[PT. 1] JOEM BASCON Finally Achieves Primetime Leading Man Status in Habang May Buhay

18679_104395342918614_100000444478298_115072_577129_n.jpg
Joem Bascon aka Nathan/Raon of Habang May Buhay

It's about time that he has his own thread especially now that he finally lands a leading man role in primetime opposite no less than Ms. Judy Ann Santos *okay*

Is it true that he will play Pepeng Kuryente :?: WOW! That would be another big break to watch out for :)


CAREER HISTORY courtesy of wikipedia

Television
Year Title Network Role
2010 Pepeng Kuryente (TV Series) ABS-CBN Felipe Marasigan/Pepeng Kuryente
2010 Habang May Buhay ABS-CBN Nathaniel "Nathan Corpuz / Raon
2009 Dahil May Isang Ikaw ABS-CBN Ryan
2009 Precious Heart Romances Presents: The Bud Brothers ABS-CBN Pete
2008 i ♥ Betty la fea ABS-CBN Mario Calderon
2008 Hush, Hush TV5
2008 Kahit Isang Saglit ABS-CBN Young Ronaldo Dimaandal
2008 My Girl ABS-CBN Bogart
2008 Love Spell: "The Credit Card" ABS-CBN
2008 Patayin Sa Sindak Si Barbara ABS-CBN John
2007 Walang Kapalit ABS-CBN Anton
2007 Prinsesa ng Banyera ABS-CBN Teen Sigmund
2007 Gokada Go! ABS-CBN Bob
2007 Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge ABS-CBN Himself/Contestant
2006 Love Spell: Click na Click ABS-CBN Harris Velasco
2006 Let's Go! ABS-CBN Bob

Movies
All About Love as Guest actor
Batanes: Sa Dulo Ng Walang Hanggan as Rico
A Journey Home as Raffy
I Love You, Goodbye as Guest actor
«134

Comments

  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    :lovesigh: sa wakas...nagtapat na si Raon/Nathan kay Jane na mahal niya ito...kailan naman kaya niya sasabihin na siya ang kababata niyang si Nathan :?:

    May behind-the-scenes photo ng three HMB leading men on this link for the ABS-CBN Summer Station I.D.:

    http://www.pep.ph/photos/1636/ABS-CBN%26%2339%3Bs_2010_summer_station_ID/num/3

    pasensiya na at di ako marunong mag-copy :D
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    sayang at hindi siya kasama sa next installments ng Agimat series pero mapapanood pa rin natin siya bilang Raon/Nathan sa HMB *okay*

    share ko lang some scaps, pics, articles from HMB thread :)

    behind-the-scenes...

    13965_103425813006676_100000177740583_90382_6774765_n.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    13636_1143293066625_1356420125_30345094_3284662_n.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Subic trade launch

    11132_101993236492158_100000444478298_53100_6875047_n.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Judy Ann Santos: "Si Joem, nakikitaan ko siya ng magandang future talaga. Mahusay na aktor, very professional, tapos walang pagiinarte kang makikita.

    Joem Bascon is flattered by Judy Ann Santos’s praise
    by Bernie Franco | January 24, 2010 12:22 AM |

    Joem Bascon feels relieved that Habang May Buhay, the teleserye where he plays one of Judy Ann Santos’s leading men, is finally airing in February after more than two years in the making. “Sobrang excited ako dahil ‘yun nga ‘yung pinaghirapan namin. Sa wakas ipapalabas na.” The actor admitted that he feels nervous about how viewers might react to his new role. “Kinakabahan ako kung paano siya tatanggapin ng tao. Pero hopeful ako na susuportahan pa rin nila ‘yung Judy Ann-Derek (Ramsay) tandem at the same time kinakabahan ako kung ano ang kakalabasan ng love triangle. Papasok ako dun sa Judy Ann-Derek love team,” he admitted.

    What Joem finds most rewarding is the fact that Judy Ann recognizes his efforts to establish his own identity, despite the popular notion that Joem is a lookalike of Piolo Pascual, Judai’s former leading man. “Ang taas ng tingin ko kay Judy Ann, sobra. And I’m happy and thankful na nakikita niya ang efforts ko.”

    Joem also explained that his being Piolo’s lookalike is not a big deal for the staff of Habang May Buhay. “Pagdating sa work, work talaga. Pagdating sa mga acting scenes talagang pumapasok kami sa characters. I’m very happy, at least ‘yung mga eksena ko at ‘yung iba ang nakikita ‘yung character ko… ang nakikita ni Judy Ann, so I’m very thankful na ganun ang nakikita niya. Lahat pinaghirapan ko ‘yun at least nag-pay off naman.”

    He also considers it a privilege to work with the Teleserye Queen for whom he has nothing but praise. “Kasi andami-daming gustong maging leading man si Judy Ann, happy ako. At the same time may natutunan ako sa kanya kasi siyempre Judy Ann Santos na siya. Queen ng teleserye. Andami kong natutunan sa time na magka-work kami. Very natural si Judai, hindi siya umaarte.”
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    17845_277686881164_171612296164_3474985_5198974_n.jpg

    cast-hmb-joem.jpg

    Nathaniel “Nathan” Corpuz / Raon (Joem Bascon)

    He took responsibility for the mistake of his brother. He will again come across Rose. Nathan will do everything to restore her back to health to make up with his childhood friend Jane. But what if in the end Jane won’t still choose him? How long can he give way for the one he loves?
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    behind-the-scenes

    19979_105100249514790_1000004444782.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    2ymgcc8.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    DSC_4814.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    2010 Summer Station I.D.

    14to7k6.jpg
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Have a reflective and prayerful Holy Weekend :angel:

    Habang May Buhay main stars get shower of blessings

    Monday, March 29, 2010
    04:40 PM

    Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Joem Bascon, Derek Ramsay, Gladys Reyes at Judy Ann Santos?

    Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunud-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karakter ng programa.

    Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si Derek ay tinaguriang "Universal Leading Man" ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects bukod pa sa dumaraming product endorsements. Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida, ay sunud-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga well-loved judges ng Showtime. At siyempre, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng masayang pagbubuntis ngayon ni Juday matapos ang pagpapakasal niya kay Ryan Agoncillo noong nakaraang taon?

    Nagkataon man o hindi, patuloy namang nakatutok ang mga manonood sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos. Ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng mga manonood ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (Derek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

    Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa. Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

    Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na kayang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David, o isang malupit na paghihiganti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

    Ano ang magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makikipagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

    At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

    Mapapanood ang Habang May Buhay sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo mula Lunes hanggang Biyernes.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Feb 18 2010...Mader Bibs blog...

    Joem Bascon : spotted in Grams Diner Abs-Cbn today. Cute Joem!

    %3D%3Futf-8%3FB%3FSU1HMDAyMjUtMjAxMDAyMTgtMTQ0NS5qcGc%3D%3F%3D-712005
  • r_arojador_arojado Member PExer
    hi joem. gustong gusto na kita sa habang may buhay. love you.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    HMB is definitely a major break for Joem Bascon...he was great in that drunk monologue with his dad shown before the bedscene/lovescene of Jane-David...marami siyang dramatic highlights sa series na naipakita niya ang galing niya...malakas ang chemistry nila ni Judai...i still recall that Raon/Morayta scene and their short moments sa abandoned na lugar after he kidnapped Jane (na siguro if this happened circa-Esperanza days e one year silang nagtatago...hahaha...)...kahit forgeone conclusion na hindi sila magkakatuluyan e you can't help but root for his character and admire all the things he did for Jane (okay, even his dressing up as a woman)...dapat talaga na i-explore pa ang team-up nila...perhaps in an MMK episode na sa kanila iikot ang istorya tapos offbeat pa ang mga characters na i-po-portray nila *okay*
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Sana may next series na ulit si Joem...he was GREAT in HMB *okay*

    Joem Bascon and Tetchie Agbayani topbill Cinemalaya entry Limbunan

    Mell Navarro

    Tuesday, May 11, 2010
    06:11 PM

    Isa ang Limbunan sa sampung full length film entries na magko-compete sa 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2010. Pinagbibidahan ito nina Joem Bascon, Tetchie Agbayani, ang Maguindanaoan actress na si Mayka Lintongan, at Jea Lyka Cinco na na-nominate sa nakaraang Gawad Urian bilang best supporting actress (for Hospital Boat).

    Ayon sa Muslim writer-director ng pelikula na si Gutierrez "Teng" Mangansakan II, ginagawa pa lamang niya ang script ng Limbunan ay mga pangalan na nina Joem Bascon at Tetchie Agbayani ang kanyang nasa isip upang gampanan ang kani-kanilang characters sa pelikula.

    "When I was writing the script, na-envision ko na sina Tetchie and Joem for their roles. It was easy for me to add flesh and blood to their characters (Farida and Maguid, respectively) because I was already imagining them moving, talking, laughing," kuwento ni Direk Teng sa Philippine Entertainment Portal (PEP).

    Ang Davao-based actress na si Jea Lyka Cinco ay gumaganap na Ayesah, na naipangakong ipapakasal ng kanyang Muslim clan sa isang lalaking ni hindi niya kilala (na ginampanan ni Joem).

    Tetchie plays Farida, ang tiyahin ni Ayesah na naatasang pangalagaan ang "limbunan." Joem portrays Maguid, ang childhood crush ni Ayesah na nagbalik sa village bilang CHDF militiaman pagkalipas ng limang taong pagkawala doon.

    Bilang isang writer-filmmaker mula sa South, kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga Manila-based actors na sina Tetchie at Joem?

    "Tetchie and Joem were so down to earth. Ang babait nila. Walang feeling ng intimidation sa set. They tried their best to stretch their Maguindanaon lines.

    "For example, si Joem, 'yung mga Tagalog lines niya sa script, ni-request pa niyang i-rewrite ko 'yun sa Maguindanaon dialect, para daw maging in character siya.

    "So, ang nangyari, 'yung simpleng six lines na Maguindanaon, naging doble kasi he insisted. And he got the pronunciation right in two tries.

    "Si Tetchie naman, na-memorize niya agad ang mahahabang Maguindanaon lines after one rehearsal. Fascinating!" papuri ni Direk Teng sa kanyang actors.

    Naging matulungin rin daw sina Tetchie at Joem sa mga baguhang artistang kasama sa pelikula.

    "The two were also helpful in terms of making new actors comfortable during a shoot. Si Tetchie, nagbigay pa siya ng pointers kay Jea Lyka Cinco kung papaano magbigay ng right profile for the camera. Winner talaga!" dagdag nito.

    SYNOPSIS. Limbunan captures the rituals of a family preparing for the wedding of seventeen-year-old Ayesah (Jea Lyka Cinco) who is betrothed to a man she barely knows. As Maguindanaon tradition dictates, she is kept from public view in her private quarters called limbunan.

    As preparations for the wedding are underway, Ayesah is reunited with her childhood tutor Maguid (Joem Bascon) who returns to the village as a militiaman after five years, reawakening Ayesah's past memory of childhood infatuation. Throughout Ayesah's confinement, her precocious and rebellious eight-year-old sister Saripa becomes her eyes to the world beyond her room.

    Her mother Amina (Mayka Lintongan) keeps her composure despite the fact that her husband sleeps with his second wife half of the time. She finds solace in the belief that it is both her religious and familial duty to be an obedient wife.

    Ayesah's aunt Farida (Tetchie Agbayani) is tasked to ensure that the young lady is prepared for the wedding. However, Farida's dark past challenges Ayesah's resolve finding herself choosing between love and loyalty to tradition and family.

    Part ng shooting ng pelikulang ito ay ginanap sa Calinan, Davao City at sa Pikit, Cotabato—ang hometown ng dakilang ama ni Direk Teng.

    Paano nga ba nagsimula ang konsepto upang gawin niya ang materyal o script ng Limbunan?

    "I am a member of a Maguindanaon royal family na ang history ay mate-trace as far as the 1300s. Mula noon hanggang ngayon, ang practice ng arranged marriages between royal or prominent families ay nandiyan pa rin.

    "Iba-ibang reasons 'yun, it vary from political (alliances can ensure victory in the elections), conflict resolution (two warring families may marry their children to seal a peace pact), or maintain royal lineage (families want to avoid having their children married off to people of lesser rank).

    "Three years ago, kinu-convince ng mom ko ang younger sister na ikasal na. She had in mind some families that may be suitable. Pero hindi pumayag ng sister ko na magpakasal. I was in the middle of their disagreements that the story of Limbunan took shape.

    "Characters in Limbunan are not entirely imagined. They are inspired by actual persons tulad ng aunts, mga pinsan, grand aunts, mga relatives, whose stories are fertile ground for inspiration."

    May blog entry rin si Direk Teng sa kanyang blogsite tungkol sa royal Maguindanao wedding protocol.

    Sinabi pa ni Direk na may nagtatanong raw sa kanya kung bakit kailangang isang women's film ang kanyang first full length film, e, samantalang isa siyang lalaki?

    "Many people ask me, 'Why are you doing a women's film? You are not a woman.' Sabi ko, ako kasi ay lumaki sa company of women, e. Ang mother ko, mga auntie ko, yaya, at mga lola.

    "I gravitated towards their stories. Lagi akong nasa kitchen, tinitikman ang mga luto nila or nakikinig sa mga conversations nila.

    "Limbunan in a way is not my story, but a story woven out of the narratives of the women in my life. In this film, I tried to show my own culture and tradition. Through Maguindanaon eyes. Through my own lens of memory," paliwanag ni Direk Teng.

    Dinagdag pa ni Direk Teng na kailangan niyang ipaglaban para makasama sa production ang Davao-based crew members, dahil bilib siya sa talento ng mga ito.

    "I firmly believe that regional filmmakers and technical people are equally talented; they just need a little exposure and encouragement.

    "Bakit gusto kong Davao-based crew? Part of the reason is familiarity. Nakatrabaho ko na sila in past projects. Getting a new crew would mean adjusting to their work style and pace which may pose a problem. Plus we share the same experience.

    "My filmmaking is not about getting the gloss, but rather the feel. Only my editor is Manila-based but we've known each other for five years."

    Narito ang crew members ng Limbunan:

    Director of photography - McRobert Nacario (who did a short film for Ambisyon2010)

    Assistant Director - Yam Palma (had worked in Raya Martin's Indio Nacional)

    Editor - Dempster Samarista

    Production Manager - Elreen Bendisula

    Script Supervisor - Sharon delos Santos

    Art Directors - Chico Christie Pace and Mads Alang (a Maguindanaon)

    "I did the production design for the film. My formal training in film is Production Design. I took a 16mm filmmaking workshop in Mowelfund Film Institute in 1997."

    DIRECTOR'S PROFILE. Ipinanganak noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front noong 1976, si Gutierrez "Teng" Mangansakan II ay isang writer, filmmaker, at sinasabing "heritage conservationist" mula sa Pagalungan, Maguindanao.

    Isang beteranong Moro filmmaker, si Direk Teng ay nakapag-produce, nagsulat, at nakapagdirek na ng maraming documentary at experimental works. Ang kanyang unang documentary short, ang House Under the Crescent Moon, ay nagwagi ng Gawad CCP para sa Alternatibong Pelikula at Video noong 2001.

    Naging recipient rin siya ng maraming fellowships sa Pilipinas, Amerika, at Japan, kasama na ang prestihiyosong University of Iowa International Writing Program noong 2008. Naging editor rin siya ng Children of the Ever-Changing Moon (Anvil 2007), an anthology of essays ng mga batang Moro writers.

    Inaasahang lalabas ngayong 2010 ang susunod niyang libro, pinamagatang Dreams of Bantugan's Last Voyage.

    Ang 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2010 ay itatanghal sa July 9-16, 2010 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    thanks for the space :wave:

    information current as of August 12 2:00am Philippine time


    30331_110961712281235_1096089557498.jpg

    [highlight]HATING KAPATID --- STILL SHOWING --- NOW ON ITS 4TH WEEK IN THE PHILIPPINES[/highlight] :grinroll:

    Check PLAY DATES for other international screenings in Spain, USA, Canada, and Guam *okay*

    [highlight]LATEST ADDITIONS TO INTERNATIONAL SCREENINGS:[/highlight]

    SEATTLE
    August 13 to 19
    at the AMC Southcenter 16
    3600 Southcenter Mall
    Tukwila, WA 98188

    DUBAI
    August 12 to 14
    at the Diera City Center (Cinestar)
    Tel. 04 294 9000 for inquiries

    [highlight]Just a suggestion...if you want HK to screen in a theater near you...

    below is the contact page of the Viva website...who knows :)[/highlight]

    http://viva.com.ph/index.php?option=com_contact&view=contact&id=1
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    more international screenings added...thanks for the space :)

    hk20banner20for20site.jpg

    information current as of August 22 12:20am Philippine time

    [highlight]STILL SHOWING --- NOW ON ITS 5TH WEEK IN THE PHILIPPINES!!![/highlight]

    OFFICIAL MOVIE WEBSITE || FACEBOOK || PEX || TWITTER

    EUROPE

    SPAIN
    Barcelona
    August 21 to 22
    at Cine Comedia

    USA

    Seattle
    [highlight]EXTENDED UNTIL AUGUST 26!!![/highlight]
    at AMC Southcenter 16
    3600 Southcenter Mall
    Tukwila, WA 98188

    UNITED ARAB EMIRATES

    DUBAI
    [highlight]PLEASE CONFIRM WITH THEATERS KUNG EXTENDED PA!!![/highlight]
    at Diera City Center and at Cinestra Mall of Emirates

    Deira City Center, Dubai (04 294 9000) Sept. 2 to 9
    Marina Mall, Abu Dhabi (02 6818484) Aug 21 to 26
    Mirdiff City Center, Dubai (04 284 0001) Aug. 26 (one day screening)

    For ticket bookings/inquiries, please visit www.cinestarcinemas.com

    Just a suggestion...if you want HK to screen in a theater near you...

    below is the contact page of the Viva website...who knows :)


    http://viva.com.ph/index.php?option=com_contact&view=contact&id=1
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    By Dolly Anne Carvajal
    Philippine Daily Inquirer
    First Posted 18:40:00 10/03/2010

    Breakup rumor

    Someone privy to Joem Bascon’s love life told me that Joem has split up with Meryll Soriano. If so, hope it’s just a cool-off period. They’re so well-suited for each other. Love is a terrible thing to waste.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Joem Bascon on his love for Meryll Soriano: "I can sacrifice a lot para sa relasyon namin."

    Ruel J. Mendoza

    Saturday, October 2, 2010
    03:48 PM

    Higit na isang taon na ang relasyon nina Joem Bascon at Meryll Soriano simula noong magkatrabaho sila sa TV series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea. Ayon kay Joem ay tahimik at maayos ang kanilang pagsasama kaya wala pa raw silang nae-encounter na matinding problema.

    Marahil dahil daw ito sa nagkakaintindihan sila ni Meryll. Pasensyosong tao raw kasi si Joem at kapag alam niyang medyo stressed out o mainit na ang ulo ni Meryll ay hindi niya ito sinasabayan. Kapag cool na raw ang lahat, doon lang daw niya ito kakausapin.

    "Basically, gano'n naman talaga. Kapag may isang mainit ang ulo sa inyo, hindi mo dapat sinasabayan ng init din ng ulo. Kailangan may isang cool sa inyo. Alam ko na kasi ang ugali ni Meme. Aware ako sa mga kilos niya. Gano'n din siya sa akin," diin ni Joem.

    LIKE A SECOND FATHER. Pero bihira raw mangyari ang mag-clash silang dalawa. Most of the time ay maganda ang nagaganap sa relasyon nila. Lalo't kapag nandiyan ang anak ni Meryll na si Elijah, who just turned three years old noong nakaraang August.

    Ayon kay Joem, para na siyang pangalawang ama ni Elijah dahil nasasaksihan niya ang mga bagong ginagawa nito. Pero hindi naman daw niya inaagawan ng papel ang tunay na ama ni Elijah na si Bernard Palanca.

    "Si Bernard pa rin ang tunay na ama ni Elijah. I just like to think na I'm his second father," ngiti ni Joem.

    "Siguro dahil mas nakakasama ko nang madalas si Elijah kaya feeling ko anak ko na siya. Pero siyempre, nandiyan pa naman ang biological father niya. I can't be his replacement. Mananatiling Tito Joem lang ako ni Elijah."

    MERYLL'S LONDON DREAM. Suportado ni Joem ang desisyon ni Meryll na magpunta at mag-aral sa London sa 2011. Matagal na kasing pangarap ni Meryll ang makapag-aral sa isang fashion school sa London. Three months lang daw siya.

    "Nakapasa naman na si Meme sa fashion school na iyon and she's just fixing her papers. Isa-submit pa niya roon and she'll wait for a final confirmation kung kelan siya pupunta talaga doon.

    "Excited nga siya kasi for so many years ay naka-set ang utak niya na mag-aral sa school na 'yon sa London. Happy ako na natupad na ang wish niyang 'yan and I am happily supporting her sa dream niyang 'yan."

    Pero kahit na tatlong buwan lang na mawawala si Meryll, "For me, parang three years na iyon!" Sabay tawa ni Joem.

    "Kami kasi ni Meme, bihira kaming hindi magkita talaga. Kahit na may trabaho kami, we still manage to see each other. Kaya I can't imagine na tatlong buwan siyang mawawala. Parang ang haba ng panahon na iyon for me.

    "Pero nandyan naman ang Skype. Meron din naman video chat, may Facebook, may texting at kung anu-ano pa. Endless ang possibilities ng communication, di ba? But it's still different kung nandito siya sa tabi mo."

    Ang pinakamatindi ngang gagawin ni Joem ay ang sundan si Meryll sa London kung maramdaman niyang sobra na siyang nalulungkot dahil hindi niya kasama ito.

    "I can drop everything just to be with her. Ganyan ko siya kamahal. I can sacrifice a lot para sa relasyon namin," seryosong sagot ni Joem.

    HAUNTED HOUSE. Kasama si Joem sa pelikulang White House ng Regal Entertainment kunsaan isa siya sa mga contestants ng isang reality show na kinunan sa isang kilalang haunted house.

    Ang role ni Joem ay isang contestant ng mga bikini contest na parating natatalo at ang easy way na naisipan niyang magkaroon ng pera ay sumali sa reality show na ang premyo ay isang milyong piso. Pero hindi alam ng mga contestant ang mga panganib na mangyayari sa kanila.

    Sa TV naman ay nasa high-rating Noah series siya ng ABS-CBN. Ginagawa rin niya ngayon ang Agimat series na Bianong Bulag kunsaan bida si Jason Abalos.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Joem Bascon says split with Meryll Soriano was a mutual decision
    Nerisa Almo

    Wednesday, October 20, 2010
    03:21 PM

    Joem Bascon confirms that Meryll Soriano's plan to study in London was the reason they broke up.

    In a quick interview with the Kapamilya actor before the red-carpet premiere of White House last night, October 19, Joem told PEP (Philippine Entertainment Portal), "Kung ano ang sinabi ni Meme [Meryll's nickname], 'yon na talaga siya."

    The 24-year-old actor said his girlfriend of almost two years already stated the details of their breakup in her previous interview with Paparazzi.

    "Kumbaga, lahat ng dapat sabihin, nasabi na niya," said Joem.

    He also agreed to Meryll's explanation that she cannot handle a long-distance relationship once her plan to study in London pushes through.

    Joem said, "Kaya kami naghiwalay kasi, 'yon nga, nagkaroon kami ng usapan kasi pupunta na siya ng London next year. Mahirap para sa amin na mag-stay pa together lalo na aalis siya.

    "Kung patatagalin pa kasi namin, mahirap mag-adjust. Kasi, kung kami pa rin, 'tapos next year pa kami nag-decide na maghiwalay, mas mahihirapan kami. Mas mahihirapan kaming mag-adjust na dalawa kung the next month aalis na siya for London."

    Joem stressed that he and Meryll talked about it and mutually decided to end their relationship.

    "Wala naman talagang iba pang problema. So, kung anuman 'yong iba pang lumalabas issues, tungkol sa kanya, wala na. Kung ano na ang binitawan ni Meme, 'yon na," said the actor.

    "WALA AKONG DINE-DATE." Meanwhile, Joem also answered PEP's question about report that he was seen dating one of the members of Willing Willie's female dance group WW.Girls.

    "Wala akong dine-date!" Joem said with a laugh.

    However, the actor said that there's nothing wrong about him being spotted in a public place with other people. "Okay lang sa akin na masabi kung kani-kanino kasi right now, talagang lumalabas ako.

    "Honestly, wala naman na akong girlfriend," he said. "It's normal naman na I go out, nakiki-mingle ako sa ibang barkada ko, sa friends ko. Siguro, nagkataon lang na noong time na may nakakita sa akin, kasama sa grupong 'yong ang kasama ko, 'yong WW.Girls.

    "So, hindi natin puwedeng sabihin na may dine-date ako exclusively na isang babae kasi grupo kami. Kumbaga, kung makikita mo kami, hindi mo masasabi na, 'Uy, dine-date ni Joem ito.' Hang out lang."

    But is he looking for a new girl right now?

    "Wala pa ako ngayon. Hindi pa ako naghahanap," answered Joem.

    "Kumbaga, it's very unfair. Para sa akin at para kay Meme, kasi katatapos lang. Siyempre, pinapahalagahan ko ang relasyon na mayroon kami noon na hanggang ngayon pinanghahawakan namin ang respeto namin sa isa't isa.

    "Sa ngayon, wala pa talaga."

    When asked if there's a possibility to rekindle their romatic relationship after Meryll finishes her studies, the actor replied: "Hindi ka puwedeng magsalita ng tapos, e. Sa pag-ibig, hindi ka puwedeng magsalita ng tapos. Iiikot at iikot ang mundo at ang pag-ibig."

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file