FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

ang hirap mag-assume!!

hello everyone! first time ko magcreate ng thread dito sa pex, i read the various dilemmas shared here, and so i thought why not share my own story and ask for your advice, minsan kasi it's better to have a third party advice than from people who knows me way too well...

here's the thing. NBSB kasi ako, and no one ever courted or made paramdam with me before. i'm not too old naman, but old enough that some batchmates of mine are married and have kids already. i'm not really searching for anyone nor have tried anything like that. friends of mine tell me, why don't i go out on dates? eh sa di ko feel yung ganun eh... so i go through with my life for the past years going to work, go out with friends, chill at home, etc... i had crushes before, sa school pa, mabibilang sa kamay, pag magkacrush kasi ako SOBRANG TAGAL, as in it takes years na siya lang talaga. pero when i started working na nga di pa ako nagkacrush ng ganun... which was quite a while na rin...

then around last year lumipat ako ng work, and i met this guy who after a week or two pa lang ako sa work ko, i know na crush ko na talaga siya. he's not married, wala rin siya girlfriend, and we went to the same alma mater pa nung college, and two years lang ang tanda niya sa akin. the catch is this: he sorta one of the bosses sa project namin. well, di talaga niya ako under, strictly speaking, kasi ibang department ako, pero mataas na ang position niya sa project, and "sir" na talaga siya ng halos lahat. ironically, alam ko rin na he's not the best-looking guy sa office namin, pero ewan ko ba at nagkacrush ako dun!!

anyway, dahil nga sanay na ako noon na hanggang crush lang naman yung feelings ko eh sige, ok lang, inaantay ko na lang na mabawasan or mawala ang pagkacrush ko. i went on with my life. tawagin niya ako, utos siya, gawin ko, he says thanks. small talks about our college life. di ko siya naging classmate, and we never met noon, but we had common friends and profs kaya nagkakakuwentuhan rin minsan. marami rin kami in common, like interest sa music, sa books, sa tv shows... so while i was waiting na mawala pagkalike ko eh it started growing pa... so, yah, it was backfiring on me...

then things started moving uphill... kasi a lot of people at work noticed na i was losing weight (i was really fat back then and was forced to lose dahil sa doctor's advice), and medyo parang nag-makeover na rin, di kasi ako nag-aayos dati eh... and i noticed na yung si "sir" ay mas napapadalas na ang tambay sa may pwesto ko, na wala lang namang gagawin. dadaan to ask kung bakit daw ang liit ng font sa screen ko, kesyo bakit daw ang tugtog eh "The Search is Over" (baduy, i know, hahaha), na ano daw secret ko at nakapagpapayat ako (i'm still fat, siguro nga lang malaki ang difference talaga sa mata nila), na kesyo baka daw ginugutom ko na sarili ko, tapos nung nakita ako na kumakain sinabihan ako na bakit daw ako kumakain???!, na kesyo blooming daw ako lately, na mag-ha-Hi and mag-good morning bigla, na kesyo sasabihing "Busy, ah. Busy ka?" sabay mangungulit. Maski yung ibang people sa work especially yung mga ka-close ko na alam na like ko siya, eh napapansin na madalas nga siya lumapit and mangulit sa akin lately, as compared to all the other girls at work. there was even one time na sobrang kinulit niya ako na ilibre daw niya ako ng KFC Pasta Bowl kasi di pa daw niya natitikman yun! And nilibre ko nga siya, we went out, but with our other officemates as well. And lagi rin nangungulit na ilibre ko din daw siya sa Starbucks... And another thing, a male officemate who became a confidante also told me na minsan kakuwentuhan daw niya si "sir" (they go a long way back) and napagkuwentuhan daw nila ako, "sir" said daw na he thinks na mabait daw ako, and masipag sa work, and gumaganda daw ako lately... And yung guy friend ko na yun, sabi niya weird nga daw kasi hindi naman nga daw flirty type na guy si "sir" before...

so, anyway, as a girl, syempre all these things i just mentioned (marami pa yan, believe me, those are just examples) would make me think na he likes me too. pero as the Golden Rule said, wag maging assuming, di ba? So ayoko pa rin mag-assume. And as I said, "ligawan" was never in my vocabulary before, and I was never really good at reading guys. Besides, he never really asked me out, he never texted me, he never gave me anything or never mentioned anything directly to me na he likes me nga or something like that. So as of now my mindset is that siguro, para sa kanya, gusto talaga niya maging good friends kami...

So... what do you guys think? Does he like me, but is hesitant, because of the nature of our positions sa work? Is he "playing safe", as some of my guy friends thinks? Or is he just really friendly? Or if you have any other opinions, pakishare naman o, para rin maclear ang mind ko... hehe...

Comments

  • ayaraineayaraine Avid Lurker PExer
    yah, i really like him a lot... and thanks a lot for your comment, it helps a lot...

    nakakainis talaga ang ibang guys minsan no, ang lalandi! hahaha, haaaay...
  • baklitabaklita taas kilay PExer


    sige i-assume ko ang kasagutan...

    pini-figure out pa ni sir ang emosyon niya. parang may gusto
    siya at parang naiilang din siya at lalo pang natotorpe.

    aihihihi!!! :lol:

    baklits

  • guest_1110guest_1110 Member PExer
    lol agree ako diyan. golden rule: never assume. wait for guys to make their moves. pwede nga rin kasing nanlalandi lang yang mga yan. enjoy enjoy lang, pero hindi seryoso.

    the guy might like you pero not enough na manliligaw siya. just go with the flow. something might bloom eventually di ba?

    the downside, pwede rin na alam nga ni guy na crush mo nga siya... at naglalandi lang talaga siya sayo. if ganito nga, act normal. wag maiilang. my opinion, hindi rin naman magaaksaya ng oras ang isang lalaki makipaglandian kung wala siyang pakialam sa babae di ba?

    good luck sayo! make effort din. mag-ayos. galingan sa trabaho. ;)
  • freshbabefreshbabe this is freshbabe :) ✭✭✭
    nakaka-relate ako sa iyo, ENJOY THE MOMENT lang, kasi
    pag nagkataon mawala siya, not in the sense na morbid, pero
    yung mga tipong umalis sa workplace, or mag-abroad...

    hehe... yung sa kin kasi DI KAMI MEANT TO BE.(nag-abroad)
    pero yung akin talagang happy-go-lucky at guwapo, 5yrs.
    younger sa kin, at single-dad
    ...,
    chubby ako pero nag ka-BF naman ako, matagal lang makapag-
    BF ulit kasi... (choosy and di mabilis ma-inlove,
    marrying age nako noh, marami ako kakilala mag 2 na anak, yung
    early twenties naman nag-asawa mag-3,4 na anak, pero
    marami din single mom, at marami nagpakasal na talaga at may
    new baby na nga).


    ganyan din BOYLET ko(3years ago)...
    /naghahanap ng paraan para asarin or kulitin ako,
    nung time na ganun siya sa kin, wala pang nakaka-alam
    na type ko yung mokong.. and meron pa nga siyang dinidikit-dikitan
    na babae(ka-batch niya-kagandahan din, at sobra bait, nawawala
    selos ko sa babaeng yun, sa sobrang pagka-nice ng babae), pero
    ako talaga type asarin at
    mag-KSP ng mokong...
    ..


    akala nga ng iba nililigawan na ko(simula nung di siya pumasa dun
    sa ka-batch niya at nagkahiwalay sila, iba na time schedule nila/
    pati account naglipatan kasi at nakasama ko si mokong sa new
    account...

    nagkaron ako ng chance kay mokong na ma-solo ko na atensyon
    niya, parang hinuli nila
    ako kung nagseselos ako...kasi may bago siyang nagiging
    close na girl pero kagandahan kasi ako dun (nagseselos nga ako
    talaga-di ko na napigilan sarili ko, at napa-amin nila ako),..

    pero napansin ko nga... na wala kaming matinong serious convo,
    puros asaran talaga... at marami ang natatawa sa ming dalawa
    kapag pinatulan ko na siya...(wala naman kasing natatawa sa
    kaniya kapag pinag-titripan niya ko). BARADO kasi siya.
    pero napapatawa ko siya(masaya na ko nun).
    . :rotflmao:


    tapos ayun SAYA SAYA na ng mga araw ko...
    nung umamin ako sa bisor ko na selos nga ko...
    mismong bisor ko pa gagawa ng paraan para "kantiyawan
    kaming dalawa--- parang "loveteam" kami ganun."
    sobra naman saya ko kasi sinasakyan ni mokong at
    nakaka-kilig na talaga mga moments namin.


    eh.. pero umalis ako sa kumpanya, wala kasi ako natutunan halos
    sa new account na pinaglipatan namin(distracted/in love ako),
    at toxic pa naman ng account, di ko rin kayang makita ang
    mokong na pumorma siya sa ibang babae kapag natapos na ang
    training namin, pero di ko talaga gustong umalis...
    hinabol-habol pa nga niya ako (para lang mag-advice)---
    yun talaga nag-fall nako sa kaniya.., pero umalis pa rin ako.

    ayun after so...so.. months umalis na rin siya at nag-abroad.

    3years na... di pa rin ako maka-get over sa kaniya(single &
    workaholic siya abroad--thanks to facebook), para akong
    naghihintay sa wala.. or nag-aasam-asam na sana
    magkita kami ulit... --- wala naman siyang ginawang anumang move
    para i-maintain ang communication namin... (di
    ko na pinaalam rin na may feelings ako sa kaniya, saka nasa abroad
    na siya... anu pang habol ko--- ayoko magmukhang pathetic
    ).
  • reticeri_shereticeri_she Member PExer
    the guy likes you a lot.. sa pagkakasabi mo at pagkakaintindi ko, mabait naman yong guy.. agree ako kay baklits.. baka natotorpe si sir. hindi alam manligaw.. hindi naman nya siguro intention na paibigin ka. the thought na napapansin ka nya, ay nagsasabing gusto nyang mapalapit sa yo.
  • katlin_srekatlin_sre Member PExer
    yikes!! kakakilig naman... :-)

    just take things slowly.. hayaan mo yung guy na gumawa ng move para i disclose ang real feelings niya sa iyo. Enjoy his company for the mean time.
  • coppernicuscoppernicus Member PExer
    hmm...

    what if you tell him... "napapansin ko pa parati kang lapit ng lapit sa akin at keshyo ganito keshyo ganoon... baka magalit ang girl friend mo o may mag chismis sa kanya at bigla na lang akong sugurin nya"

    and wait for his answer? or "bakit wala ka pang bf?" if he is really your friend he will tell you his answer...

    alam ko mahirap sa babae ang magtanong ng ganyan lalo pa't baka mapahiya lang.. pero sometimes you have to face the music para alam mo rin kung saan ka lulugar at para rin (Sorry for the term) magpaka gha-gha... thinking that he likes you too..

    sorry ha.. nakarelate kasi ako dahil nangyari kasi yan sa friend ko.. ayun nag assume.. yun pala this guy remember his dead sister.. hehhee...

    ito po ay kuwento at mungkahi lang.. (NO violent reaction)...
  • annengerzieannengerzie simpleng makulit PExer
    Yan ang ayaw ko sa pagiging babae, assuming!
    hate ko naman sa mga lalake puro pahaging! Kaya walang nagkakaintindihan eh! hehe :p
  • aslowruleraslowruler but fast learner
    Yan ang ayaw ko sa pagiging babae, assuming!
    hate ko naman sa mga lalake puro pahaging! Kaya walang nagkakaintindihan eh! hehe :p

    Weeh... *peace*

    You have a point there. *okay*

    Pero kung sasabihin naman kasi diretso ng lalaki. Nagpapakipot naman ang babae. :glee:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file