COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.
Labor Cost... tanong lang
Gusto ko lang malinawan... usually 40% of material cost ang labor cost di ba? ang question ko, we bought kase 70k++ worth of bathtub. kasama ba yon sa computation ng labor cost? if it is... that is tumataginting ng 28k++. yong bathtub kase is no need to install kase free standing lang naman sya... ang gagawin lang talaga is to connect the pipe fiitings...un lang.
Comments
Not applicable for that case. Obvious naman na sobrang mahal yun labor.
I'll just give you some basis. Ex. installation of bath tub
Master plumber - 3 days x P600 = P1800
Electrician - 1 day x P600 = 600
2 - Helper - 3 days x P400 x 2 = P2400
Total - P4,800. Let's say P5K - P7K installation cost of bath tub will do + tip sa installer kung satisfied ka sa work.
Wag mo baratin masyado sa presyo, dahil pag may palpak sa trabaho nila hindi mo na sila mapapabalik.
HTH.
salamat sa tip!
so kelan applicable ang 40% material cost? actually nagpapatayo ako ng bahay *****(almost tapos na... asa finishing stage na)... base sa ginawang bills of materials during the planning period 40% lahat ng material cost ang labor cost. kasama pati dun ultimo window type at split type ACUs, bathroom fixtures(including the bathtub), lighting fixtures... nag-iisip ako ***** na mali kung dun lahat ibabase sa 40% ang labor. pano na ***** ang magiging computation ng labor? tnx ulit!
yes! that's the type of tub i am referring to... thanks!
so kung contracting, pwede kong i-consider nga yung labor as 40% ng price ng bathtub?:(
Nope. masyado pa rin mataas yun 40% labor cost para sa bath tub.
Not all the time applicable 40% labor cost.
I-analize mo muna kung extensive yun work. Kung ilan tao kailangan at gaano katagal gagawin.
There are some works na mas mahal pa yun labor cost kesa materials vice versa so hindi na applicable yun 40% labor cost.
It is best to discuss the project with your prospective contractor: 1) What is the scope of work?, 2) Ilang trabahador ang kailangan (reasonable ba?). For a bathroom fixture, one skilled mason (water closet, built-in tub) / tubero (piping, chrome fixtures) and a piyon (non-skilled assistant, tagahalo at hatid ng semento, taga-putol ng tubo) would be enough. Often, the skilled laborer would do both the pipefitting and masonry works. That gives you two persons to budget for. Sometimes, they would require for you provide lunch and AM and PM snacks. And, 3) How many days to finish the job. Pag kumbinsido ka na tama ang mga proposals ng contractor at nagkasundo kayo, ok na! There you goContract Labor Cost = No. of agreed days X (Skilled Pesos/day + Piyon pesos/day) + bonus (pag happy ka). Basically, the contract price is based on these factors. But it is best to finalize the fixed contract and avoid "arawan" deal, bec if the project would progress for an indefinite period, baka maging palabigasan ka ng mga laborers.
kung bathub installation lang ang gagawin hindi na applicable yung 40% (masyado ng mahal yun), applicable yung 40% kung sa entire project (from excavation to finishing) may mg item of work kasi na more than 40% ang labor cost.
anong klaseng work ang more than 40% ang labor cost?
FYI... on-going na kase *** construction... finishing stage.
base dun sa Bills of Materials na ginawa 40% ang labor cost... this includes masonry - 40% , roofing - 40%, plumbing - 40%, woodworks - 40%, painting - 40%, finishing - 40% etc...
pakyawan ang usapan namin.... reasonable ba ganitong computation?
@ silverfish,
Total labor cost pwedeng maging 40% of BOM. But 40% LC for each work mahirap maging basis yun.
Ex. Maaaring maging ganito ang actual labor cost (LC)
masonry - 40%MC , roofing - 20%MC, plumbing - 18%MC, woodworks - 35%MC, painting - 100%MC, finishing - 25%MC .
But if you will sum the cost of each work pwedeng maging 40%of Total MC of the whole project.
Talo kayo pagdating sa tilling works, plumbing fixtures, aluminum windows mahal kse materials para dito. Pero yun labor for sure hindi aabot ng 40%.
When it comes sa painting lugi naman ang pintor lalo puro specialty finish like duco finished.
Pa quote kayo sa ibang contractor para macompare nyo yun prices. Baka in the end mapamahal pa kyo ng gastos sa pagpapagawa ng bahay.
salamat mr. bryant77 sa info mo.... malaking tulong sakin to....
one more question.... ilang percent naman pagdating sa electrical works, at tiling? for the electrical works isang tao lang ang gumawa lahat nun...
excavation, backfilling/compaction walang
material cost involve dito, material cost x40% = zero, so lumalabas zero value pero kasama ito sa scope of work ng project.
Pero sabi mo finishing na so i assume nagdeal na kayo sa quote nung contractor mo na 40% labor cost for the entire project which is acceptable naman.
During pre construction may iba pa bang nagbigay ng quotation?sana nirequired mo ng detailed estimates para makita mo yung breakdown sa lahat ng items->[IMG][/img]
Akala ko ba free-standing bath tub lang?
IMO mahal ang 40% of materials cost. Sa ibang project nga yung contractor's fee is only 11-12% of project cost. Anyway, on-going na pala project at patapos na. Huli na para magtawaran pa.
nagdeal na nga kami... kaso hindi naman lahat na-award sa kanya yung contract... sa iba ko kase pinagawa yung roofing, kitchen cabinet, window at doors kaya dapat hindi lahat sa kanya mapunta *** total 40% labor cost dun sa Estimated Bills of Materials... may point ba ko? Dun s BOM sya nag-base ng sisingilin nya sakin at PHP 1M daw un... pero included nga dun yung sa iba na-award. may right ba ako na i-less yun sa ibabayad ko sa kanya? dapat ba mag-compute kami ng actual material cost na nagamit at dun namin i-base yung actual na ibibigay ko sa kanya? actually wala kami pinirmahang contract kase kilala ko naman sya.
one more... magkano ba talaga kinikita ng isang nangongontrata? how much out of the 40% ang napupunta sa kanya? salamat!
yes may point ka , dapat lang ibawas yung mga item na iba ang gumawa then yung mga item na sya ang gumawa yun lang ang may labor cost nya (which is 40% based sa agreement nyo)
Depende on how he managed his personnel & the work.
Meron kang rights para ipaulit ang trabaho nila kung hindi ka satisfied sa outcome. Ex. uneven plastering of wall, wala sa hulog ang door jamb. Kailangan marunong ka mag quality control ng construction works.
Note yung table ni Pointed: Labof cost there is only around 22% of material cost. It is a low average actually. Pwede mo pagbasihan yan. Ilista mo lahat ng materials pertaining to that contractor similar to that in the table and compute one-by one. Yun na ang basis mo ng honorable na fee with your contractor friend, regardless of whether may laborers sya or wala. Bahala na sya magparte sa mga tauhan niya from the 22% na bayad sa kanya.