MARK BAUTISTA - KAWAWA sa PARTY PILIPINAS ng GMA 7

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
:spinstar:

Mark Bautista, kawawa sa ‘Party Pilipinas’

(ALLAN DIONES)

KATULAD ng marami ay curious kami sa ipinalit sa SOP na Party Pi*lipinas kaya tinutukan namin ang pilot episode nito nu’ng Linggo.
Tama ang hinala namin na pamagat at set lang nito ang nabago, pero sa kabuuan ay parang lumang SOP pa rin.
May effort ang mahabang opening number (na ang description na nabasa namin sa YouTube ay parang wala nang bukas!) na tinambakan ng sandamakmak na Kapuso artists, pero hindi pa rin kami na-impress at wala pa rin itong binatbat sa mga bonggang opening ng katapat na ASAP sa ABS-CBN.


Agree kami kay Abu Tilamzik na dapat ay mas binigyan ng malaking exposure si Elmo Magalona na fresh addition sa show at bago sa paningin ng viewers.
Nabasa namin sa tweet ni Elmo na guest lang siya kaya maiksi lang ‘yung portion niya sa opening.
‘Yung mga katulad ng bagets na anak ni Francis M ang dapat kinukuhang mainstay ng Party Pilipinas para magkaroon ng bagong sigla ang programa, kesa kung sinu-sinong nameless na grupo ang tinatambak nila sa show.


Bising-busy ang Twitter nu’ng araw na ‘yon at aliw na aliw kami sa pagbabasa ng tweets na karamihan ay panlalait sa Party Pilipinas.
Isa si Christine Bersola-Babao sa nagpasimula ng diskusyunan sa Twitter tungkol sa PP, pero luma*labas na mas marami pa rin ang loyal sa ASAP at hindi type ang bagong bihis na SOP.
At ang katawa-tawa pa, ang Party Pilipinas ang nag-pilot nu’ng araw na ‘yon pero ang ASAP XV ang naging ‘trending topic’ (worldwide) sa Twitter sa dami ng lumait sa PP at pumuri sa ASAP!


Okey ‘yung dance number ni Richard Gu*tierrez dahil bihira niyang gawin ‘yon, pero parang nabitin kami.
Bitin din ‘yung portion ng Glam Girls na sina Heart, Rhian, Bianca, Carla at Lovi.
Cute sina Barbie, Joshua, Jake at Bea at klik sila sa mga bagets kaya dapat bigyan pa sila ng magandang exposure.


Naawa kami kay Mark Bautista dahil kung sa ASAP ay mga kapwa niya champions na tulad nina Christian Bautista, Erik Santos at Jed Madela ang kasama niya sa pagkanta, sa PP ay isang Geoff Taylor lang ang kasama niyang mag-song number imbes na sina JayR, Kris Lawrence at Gian Magdangal.
Agree kami sa mga comment sa Facebook na ang unang dapat palitan sa show ay ang direktor nitong si Louie Ignacio para maging totoong bago ang Party Pilipinas at hindi kasinluma pa rin ng SOP.
Nai-suggest na rin namin noon kay Ogie Alcasid na kailangan nila ng bagong musical resear*chers na updated sa latest hit songs nang hindi puro panay pinaglumaan ng panahon ang kinakanta nila sa show!


Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2/

:spinstar:

Comments

  • smart pexersmart pexer Banned by Admin PExer
    kawawa naman talga sya...

    mapabilang lang sya sa kapekpek network kawawa na sya....

    yon pa kayang isama sya sa mga pangit.....

    hahahhahaahhahahhhahahahahahhahhahahaahahahaahahhahahahhahha
  • BisayangLuckyBisayangLucky Ang cute koh PExer
    Nai-suggest na rin namin noon kay Ogie Alcasid na kailangan nila ng bagong musical resear*chers na updated sa latest hit songs nang hindi puro panay pinaglumaan ng panahon ang kinakanta nila sa show!

    True. Ang ASAP kinakanta na at sinasayaw na ang mga songs ni Beyonce na hindi pa sumikat dito. Updated sila sa mga songs na popular na sa US na hindi pa dito. Kaya ang dami na nagaganahan sa ASAP kasi maraming music fans (especially teens) na talagang super updated.

    Ang PP wala as in wala. Mga numbers na kalatoy-latoy...mga walang confidence.
  • ariesqueariesque ∞ U N E V I C T A B L E ∞ PExer
    ..at si Rachelle Ann Go, bibirit na lang with Ladiva, sobrang nakakababa ng level!!

    matutulad din si Mark at Rachelle Ann kay Marvin at Jolina na super struggle sa career with GMA.... welcome to NEGAtivity!!
  • say_what_?09say_what_?09 Severe Chronic Ottitis PExer
    Mark Bautista gumawa ng sariling hukay para sa career nya


    BAD moves ang paglipat nya sa GMA7.



    Welcome sa Baurahan Netwok.


    Helo Viray..!


    Helo Geof..!


    Helo Retoquez..!



    hahahaha...
  • kittie_addictkittie_addict Stand by me PExer
    kawawa naman si Mark.. Kasalanan to ng VIVA eh.... sila kasi ang nagdesisyon na ilipat siya sa kabila
  • beachyonebeachyone Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I'm very happy about all these nega threads about Party Pilipinas. If this will help fire Louie Ignacio, I say, keep on bashin'! :lol: :D
  • ninetailsninetails Banned by Admin PExer
    okay lang kay Mark yun.

    bagay sya dun.

    baduy.
  • fattyacidfattyacid Aim 2014 🐯 Tiger Squad🥈
    panindigan na lang nya ang desisyon nya....
  • nick_28nick_28 FVCK U JIM BUSS PExer
    beachyone wrote: »
    I'm very happy about all these nega threads about Party Pilipinas. If this will help fire Louie Ignacio, I say, keep on bashin'! :lol: :D

    naku wag naman mo **** hilingin ang ganyan.......

    in fact favorite ko yang pp at magaling na dierktor yang si ignacio, di ba mga kapamilya?:lol:

    basta happy PP mga kapuso........:D
  • ninetailsninetails Banned by Admin PExer
    go LOUIE IGNACIO... ipagpatuloy mo lang yan.

    lingo-linggo mo kaming pinasasaya.....

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file