngunit sa kabila ng kanyang pagsuporta ay nagtatago ang kanyang maitim na balak?
    60 views | December 20 | Posted by admin | Blind Items

    MAHULAAN N’YO KAYA itong male host na napakabuting kaibigan ngunit sa kabila ng kanyang pagsuporta ay nagtatago ang kanyang maitim na balak?

    Kung saan-saang eskandalo na kasi nadawit ang kanyang BFF kaya naman sa ups and down nito ay hindi niya iniwan. Sa ups kung saan sa sobrang taas ay halos maabot na ang langit at downs dahil sa sobrang eskandalo ay mala-impyerno na ang sitwasyon.

    Bilib talaga ako sa pagiging supportive friend niya, dahil ang chikka ng aking parazzi girl ay itong si male host daw mismo ang bumubugaw ng mga merlat sa kanyang BFF kapalit ng… alam n’yo na. Pati si male host, nakikitikim din sa kanyang BFF.

    How desperate naman ‘yung male host na kung titingnan mo ay madaming alam ngunit pagdating sa pag-ibig naba-blanko rin. Ha-ha-ha. ‘Di n’yo pa rin gets?

    Tita Swarding
    Pinoy Parazzi
  • Feelingera wrote: »

    rico blanco?

    ay mali ako.. male host.. hmm..
  • TT BOYTT BOY PEx Influencer ⭐⭐⭐
    xKarma wrote: »
    rico blanco?

    ay mali ako.. male host.. hmm..

    di naman siya host ...
This discussion has been closed.