Home PEx Campus University of the Philippines
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

help please. magtatanong lang regarding mrr

isa akong cssp student na may 2005 student number. isang taon lang ako nakapasok (ay 2005-2006 plus summer), dahil sa nagkapatong2 na problema awol ako ng 3 years. anyway, nakapagapply na ako ng readmission for next sem at tinanggap nmn ako ng college. nagrequest na rin ako magpa non major dahil hindi ko na gusto ang course ko at balak kong magshift. pinayagan naman ako ng college sec. tanong ko ***, counted ba yung 3 years kong awol sa pagbibilang ng taon ng pagstay sa UP sa usapin mrr? at halimbawang magshift ako, magbaback to zero ba ang bilang? :confused:

Comments

  • batchmates tayo. pwede bang matanong anong course mo dati?

    ang alam ko kasama ang AWOL sa MRR. LOA ang hindi kasama. so sana nag-apply ka nalang for LOA dati. pero syempre nangyari na yan. punta ka nalang ng AS101 and itanong mo yan sa kanila since pinayagan ka na rin naman bumalik.

    if 4-year degree ang kukunin mo uli, 6.5 years ang MRR na pwede. since, nakaisang year ka na, you have 3.5 years to finish, na may summer semesters pa. i think okay pa naman yun. pero sana ma-sort out mo na agad kung anong degree ang gusto mo para hindi masayang yung time mo. hindi rin back to zero ang bilang kapag nag-shift ka so i suggest talaga na huwag ka magsayang ng oras mo. full load at summer lang ang katapat niyan at hindi ka aabutin ng MRR.
  • DacsDacs PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Don't worry much about MRR. The University is flexible enough to allow you to say for more than what is allowed under MRR.

    9 years ako inabot sa UP, nakagraduate pa naman ako :)
  • @dacs: marami na nga rin akong nakarinig na kwento na kung may ilang taon din talaga ang stay sa UP. gusto ko lang makasigurado. may isa din kasi akong kaibigan na pareho kami ng sitwasyon, kaso ikalawang awol na nya matapos syang magpareadmit sa pagkakaawol din dati. at mukhang nawawalan na siya ng pag-asa. salamat sa pagpapalakas ng loob. bakit ka pala inabot ng 9 years? :)

    @luna: ba psych ako. ikaw ba? cssp ka rin? graduate ka na ba? decided naman na ko sa lilipatan ko. magphi-philippine studies ako (CAL). nakita ko sa course description nila na puro GE lang at wala ni isang major sa 1st year nila. tapos psych na lang din ang kukunin kong isang discipline ko para din di sayang yung psych 101 ko. ayun. sisikapin kong mag enrol na sa summer. kinakabahan ako. tagal kong nawala. feeling ko freshie ulit ko na walang kamuwang muwang sa enrollment and everything. haha :)
  • philo ako. grad ako nung 2009. at least decided ka na. i don't think magkakaproblema ka makagraduate. hm wala naman masyado nagbago sa enrolment and stuff, ok lang yan. good luck sayo, sana makapag-enrol ka na this summer para di ka masyadong ma-shock sa first sem. :)
  • oo nga e. pinansya talaga ang problema ko sa ngayon kaya todo raket ako. hehe. salamat :)
  • DacsDacs PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @dacs: marami na nga rin akong nakarinig na kwento na kung may ilang taon din talaga ang stay sa UP. gusto ko lang makasigurado. may isa din kasi akong kaibigan na pareho kami ng sitwasyon, kaso ikalawang awol na nya matapos syang magpareadmit sa pagkakaawol din dati. at mukhang nawawalan na siya ng pag-asa. salamat sa pagpapalakas ng loob. bakit ka pala inabot ng 9 years? :)
    UP is understanding enough for these cases, yung tipong 1 sem na lang makaka-graduate ka pa.

    I applied for an extension of MRR twice. Engg grad ako (7.5 yrs max) and I expected to graduate on my 8th year (3 units na lang ako nun) but due to some technicality (di na credit yung 3 units na yun), I need to reapply for MRR extension to retake the subject.

    Although it's worth mentioning that the 2nd extension was attached with a provision of "no further extension allowed".

    Bakit ako inabot? Bulakbol ako, malamang dahil sa kabataan at kapusukan ko.

    I paid my dues however and I'm living my life and practicing my profession to the fullest :)
  • ah. good for you. kala ko 4 year ang course mo tapos inabot ka ng nine years kaka-shift o kung ano ano pa. anyway salamat :)
  • hi dadolabslala, wag ka masyado kabahan sa mrr. isang letter to the vice chancy lang ang katapat nun.:naughty:

    inabot din ako ng 7 years sa diliman, may mga non-major pang eksena. umabot pa sa point na sa our ako kumuha ng form 5a ko, hahaha! pero nakagraduate pa rin, ang saya!:lol: napapailing na lang ako ngayon pag naaalala ko. kaya wag ka magworry, malulusutan mo din yan!*okay*
  • jed_allanjed_allan PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nagtataka ako bakit di mo na agad tinanong yan nung nagpareadmit ka.
  • DacsDacs PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ah. good for you. kala ko 4 year ang course mo tapos inabot ka ng nine years kaka-shift o kung ano ano pa. anyway salamat :)
    Kaya it really depends on the case. Kasi kung kunwari lagpas ka na ng MRR at tipong 2 years ka pa aabutin, I think mahirap na palusutin yan.

    Titignan din yung history mo malamang (AWOL, failed subjects, etc) at ang mga circumstances mo bakit ka tumagal.

    But sa mga kilala ko na nag-aplay ng MRR, mga tipong 1 sem na lang ang kelangan nila. Yung mga ganun pinapalusot na kaagad yun.
  • natakot ako sa college sec kaya di ko naitanong :p pero mabait naman siya. kinabahan lang talaga ako. pero wala naman siyang sinabing mahihirapan ako o magiging problema ko dahil sa sitwasyon ko. in-encourage lang niya ko na ayusin na buhay ko. haha. medyo sablay din kasi grades ko dun sa isang taong ipinasok ko. hahaha.

    hindi ba talaga nagbaback to zero yung pagbibilang ng taon? halimbawa lilipat ako ng course, ibang degree naman yun a. ang bilang pa rin e simula sa 2005? :D

    kapag tiningnan kung bakit ganun ang inabot ko, malaking panahon naman talaga e nagugol sa pag awol ko. :depressed:
  • jed_allanjed_allan PEx Influencer ⭐⭐⭐
    bilang talaga yun.kaya iwas-iwasan mo muna yang si lala.mag concentrate ka sa pag-aaral.:lol:
  • ahahaha. natawa naman ako sa payo mo jed. di naman si lala dahilan ng pagsablay at awol ko. haha. sya nga inspirasyon para magpatuloy pa ko. tahahaha. cheese. :))
  • jed_allanjed_allan PEx Influencer ⭐⭐⭐
    keso nga! :lol:
  • Dacs wrote: »
    Don't worry much about MRR. The University is flexible enough to allow you to say for more than what is allowed under MRR.

    9 years ako inabot sa UP, nakagraduate pa naman ako :)

    Congrats! I also spent many formative years in UP Diliman. Flexible talaga ang UP in so many ways and if there's a will, there's a way!
  • DacsDacs PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Congrats! Pero ano kaya nangyari kay TS?
  • Eh paano po pag nasabihan na na final extension na? May case po ba kayong alam na lumusot sa ganoon? 2008 here, eh lumipat course, tapos hanggang sa umabot na sa final extension ng mrr. Thesis na lang po eh nagsibatan na yung mga prof sa department namin na pwedeng magadvise. Inuna ko din kasi rumaket para makatulong sa gastusin. Last sem ko na dapat kaso hindi ko talaga nausad yung thesis ko. Sobrang di ko na alam ano gagawin. :( 
  • kelunjikelunji PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Eh paano po pag nasabihan na na final extension na? May case po ba kayong alam na lumusot sa ganoon? 2008 here, eh lumipat course, tapos hanggang sa umabot na sa final extension ng mrr. Thesis na lang po eh nagsibatan na yung mga prof sa department namin na pwedeng magadvise. Inuna ko din kasi rumaket para makatulong sa gastusin. Last sem ko na dapat kaso hindi ko talaga nausad yung thesis ko. Sobrang di ko na alam ano gagawin. :( 
    Subukan mo mag-appeal ulit. Malay mo bigyan ka ulit ng chance.
Sign In or Register to comment.