Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Home for the aged para sa iiwang magulang

Hello guys! Baka naman matulungan niyo ako.

Etong situation ng isa kong kaibigan,

Isa siyang typical na OFW, na may maiiwan na magulang sa Pilipinas. Actually iisa na lang, Tatay nya na lang. Pumanaw na 'yung Nanay nya nung bata pa siya.
May sakit si Ama, medyo hindi na makatayo, at makapagtrabaho o makagalaw. 62 na edad niya.

Sad to say, uuwi sya ng emergency leave, para lang maasikaso ang Ama. Asa ospital siya ngayon at inaalagaan ng kapatid nyang lalaki. Pero sya ang bumubuhay sa kanilang 2.

Aalis na din ng bansa and kapatid nya, para makapagtrabaho din ng mas maayos. Suma tutal, walang makakasama ang tatay nya. Hindi niya kayang mag-resign sa trabaho kasi walang maaapplyan na trabaho sa Pilipinas.

Humihingi ng advice sakin eh, kung saan ba pwedeng ipasok ang tatay niya, sa isang home for the aged.

Wala akong alam kung saan at ano talaga ang sistema at sitwasyon ng mga nasa home for the aged.

Naisipan ko lang maipost to dito, baka sakaling matulungan natin 'yung kaibigan ko. Baka naman meron PExer na gumawa na nito or nakakaalam kung ano ang maganda at masamang maidudulot ng ganitong paraan.

Maraming salamat!
«1

Comments

  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kalimutan mo na ang home for the aged.

    Kumuha na lang siya ng kamag-anak o sinuman na mag-aalaga sa may sakit na ama. Bayaran na lamang nila ang mag-aalaga....

    -Just_JT
    Daming.ganyan.sa.'Pinas.
  • LimpBwiZitLimpBwiZit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wag na sanang paalisin ang kapatid nya. sa kwento mo naman, it seems single naman sila pareho, kaya hindi naman siguro ganun ka-pressing ang need na mag-work sila pareho.

    mukhang malubha ang sakit ng tatay, better siguro na member of the family ang mag-alaga. nagawa nyang buhayin ang magkapatid nang mag-isa, sana kahit man lang sa huling bahagi ng buhay nya, isantabi muna nila ang mga plans nila. ang saklap naman na mamatay sya sa piling ng strangers.

    i was faced with a similar dilemma before, and after consulting my close friends, i chose to spend time with my aging parents. sometimes, i blame myself for making the decision coz i feel i'm stagnating professionally. pero kanya-kanyang trip nga tayo, i feel more rewarded by the honor of being able to be there for them, than for whatever career advancement i might have achieved, had i decided to pursue my own interests.

    maraming nagkwento sa akin na ang sama daw ng pakiramdam pag nawala ang parents mo without you having taken care of them, and not knowing what ran in their minds in their last moments. gusto mo daw ibalik ang panahon and sana ginawa mo ang pag-alaga sa kanila.

    of course, call ng friend mo yan. sya lang ang tanging may alam sa buong situation.
  • hooneyhooney PEx Influencer ⭐⭐⭐
    grabe pababa ng pababa pala life span ng mga pilipino now noh? kase yung mga pumanaw na lolo at lola ko lampas ng 80 eh, yung dalawa buhay pa now lampas pa rin ng 80 pero hindi nakaratay, lol observation lang po
  • macoy151macoy151 Moderator PEx Moderator
    nakakalungkot na sitwasyon pero in my opinion, mas maganda sana kung hindi itatake over yung tatay niya sa home for the aged.
    at least kung sa isang member of the family / relative siya iiwan o ipapaalaga at least may assurance ka na natitingnan at naalagaan ng mabuti yung tatay. pero case to case basis pa rin yan eh.

    mas mabuti kung sa relative na lang siya iiwan, sa isang relative na lubos na mapagkakatiwalaan.
  • grabe, kung ako anak nun,hindi ko siya ilalagay sa home for the aged kasi hindi ka naman nakakasiguro s amga ugali ng mga nag aalaga no..ang tao pa naman,kapag nappagod at stress,nakkatakot magalit.. tama yung sagot nila,maghanap ng relative tapos lagyan ng cctv ang bahay para mamonitor ang kilos ng nag aalaga baka sinasaktan din niya si patient *okay*
  • ang napuntahan ko pa lang na home for the aged ay yung Golden Acres, sa tabi ng SM North Edsa. hindi po ito magandang lugar, dahil wala itong kinaibahan sa bilibid prisons sa muntinlupa, na napuntahan ko na rin. in other words, parang mga preso ang mga matatandang nakatira doon. sila ay nagsisiksikan sa kanilang mga kwarto, nag-aagawan sa pagkain at mga donasyon, nakikipag-away sa isa't isa, etc. may part duon kung saan naka-isolate ang mga matatandang bedridden na. nakakalungkot lang, kase sobrang dumi at baho ng lugar na iyon. halatang hindi nalilinisan regularly.

    hindi ko lang alam kung ganyan din ang kalagayan sa Anawim sa Montalban.

    mag-hire na lang sya kamo ng caregiver. pero dapat may kamag-anak pa rin na titingin sa ama nya. dahil ang pagmamalasakit ay hindi maipipilit sa isang caregiver, pero sa kamag-anak, pwede pa.
  • pexer26pexer26 PEx Veteran ⭐⭐
    LimpBwiZit wrote: »
    wag na sanang paalisin ang kapatid nya. sa kwento mo naman, it seems single naman sila pareho, kaya hindi naman siguro ganun ka-pressing ang need na mag-work sila pareho.

    mukhang malubha ang sakit ng tatay, better siguro na member of the family ang mag-alaga. nagawa nyang buhayin ang magkapatid nang mag-isa, sana kahit man lang sa huling bahagi ng buhay nya, isantabi muna nila ang mga plans nila. ang saklap naman na mamatay sya sa piling ng strangers.

    i was faced with a similar dilemma before, and after consulting my close friends, i chose to spend time with my aging parents. sometimes, i blame myself for making the decision coz i feel i'm stagnating professionally. pero kanya-kanyang trip nga tayo, i feel more rewarded by the honor of being able to be there for them, than for whatever career advancement i might have achieved, had i decided to pursue my own interests.

    maraming nagkwento sa akin na ang sama daw ng pakiramdam pag nawala ang parents mo without you having taken care of them, and not knowing what ran in their minds in their last moments. gusto mo daw ibalik ang panahon and sana ginawa mo ang pag-alaga sa kanila.

    of course, call ng friend mo yan. sya lang ang tanging may alam sa buong situation.


    and you inspired me to do the same for my parents brother! thumbs up for you!*okay*

    TS, no experience on that but it will definitely break his dad's heart if he choose to put him in a home for the aged.
  • awww... para sa akin mas maganda nga kung kayo mismo o isa sa inyo ang tatambay muna sa bahay para bantayan ang dadi nyu habang mag hire ng caregiver at nurse sa bahay...

    kami ng kuya ko dalawa lang kami mag kapatid.
    ngayon nasa ibang bansa na ang bro ko...
    kapag nanyari ang ganyan baka ako ang umuwi kasi ako ang babae though si kuya ko ang may certificate sa pagging caregiver...
    pero pag uusapan namin basta isa sa namin ang mag babantay...

    though kahit sabihin pa ng dad ko na ayaw nya kami maistorbo sa buhay namin ngayon...kami pa rin mag aalaga sa kanya...
  • LimpBwiZitLimpBwiZit PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pexer26 wrote: »
    and you inspired me to do the same for my parents brother! thumbs up for you!*okay*

    TS, no experience on that but it will definitely break his dad's heart if he choose to put him in a home for the aged.

    pag-isipan mong mabuti. it's tough, lalo na if they count on you, and ang hirap talikuran once you've made the commitment.
  • Mickey2000Mickey2000 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mag hire na lang si friend ng professional nurse,ganon din naman ang gastos kung ipasok sya sa nursing home, at least kung may stay in na mag-alaga sa kanya,mas maganda pa.Magkano ba sweldo ng professional nurse sa atin, siguro swelduhan nya na lang ng 30k, magkano lang yun tutal nasa abroad naman sya, around $600/month, pwede na,at least professional pa.*okay*
  • nikkilovenikkilove PEx Influencer ⭐⭐⭐
    JUST_JT wrote: »
    Kalimutan mo na ang home for the aged.

    Kumuha na lang siya ng kamag-anak o sinuman na mag-aalaga sa may sakit na ama. Bayaran na lamang nila ang mag-aalaga....

    -Just_JT
    Daming.ganyan.sa.'Pinas.

    yes, good advice.

    just to add up, with no strict regulatory accrediting body in the country, who knows what cross contamination or infections your father may get in our elderly centers in pinas. and prone sya sa bullying ng ibang aggressive na matanda. so yes having your own private caretaker is much better. just get a police or nbi report for your caretaker and get a trusted relative, check them once in a while will get the worries of your head.
  • Maraming salamat sa mga advice niyo, pero sa kasamaang palad, hindi na niya inabot ang ama. Sumakabilang buhay na siya the day before his flight back home.

    Plinanong niyang umuwi ng 1 day before the scheduled emergency leave, para mas makapiling ang ama. Tinanong pa niya ang kapatid kung okay pa daw ang ama, at oo, okay pa naman daw nun para makasigurado. Kaya nagspend pa siya ng extra day para makapagprepare ng gamit at ng mga dadalhin.

    Parang nagbiro and tadhana, kung natuloy siya sa biyahe niya, darating siya sa pinas airport one hour after ng time of death. Hindi na rin talaga niya maabutan sa ospital at mag-isa lang siya sa panahong yun, mas pinili na sigurong kasama kaming mga kaibigan dito para masuportahan kaagad siya. Cardiac arrest and naging cause of death, due to multiple organ failure starting from the lungs, kidney then prostate. :depressed2:

    Magkakasama kaming magkakaibigan nung tumawag ang kapatid niya para ipaalam and masamang balita. Hindi na siya naantay. :depressed: Grabe, ang sakit!

    Pero tama nga ang advise niyo, lahat halos nagsabi na ang kapatid na muna ang magalaga at wag ipasok sa home for the aged. Halos yun ang naipayo naming lahat.

    Maraming salamat sa inyo, kung maidadamay niyo na lang siya sa mga panalangin niyo.
  • meron dito sa dasma cavite, mountain crest homes ang tawag..
  • abusado23abusado23 PEx Rookie ⭐
    mabuti naman kung ganun at hindi na sya mamomroblema at hindi na rin magiging kawawa yung tatay pag iniwan mag isa...
  • Hi Guys, hope you can help me. Nag-post na kasi ako sa Golden Acres wedbsite pero mukhang wala atang nagrereply doon. Yung father ko kasi violent masyado. 10 years na siyang disabled dahil na-stroke siya. Pero sad to say kahit kami na ang bumubuhay sa kanya, nananakit pa rin siya. Nakakahiya rin sa mga kapitbahay namin dahil ang hilig nyang sumigaw pag di nasusunod ang mga gusto niya. I was thinking na baka mas makakabuti sa aming lahat kung dadalhin na lamang namin siya sa Home for the Aged like sa Golden Acres. Siyempre unang consideration eh iyong budget. May nakakaalam ba sa inyo kung magkano ang maari naming magastos monthly at kung paano ang process. Thanks sa lahat ng makakatulog.
  • buti pa nanay ko, nung nag-abroad ako, nakahanap ng kaibigan niya, ngayon tuwing tatawag ako nasa layasan, hindi ko mapigilan, sobrang enjoy sya being independent... hahaha
  • leeangleeang PEx Rookie ⭐
    Nessie84 wrote: »
    Hi Guys, hope you can help me. Nag-post na kasi ako sa Golden Acres wedbsite pero mukhang wala atang nagrereply doon. Yung father ko kasi violent masyado. 10 years na siyang disabled dahil na-stroke siya. Pero sad to say kahit kami na ang bumubuhay sa kanya, nananakit pa rin siya. Nakakahiya rin sa mga kapitbahay namin dahil ang hilig nyang sumigaw pag di nasusunod ang mga gusto niya. I was thinking na baka mas makakabuti sa aming lahat kung dadalhin na lamang namin siya sa Home for the Aged like sa Golden Acres. Siyempre unang consideration eh iyong budget. May nakakaalam ba sa inyo kung magkano ang maari naming magastos monthly at kung paano ang process. Thanks sa lahat ng makakatulog.

    I'm not an expert and slightly off topic, pero baka may dementia (vascular type) si Daddy mo kaya nagbago ugali. Me kasama pang depression b/c of disability. I think you should seek first a doctor na nag-specialize in geriatric medicine. See what they can do. For me, Home for the Aged is the last, last resort. I live near one, and yung mga nandun eh yung mga elderlies na couldn't find their way home or natatagpuan sa kalye na dinadala ng DSWD. Wala pa akong nakilala na sadyang iniwan ng relatives.
  • mas favor ako sa kamag anak na lang iwan yong tatay nya kasi mas kailangan nya ngayon ng kalinga. kung pwedi naman na may isa sa kanila na mag alaga mas mainam
  • So sad, darating din tayong lahat diyan.
  • Agree na hindi dapat ibang tao ng tumingin sa mga magulang pag tanda nitong mga to, mga anak talaga dapat...
Sign In or Register to comment.