Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.
ON THE ROAD: PEX Commuters Guide II
Travel is a means to an end- HOME

photo courtesy of Charles Gaisano
It took us roughly 7 years to fill the previous thread. Punong-puno na siya and I think it's time to relocate to a new and fresher house!
This is the link of the first thread:
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=131876
:drive: :drive: :drive:
Umpisahan na! Sinong may tanong?
:dance: :dance: :dance:

photo courtesy of Charles Gaisano
It took us roughly 7 years to fill the previous thread. Punong-puno na siya and I think it's time to relocate to a new and fresher house!
This is the link of the first thread:
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=131876
:drive: :drive: :drive:
Umpisahan na! Sinong may tanong?
:dance: :dance: :dance:
This discussion has been closed.
Comments
meron na ba ditong naka-try ng Shuttle service ng NAIA 1-2-3 loop? 24/7 ba ang service nun? thanks..
^^ang alam kong shuttle service eh yung papuntang ayala ave. makati. coming from fcdba-sucat. (tapat ng pque. medical hospital)
saan yang naia 1-2-3 loop?? sa airport talaga yan makikita??
dumadaan ba yan ng mall of asia??
saka eto rin Q ko. paano ka makakarating ng mall of asia coming from pque.??? ginagawa ko kasi lagi ako nag-cab papunta MOA(if by myself lang).
The shuttle buses from NAIA T3 are located at the exit gate of the terminal. Merong 3 bays ata doon for different routes. One route na nakuha ko e eto,
Andrews Avenue (Paf Aerospace Museum, Shrine of St Therese of the Child Jesus, Marriot hotel, Newport city, Resorts World Manila)
Airport Road
Right on Roxas Boulevard (Baclaran church, here you can take buses to Cavite and Tagaytay)
Right on EDSA ( Heritage Hotel, LRT Taft, MRT Taft, Metropoint Mall) from here pwede ka nang mag cab or jeep to MOA
Right on Aurora Blvd then Edwards Avenue going back to NAIA Terminal 3
P15-20 ang one way fare. Cheaper compared to taxis.
I read one comment sa isang travel blog, she mentioned that the buses are labeled NAIA 1-2-3 (something like that) so I presume it will pass the other two terminals.
Route info courtesy of www.backpackingphilippines.com *okay*
From what i know, may mga jeepneys in Pque na may signage going to MOA.
yung sa tanong na papuntang F. ortigas jr road from MRT shaw:
lalakarin mo pa ang dulo ng flyover going to pasig/san miguel ave. para makasakay ka ng FX (Megamall). dadaan sya ng San Miguel Ave., pero ang nearest stop nito ay sa may El Pueblo (bababa ka ng metrobank) tapos lalakarin mo pa sya papuntang F. ortigas jr road
or the other alternative would be:
sakay ka ng jeep na papuntang antipolo or binangonan, dadaan sya ng meralco ave., pero bababa ka sa metrowalk at you will cross under the meralco-julia vargas flyover tapos mararating mo na ang F. ortigas jr road.
I'll assume na you're residing either near Sucat Road or Quirino Avenue, since hindi specified ang exact location mo. Sumakay ka ng FX/PUJ na pa-Baclaran via Boulevard. Baba ka sa me Lydia's tapos hanapin mo dun yung mga AUVs na derecho ng MOA. Pakalat-kalat lang sila dun. Prioritize looking for the green AUVs operated by SETSCCO, dahil ito yung me prangkisa. Kung wala, saka ka sumakay sa mga multicabs.
1. Pakikumpleto naman ang impmasyon na may kaugnayan sa paghingi niyo ng abiso, gaya ng eksaktong lugar (o vicinity) na panggagalingan at maging ng pupuntahan. Wag sana gawing mga manghuhula ang mga nagbibigay ng abiso
2. Sa kaso ko, WAG akong padadalhan ng PM, dahil HINDI ko sasagutin yan. This is for my security.
3. Ito ay commuters guide, so ang pangunahing assumption dito, ay via public transpo ang biyahe. Kung gagamit ng sariling sasakyan e pakipost na lang na me sasakyan kayo.
Yun lang, peepz. Salamat!
*may komikon raw sa sabado...sa may starmall...bat dun ang napili...hehe
***
Para di OT... May bus ba na papuntang Subic mula Cubao?
Ano bang meron sa Komikon? Sino mga dadalo? priority ko kasi yung mga manga/anime na exhibits, e. Pero sana andun si Chester Ocampo. Lupit magdrawing nun.
nabasa ko lang sa fb ni Harvey Tolibao kanina yung sa komikon. kaso di naman working link ng komikon :mecry:
Eto yung ibang artist na kasama > Stephen
Segovia, Carlo Pagulayan and Mannix Abrera
^^^salamat. sa pagsagot. galing ako ng sucat road. anyways mukhang hassle tumambay sa baclaran.. para lang sa auv na yun. At talagang cab lang ang pinaka-kumportableng masasakyan. i guess yung mga shuttle na nasa MOA na pumupunta ng pque. eh ang stop nun eh sa mrt TAFT pa. salamat ulit!!!!
^^^salamat, sa pagsagot. mangga-galing kasi ako makati, coming from pque. siguro kung nagmamadali ako, mag cab na ako from sm makati going to emerald ave. ortigas.
-tinatanong ko nga kung merong sumasakay ng papuntang ortigas coming from mrt ayala/near sm makati shuttle station,
kasi parang may nakita ako signage na papuntang ortigas doon, kaso di ko alam ang stop sa ortigas nun.
-mukhang hassle yung 1st route mo na mag-FX pako from san miguel. eh bababa lang pala ako sa elpueblo.
-ang choice ko talaga eh lakarin mula mrt shaw going to megamall and pass by st.francis square/mcdo/banco de oro at yun nga lakarin ko na up to emerald ave. -talagang walang kawala sa BONGGANG-BONGGANG LAKARAN.
-ang isa ko pa ngang choice eh, bumaba sa mrt-ortigas tapos lakarin ko mula adb ave. papuntang equittable tower. tawid ako tapos kanan na sa emerald ave. pero kasi yung lakaran mula mrt ortigas up to adb ave. eh (nakakatakot sa gabi).
Try this: http://www.philanime.com/?m=20101113&cat=33
I don't know, but I think I'm gonna pass from this one.
tanong ko lang po..paano po magpunta sa East Tower, PSE Centre, Exchange Road, Ortigas Center, Pasig City (kilala rin daw yan sa Tektite Tower..hindi po ako sure)
kung galing ako ng Rob Galeria? SM Megamall? saan po sakayan paunta jan? pwede bang lakarin lang yan?
Salamat po...
sa gilid ng Galleria may pila ng jeep doon dadaan malapit sa Tektite or PSE Tower.. kaya lang ang baba mo ay doon sa J. Vargas.. tawid ka sa overpass, kabilang side kasi ang building na yan.. malapit lang naman lakarin..
pwede nga lakarin mula Megamall kung hindi umuulan*okay*
^^dito ba sa galleria eh may sakayan papunta-dadaan ng emerald ave. ortigas?? Curious lang ako.
yan din mismo ang mga jeep na dumadaan sa dating Emerald Ave. (F. Ortigas Jr. Ave na ngayon location ng Jollibee Plaza, Strata 100, Padilla Bldg., Raffles Center etc.):bop:
^^ anyways thanks. mukhang mas dadaan na lang ako ng megamall, at pupunta sa mga cabs na nandun sa sm supermarket. or yun nga lakarin na lang from there.