Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

HARAPAN: ABS-CBN's VP FORUM

On HARAPAN: The Vice-Presidential Forum last night
This is based on how the candidates answered the questions:

1. Mar Roxas- over-all magaling sya sa pagsagot sa mga katanungan.

Good: Hindi sya negatibo sa mga pagsagot at di niya tinitira ang kanyang katungali. Pati ang kanyang pagtatanong ay para mailabas ang kabutihan ng kanyang mga katunggali. Also lagi lang syang naka smile kahit pambabatikos ang binabato sa kanya.

Bad: Pero minsan parang laging emotion ang basis nya sa mga tanong. Tunog kampanya palagi.

2. Loren Legarda- ang mga kasagutan nya ay palaging specific. Tila napakalawak ng karanasan nya sa halos lahat ng aspeto at sektor ng lipunan.

Good: Matalino ang kanyang kasagutan at halatang pinaghandaan nya ang programa.

Bad: Maraming beses na puro na lang ang pagtira kay Sen. Mar ang intro nya sa mga kasagutan nya. Malakas ang tendency nya maging nega kaya imbis na matuwa ang mga nanood sa kasagutan nya parang nagba-back-fire pa ito sa pananaw ng publiko ukol sa kanya.

3. Jay Sonza- surprisingly magaling syang mag-isip at sa usaping agrikultura ay talagang kapanipaniwala ang kanyang mga kasagutan.

Good: Positibo ang kanyang pananaw na ang pag iisip ang kailangang baguhin at hindi dapat mag focus sa kung sinolang ang mananalo.

Bad: None for this forum (sayang lang at wala syang makinarya para maipahatid samas maraming Pilipino ang kanyang plataporma)

4. Bayani Fernando- maayosnaman ang kanyang mga kasagutan. Pero makikita mo na medyo limitado lang sya sa implementasyon ng mga batas.

Good: Specific din ang mga programa at ito daw ay dahil sa mga pagpaplano nila ni Gordon. Maganda ang mga plataporma.

Bad: Though maganda ang mga proyekto nya, pero parang sobrang ambitious ng mga ito. Halimbawa na lamanag ay ang sinabi nya na bibigyan ang bawat mag-aaral ng mini-computer na maglalaman ng lahat ng text books na kakailanganin mula elementary hanggang college. Isa pa, he sound so incompassionate to the lower class.

5. Mayor Binay- witty syang sumagot at nakakaentertain sila ni Fernando pag nagbabangayan.

Good: Tested ang ilang programa na nais nyang isulong lalo na kung paguusapan ang mga nagawa nya sa Makati.

Bad: Di lahat at pwedeng iformat sa Makati. Napahiya nga ito ng sinabi nung teacher na maganda ang sagot nya about how Makati has a good education kasi mayaman ang lugar na ito, pero ang tanong ay paano naman ang mga pinaka-remote at mahirap na lugar sa buong bansa?.

6. Perfecto Yasay- He gave intelligent answers.

Good: Spontaneous sya at mukhang may compassion. Well-balance ang pananaw sa buhay.

Bad: He sound too sosyal para maintindihan ng masa.He can't even deliver a speech na straight Pilipino. Ang lakas pang mag-accent.


Other Comments:

1. On Sen Legarda scores: Bakit parang laging mababa ang scores ni Sen. Legarda, kahit na very satisfying yung ibang sagot nya...laging mas marami ang hindi naniniwala...parang minalas yata si Se. loren na yung mga may hawak ng voting machines eh negative ang pananaw sa mga sagot nya.
2. On the contrary Sen. Roxas always gets an over 80% approval on almost all answers...Kahit yung iba nababawan ako.
3. Jay Sonza was a revelation in this forum...May sense pala sya...
4. Bayani- the dumbest of them all....at kulang sa pagpapakumbaba.
5. Binay- he acts as if the whole Philippines is makati...ggggrrrrrr!!!
6. Yasay- pwede sana....kulang lang sa masa appeal.

MY OVER_ALL SCORES:

*okay*Sen. Legarda- 90% (bawasan lang ang pagiging nega and she might get my vote over Se.Mar)
*okay*Sen. Roxas- 85% (he is still my personal choice, pero kailangan nya pang galingan next time)
Mr. Sonza- 75% (sayang....)
Bayani Fernando- 60% (mag-quit kna)
Mayor Binay- 75% (Pwede ka muna mag Senador, get more experience on helping the entire country)
Perfecto Yasay- 70% (kulang din sa experience...pero pwede sa future)

Kayo mga Kapamilya ano ang masasabi nyo?

Comments

Sign In or Register to comment.