::GEOFF§PACE:: GEOFF EIGENMANN PART 102 Love ♥ Peace ♥ Respect ♥ Friendship

12467164

Comments

  • bachebache ~ Bless ~ PExer
    ps ako... :cheers::cheers::cheers:
  • elarebeeelarebee Ludy PExer
    bache wrote: »
    :wave: geoffspace!!!!!!!!!!!!!






    :D :D :D
    te bless!!! :stolenkiss:


    momskie na rin tawag sa iyo, ha? :winker:


    thanks again, ipopi and kasprer!! :handsdown:


    hi jhoy!! :stolenkiss:
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Abante, Aug. 22, 2010

    Carla Boto kay Glaiza Para kay Geoff!
    ni Rose Garcia

    All-out support daw si Carla Abellana sa ka-loveteam na si Geoff Eigenmann na magiging kapareha naman this time si Glaiza de Castro para sa Grazilda.

    “Naku, maganda ‘yan! Gusto ko ‘yan! Love ko si Glaiza. She’s such a nice person. Napaka-down-to-earth and I know, she deserves it.

    “Ang dami na rin niyang napagdaanang shows. So, finally, meron na rin siyang sarili na siya ang bida at bagay ‘yun sa kanya. At yung show nila na Grazilda, nasa kanila ang blessing ko,” sabi ni Carla.

    Nakita ba niyang nalungkot si Geoff na pinaghihiwalay na sila as loveteam?

    “Hindi ko siya nakitang nalungkot. Na-excite siya. Ha! Ha! Ha! Totoo kahit na masasapawan yung show kasi, nagte-taping na sila, eh, ginagawa pa namin ang Basahang Ginto.

    “Pero kahit na araw-araw siya mag-taping, excited pa rin siya. Kasi, unang-una, fan siya ng fantasy.

    Tapos, Direk Dominic Zapata pa ‘yan. Lalo na ngayon nabuo na ang cast. Kasama pa niya si Tita Cherie (Gil) niya.”

    Eh, yung hindi na sila ang partner ngayon?

    “Siya hindi nalungkot at all. Ako, kahit papaano, oo,” pag-amin niya.

    “Eh, kasi naman, siya ang first leading man ko. Isang taon din kaming nagtatrabaho. Ako ang nalungkot kasi, hindi na kami araw-araw na magkikita sa trabaho. Eh, sanay kaming araw-araw nagkikita dahil sa work.”

    Posible kayang may mabago sa kung anuman meron sila ngayon?

    “Tingin ko naman, may mababago. But if meron man mabago, sana magandang bagay.”

    Parang ite-test ba niya si Geoff kung same pa rin ang intention sa kanya kahit hindi na sila ang loveteam?

    “Tama! Ha ha ha! Siguro part ng plan ni God ‘to na paghiwalayin muna kami sa trabaho para mapatunayan namin na may something outside work,” say na lang ni Carla
    , na gumanap na isa sa mga anak ni Eugene Domingo sa Mamarazzi.

    * * * * *

    Abante, Aug. 22, 2010

    Glaiza, ‘Di Aagawin si Geoff kay Carla!
    ni Ruel Mendoza

    Kinukurut-kurot ni Glaiza de Castro ang kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwala na magbibida na siya sa sarili niyang drama series sa GMA-7. Isang drama-fantasy nga ang tema ng kanyang series na may titulo na Grazilda.

    Pagkatapos ngang magpakita ng kanyang husay sa pagiging kontrabida sa ilang drama series, heto at gagawin na siyang bida sa bagong TV project sa GMA-7.

    “Hanggang ngayon talaga, hindi ako makapaniwala.

    Kasi nga, nasanay ako na nasa supporting cast ako. Tapos biglang dumating ito. Masyado akong overwhelmed ngayon kasi pinagkatiwalaan ako sa project na ito,” sabi ni Glaiza.

    Huli ngang napanood si Glaiza bilang kontrabida ni Regine Velasquez sa Diva. Nagpakita nga rin ng husay si Glaiza sa pagiging kontrabida kay Rhian Ramos sa Stairway to Heaven at maging kay Maxene Magalona sa Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

    Naging part naman ng supporting cast si Glaiza sa mga series na Gagambino, Fantastikids, Boys Next Door at Asian Treasures. Naging bida na rin siya kasama si Lovi Poe sa afternoon drama series na Kaputol ng Isang Awit at sa Dear Friends: Igorota with Patrick Garcia. Si Glaiza rin ang nagbida sa SRO Cinemaserye Presents The Eva Castillo Story. Kasalukuyang nasa gag series siya na Laf En Rol with Boy 2 Quizon at regular siya sa Party Pilipinas.

    Ngayon nga ay magiging leading man niya sa Grazilda ay si Geoff Eigenmann. Hihiwalay muna si Geoff sa ka-loveteam niyang si Carla Abellana para tumambal muna kay Glaiza.

    “Nakakagulat kasi si Geoff ang magiging partner ko. Kilala ko naman si Geoff kasi nakakatrabaho ko naman siya dito sa GMA-7. Natuwa naman ako na magkakatrabaho kami sa project na ito,” sambit ni Glaiza.

    Inuunahan na ni Glaiza ang mga fans ng loveteam nina Geoff at Carla na wala siyang intension na agawin si Geoff kay Carla. Trabaho lang daw itong gagawin nila.

    “Naku walang agawan ito. Trabaho lang po. Si Geoff ay kay Carla pa rin. Hinihiram lang siya para maka-partner ko,” pagtatapos pa ni Glaiza.



    Something good will come out of this (being in separate projects). *okay* :angel: :cheers: :bounce: :dance:
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Pilipino Star Ngayon, Aug. 22, 2010

    ABOUT SHOWBIZ
    ni Nitz Miralles

    May teaser na ang Grazilda, The New Cinderella, ang fanta-drama na pagbibidahan ni Glaiza de Castro. Siyempre pa, tuwang-tuwa ang aktres sa panibagong project na ibinigay sa kanya ng GMA 7 at hindi makapaniwalang bida na siya at may ka-loveteam na hindi niya aagawin sa bidang babae at ito’y si Geoff Eigenmann na “hihiramin” niya kay Carla Abellana.

    Hindi naman pala agad ibinigay ng network kay Glaiza ang project dahil nag-audition ito for the role kasama ang ibang Kapuso stars at sinuwerteng siya ang napili after two auditions.

    Bukas, Monday na ang simula ng taping ng Grazilda to be directed by Dominic Zapata at sa Sept. 11 na ang airing. Pang-primetime ang fanta-drama na ito na papalit sa Pilyang Kerubin. Iba’t iba ang location ng show at gagastusan ng network. Pati mga kasama sa cast ni Glaiza ay magagaling na artista gaya nila Rio Locsin, Joel Torre, at Cheri Gil.

    Dahil sa panibagong show, tuluy-tuloy nang mabibili ni Glaiza ang nagustuhang three-bedroom house sa may Commonwealth, Quezon City. Before the year ends, sa kanya na ang bahay na isang katuparan nang matagal nang pangarap ng aktres para sa kanyang pamilya.


    Ganito kaya ang sinabi ni Glaiza: "Carla, pahiram muna kay Geoff ha?" :rotfl: Ha, ha, ha :rotflmao:
  • bachebache ~ Bless ~ PExer
    elarebee wrote: »
    te bless!!! :stolenkiss:


    momskie na rin tawag sa iyo, ha? :winker:


    thanks again, ipopi and kasprer!! :handsdown:


    hi jhoy!! :stolenkiss:



    :director: te ludy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!





    :naughty: :lol::rotflmao:
  • levinlancelevinlance Member PExer
    geoffspace!!!!!
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Journal, Aug. 24, 2010

    Carla Will Miss Geoff
    by Mario Bautista

    CARLA Abellana was the featured star in “Showbiz Central’s” “Behind the Wall” portion. She wasn’t able to guess correctly that one of the secret informants is her own elder sister, Erica, who is as pretty as Carla and can also be in showbiz. Carla admits she feels sad that she and Geoff Eigenmann will part ways after “Basahang Ginto.” “We’ve foreseen that naman kasi 'di naman puwedeng we won’t grow at puro kaming dalawa na lang lagi,” she says. “Geoff is now doing ‘Grazilda’ with Glaiza de Castro and I’ll be paired naman with Dennis Trillo in my next show kasi maganda yung nakitang chemistry sa ’min when we became co-hosts in ‘StarStruck V.’ So yung supporters ng tambalan namin ni Geoff, will miss us in ‘Basahang Ginto’ dahil it will take a long time bago kami magkasama uli sa isang show.”

    Will she miss Geoff? “Oo naman. He’s my first leading man and he’s really supportive. Super busy siya ngayon kasi nagti-tape na sila ng ‘Grazilda’ and he also tapes for ‘Basahang Ginto’ kaya lagare siya.”

    Are they now on? “No. He knows work ang priority ko. But, he’s definitely boyfriend material. Mabait siya talaga.
    Kaya lang, I’m not ready yet lalo ngayong nagmu-movies na ako. After ‘Mamarazzi,’ I’m doing ‘Shake, Rattle and Roll 12’ naman for Regal at ang kapareha ko is Geoff’s cousin, Sid Lucero. I enjoyed doing ‘Mamarazzi’ kasi puro drama ako sa TV and this one is a comedy at maganda ang role ko as Mimi, an aspiring actress.”

    But, some folks say Andi Eigenmann has a better role than her? “That’s true, kasi anak siya ni Eugene Domingo as Mamarazzi and she plays dual roles pa. But, that’s just fine with me. Hindi ko gagawing issue 'yan.”
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    geoff-carla.jpg

    Abante, Aug. 24, 2010

    Geoff, Naghihintay Pa Rin kay Carla
    ni Abu Tilamzik

    Si Geoff Eigenmann ang escort ni Carla Abellana sa premiere night ng Mamarazzi kamakalawa sa SM Megamall.

    Wala pa rin daw pagbabago sa kanilang relasyon kundi nasa ganu’ng level pa rin daw sila na kung saan patuloy pa rin ang panliligaw ni Geoff.

    Binanggit ni Carla sa Showbiz Central nang mag-guest siya nu’ng Linggo na may hinihintay na lang daw siya na proposal ni Geoff sa kanya.

    Kinulit namin kay Carla kung anong proposal ba ang sinasabi niya.

    Hinihintay na lang daw niya na sabihin uli ni Geoff sa kanya ang linyang, “Will you be my girlfriend?”

    Hindi naman daw niya masasabi kung sasagutin na ba niya ito dahil abala pa rin sila sa trabaho nila.

    Maganda raw itong pinaghiwalay muna sila pagkatapos ng Basahang Ginto para malaman nila sa kanilang sarili kung sila pa rin at kung ma-develop ang magandang relasyon nila.

    “Sabi ko nga, this might be a good thing for us na maghiwalay muna kami sa trabaho. We’ll see kung hanggang saan kami aabutin, 'di ba?

    “If it really means something and if we’re meant to be together, at least matutuloy ‘yun at mare-realize namin na hindi dahil sa trabaho, sana outside work, patuloy pa rin siya,” pahayag ni Carla.

    “Hindi naman ako nagmamadali. But, I’m willing to wait,” sey naman ni Geoff.

    Wala raw ibang ine-entertain na manliligaw si Carla dahil exclusively dating sila ni Geoff.


    Ang gulo nila! :rollingeyes: May hinihintay si Carla from Geoff at naghihintay naman si Geoff kay Carla. :lol: So hintayan ang drama nila. :rotfl:
  • englandroseenglandrose Member PExer
    Geoffspace :wave:
  • elarebeeelarebee Ludy PExer
    bache wrote: »
    ps ako... :cheers::cheers::cheers:
    :cheers:


    ganyan talaga, te bless, pag mag -isa :lol: :rotflmao:
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    PEP Scoopbox (Aug. 25, 2010): Ginaganap ngayon ang pictorial para sa Grazilda, ang pagbibidahang fantaserye ni Glaiza de Castro sa GMA-7. Ginaganap ang pictorial sa Fernbrooks Garden sa Daang Reyna, Las Pinas City. Bukas, Aug. 26, ang first taping day ng Grazilda.
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Phil. Entertainment Portal, Aug. 27, 2010

    http://www.pep.ph/news/26602/Geoff-Eigenmann-not-in-a-hurry-to--propose--to-Carla-Abellana

    a86decc40.jpg

    Geoff Eigenmann Not in a Hurry to "Propose" to Carla Abellana
    by Nora V. Calderon

    Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang press si Geoff Eigenmann sa set ng Basahang Ginto sa Victoria Place sa Potrero, Malabon last Wednsday, August 25. Ang unang tanong agad kay Geoff ay kung kailan niya gagawin ang hinihintay na "proposal" sa nililigawan at ka-love team niyang si Carla Abellana.

    Kailan niya tatanungin ang dalaga ng: "Will you be my girlfriend?"

    Sagot ni Geoff, "Hindi po dapat madaliin 'yon. Gusto ko kasi maging very special 'yon kaya paghahandaan ko 'yon. Gusto ko in a special place talaga, sa gabi, with rain effect pa."

    Mangyayari pa ba 'yon kung magkakahiwalay na ang love team nila ni Carla? Ano ang feeling niya sa paghihiwalay nila kahit hindi pa naman sila tapos mag-taping ng Basahang Ginto?

    "Inihanda na rin namin ni Carla ang sarili namin sa possibility na magkakahiwalay din ang love team namin, pero nalungkot pa rin kami," sabi ni Geoff. "We believe naman na hindi forever na magkakahiwalay ang love team namin. Baka sa susunod na project namin, kami na ulit ang magkatambal.

    "Basta ako, mag-e-effort to be with her. Kahit pa nga five days a week ang taping namin ng Grazilda. Saka every Sunday, magkasama pa rin naman kami sa Party Pilipinas."

    Kung sa Grazilda ay si Glaiza de Castro ang katambal ni Geoff, si Carla naman ay ipapareha kay Dennis Trillo sa susunod niyang prject.

    Hindi ba mapuputol ang communication nila kung iba na ang schedules nila?

    "No, hindi po mapuputol ang communications namin ni Carla. Kapag may problema po ako, siya agad ang una kong sinasabihan," sagot ng young actor.

    So, wala naman siyang takot na baka ma-in love si Carla kay Dennis, o siya naman sa iba?

    "I've been busted before, but this time, sigurado na ako," sabi ni Geoff. "Maaaring madali akong ma-in love, but doon sa talagang gusto ko. And iyon ang napi-feel ko kay Carla at alam niya 'yon."

    GRAZILDA. Mukhang walang time si Geoff na makapagpahinga sa taping dahil nag-overlap na ang taping niya ng Basahang Ginto at Grazilda.

    "Yes, after ng taping namin dito, tutuloy po kami ni Dom [Dominic Roco] sa pictorial namin ng Grazilda. And tomorrow [August 26], first taping day na namin," banggit ni Geoff.

    Mag-o-overlap din daw ang airing ng dalawang shows ni Geoff. Ang Grazilda ay magsisimulang ipalabas sa September 13 samantalang ang Basahang Ginto ay sa September 24 pa matatapos.

    First time makakasama ni Geoff sa isang show ang tita niya na si Cherie Gil, na kasama sa cast ng Grazilda.

    "Opo, nagkagulatan nga kami nang magkita kami sa story conference. Hindi po namin alam na magkasama pala kami sa project. She will play the wicked stepmother sa real world," sabi ni Geoff, na gaganap namang Prince Charming ni Glaiza sa real world.

    Sino pa ang gusto niyang maging leading lady, bukod kay Carla at Glaiza?

    "I'm open to work with Heart Evangelista since Kapuso na rin siya ngayon," sagot ni Geoff. "Twice na kaming nagkasama ni Heart noong nasa kabilang network [ABS-CBN] pa kami, una sa Hiram at nasundan ito ng Hiram na Mukha."

    Pero nilinaw ni Geoff na hindi niya niligawan si Heart noon dahil during that time ay boyfriend ng young actress si Jericho Rosales.


    Director na pala si Geoff! :director: Gusto pang may rain effect ang proposal! :rotfl:

    Nakakatuwa si Geoff sumagot pagdating kay Carla! Halatang-halatang love niya 'to! :sweet: :cheers: :heartpump: :cheerleader:

    Mabuti't sa 'real world' ang characters nina Geoff at Cherie dahil ayokong may costume sila. *okay*
  • englandroseenglandrose Member PExer
    GEOFFSPACE :wave:
  • iadmirecarlaiadmirecarla Member PExer
    Geoffspace :wave:
    Ate Ludyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    s-29-carla-abellana-PATH.jpg

    Abante, August 29, 2010

    Geoff, Gustong Pakasalan Agad si Carla
    ni Jun Nardo

    Nalulungkot si Geoff Eigenmann sa paghihiwalay ng love team nila ni Carla Abellana. Last team up na nga nila ang Basahang Ginto.

    “We know that it will happen na ipi-pair kami sa iba. Hindi namin alam ang mangyayari, but hopefully, it turns out well for the better,” sabi ni Geoff.

    Ano na ang mangyayari sa panliligaw niya kay Carla?

    “Ako naman, walang gagawing hindi maganda. Wala pa naman kaming relasyon pero that’s what I’m working on. If going there na, kailangang matino na. Tuluy-tuloy na at walang kalokohan!” sagot niya.

    Pero, binasted na ba siya ng babae noon?

    “Yeah, of course! I’ve been busted before. Ahh, as much as possible, ayaw mo na naba-busted, kasi binibigay mo ang effort mo. Tapos, biglang lahat ng ‘yon, wala rin pala! So as much as possible, you’re playing it safe now! Gusto ko, positive lang and no second thoughts about it. Malay mo papunta na ‘yon sa wedding,” sabi niya.

    So, papunta na agad sila ni Carla sa wedding kapag sinagot na siya nito?

    “Hindi na naman ako bumabata, eh! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Geoff.

    Posibleng maputol na ang communication nila ni Carla ‘pag hindi na sila nagsasama sa trabaho.

    “No! Ako kasi 'pag may problema, tinatakbuhan ko siya. I doubt kung mawawala ang communication.

    We’ll just be seeing less. Basta nandiyan ang trust and communication, walang problema.”

    Baka hindi niya maiwasan ang tukso sa ibang babae, huh?

    “Tao lang naman ako pero kaya kong iwasan ‘yon! Ha! Ha! Ha!

    “Honest lang naman ako,” sagot ni Geoff na ayaw nang ma-involved sa ibang babae bukod kay Carla.


    O, kasalan na! :cheers: :dance:

    Nakakatuwa talaga si Geoff sumagot, ang prangka! :rocker: :cheerleader:

    Nabasa ko yung plot ng Grazilda. :hmm: Dahil sa kamalditahan niya, tinapon siya ng fairy godmother sa mortal world at ni-reverse ang takbo ng buhay niya - siya na yung inaapi. :lol:
  • levinlancelevinlance Member PExer
    geoffspace!!
  • ipopiipopi Member PEx Expert 🎖️
    Manila Standard Today, Aug. 31, 2010

    Mixed Emotions
    by Joseph Peter R. Conzalez

    Geoff Eigenmann has mixed feelings about Basahang Ginto as his last project opposite Carla Abellana.

    "Yes, mixed in the sense that the Sine Novela we both are in is doing well in the ratings. In fact, we got extended. We didn’t imagine the show would rate higher than what we thought it would," he says.

    "On the other hand, it’s also saddening because Carla and I will definitely see each other less since for our next show, we’ll be paired with someone else: she with Dennis Trillo while I’ll be with Glaiza de Castro in Grazilda."

    "We may be seeing each other less but we’ll keep our communication lines open. I’m willing to exert extra efforts to visit her when there’s a chance. One thing more, it’s certain that we’ll work again sometime in the future. This is just a respite since previously we starred in successive shows like Rosalinda, SRO Presents: Carinderia Queen and The Last Prince.

    When it concerns Carla, the handsome matinee idol wants to take things one step at a time.

    "It’s a process. I’m not in a hurry to jump into a relationship. I want to be sure about everything first. I’m not getting any younger. I want to play it safe this time," says Geoff.
  • bachebache ~ Bless ~ PExer
    :wave: geoffspace!!!!!!!!!!!!!






    :D :D :D
  • Redhawk13Redhawk13 Member PExer
    :wave: hello po, I miss all my ates here. its been awhile
    what's new with Geoff? Ate LUdy miss kita. hi daw sabi ni Nanay.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file