Home PEx Campus Mapua Institute of Technology

How to get to Mapua-Manila coming from Diliman, Quezon City? Commute only po :)

Patulong! :D

Comments

  • coheed18coheed18 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^
    Sa pagkakaalam ko, pwede kang magbus or fx na papuntang SM FAIRVIEW. Marami sa Manila City hall na mga ganyan. Dumadaan kasi yun sa PHilcoa, Circle, Commonwealth etc. Tapos from Philcoa or Commonwealth ata, magjeep ka papuntang Diliman.

    Pwede rin namang Proj 6/Sm West tapos magjeep ka papuntang UP dun.
  • No what I mean is, from UPD to Mapua-Manila :)
  • letran_jletran_j PEx Influencer ⭐⭐⭐
    look for the nearest MRT station :D

    baba ka sa taft station, then mag LRT ka baba ka sa Central station ;) lakarin mo lang mga 5-10 mins walk :D tanong-tanong ka nalang
  • may bus na papuntang taft or vito cruz sa diliman or sakay ka ng quiapo. baba ka ng city hall mag underpass.!

    ayun mapua ka na!

    Lagi akong nadaan sa Mapua!
  • coheed18coheed18 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    No what I mean is, from UPD to Mapua-Manila :)

    Ay oo nga. Haha. D ko na binasa. Kala ko pareho to ng thread mo na Mahirap ba mag-commute from Quezon City to Intramuros?

    Ganun din. Edi bus/fx papuntang Buendia/Kalaw. Sa Cityhall ka mismo bababa. Mapua na!
  • mula sa UP Diliman, ang ginagawa ko ay:

    1. sakay ng jeep sa loob ng UP (UP-Katipunan) papuntang Katipunan.
    2. pagbaba sa terminal, punta sa LRT2 station. mula doon, bumaba sa Recto station
    3. sakay ng jeep na dadaan sa city hall
    or
    lumipat sa LRT1, tska sumakay sa D.Jose station (ang D.Jose station ng LRT1 at Recto station ng LRT2 ay konektado) at bumaba sa Central Terminal station
    4. maglakad papuntang MAPUA (malapit n lang nun, sa tabi lang naman siya ng pasukan ng intramuros)..
  • ^ Now that's tiring.

    Sa UP, sakay ka ng jeep papuntang SM North or Q.Ave.
    Baba ka ng Philcoa.
    Sakay ng FX na papuntang Buendia/Vito Cruz.
    Baba ng City Hall.
    Maglakad papuntang Intramuros.



    Or better yet... ride a cab. :D
  • Kung mag-aaral ka sa MIT sa July 2011, malamang operational na 100% ang connection ng LRT1 AT MRT1 (sa ngayon kasi ay hanggang Munoz/Roosevelt Station pa lang ang operational going to Baclaran). Ang gawin mo ay ganito:

    Sakay ka ng jeepney from Diliman going to LRT North station. Sumakay ka sa LRT going to Central Terminal station. From there, walking distance na lang to MIT.

    Kung ayaw mo naman maglakad ng medyo malayo, sa Carriedo station ka bumaba then take a jeepney going to Manila City Hall. From Manila City Hall, walking distance na lang to MIT.

    I hope makatulong ito sa iyo.
  • thank you so much sa mga suggestions. sanayan lang 'to! hays.
  • papabirth wrote: »
    Kung ayaw mo naman maglakad ng medyo malayo, sa Carriedo station ka bumaba then take a jeepney going to Manila City Hall. From Manila City Hall, walking distance na lang to MIT.
    I hope makatulong ito sa iyo.

    Ganyan ginagawa ko dati. Pero para mas malapit, yung mga byaheng mabini ang sakyan mo na jip. mas malapit na yung dadaanan nun. hindi mo na kailangang mag underpass.
  • stepehenyan@12[email protected] PEx Veteran ⭐⭐
    or pwede ka rin sumakay ng jeep na biyahe PIER papasok sa loob ng intramuros yun tanong mo na lang driver pag nasa loob ka ng intramuros saan baba mo papuntang mapua. kesa mag city hall ka mag underpass ka.
  • Actually, you do not need to ride the trains, etc. From the Diliman area, where I reside, you just have to ride the bus or a metered taxi with the sign Taft or Buendia. Isang sakay lang yun. Then baba ka na sa City Hall. That's it. Hassle yung MRT/LRT stuff.
  • Sa MAPUA ka nag-aaral @amabluigel?
  • Nope. But I have been there several times before.
Sign In or Register to comment.