FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Sa mga guys...paano kayo nadevelop sa isang girl na unang nainlove kesa sa inyo..

Sa mga guys:

Ano ba ang ginawa ng isang girl na naunang na-in love sa inyo na feeling mo di naman kayo bagay at first dahil na rin sa standards mo. But, in the end after mag-express nung girl ng feelings nya nadevelop kayo....tri-na-try naman ng girl kontrolin feelings nya kasi obvious **** iniiwasan mo sya, pero di nya mapigil na i express feelings nya...like sending you e-mails, or maybe na tempt ka na rin to sleep with her but that time, you still never said you love her.

until at what point or anong nangyari bakit nasabi mo i love you na rin sa kanya?

sorry kung medyo magulo...kasi experience ko ito, kahit na love ko kasi ang guy nahihiya pa rin ako kung mag iloveyou sya sa akin...nasabi nya naman na like nya ako pero di p rin i love you....kelan nya kaya masasabi na love nya ako despite na di ako pasado sa standards nya? di ko pa rin mapigil sarili ko with expressing my care and love for him eh.

bahala na kayo kung anong ma-share nyo....i just want to know yung side ng guy sa situation na ganito.....

salamat sa inyo.

Comments

  • lipglasslipglass SMDC Property Specialist PExer
    For two weeks, tadtarin mo ng iyong TLC, sabay bawi. Galingan mo ang drama mo, wag yung halatang nagpapapansin ka lang. Pansinin mo sya na parang kakilala lang, walang special something.

    After 1 week, magpa-make over ka. Siguraduhin mong successful ang kakalabasan. :lol: Tapos kumalat ka kung saan sya dadaan, pero wag ka magpapa-abot sa kanya. Kunwari hindi mo sya napansin. Pag pinansin ka, batiin mo naman, wag dedma. Mahahalata ka.

    Update mo ko. :lol:
  • BertBaltazarBertBaltazar bored blogger PExer
    only time will tell...

    i experienced that but my case is more different, in that i said i love you to the girl but my sexual preference is of the same sex. she had been consistently there for years... expressing how much she likes me since 2006 even when i had boyfriend, lost that boyfriend, found a new boyfriend, lost that boyfriend as well!

    she was always there, kung ako na lang sana... so i finally considered it... why not? pero think again.. i am talking about years.. not weeks or months... kaya mo iyon?
  • msdeemsdee Member PExer
    thank you lipglass....

    galing ng advise mo....yung first paragraph nagawa ko successful...kaya napa- i like you sya kaso sabi nya may attitude daw ako....(meaning may pagkatarayan yata) kasi sinasagot ko sya talaga ng minsan ng parang di ko sya love...so cute talaga ng mga simpleng sagutan namin...

    pagdating nya, hinanda ko na ang spoon and fork, at plate nya at mug na souvenir nya sa army....sa sala, harap ng tv kasi nung pagdating ko dun sya kumain for dinner while watching movie at ako rin.........tapos nagalit sya ano daw ginawa ko sa mug nya bat andun....sabi ko prepare ko lang for him....facial expression nya galit at parang bawal ang ginawa ko.......on ko na rin ang tv nya while i wait for him...actually di naman me nanood nung waiting na ako sa kanya few minutes sya dumating...dun ko lang on yung tv...siguro akala nya yun lang ginawa ko all afternoon / day....

    nanliit ako, so pinatay ko ang tv, pangit tono nya sabi sa akin i on ko lang ang tv dahil nanonood ako..di ko sya sinunod, sabay punta sa dinner table at kumain ako dun, may halong simangot sabi ko lumaki akong kumakain sa dinner table hindi sa harap ng tv...he he he he...tapos habang kumakain nakayuko ako..ewan ko bakit sya kumain sa dinner table...e minsan sa office table sya kumakain kasi sandwiches lang kanya at ewan pa he he he he....tapos sabi nya sa akin....ayaw nya lang daw akong masaktan....sabi nya pa wala daw akong dapat gawin para sa kanya kaya nya daw gawin ang para sa sarili nya (ibig sabihin wag ko syang pagsilbihan dahil wala akong mapapala) foreigner kasi sya...poor lang ako feeling nya like others na nameet nya im just after his money....kaya im not his type....kung pinadaan ko sa puso ko yung sinabi nya siguro naiyak ako...pero pinadaan ko lang sa kabilang tenga........

    sabi ko sa kanya, im not doing it for him, that is just the way i am raised...sabi nya stop acting like a filipina, i am an american, you are in my house.......e di maya-maya tumayo ako kahit kumakain pa sya at pumunta ako sa kitchen hinugasan ko sarili kong plato ko, di natin ugali pero sabi nya kasi stop acting filipina. tapos, hugas ng plato ko linis ako ng table...sabi nya dalhin ko daw plate nya sa kitchen eh may plastic sa plate ...sabi ko ok, i will just bring this to the kitchen (meaning di ko huhugasin kasi sabi nya wala akong gagawin para sa kanya) kaya sinabi nya na rin, paki lagay ng plastic sa garbage can nasa kitchen lang din yun...pero hinugas ko na rin he he he...tapos hugas ng plate sabi ko, ok im going upstairs and sleep already (meaning i dont care kung maiwan sya sa baba) tapos simangot sya...wait, wait..i dont like you having an attitude......sabi ko sa kanya pabalik ako sa dinner table para maupo muna....saying whaaaaaaaaaaaaaaaat in soft tone........you said i stop acting filipina....now im acting american...you dont like it.......what do you want?
    (he he he pilosopa kaya ako di nya alam...)

    tapos isa pang major, may sinabi sya about sa towel na di ko naintindihan, pero yung towel for me nasa laundry na...eh wala syang iniwan malinis na towel for me....kaya kinuha ko yung ginamit ko nang towel na nasa laundry basket nya nilagay....pagkahapon napansin nya walang nakalabas na malinis na towel for me.......so tanong nya that night....when i took a bath anong towel daw gamit ko...ayokong sabihin pero sinabi ko nalang na yung towel na nasa laundry basket...bakit daw di ako kumuha ng bagong towel...sabi ko di ko alam ang puede kong gamitin eh baka kasi may towel na exclusive para lang sa kanya di ba? kaya todo sermon, im stupid daw kasi pinunas nya na yung towel sa floor...stupid, stupid stupid sabi nya...eh tapos na nangyari na ano pa kaya magagawa nya or ko...smile lang ako :) may time na todo sermon sya smile pa rin ako...why are you smiling tanong nya...eh smile pa rin ako..he he he he... (simpleng bagay kaya pinalalaki)

    andami kong sermon araw araw natatanggap sa kanya...pero may time na naguusap kami about sa news on pork barrel at kris aquino's marriage...hay naku! thanks to kris at sya topic namin pag good mood sya...

    pinahiram nya ako ng cellphone kasi na block ang cp ko dahil di ko na roam kinalikot nya....e rule nya i charge ang phone pag di gamit kasi ano pa ang silbi ng phone kung walang battery....e ako naman rule ko kailangan i drain ang battery bago i charge...minsan ask nya kung nacharge eh hindi ko chinarge that night kasi kakacharge ko lang before that night di ko naman ginamit...nagalit sya...inexplain ko naman point ko sabi nya ...my cellphone is not like your cellphone e lowtek kasi phone ko...sabi ko eh ganun kasi rule sa battery sabi ko e sabi nya stupid...sabi ko naman yes the inventor of that battery that needs it drain first is stupid....stupid!, stupid inventor! pero plain lang pagkasabi ko di naman galit na tono.ha ha ha ...

    for me natutuwa ako pag naalala ko mga kinainisan nya sa akin.....sa inis nya sa akin dahil sa attitude ko (siguro inexpect nya sweet ako at iiyak lang ako sa kanya) pinalayas nya ako........for a simple thing...

    i end ko nalang..pagka uwi ko sa pinas, off cp ko im so emotionally hurt and physically tired...pero after weeks chinat nya ako, e pagkadting ko kasi di ako nagonline sira pa kasi yung computer ko rin at off din cp ko.....akala nya depress ako...may pagka depress naman pero di naman yun ang dahilan bakit off cp ko or bakit offline ako....pumunta na pala daw sya sa bahay at nakita nya sinampay ko ngek so embarrasing........taray pa rin ako kahit inis ako dahil nakakahiya....and so (eh ano kung nakita mong nakasampay mga damit ko sa labas) ang unang kong reply sa kanya...bat nya ako kinakausap di ko naman inuwi yung washing machine o yung box (box tawag nya sa refrigerator) nya ha ha ha ha ha ....sabi nya nagbibiro sya...yung lalagyan daw ng tubig sa drier nawawala....e kasi minsan di ako naka continue mag drier dahil di ko alam saan nakalagay yung tubig na dapat i drain....kaya nagpaturo pa ako sa kanya galing sya sa work.........

    sabi nya he likes me...kaso may attitude daw ako....pero he still likes me pa rin daw...tanong nya kung gusto ko ba syang alagain...meaning bumalik sa kanya....gusto ko maging asawa hindi lang tagapag alaga nya syempre...pero sagot ko s kanya...hindi nya na kailangan ng magaalaga sa kanya since kaya nya naman alagain sarili nya..yun sabi nya e.......pero actually gusto ko sana pero yun masabi nyang mahal nya ako..kahit gaano ka todo sermon abutin ko basta sabihin nya iloveyou sa akin kahit later na muna ang kasal, ok na sa akin. kaso wala pang iloveyou from him...
    ...na mention nya di na sya papakasal or kung ikasal sya mag prenup...(2 divorce na kasi sya at iniwan sya for another man) kaya careful lang sya.....

    last chat namin, since turn daw ko alagain sya...sabi nya kahit mag asawa sya ...mistress pa rin daw nya ako..forever na daw ewan ko bakit feeling nya mahal ko talaga sya at mamahalin ko sya forever he he he shock ako sa sinabi nya....kaya hintayin ko nalang daw sya sa pagbalik nya kasi may condo sya s makati....

    kaso nagoffline message sya ng i hate you...ewan ko bakit...may ginawa kasi ako....yung isa, yung neighbor ko twice akong tinurn down nung sinabi kong naghahanap sya ng caregiver pero since nakaalis ako at nakita siguro pic ko nasa qatar, biglang nagbago, binigay ang yahoo id sa akin para daw direct nalang makipagusap sa kanya eh requirement nya gusto makita muna ang picture bago nya kausapin at nirequire ko naman di nila ako binigyan ng picture...eh di ko binigay sa kanya...at sinabi ko naman yun before s kanya na ayoko na magwork ang neighbor ko sa kanya kasi magseselos ako...so wala syang prospect na caregiver at ang second na ginawa ko before the i hate you...nagpadala ako ng pictures ko subject sa email Rated A may part 1 at part 2 kasi matagal mag attach pag marami sa isang mail.......bigla akong may naiisip nag padala ako ng 3 email subject Rated XXX pero ang laman just kidding at apat na laughing smiley....ewan ko kung ano sa dalawa bakit hate nya ako he he he he he.....the whole september di nya ako chinat after the i hate you...once ko lang syang nakitang nag online ...nagpadala ako lang night ng ecard nakita ko now natanggap nya di ko alam kung inopen nya talaga kasi nasa work sya baka bawal mag open ng ibang sites...lahat walang reply sa akin...offline messages wala...deadma talaga.......di talaga sya sweet...pag sweet sya natatarayan ko naman di pa obvious...kasi nahihiya akong inlove sa kanya ...mukha akong gaga naghahabol sa lalaking walang amor sa akin......

    yung make-over na yan ang di ko pa nagawa...di nya pa ako nakitang straight hair..di ba yan ang gusto nila...di nya pa ako nakitang sexy sa date namin...may pagkaconservative suot ko...long sleeves yata halos he he he he ......kaso di ko pa alam when sya dadating hopefully sunod namin pagkikita ...straight na hair ko at medyo offshoulder suot ko ha ha ha ha...........ang nasa dream ko sexy and beautiful akong magkita kami accidentally sa isang resto at happy ako with someone na kakuntsaba ko lang for him para magselos sya ha ha ha ha ha....ewan ko...feeling alangan ako pero gusto kong mag iloveyou sya sa akin ok na yun..masaya na ako...kahit yun lang....(ngek!)
  • msdeemsdee Member PExer
    @bertbaltazar

    thank you sa post mo...ganun?! super mahal ka nya talaga...

    im trying to forget him nga kasi ayaw kong makita nyang nagpapakagaga ako sa kanya....baka super maliitin nya na talaga ko....

    pero, last march 2009 kami nagkrus ng landas eto andito pa rin ako....kumakabog pa rin puso ko ng mabilis para sa kanya...try kong wag mag drop ng message pero pansin ko hanggang 2-3-4 days lang mga agwat ng pagtitimpi ko ...sabi ko last sa offline message ko.try ko ng one month na hindi sya maaalala...kasi nga nag ihateyou sya...nagmemessage pa rin ako hay!! ang sakit sakit na..makita ko lang sana sya na online masaya na ako pinagkakait pa....once nag online sya feeling ko miss nya ako or maybe sad sya...

    ok lang kung may kasama na sya sa place nya na maarte o kayang magseduce sa kanya....kahit mahalin nya pa yun....alam ko ako lang makakaintindi sa kanya at alam nyang magmamahal sa kanya...sa totoo lang di sya gwapo at 52 na sya at black american pa....di taste ng pinay talaga pero eto gaga ako. hindi naman ako kagandahan pero alam ko bibiruin ako ng everyone bakit sya pa....hay! ewan ko sa isip ko masaya kami together pero lagi naman kaming di sweet pag magkasama o **** s chat hindi sweet...hay naku buhay!

    i love you na galing sa kanya lang ang hiling ko naman e...
  • msdeemsdee Member PExer
    @ bertbaltazar

    napansin ko same kami ng girl na love ka........i love you lang sapat na....

    paano yun?....pero atleast kahit paano siguro na-ha-hug ka nya everytime na want nyang i-hug ka.........ako di ko sya ma-hug ewan ko takot yata syang magmahal na....ayaw magpadikit sa balat...or magpasweet sa kanya....kaya alam ko super dusa aabutin ko siguro sa kanya kaya i wish makalimutan ko nalang sya ...pero ewan hoping pa rin ako sa iloveyou nya...matatahimik nun siguro ako...

    piliin mo talaga yung nagmamahal syo kasi.....secured ka talaga sa kanya...tatanggapin ka whatever happens di ka talaga iiwan ano man mangyari...e kung pupunta ka sa mahal mo na di ka sure how much kang mahal magkakaroon ka ng insecurities at fears one day....
  • Juan_1Juan_1 Member PExer
    Nangyari sa akin ito na may nagkagusto na babae sa akin. 11 years junior than me. Lahat na ata ng paghihirap dinanas niya sa akin.

    Iniiwasan sa telepono, tinataguan, makikipag-meet tapos bigla akong mag-back out kasi may gagawin, umiiyak siya sa akin parati. ako na nga daw ang pinakamasamang tao sa kanya and number 1 source of sadness.

    Kaso ang pagkakaiba ko sa inyo kami nag-uusap. After na matagal na panahon, determination, persistence and patience niya. Kami na ang parating magkasama. Out of town, out of the country, conversation, eating out, camping, watching movie. Para na kaming mag-asawa kulang na lang sa amin ay kasal. And now ako na ang nag-sosorry sa kanya kung nagagalit siya. :D
  • darmonxdarmonx Member ✭✭✭
    From my perspecitve... mahirap. Hindi ko mai rerekomendang ituloy mo. Yung nangyare sa akin nuon, yung girl pinag aralan ako ng husto. Kinilala niya lahat ng taong ka close ko.. friends, relatives, and co workers. Inalam niya mga paborito kong foods at pinag aralang lutuin kahit hindi siya pinay. Very helpful to my family... at kahit may iba akong gf nuong una... talagang nag titiis siya. She learned my culture, loved my family and transformed herself to be my ideal girl. I still did not love her for over a year and did all kinds of things to turn her away pero wala rin. Eventually bibigay ka na rin dahil mapapamahal na rin sa iyo.
  • sulatkamaysulatkamay Member PExer
    Merong isang girl na madly, insanely in love sa akin not sure if hanggang ngayon, I changed number for the 4th times na.:(

    She's kind of freaking annoying, demanding and etc...

    Maybe she likes me a lot, to the point na parang gusto nyang ariin ng lahat lahat sa akin,

    Ayun, panay iwas, napagsasabihan ko ng masasama, :(

    It's a long story...

    Naawa din ako sa kanya, pero hindi ko pwedeng dayain ang sarili kong mahalin din siya...
  • pushpoppushpop Half crazy. Half mad. ✭✭✭
    only time will tell...

    i experienced that but my case is more different, in that i said i love you to the girl but my sexual preference is of the same sex. she had been consistently there for years... expressing how much she likes me since 2006 even when i had boyfriend, lost that boyfriend, found a new boyfriend, lost that boyfriend as well!

    she was always there, kung ako na lang sana... so i finally considered it... why not? pero think again.. i am talking about years.. not weeks or months... kaya mo iyon?

    wow... she was able to change your sexual preference??? bilib ako sa girl *okay* kudos to her!
  • EnosEnos cat * | awk '{print $0}' PExer
    hi ts, ganito din gf ko
    parang ako ang niligawan e
    di ko sya type dati, banda-banda ako before, dami groupies
    but I grew out of it and napamahal na din ako sa kanya :)
    (hindi sya nangulit, she was just there for me when I needed emotional support)


    2 lang advice ko

    1. just be there for him
    2. magpa-sexy ka din sempre :lol: (kahit gaano ka pa kabait, dapat ma-attract mo pa din sya physically)


    also, magpa-miss ka din pag minsan, doon ko kasi na-realize feelings ko e, pag matagal ko sya di nakasama *okay*
  • pushpoppushpop Half crazy. Half mad. ✭✭✭
    Juan_1 wrote: »
    Nangyari sa akin ito na may nagkagusto na babae sa akin. 11 years junior than me. Lahat na ata ng paghihirap dinanas niya sa akin.

    Iniiwasan sa telepono, tinataguan, makikipag-meet tapos bigla akong mag-back out kasi may gagawin, umiiyak siya sa akin parati. ako na nga daw ang pinakamasamang tao sa kanya and number 1 source of sadness.

    curious ako - bakit mo sya iniwasan in the first place - dahil di mo talaga sya type physically or takot ka din mag-fall sa kanya?
    :hmm:
  • sulatkamaysulatkamay Member PExer
    Enos wrote: »
    hi ts, ganito din gf ko
    parang ako ang niligawan e
    di ko sya type dati, banda-banda ako before, dami groupies
    but I grew out of it and napamahal na din ako sa kanya :)
    (hindi sya nangulit, she was just there for me when I needed emotional support)


    2 lang advice ko

    1. just be there for him
    2. magpa-sexy ka din sempre :lol: (kahit gaano ka pa kabait, dapat ma-attract mo pa din sya physically)


    also, magpa-miss ka din pag minsan, doon ko kasi na-realize feelings ko e, pag matagal ko sya di nakasama *okay*

    Man, you are lucky with that girl,

    In my case, pretty annoying... take note, were not lover, as in hindi ko pa siya sinagot. ahhaha. baliktad ata. but anyways thats the idea.

    She will text, how are you? Kumain ka na ba? Kain ka na, wag ka pagutom, masama yan, blah blah...

    Ok, I won't bother to reply, since I don't like people texting me that way... syempre, pag gutom ako and tendency kakain ako,:p

    Suplado noh? lol.

    Text ulit from her, where are you? you're with?

    Tapos, hal, will reply with this girl colleague..

    She will get jealous...

    or If I won't reply,

    Magagalit, sige, ganyan ka na, siguro masaya ka na dyan, and etc...

    Imagine, she's acting like we're ON? Constantly checking me, greeting me, tapos magagalit and stuffs...

    sigh... tska very scary talaga, kasi, she makes chismis sa mga pinsan and kapamilya ko na she's my girlfriend, napagalaman ko lang sa aking babaeng pinsan, taka ako kasi this cousin teasing me to death to this girl, so funny... tapos, she makes friend pa sa mga kapatid and pinsan ko nga.

    Many times I changed number,(cp) nalalaman nya palagi if nagtanong ako, from who you get my number? I have my connections, yun palagi...

    To the point na she pretended to be somebody else para lang may constant communication sa akin which I found out later... after more than half a year...
  • BertBaltazarBertBaltazar bored blogger PExer
    I am still gay, I still prefer having sex with guys. In another thread, I have considered having pre marital sex with her just to know if we can have some relations.

    For me, love and lust are two different things. Napamahal sa akin si Ella sa tagal ng panahon. Which is why in principles etc, i started a thread whether we should marry or not.
  • BertBaltazarBertBaltazar bored blogger PExer
    Ngek... good luck... you like the guy so you are doing such. Base on your profile you are 37 pero hindi ko iisipin sa kilos mo.. para kang teen ager.

    Bakit siya napamahal sa iyo? Parang siya ang alaga mo sa states, gaano mo siya katagal inalagaan? Is it safe to presume, na malayo na kayo sa isat isa, nasa US siya at nasa Pinas ka? Absence makes the heart fonder, but PROLONGED ABSENCE MAKES THE HEART FORGET!
  • infinite_trialinfinite_trial ♥ Drayer PExer
    naku, naka 2 divorce. medyo cautious yung mga ganyan.

    saka di talaga sila nagbibitaw ng "i love you" basta basta. which you will learn to appreciate, lalo na kapag sinabi na yun sa iyo, because you will know na hindi yun bola. totoo talaga.

    culture kasi natin, sanay tayo na talagang tayong mga babae pinupursue. wala naman kaso yun ma-inlove ka sa kanya, di mo naman mapipigilan syempre yun. pero para pilitin mo na mahalin ka nya, iba na yun.

    in my case, meron din nangyari sa akin na ganyan. pero di ko pa sya mahal nun. gusto ko lang lols. i openly tell him what i feel. kung andyan sya, e di andyan. kung kakausapin nya ako, e di mas mabuti. i didn't chase him but i just let things flow naturally. kasi ikaw din masasaktan kapag pinagpilitan mo yung sarili mo. in that way, no expectations, less pain.

    well...how did he fall in love? he said he likes me really but he didn't like the idea of a long distance relationship. neither do i. but as we talk and talk, regular friends lang, not really aiming into something...he found out that we really match.

    and now he is claiming he loves me more than i do hehe. but it doesn't really matter who loves who more. cuz when you start to think like that, you will always feel like you are at the losing end.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file