what should I do? need some advice guys

Hello guys..Im new here, hope you can help me with my prob.

My story is kinda long so to make it short, nagbreak kami ng bf ko kasi ganito yun...

Nagkatampuhan kami ng bf ko dahil nagselos siya..so walang communication kahit sa text for a couple of days.

Then wednesday un, nagkachat kami ng kapatid ng ex gf niya, mahabang usapan sa chat syempre. Lahat ng tungkol sa bf ko naungkat, yung mga kalokohan na ginagawa niya dati at ngayon (kasi tong ex niya is neighbor lang nila) so nakikita raw nila na may kasamang ibang babae si bf ko everynight. I dunno kung totoo yung mga sinasabi nya kasi the fact na ako yung gf now is baka sinisiraan nya lang sakin si bf ko. Pero napapaisip din ako somehow kasi si bf ko may pagkasinungaling kasi at maraming katext..grabe sa dami!! At nahuli ko na rin siya sa text na may sinasabihan ng i miss you, i love you para pa ngang magkikita sila.

Then marami pa silang sinabi, na kesyo pinagkakalat daw ng nanay ng bf ko na ayaw niya sakin etc.. masasamang bagay pa yung sinabi. Ito kasing nanay niya,pagpumupunta ako sa kanila masama kung makatingin at di pa ako kinakausap kahit binabati ko naman siya..so parang naniwala na ako dun sa sinabi sa chat.

So ayun na,sobrang galit na galit ako..fresh pa kasi yung feeling of hatred sakin kaya gumawa ako ng sulat na pagkahaba haba para sa bf ko. I was expecting that night pupunta si bf sa tambayan namin, dun sa bahay ng bestfriend namin. At pumunta nga siya dahil tinext siya ng kaibigan ko at nag usap pala sila that night. My friend suggested him to fix our problem at mag usap na raw kami. (pero di ko alam na ganun yung mga sinabi ng friend ko kasi nalaman ko lang un after I gave the letter to my bf.)

I went to my friends house then I immediately gave the letter to him and walk away. Tapos nalaman ko sa text na nakauwi na pala si bf sa bahay nila. Ayun nakareceive na ako ng text mula sa kanya. Lahat puro galit yung nilalaman. At todo away talaga kami sa text hanggang sa nakatulugan ko na. Paggising ko the next morning, nakareceive ako ng text na naman mula sa kanya. Sabi nya wag mo raw mumurahin nanay ko kasi mas beyatch ka..mga ganun yung linya (minura ko kasi nanay nya sa sulat at sinabihan ko na mamatay na).

Ang haba na pala ng post ko :)

Tapos yun galit na galit na siya sakin..sinabi pa nya aayusin ko sana yung tampuhan natin nung wednsday ng gabi kasi pinahuyan daw siya ng kaibigan namin pero di na nya itutuloy kasi sobrang nagalit siya sa mga sinabi ko sa sulat..at ako naman parang nakonsensya sa mga nasabi ko. Di ko alam kung magsosorry ba ako nalilito ako that time. Pero kapag naiisip ko yung mga nalaman ko sa chat,bumabalik yung galit ko sa kanya.

Then later that night, i received a text coming from him.. sabi nya "malinis konsensya ko at walang kasalanan sayo nanay ko. gudnight. i miss you". Parang napatalon ako sa tuwa sa sinabi niyang miss nya raw ako. Pero di ako nagreply. After 15 mins i received a text again from him, sabi na naman nya, pag di raw ako magreply wag na raw ako magtetext sa kanya kahit kailan. So ayun I asked my friend kung tama bang magreply ako. At sabi ng friend ko wag daw, "kung talagang mahal ka nya di ka nya matitiis at gagawa yan ng paraan para magsori sayo.. Isipin mo yung mga ginawa ng nanay niya sayo at yung mga ginawa niya sayo mismo..pahalagahan mo naman sarili mo." Napaisip ako dun, maraming beses na kasi nya akong pinaiyak, yun nga lang di nya alam na iniiyakan ko siya.

The following day, i was waiting for him to text me pero wala. Hanggang lumipas na ilang araw, wala tlaga. Minsan nagkikita kami sa house ng friend namin pero di nya ako pinapansin.

My problem now is I still love him. Gusto kong magsorry pero pano kung totoo yung mga nalaman ko? Di ko kasi kayang nakikita siya at di man lang makausap. Nasasaktan ako kasi sobrang mahal ko pa siya.
Do you think guys mahal parin nya ako? ayoko kasing umasa. What should I do?

Thank you sa nagtake time para magbasa sa kunwari ay short pero mahabang post pala.

Comments

  • mihyuljangmihyuljang same Q PExer
    e di magsorry ka po then you get back again. then iiyak ka na naman. pero parang ok lang sa iyo ang ginaganyan ka. to think bf mo palang sya.

    dont invest on something na alam mong madidihado ka. love is a gamble, make sure na mananalo ka sa pinaglaanan mo ng pagmamahal mo. dont go with the notion na you can change him. that is a very risky and dangerous idea.

    pero buhay mo yan. kung saan ka masaya.
    pero hindi lahat ng nakakapagpapasaya sa iyo ay tama
  • blue_tracerblue_tracer soundscapes ✭✭✭
    lengthy post..

    may tatlong issues dito na medyo naghalu-halo. (1) yung love mo sa kanya (2) yung pagiging player niya (3) mother niya.

    kung mahal mo pa siya and that you can't afford to lose him, bigyan mo siya ng isa pang chance. tingnan muna ninyong dalawa baka pagsubok lang itong nangyari.

    marami siyang ka-text na ibang babae.. dalawa lang naman yan eh. (1) kaibigan niya talaga o barkadang babae (no hanky-panky) or (2) alam mo na.. hehehe.

    i thought i was going to write depende kung gaano mo siya kamahal.. pero ang medyo mas tama yata ay eto: depende kung anong klaseng lover ka.

    anong basis mo para mahalin pa siya? okay lang ba na hindi mo na siya check kung meron siyang ibang mga binibira na babae? magpapakabulag ka lang?

    or.. isa kang klaseng lover na may sinusunod na sariling guide line or reason/basis. yun bang alam mong magsabi ng tama na, mali na ito.

    doon sa mother niya.. kung sakaling nakagawa ka nang disrespect sa kanya, wala ka nang magagawa diyan. pag dasal mo na lang ganun ka nga kamahal ng bf mo para unti-unti maging good shot ka doon sa nanay niya.

    mahirap yan ngayon kasi ang tingin mo sa kanya, siya lang ang no. 1. siguro, mag assess ka muna at mag isip-isip bago ka makipagbalikan sa kanya ulit.

    ang ginagawang style ngayon ng bf mo ay ipakita niya na in control siya. na ikaw ang yuyukod sa dulo nito.

    your call.
  • darmonxdarmonx Member ✭✭✭
    i miss you lang kinikilig ka na? ano ka, katorse?

    May reputasyong sinungaling, babaero, at nagparamdam ng taray sa iyo nanay niya tapos paniniwalaan mo pa rin siya?

    How about re-thinking your priorities? school, studies, work?

    Kung gusto mong maging miserable ng matagal (6 months to one year... depende sa tagal ng relasyon niyo) then go.. mag sorry ka na. Pero kung gusto mong maging miserable ng sandali (isang araw hanggang isang buwan), huwag ka ng magsorry at bayaan mo na siyang maghabol.
  • ayahimeayahime Innocent Sly PExer
    Hmm.. wala to. Immature yung boyfriend eh.. -_-v. Pero TS kahit galit ka di ka dapat mandamay ng ibang tao (gaya ng nanay) wala naman itong kinalaman sa relasyon nyo dahil di pa naman kayo magasawa. So, off limits ka dun. lol.

    Basura yang ex-bf mo. tapon mo na. lol ( sorry trash hater kase ako )
  • go finish your study, get a masters and get a well payed job, high end guys with good perspective in life will come after you, don't waste your life on some people na wala pang napapatunayan, madami pang 10x na higit dyan.
  • iamshrekiamshrek Member PExer
    kung ako sayo, wag mo na balikan yung bf mo, halatang very manipulative sya at babaero. pano kung magasawa na kayo at nambababae pa din, ano gagawin mo? ang nakikita ko dyan ay, pag kinompronta mo, magagalit sayo.. sasabihin wala kang tiwala, ikaw naman, mag so-sorry, lalabas, ikaw pa din may kasalanan.

    tama lahat ng payo sayo dito, kung gusto mo magpaka-martyr, mag sorry ka sa kanya ngayon at habang buhay kang paiikutin.

    ang mali mo lang ay minura mo nanay nya, kahit na kasal na kayo, wag na wag mong sasagutin ang magulang ng asawa mo, dahil magulang mo na din sila.
  • nde serious ang bf mo ***, move on.. he's not worth it, i dont know y im saying this but the way u narrated the story is obviously kababawan na umasa sa kanya.. i think ur still young, just focus on ur studies and make ur family and urself proud... that's it.
  • krista17krista17 Member PExer
    una pa lang, di na kayo nagpansinan, kung talagang mature kang magisip, at ganun din yung boyfriend mo, dapat una pa lang inayos niyo na yan. oo mahirap ibalik ang tiwala pero kung mahal mo talaga, at mahal ka nya, willing kayo pareho na isave yung relationship niyo. pinaiiral kasi yung pride e. immature nga.
  • Snow_FlakeSnow_Flake i glow in the dark PExer
    just reading your story, i'd say you are... young?

    well i think we all have gone through young love. it's usually very emotional.. and immature. :D

    my advise - move on. it may be difficult, but trust me it's not worth it. and follow Kouronosuke07 good advice. ;) you are still too young to experience infidelity & mother in law issues (in your case - bf)... :bop: enjoy your youth!
  • officebustersofficebusters Surplus Dealer PExer
    kung ano sa tingin mo ang makakaluwag para sa yo do it, kung kaya mo ba i handle lahat e, buhay mo yan. basta be wiser na lang iha. bago ka pahalagahan ng iba ikaw muna matuto magpahalaga dito. okay! gudluck.
  • Nikki_GNikki_G Member PExer
    Snow_Flake wrote: »
    just reading your story, i'd say you are... young?

    well i think we all have gone through young love. it's usually very emotional.. and immature. :D

    my advise - move on. it may be difficult, but trust me it's not worth it. and follow Kouronosuke07 good advice. ;) you are still too young to experience infidelity & mother in law issues (in your case - bf)... :bop: enjoy your youth!

    i second the motion!

    move on, nasa dugo na nya yan, magaling magsabi ng sorry, pero sa totoong buhay, yung style ng taong ganyan, marami akong kapitbahay, pati napangasawa ng pinsan ko, babalik at babalik sa gawain nya yan! are you that young para di mo malaman ang kalakaran sa buhay na to?
  • tearsforyoutearsforyou Member PExer
    thank you sa lahat ng nagcomments.

    im 23 palang po, my ex is 26...we're both graduates and may work na rin pero mga immature! lol

    i already broke up with him almost 2 weeks ago..pero di maiwasang magtagpo kami kasi friend niya is friend ko din..so pag may okasyon o kahit anong gathering sa bahay ng friend ko nagkikita pa rin kami.

    last night, gumimik kami and syempre kasama siya. Di maiwasang di nya ako pansinin..kinukulit naya ako, kinukurot at inaasar pa! andun na naman *** im falling for him again.

    hayys immature nga ako masyado..isang batok nga jan!

    anyways, thanks ulit sa responses nyo. much highly appreciated
  • ben_david19ben_david19 Tsikoteer primarily PExer
    ang haba nga ng post mo TS ah hihi.

    anyway, ito ang tanong ko sa iyo.

    1. may proof ka nga bang nambababae yung bf (este ex mo na nga pala) mo? (hindi yung na-chika lang sa iyo at yung maraming text messages sa mga babae lang, meaning actual..)

    2. bakit ka nga naman kasi nangdamay ng ibang tao hehe? I mean foul talaga yun, pero base sa huling post mo mukhang hindi na siya galit eh.

    sa totoo lang, hindi ko malaman kung sino ba talaga ang pinaka-may kasalanan (since parang nagalit ka lang sa mga nakwento sa iyo meaning no proof. ika nga hindi pwede sa korte ang ganyan lang hehe).

    pero kung player nga siya talaga (meaning totoo nga pala lahat yung na-tsika sa iyo), mabuti pang huwag ka nang makipagbalikan habang maaga pa.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file