Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

social obligations

Nung lumipat kami dito sa neighborhood namin, panay ang invite nang mga kapitbahay namin. Minsan nag de decline ako sa invitation nila pero minsan hindi mo matanggihan. Ang tradition nila pala dito ay nag ta take turn sila sa pag ho host nang party. Walang katapusang birthday, Christmas party, going away, binyag....Magastos din ito.

Doon sa last na tinirahan namin ay hindi ganito parang "mind your own business".

Ayaw ko nang social obligations at mag invest sa mga taong "come and go". Mas gusto kong kasama ang mga kamag anak. Matatagalan kami rito kaya years ang aabutin bago kami lilipat nang ibang bahay.

Kayo, may mga situwasyon ba kayong ganito? At paano ninyo itong hinandle.

Comments

  • LimpBwiZitLimpBwiZit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "selective socialization" lang. don't snub all the invitations, show up once in a while, hang around for a reasonable time (give a pre-meditated alibi that you need to go somewhere and you could only stay for an hour, blah-blah) pero wag mo naman puntahan lahat. just show a pattern, and then ma-figure out na nila moderately social ka lang (or just being civil), so the next time they invite and you decline, hindi sila magdadamdam.

    yan ang self-imposed protocol ko sa mga newly-met acquaintances.
  • LimpBwiZit wrote: »
    "selective socialization" lang. don't snub all the invitations, show up once in a while, hang around for a reasonable time (give a pre-meditated alibi that you need to go somewhere and you could only stay for an hour, blah-blah) pero wag mo naman puntahan lahat. just show a pattern, and then ma-figure out na nila moderately social ka lang (or just being civil), so the next time they invite and you decline, hindi sila magdadamdam.

    yan ang self-imposed protocol ko sa mga newly-met acquaintances.

    ganun na nga ang gagawin ko. nakakatawa lang kasi pag paparating na ang neighbor ko na ra rattle ako kasi ano anong alibi ko. :lol:
    favorite line pa naman nila eh "we only do it once a year (b-b-que...)" gusto kong barahin nang "so what?" :rotflmao:
  • LimpBwiZitLimpBwiZit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    basta just be clear (through your actions) kung hanggang anong level of relationship lang ang gusto mo. may mga indicators yan, e.g., never ask about her/his family, his work, common friends, etc. in short, don't get too personal. pero siyempre, if s/he seems to be an amiable person na masarap maging kaibigan, you can always bend your rules.
  • pinoy ba yan TS? ako din selective, parang si limp. magastos din kasi yung "gatherings" dito, di naman ako katulad nila na may asawang taga-sustento.

    nang dahil dyan meron pa ako nakaaway. i dunno why some people cannot take no for an answer. nagyaya ako makipagkita yung sa malapit lang para makapagchikahan at inuman ng konti...aba nung malaon e mag overnight na daw at bumyahe. e mahal nga yung gimik dito, karaoke pa lang gagastos ka di ka naman makakanta at malasing-lasing sa drinks lol. e mababaw lang kaligayahan ko, gusto ko minsan kwentuhan lang. i politely decline naman, pero yun nga minsan kukulitin ka when you have other things to do. minsan naman pag nagdedevote ako ng time, wala naman silang paki sa oras. laging late dumating o nagcacancel sa last minute.
  • ^
    mga foriegners. may mga friends na ako at ayaw ko nang dagdagan dahil it takes time and energy. hindi naman sa anti-social ako pero kasi minsan ang oras ko ay kulang pa sa sarili ko.

    ako mabilis sa pakiramdaman, pag hindi nag re reciprocate, ibig sabihin hindi interesado.
Sign In or Register to comment.