Home PEx News and Tech Local and Foreign Issues
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Noynoy, napupuyat sa kakalaro ng PSP

SINO?!? (Ang Isa Pang Yugto)


ARNOLD CLAVIO: SINO?!? (Ang Isa Pang Yugto)
KAI PASTORES: At dahil dito, may nag-text!

Sex Video


SINO?!? Sinong Vice Presidentiable ang may ‘V’ or ‘sex video.


Itong VP na ito ay kay hilig palang kuhanan ng video ang pagtatalik nila ng kanyang dating girlfriend, isang sexy actress na nakabase na sa abroad.


Itong VP na ito, na tila idolo pala ni ex Dr. Hayden Kho, ay may kakaiba ring gimik.


Sa naturang video, na minsan na ring inireklamo ng sexy actress, minsan ay pinagsusuot siya ng madre or nurse ng tumatakbong bise.


May kanya-kanya nang buhay pamilya ang dating mag-partner pero ang ikinababahala ng sexy actress ay ang ilang kopya ng kanilang sex video na nasa ‘security vault’ pa ni Mr. Future VP.


Ang VP na may sex video ay si......Mr. ‘E’ as in E-VAT?


Adik sa PSP


SINO?!? Sinong Presidentiable naman ang utu-uto sa kanyang running mate. Matapos na mabuking na iba ang kanyang ineendorso na VP, laging mainit na ang ulo ng kanyang partner.


Nitong huli ay talagang nagsisisigaw na siya at inutusan ang kanyang ‘presidentiable’ na mag-isyu ng statement na pinabubulaanan na may iba siyang ineendorsong ka-partner lalo na’t tila palapit na ng palapit ang kanyang katunggali sa survey.


Kung hindi ito gagawin ng naturang presidentiable, handa na siyang ibuko sa publiko na kaya ito laging late sa mga provincial sortie nila ay dahil napupuyat sa kakalaro ng PSP.


Parang mga bata kung mag-away sa harap ng kanilang mga advisers ang dalawang ito. Kaya ‘di maiwasang mag-isip na maging ang VP ay mayroon ding kakaibang uri ng sakit.


Ang presidentiable na napupuyat sa kakalaro ng PSP ay si....Mr. T as in Tekken 3


Condo Boy


SINO?!? Sinong senatoriable naman ang pagkagalante na buong pamilya ng kanyang bagong girlfriend, na isang young actress, ay binilhan ng isang condo unit.


Pero kapag dumadalaw siya sa naturang condo unit, binibigyan niya ng pang-grocery si nanay at si tatay para umalis at masolo nila ang kanilang pugad.


Magaling din manligaw ng balita si senatoriable dahil ang kanyang kinakalat na ‘crush’ ay isa pang young actress. Pero ang tinotoo ay itong bagong cover ng isang panlalaking magazine.


Magbilang ka ng ilang araw may lulusubin na naman si Mrs.,, amazing story...


Ang naturang senatoriable na may bagong tsitsing ay si .... Mr. K as in Kiss Me


Mr. Maniac


SINO?!? Sino ang bagong sex toy ni Mr. Congressman Playboy?


‘Di inakala ng mga kasamahan sa trabaho ng sexy actress/TV host na siya ang magiging bagong biktima nitong matulis na si congressman.


Secured na secured at todo guwardiya raw talaga ngayon ito matapos na bilhan ng isang second hand na BMW x5 at tirahan...


Ang malas, ang napagbigyan ng kanyang sustento sa isang parlor ay ang co-host ni sexy actress sa TV show. Nadulas din ang driver na napag-utusan nang sabihing galing kay Cong. tulis ang padalang pakete.


Ang sexy actress ay si.... Ms. B. as Boy A. at ang Kongresista ay si.... Mr. M as in Manyak...


Siguro tama na muna ‘yan na panlibang natin sa init ng eleksyon. At huwag pa ring kalimutan na bigyan ng parangal ang araw na ito na Araw ng mga Manggagawa.


Lord, Kayo na po ang bahala.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file