FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

KARLO MANALO Ang Lalakeng Nagpa TUMBLING kay Vice Ganda

karlomanalo.jpg

Karlo Manalo will soon be on IBC 13's 'All About Adam'.

The very first Pinoy indie tv drama series created and directed
by Julius Roden.

In this show, we will get to see Karlo's great acting prowess.
«1

Comments

  • official site of ALL ABOUT ADAM

    http://allaboutadamtv.webs.com


    IBC 13 PLUG
  • napanood ko video niya sa youtube hahahaha kaya
    pala ang lalakeng nagpatumbling kay vice ganda.... lmao
  • samanthacolesamanthacole Banned by Admin PExer
    he's HOT no wonder tumambling ang beauty ni Vice Ganda
  • samanthacolesamanthacole Banned by Admin PExer
    napanood ko video niya sa youtube hahahaha kaya
    pala ang lalakeng nagpatumbling kay vice ganda.... lmao

    so true! at naloka si Vice Ganda when Karlo Manalo made some
    giling giling hahaha naloka lahat ng audience hahahaha :rotflmao:

    totoo ba yung issue na may indecent proposal si Vice Ganda kay
    Karlo Manalo tapos tinanggihan niya kaya pinaalis na yung group
    nila sa SHOWTIME?

    buti nalang hindi siya pumatol hindi siya nagpasira sa showbiz
    and he's got a tv show with Migui Moreno sa IBC-13. :naughty:
  • aljur4evaaljur4eva Member PExer
    saw him in showtime dati siya yung original egyptian boys
    nakakatuwa tingnan yung tumbling ni vice ganda.... nyahahaha
  • vickyweivickywei Banned by Admin PExer
    aljur4eva wrote: »
    saw him in showtime dati siya yung original egyptian boys
    nakakatuwa tingnan yung tumbling ni vice ganda.... nyahahaha

    how nice... napanood mo pala siya sa showtime? cool. :love:
  • kimberly19kimberly19 Member PExer
    link ng video please! lol
  • ^ZiP^^ZiP^ Member ✭✭✭
    ^oo nga link naman,.,haha!
  • samanthacolesamanthacole Banned by Admin PExer
    hahaha here's the link

    http://www.youtube.com/watch?v=__R1lnO1X6s

    mapapanood nyo siya sa 'all about adam' baka tumambling na
    naman si Vice Ganda niyan.... lol
  • vickyweivickywei Banned by Admin PExer
    hahaha here's the link

    http://www.youtube.com/watch?v=__R1lnO1X6s

    mapapanood nyo siya sa 'all about adam' baka tumambling na
    naman si Vice Ganda niyan.... lol

    yun na mare nayari mo na hahahaha :love:
  • vickywei wrote: »
    yun na mare nayari mo na hahahaha :love:

    wahahahahaha :rotflmao:
  • aljur4evaaljur4eva Member PExer
    ah yes i remember na he was also in TAKE ME OUT sa gma 7.
  • good mowning sa lahat ng PEXters... sunny side, bacon
    n fried rice sa lahat hehehehe
  • cute niya hehe
  • vickyweivickywei Banned by Admin PExer
    cute niya hehe

    i agree... get to see more of him in ALL ABOUT ADAM
    watch natin ang PILOT this OCTOBER 30 SATURDAY 9pm
    on IBC Channel 13 nakaka excite na maganda daw ang role
    niya sa series... :love:
  • PROMOTE LANG PO

    Watch the movie PILOT on OCTOBER 30, 2010, Saturday, 9pm
    only on IBC 13.

    And make way for 'All About Adam' the series SEASON ONE
    sa January 2011.

    aaa_ibc.jpgaaa_ibc.jpgaaa_ibc.jpgaaa_ibc.jpgaaa_ibc.jpg

    Yeeeeeehaaaaaah!!! :love:
  • vickyweivickywei Banned by Admin PExer
    up up up natin si karlo
  • apr1ll3apr1ll3 Member ✭✭
    ang hot niya!!
  • douglasrobindouglasrobin Member
    http://cheesemacs.biz/2013/05/17/karlo-manalo-pinahiya-ang-isang-reporter-dahil-sa-vice-ganda-issue/

    MANILA – Noong nakaraang linggo lamang ay nakarating sa amin ang mainit na cheesemacs kay Karlo Manalo. Ito ay tungkol sa isang reporter na pinahiya niya sa kanyang presscon.

    Naganap sa isang kilalang Chicken Restaurant sa may Timog ang insidente. Iilan sa mga press people ang dumalo at laking gulat nila sa pinakitang reaksiyon ng guwapong aktor.

    Ang sabi sa’min ng isang tabloid writer na nasa mismong lugar, maaga naman daw nakarating si Karlo sa kanyang presscon pero halatang wala sa mood na tila ba masama ang pakiramdam. Pero kahit na ganun pa man ay ngumingiti pa rin ito. Sinagot niya ang mga katanungan tungkol sa kanyang super hit movie na ‘The Pattern’ pati ang intriga sa kanila ng kanyang co-star na si Catherine de Goma.

    Pero bigla nalang nagbago ang timpla ng mukha ni Karlo nang makita niya ang isang reporter. Tinanong siya nito tungkol sa hindi pa rin nasasagot na tanong ng lahat – ito ay kung nagkaroon nga ba ng one-night-stand sa kanila ni Vice Ganda habang nasa Showtime pa siya noong 2009.

    Bigla nalang sinagot sagot ng pabalang ni Karlo ang reporter at tila tinanong niya pa ito kung taga saan ba ito at baka naliligaw lang. Akala ng iba ay nagbibiro lang si Karlo dahil medyo nagtawanan pa sila pero bigla nalang nagsalita si Karlo ng sunod sunod at parang pilosopo na ang mga sinasabi nito sa kawawang reporter.

    Matatandaan na noong 2009, si Karlo Manalo ay naging bahagi ng programang Showtime sa ABS CBN Channel 2. Kasama siya sa The Original Egyptians na sinayaw ang ‘Body Dancer’. Kitang kita sa mukha ni Vice Ganda na talagang nahulog ang loob niya sa mala-Adonis na aura ni Karlo. Hanggang sa inamin na nga ni Vice Ganda na crush na crush niya na si Karlo. At nang tanungin ang huli kung papayag ba siyang gumawa ng ‘Machete’ movie, sino raw ba ang gusto niyang makapareha, si Osang ba o si Vice Ganda, pabirong sinagot ni Karlo na si Vice Ganda nalang po, live on national television, nag tumbling si Vice Ganda.

    At hindi lang yan, nai upload sa Youtube ang nasabing episode at talagang napanood ito ng million viewers. Kaya nabansagan nalang si Karlo Manalo na – Ang Lalakeng Nagpatumbling kay Vice Ganda.

    Matapos ang episode na iyun, kumalat na ang mga balita na may indecent proposal daw si Vice Ganda kay Karlo Manalo. At gusto ng sikat na noontime show host na magkaroon sila ng relasyon. Pero tinanggihan ito ng huli kaya agad agad siyang pinatalsik sa Showtime.

    Pagkapasok ng 2010, napasama si Karlo sa isang television movie sa IBC 13 – ang All About Adam na pinagbidahan nina Migui Moreno at Philipp Dunkel. Marami ang nakapansin kay Karlo at naalala na siya yung naging crush na crush ni Vice Ganda sa Showtime. Pero sa presscon niya noong mga panahon na iyun, ayaw na niyang magsalita tungkol sa issue regarding Showtime or Vice Ganda.

    ‘Nakapag move on naman na siguro ang lahat. Okay naman na ako. Masaya na ako sa takbo ng career ko ngayon. Nagpapasalamat ako sa mga taong nagtitiwala sa’kin at pinagbubuti ko naman ang trabaho ko. Kaya sana huwag nalang pag-usapan ang issue na yan. Baka sabihin na ginagamit ko yung tao. Mahirap na.’ pakiusap ni Karlo sa press.

    Marami na rin siyang mga interviews na kung saan tinatanong pa rin siya tungkol kay Vice Ganda. Pero ganun pa rin ang sagot ng binata. Ayaw na niyang pag-usapan at kung maaari ay kalimutan na ng lahat ang issue. Subalit tila makulit ang ibang mga kasamahan nating reporters. Kaya naman siguro wrong timing at wala sa mood at tinanong pa ng isang issue na dapat ay kalimutan na, kaya hindi na naitago ng aktor ang pagkairita.

    Opinyon ng karamihan sa netizens ang nagsasabi na kahit ganun ang nangyari, dapat hindi niya nalang pinatulan yung reporter o dinaan niya nalang sa tawa. Sa showbiz, public property ang isang artista kaya natural lang sa mga reporters ang magtanong kahit na medyo personal. Ginagawa lang din nila ang kanilang trabaho. Sana ay hindi nalang din nagsuplado si Karlo. Dapat niyang tandaan na malaki ang bahagi ng media sa larangan ng showbiz.
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file