Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

PEP: Dra. Belo's camp clarifies botox procedure on Charice

Naging malaking balita sa mga pahayagan, sa telebisyon, sa radyo, sa Internet, at sa iba't ibang social networking sites ang pagsailalim ng Filipino international singing sensation na si Charice sa botox procedure na isinagawa ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo last Saturday, July 17.

Iba't ibang reaksiyon din ang nilikha ng desisyong ito ni Charice. Mayroong mga nakakaintindi at nagpahayag ng patuloy na pagsuporta sa singer. Pero mayroon ding mga bumatikos na nagsasabing napakabata pa ni Charice sa edad na 18 para sumailalim sa botox procedure.

Pinag-usapan nga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Amerika at sa iba pang panig ng mundo. Lumabas pa nga sa isang U.S. magazine na hindi na raw kailangang gawin ito ni Charice dahil tanggap naman ng mga tao ang hitsura niya. Tinangkilik siya sa Amerika dahil sa kanyang angking talento.

Dahil sa mga batikos ay nag-react na rin ang isang rep ni Charice. Sa isang artikulo na lumabas sa website ng Us magazine, na may titulong "Rep: Charice Did Not Get Botox To Make Her Face Narrow", itinanggi ng isang rep ni Charice na nagpa-botox ang Pinay singer "to change her appearance."

Ayon sa rep ni Charice, ang dahilan ng procedure na ginawa sa 18-year-old singer ay "to relieve a jaw problem similar to TMJ." (Basahin: Vicki Belo criticized over Charice botox issue)

Sabi pa ng rep sa Us interview nito: "It did not hurt; it relieved the pain. You've seen her face—she doesn't have a wrinkle in it so she wouldn't need it for cosmetic purposes. The Glee people are thrilled with the way she looks which is why she got the part."



ht tp : / /h ou s e fo r s al ep h . co m

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file