FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

mapang asar na mga lalake nagpapapansin ba o sadyang ganun lang?

i have an office mate wala na syang ibang ginawa kundi asarin ako at bwesetin sa araw-araw na ginawa ng diyos na magkita kami sa ofis. NUng una okay lang pero minsan naiirita na ako lalo na lately. MInsan wala aok sa mood hirit pa rin ng hirit. Feeling ko tuloy minsan nagpapapansin lang sya pero bakit? sabi nang kapatid ko baka may gusto daw? pero naisip ko imposible kasi meron bang ganun? may gusto ko pero iinsultuhin buong pagmumukha mo?
Marami nang nakakapansin kasi lagi kami nagsasagutan, kaya tawag nila LQ na naman daw. minsan pa nga kinantyawan pa sya may gusto daw kasi lagi akong inaasar. pero pag naiisp ko if totoo yun NANDIDIRI ako to the point gusto ko na sya iwasan. Usually nakainvisible na ako sa ym, kasi pati sa ym binibweset nya ako. at pag naka invisible naman ako tinetext nya ako, at hahanap sya ng sumthing na ikaka bweset ko. Pati sa FB friend ko sya puro sya na lang comment ng comment sa status ko at yes, pang asar na naman. Kaya lately lagi na tuloy mainit ulo ko dahil sa kanya. Ano ba guys ganito ba kayo papansin o talagang sadyang mapang asar ang ibang lalake. *peace* Gusto o na syang iwasan kaso sya lang ka close ko sa ofis. :depressed:

Kung may gusto man sya please tantanan! if wala tantanan pa din!!! :grrr:
«1

Comments

  • Rocky RoadRocky Road Sugar Roll PExer
    He likes you but he doesn't know how to express it. Ang resulta, inaasar ka nya because he is getting your attention. I know, I was like that when I was in "high school":D
  • pinay_paypinay_pay Member PExer
    i would understand if high school kami..eh gurang na kami pareho saka bukod sa pangiinsultu nya may asawa ako kaya mukhang hindi ganun. He treats me like I'm one of the boys, which I am but not to the point na ganun. Babae pa rin ako kahit papano. lagi nya pa akong natatawag ng '[email protected]', 'pakyu', 'pangit', 'unngoy'. MInsan nagkwento ofismate ko na napagkamalan kaming mag asawa, reaction ba naman 'yuck, kadiri!'. kainsultu ha! . O sabihin mo saakin kung hindi nakakbweset yun? Pano ba iiwasan mga ganung tao. sinabihan ko na din sya wa epek. At apektado na rin ako kahit papano, minsan naiisip ko na din pangit ba talaga ako? pero alam ko hindi naman unggoy!:bop:

    OR baka BAKLA sya! yun lang siguro yun.

    hay buti na lang mag eend na contract ko at pwede na magresign.
  • dudeparebrodudeparebro Member PExer
    sampalin mo siya ng malakas. yung malakas talaga
  • tito423tito423 Member PExer
    Try niyo pagkaisahan ng mga officemates mo, yun tipo lahat kayo ibabalik sa kanya pang aasar o kaya asarin mo na way too personal like under the belt and tingnan mo ano maging reaction niya, as the saying ang malakas mang asar mas madali mapikon.
  • shiningshining John Lloyd Cruzzz. PExer
    LOL. May gusto yan. Nahihiya lang. Subukan mong layuan muna or pagtulungan with your other officemates. Lalabas at lalabas rin ang katotohanan sa huli. Tignan mo, sure kami ng iba na may gusto iyan sa iyo. :D
  • pinay_paypinay_pay Member PExer
    yep, tama kayo ang bilis nya nga mapikon. Sya actually laging pinagtutulungan asarin ako lang paborito nyang balikan. Na sabihan ko lang sya wag nya hingaan yung plastic na ibabalot sa pagkain kasi bad manner yun, nagalit nakakaoffend daw ako. eh di ba totoo naman? tapos kakainin nang iba :rolleyes:..actually, one time sobrang napikon sya pinag tulungan namin, pero saakin sya pinaka napikon (na i don't think kapikon pikon), nag apologize ako kasi nga mukhang grabe ata ang sagot saakin "pak-yu" with dirty finger. I got really offended, nanginig ako sa inis. Never pa may nag ganyan saakin, kahit asawa ko never ako namura sa pinaka malala naming away. BUt then I apologized pa din twice on the next day but he ignored me. So then I moved on and hindi na rin sya pinapansin, I even requested to have my seat transferred since katabi ko sya, sobrang ilang ako. Tapos ilang araw hindi ko na sya pinapansin sya na nagsusuyo saakin like wtf?! may deprensya ka ba sa utak? at bumalik na daw ako sa upuan ko, sana daw bumalik yung dati naming samahan. HIndi ako bumalik (hanggang ngayon malayong malayo ako salmat) sabi ko na lang hindi ppwede kasi dun na ako nireassign. Ang wierd kasi dpat daw may gawin ako para sa kanya para makabawi or magbati kami dun ako talagang nagiba tingin ko sa kanya, manuod daw kami ng sine, ilibre ko daw sya to make it up to him..sabi ko whut?! sa loobin ko ang cheap ha :rolleyes: ayaw mo nagn sorry ko pero gustomo ng tiket sa sine??! pero just to end the fight binigyan ko sya pera sabi ko o manuud ka magisa mo. pero ayaw nya gusto nya kasama ako, so nag papizza na lang ako kesa sumama :D

    I try to avoid his company as much as possible kaso usually lalo lunch hindi maiiwasan kasi dati sabay sabay kami ng iba naming ofis mates mglunch so hindi maiwasang sumabay pa din ako. MInsan wala akong lakad friday, kasama buong ofis frends napapasama ako, tapos sya na naman tatabi sa kin :confused:
    I like him as friend, he's very funny and down to earth just like me kaya nag jijive kami but there is something in him i find very annoying or irritating or maybe it's the thinking that this guy might like me kaya ata iritado ako. hindi naman pala problema to, naiinis lang ako kakatapos lang kasi nang pangaasar nya. Sorry mods close nyo na, baka mabasa nya pa :p
  • JameauxJameaux Half-man half-magician ✭✭✭
    Meron talagang ganyan pero not necessarily na gusto ka na nya agad like gusto ka niyang maging kayo. Meron kasing mga lalake na makulit lang talaga.

    Posible din na gusto ka nga nya pero dahil may asawa ka na, nili-limit niya ang sarili nya sa pakikipag-usap ng seryoso sayo kasi ayaw niyang mahalata na may gusto sya.

    Anyway, ang trick diyan is wag mong pansinin as in dedma. Kasi siguro pinapatulan mo kaya lalong nampo-provoke. Kasi iisipin niya type mo rin siya kasi pumapatol ka sa mga pang-aasar niya.
  • one-shotone-shot Member PExer
    Papampam yung guy.
  • darmonxdarmonx Member ✭✭✭
    Sa tono ng posts mo parang kursunada mo rin. Really kung hindi mo kursunada rin, it's time to draw the line. Wala ng kinalaman yung pag ka gusto niya sa iyo o wala. Kung naiinsulto ka na o naasar... he needs to stop. This is very close to harassment or workplace bullying.
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    Officemate pala, e. Bantaan mo na kapag hindi siya tumigil sa pang-aasar, isusumbong mo siya sa HR para malagay sa employee record niya ang harassment. Tingnan natin kung hindi titigil ang hijo de p*ta ... :glee:

    -Just_JT
    Abangan.ang.sagot.ng.ogags. :bungi:
  • pinay_paypinay_pay Member PExer
    darmonx wrote: »
    Sa tono ng posts mo parang kursunada mo rin. Really kung hindi mo kursunada rin, it's time to draw the line. Wala ng kinalaman yung pag ka gusto niya sa iyo o wala. Kung naiinsulto ka na o naasar... he needs to stop. This is very close to harassment or workplace bullying.

    really? coz where exactly sa post ko nag ka tono na gusto ko rin sya? yes, gusto ko sya as a friend coz he's funny (he's like break time/lunch time entertainment guy) but never as more than that. And believe me I don't enjoy the attention coz if I do, I would have not write anything about it here. Yes, I am drawing a line already ever since nag demand sya na ilibre ko sya sa sine which I got really turned off (hindi pa nga ako natuturn on na tun off na ako). Bago yan, lagi sya nag jojoke mgpalibre which I think hindi joke kasi pag umo-o ako nagpapalibre talaga sya na isa pa sa kinaiinis ko kasi everytime mag aaya ako sa grupo like meryenda tayo, tatanungin nya muna libre mo? nakakairita dba kaya minsan sinsabi ko hindi ikaw inaaya ko ok? or minsan hindi ko pinaparinig sa kanya na nagaaya ako. Isipin mo para patawarin ako gusto nya ilibre ko sya? And to think sya nagsimula mang asar, nabweltahan ko lang nang mas malala nagalit na. bakla ba sya? :rolleyes:

    Oo, iiwas na talaga ako at pag kasama man sya, sisiguraduhin kong hindi ko sya katabi. :bop:
  • pinay_paypinay_pay Member PExer
    one-shot wrote: »
    Papampam yung guy.
    anong papampam?
  • blue_tracerblue_tracer soundscapes ✭✭✭
    dahil office mate mo naman at ka-close mo pa, idaan muna sa diplomasya.

    kausapin mo ng seryoso. sabihin mong hindi mo gusto itong pang kukutya niya sa iyo.

    pag hindi nakinig..

    putulin mo na pagkakaibigan ninyo. ikaw din yata itong di makabitaw-bitaw yata sa kanya eh. :hiya: ano bang meron?

    pag hindi nakinig..

    mag sumbong na sa HR ninyo. para ipatawag kayong dalawa. tutal marami rin namang testigo siguro sa office tuwing inaasar o binabastos ka.

    pag hindi nakinig..

    ipaalam mo na sa asawa mo. para umakyat ang mister mo sa office ninyo just before break time para mag pangabot kayong tatlo at masabihan siya.

    pag hindi pa rin nakinig.. eto ang final solution:

    pa-salvage niyo na 'yan.


    'yan fair-fair.
  • tripkoyantripkoyan Member ✭✭✭
    Dedmahin mo nlanag kasi. Mga mang aasar lalo natutuwa kapag naaasar/napipikon yung inaasar nila.
  • infinite_trialinfinite_trial ♥ Drayer PExer
    block mo sya sa ym, sa fb, etc at bantaan mo na isusumbong mo.

    i dunno why you want to be friends with someone na minumura ka na.

    usually yung mga ganyan, may gusto nga. kaso may gusto man sya o wala -- it should not matter dahil may asawa ka naman. ignore mo na lang o isumbong mo. those are your options.
  • blue_tracerblue_tracer soundscapes ✭✭✭
    hindi kaya nagkakagustuhan silang dalawa? :hiya: :lol:

    kung matagal nang umapaw ang galit ni ts kay mr. alaskador, di ba dapat binagsakan na niya nito ang ulo ng monitor/computer screen? :hiya:

    kung 'panget' si ts as what this guy constantly claims, eh bakit hindi mapakali si mr. alaskador pag hindi makapang-asar at hindi mapansin ito ni ts?
  • pinay_paypinay_pay Member PExer

    putulin mo na pagkakaibigan ninyo. ikaw din yata itong di makabitaw-bitaw yata sa kanya eh. :hiya: ano bang meron?

    Anong meron? wala. Kaya hindi ko maiwasan minsan sumama where andun sya kasi wala akong ibang kaibigan. :depressed:

    Bago ako sa manila, galing ako probinsya. Mag kakabatch kami dito so mga 5 kaming close, laging sabay mglunch, meryenda, gimik etc kasama sya dun. Pag uwmiwas ako which is ginawa ko ang lungkot nang buhay kasi lahat sila naiiwasan ko kasi mgkakasabay nga. Wala dito buong family ko, asawa ko naman ay OFW so wala rin dito. SO actually minsan kahit gusto ko, wala akong choice kung hindi makipag kaibigan. Kaya hindi rin ako makabitaw. yun lang yun wala nang iba pa. Pero kung ganun din naman since mageend na contract ko nga, okay lang nagaaply na ako sa iba meaning new friends and people na wala sya.

    Natawa nga ako kasi nagaaply din sya sa iba, nirefer ako *** daw magkatrabaho kami. nyay. :bop:
  • sleepless105sleepless105 Caffeine Drinker PExer
    His acts are not acceptable. That's harassment. Isumbong mo sa HR kasi bawal yan. Grounds for disciplinary action yung ganyan. You have proofs so there's no reason why not to contact your HR representative. :boxing:
  • pinay_paypinay_pay Member PExer
    Sige aaminin ko malakas din ako mangasar sa kanya since nung una sinasabayan ko sya, lahat kasi kami inaasar nya, saakin lang malala at ako lang mejo lumalaban. Pero nuon yun, ngayon hindi na since napprovoke lang lalo if sumasabay ako. ang problema pa dati sya pikon ako hindi kaya kenekailangan ko magapologize everytime na natatamaan sya. Saka ako na sa lugar naman mang asar. One time lang na foul ako yun ngang galit na galit sya which is lahat naman kami pinagtulungan sya ewan ko ba bakit saakin lang sobrang nagalit.

    Hindi naman sya nanghaharass, masyado namang strong yung word na yan. Offensive lang na ginawa nya yung aminura nya ako with dirty finger which is mejo may kasalanan din ako. Pero I don't think It's valid reason para mang ganun lalo na sa babae at nagaapologize naman nga kung iisipin, buti sana if inaasar ko pa din sya.

    Ang probelma ko lang is since nagbati na kami, ubod na nang OA ang kakengkoyan nya at pangaasar nya, masyado ata naging comportable saakin. YUng tipo bang sa sampung sinabi nya 7 ang insulto saakin, nakaka degrade na minsan. Naconfront ko na din sya, nagsorry naman, nakakalimut daw sya na babae pala ako, mukha daw kasi akong lalake :rolleyes: (o dba magsosorry na lang,may insulto pang kasama). yun lang. as I have said hindi nga ata malaking problema to like I thought. Iritang-irita lang ata ako nung time na pinost ko to. Sana nga isara na lang to. salamat sa mga nagreply.

    Pano ba to ipasara? sino ba dapat kong imsg?
  • the_icewolfthe_icewolf in the DMZ... PExer
    ganyan din ako sa type ko e...

    pero di naman ganyan katindi...

    masaya din kasi yung sumasagot at inaaway ka ng inaasar mo e... kesa yung aasarin mo tapos mananahimik na lang (yun ang di ko inaasar; baka me tama sa ulo di ba)
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file