Home PEx Campus University of the Philippines
'Tis the season. Happy Holidays, PExers!

Help Me! Worried About Lb

I am totally freaking out right now... Takot na takot ako mag college, tapos Elbi pa talaga, malayo masyado.. Ates and kuyas out there can you answer my questions para mawala kaba ko??

Ito questions ko...
1. Is i fun in LB? I have never been to Los Banos, sabi ng mga classmates ko wala daw mall doon!
2. In relation to question 1, may mall ba sa LB, where ako maka bu ng stuff, kailangan ko pa bumalik sa Manila to buy stuff?
3. Do you recommend transferring?? Nasa diliman kasi ang mga friends ko..Possible ba mag transfer?? Is it too mahirap baka 1 or 2 lang ang nakaka transfer each year
4. Mahirap maka uno?? Sa pisay kasi mahirap na.. hahahha
5. Ok lang ang dorms?? Hindi ba marumi?? Ilan kayo sa isang room?? nakakailang ba ang coed??
6. Wifi ba ang LB? I might die kung walng internet

Sorry kung masyadong crazy ako kung mag tanong especially about the mall part.
«13

Comments

  • My sister graduated from UPLB kaya nakapunta na ko doon.
    Hmm may mall pero super maliit lang. Pero you're not going to study there naman dahil sa mall di ba? :lol: Parang puro coffee shops doon at maraming bar :P Sibilisado naman ang LB, malamang may wifi dun. :lol:

    Marami akong kakilalang nagttransfer galing LB, madami sila. Pero siyempre depende pa rin yon sa inapply-an mong course. :D
    Shiftee ako from Eng'g to CHE at priority pa rin yung taga Diliman or same college. :D

    Okay lang yan, masaya daw mag dorm. Wag ng choosy hahaha joke. :rotflmao::rotflmao:
  • Which program are you entering? My brother is an incoming freshie din sa LB, BS Bio. Pero I've known LB all my life kasi from LB ang mother namin.

    1-2. masaya naman sa LB, believe me parang Manila lang yung junction malapit sa campus ng LB. meron naman mall dun. may olivarez and robinson's at syempre lahat naman ng kailangan mo eh mabibili mo doon. promise. :)

    3. di ka makakatransfer ngayon before you enroll so talagang you would have to spend a year sa LB. ganun din ang plano ng brother ko, stay for one year then transfer to diliman. depende talaga sa grades mo and sa program na gusto mo pasukan. basta you have to work hard talaga your first year if you want to transfer because competition for slots in diliman is very tough.

    4. hindi ko ito masasagot pero kung maging prof mo sa Bio yung cousin ko eh mahirap talaga maka-uno dun. :lol:

    5. I wouldn't know din pero merong new dorm na coed at nung nakita ko naman siya from outside eh mukha namang modern and malinis. yun sin ang may pinakamahal na rent among the UP-owned dorms so feeling ko naman the quality should be good. meron din mga dorms or boarding houses inside and outside the campus so you can take your pick from them. i suggest that you visit early para makapili ka pa kasi if late na eh baka taken na yung rooms sa mga gusto mong dorms or boarding houses. may reservation din nga pala sa UP-owned dorms.

    6. madaming internet shops sa paligid ng LB at malamang meron naman sigurong area sa campus na wifi like the library or student lounges.

    mag-ingat lang talaga pag gabi na kasi kahit na medyo urban narin yung area, di ka parin from there and you still shouldn't trust everyone especially at night.
  • taga-UPLB ako, bs civil engineering, batch 2009
    at pareho tau, taga-manila din ako. haha. pero weekly ako nauwi. hehe. hindi ko kayang hindi umuwi ng manila except na lang kung may exam ako ng monday.

    Tulad ng sabi sa taas, may mall dun, robinson's at olivarez.

    Nasasayo yan kung gusto mong magtransfer..madami ako kakilalang ka-batch ko na gustong-gusto ng lumipat. hehe

    depende sa mga magiging prof mo. hehe. wala akong na-uno last sem, highest ko na yung 1.50. halos puro GE lang kasi kapag 1st yr, 1st sem. ano bang course ang kukunin mo?

    Taga-New Dorm ako. Coed yun. Maganda naman siya. 6 kayo sa room. Sa New Dorm kasi halu-halo kayo, iba't-ibang course at batch. Sa Men's Dorm naman, coed din yun, puro kayo freshman at nakaayos kayo by course so yung mga magiging room mates mo malamang blockmates mo din. 4 ata kayo sa room. Kung ayaw mo sa loob, marami namang dorms/apartments sa labas. Hindi nakakailang ang coed, masaya nga eh. haha =)

    mayroong wifi hot spots doon, sa main library, sa physci at math bldg. at marami ding comp shops na nagkalat doon. kung sa dorm ka namin, mayroon kaming computer room. hehe

    yeah. kailangan mag-ingat pag gabi dun. may curfew 10PM. Although may mga nagbabantay ng CSB (hindi ko pa rin talaga alam kung anong meaning niyan. hehe). basta para silang mga tanod na nagpapatrol around the campus.

    Don't worry masaya ang eLBi life. ganyan din ako nung una, ngayon medyo nakaka-adjust na ako. hehe. see yah sa campus! at welcome sa yupi eLBi!!! =)
  • Ako'y taga-elbi. 5 taon na ako dito. I can answer your questions.

    1. Masaya. Sali ka org. Punta ka house parties. Maki-inom sa kakilala ng kakilala ng kakilala. Punta ka ng bar. Abangan ang unlimited beer drinking parties. Di pinapansin mall dito (siya nga pala ang smallest mall in the world).

    2. You can get most that you want here. If you can't find them anywhere in elbi, eh di sa weekends pag-uwi mo manila. O di kaya manghiram sa roomates. Hehe.

    3. Anung course mo ba dito? Anung course ang balak mong kunin kung magtransfer ka? Keep in mind na hindi porke diliman eh siya na ang nag-ooffer ng best program sa course na yun. Balita ko mahirap ng magtransfer, kaya pag-isipan mong mabuti.

    By the way, I don't recommend transferring :D You'll never know what you might miss.

    4. Letse. Mahirap maka-uno. Seryoso. Tsamba mo pa kung scientist teache mu. Except sa ilang ge at courses syempre. Alam mo ba na wala pang nagsusumma dito sa engineering? At hindi taun-taon eh may nagsusumma.

    5. Wag ka ngang choosy! What do you expect sa isang state-owned university? Haha. Pero masaya talaga magdorm, lalo na kung coed. 4-6 kayo sa room. Yung mga dorm na hindi university-owned magaganda, pero may kamahalan. Siguro 1000-2500php. Mag-apartment ka na lang at maghanap ng kasama. Wala pang curfew.

    6. Iha/Iho nakakaasar ka. Anu tingin mo sa uplb?
  • To wamyxx:

    1. Is it fun in LB? I have never been to Los Banos, sabi ng mga classmates ko wala daw mall doon!
    YES, masaya dun para sa akin. Before I entered college, we were from the Northern part of Luzon, wala ako kakilala, as in zero. But eventually, after a month siguro yun, nakapag-adjust rin ako.
    About malls, yes, may Robinson's and Olivarez Plaza dun. Yun nga lang hindi sya kalakihan compared sa malls dito sa Manila. But you'll get used to it. Marami din namang stalls paglabas mo ng campus and anyway, Alabang isn't that far from LB.

    2. In relation to question 1, may mall ba sa LB, where ako maka bu ng stuff, kailangan ko pa bumalik sa Manila to buy stuff?

    -answered.


    3. Do you recommend transferring?? Nasa diliman kasi ang mga friends ko..Possible ba mag transfer?? Is it too mahirap baka 1 or 2 lang ang nakaka transfer each year
    -That was my plan too before pa ko pumasok ng LB. BUT, i wasn't able to transfer. It's not because of low grades. It's just that, I fell in love with the place. Hanggang ngayon na graduate na ako, gusto ko pa rin tumira dun.
    Ano ba course mo? You can transfer naman if you really want to. Basta sipagan mo lang sa 1st year mo.


    4. Mahirap maka uno?? Sa pisay kasi mahirap na.. hahahha

    -eto depende na to sayo syempre.

    5. Ok lang ang dorms?? Hindi ba marumi?? Ilan kayo sa isang room?? nakakailang ba ang coed??
    -Dorms inside the campus: sometimes nawawalan ng tubig sabi ng friends ko na nagdorm sa men's, women's, new dorm before. Pero i think normal naman yun.
    -Dorms outside the campus: marami. pero i'm recommending you my dorm before. 5th of Sept. Mansion. Clean, may Guard, Maintenance, etc.

    6. Wifi ba ang LB? I might die kung walng internet
    -I'm not sure lang sa ngayon kasi bago ako grumaduate, hindi pa lahat ng building WIFI spot.
  • @luna_cyro16

    BS Bio din ako... ok lang ang bio sa LB?? I'm Still torn between The Ateneo And LB sa tingin niyo san mas ok??

    And one more thing..
    What's the difference between PE 1 and PE 2?? ano magandang PE? I have tried some on the list, pero gusto ko mag try ng archery...
  • @TS

    Research-oriented ang bio dito. Ganu kaganda? Let's just say na karamihan ng national scientist ng pilipinas eh galing agri at bio dito. Anung course mo sa ateneo?

    PE1 eh kinukuha ng lahat. Bale tatlong PE2 plus isang PE1 ang required for grad. PE1 eh lecture at laro, hindi nagfofocus sa isang uri ng sport.
  • @wammy: syempre biased ako towards UP kasi alumna ako at UP din ang kapatid ko. isipin mo nalang which course sa which school ang mas gusto mo. pero syempre kung ako sayo Bio sa LB nalang.

    lalaki din pala kapatid ko. if ever na tumuloy ka sa LB, sana maging blockmates kayo or friends man lang. hehehe

    may cousin akong prof sa Bio. baka maging prof mo siya kung sakali. hahahaha either summa or magna siya BS Bio then ***** laude siya UP Medicine.

    napakaganda ng Bio sa LB na in my opinion eh mas maganda pa kesa sa Diliman.

    @myawok: required pala sa LB ang PE1? sa diliman kasi hindi eh.
  • @luna
    healthsci ako sa Ateneo, pero di ko alam kung maganda ang Ateneo for med eh... My sister's from Ateneo pero ibang course, but she wants me to go to UP...
    I don't know what blockmates mean but it sounds good.. sana maging friends nga kami ng bro mo, para sabay narin kami transfer sa diliman or man LOLZ
  • new lang yung ateneo college of medicine and public health. wala pa yata nakagraduate dyan so di ko alam if maganda ba dun.

    mag-LB ka nalang hahaha blockmates ibig sabihin same block kayo. parang block din sa ibang universities na magkakapareho kayo ng course. ito ang magiging unang support system niyo especially for your majors kasi kayo ang magkakasama dun. pag malapit na magpasukan saka ko sasabihin kung pano mo makikilala kapatid ko hahaha
  • @luna yep required ang pe1. masaya naman kaya okei lang haha.
  • napakaganda ng Bio sa LB na in my opinion eh mas maganda pa kesa sa Diliman.

    IMHO, mas maganda nga ang BS Biology ng LB kaysa sa Diliman. Kasi sa LB, may major talaga (eg Microbiology, Genetics, Zoology). E sa Dil, plain BS Bio. Tsaka Center of Excellence ang Bio ng LB. :)
  • pa-share lang. nung bata ako, tumira kami sa ancestral house namin sa LB. i remember this one time na yung cousin ko, who was a BS Bio student at that time, nagdi-dissect ng palaka sa pasimano mismo ng terrace nila. doon ko na-realize na ang Bio sa LB is a way of life, not merely a degree or subject that you have to go through unlike sa Diliman. ewan ko lang ah pero yan yung impression sa akin.
  • Don't be worried about LB. I'm from Diliman but i wish na sana nag-LB na lang ako.
  • @luna Impression ko naman sa bio dito eh hindi for premed. Tho maraming nagdidiretso sa med, mas marami pa rin ang pumipili ng career as a biologist. Kadalasan sa research institutions sila napupunta. Malaki naman kasi sweldo ng researcher hehe.

    Yung tungkol dun sa way-of-life thingie, actually applicable siya sa lahat ng courses kapag nasa boarding school. Me for example, chem eng ako, hanggang bahay maghapon magdamag minsan eh nadadala ko trabaho ko as a student. Ganun din sa iba. Kumbaga eh naiimmerse ka talaga ng husto sa course mo dahil hindi mo siya basta maiiwanan. Assumed kasi ng mga teacher dito na lahat eh nagboboard sa malapit, kaya walang habag magbigay ng trabaho na alam nilang pagpupuyatan talaga.
  • oo nga. kasi r&d ang focus ng elbi diba? at talagang magaling naman ang elbi pagdating dun. well ewan ko lang sa kapatid ko if itutuloy niya yung plano niyang mag-med after niya mag-bio. hahaha

    actually sa akin applicable din yun. parang kasi pag ni-compare ang bio sa elbi at diliman, yan lang talaga perception ko. parang iba talaga yung "atake" kumbaga ng elbi sa bio kesa sa diliman.
  • nVIInVII PEx Rookie ⭐
    myawok wrote: »
    @luna Impression ko naman sa bio dito eh hindi for premed. Tho maraming nagdidiretso sa med, mas marami pa rin ang pumipili ng career as a biologist. Kadalasan sa research institutions sila napupunta. Malaki naman kasi sweldo ng researcher hehe.

    Yung tungkol dun sa way-of-life thingie, actually applicable siya sa lahat ng courses kapag nasa boarding school. Me for example, chem eng ako, hanggang bahay maghapon magdamag minsan eh nadadala ko trabaho ko as a student. Ganun din sa iba. Kumbaga eh naiimmerse ka talaga ng husto sa course mo dahil hindi mo siya basta maiiwanan. Assumed kasi ng mga teacher dito na lahat eh nagboboard sa malapit, kaya walang habag magbigay ng trabaho na alam nilang pagpupuyatan talaga.
    pakiramdam ko mas close mga orgs dun dahil dito. :D extended tambay hours, tapos parties! XD :rotflmao:

    sa tingin ko mas masaya sa LB kung marunong kang mag-appreciate ng kalikasan. i have this assumption na LB is really really gifted in natural wonders. para bang gigising ka ng umaga, malamig ang simoy ng hanging may dampi ng hamog, tapos makikita mo ang papasikat na araw malapit sa Bundok Makiling. Astig! *okay*
  • Masaya sa LB. Mahirap makauno, pero depende pa rin sayo yun syempre, kung magaling ka talaga. Ayokong mag-enroll sa UPLB dati pero napilitan lang ako. Buti nalang, napilit ako ng nanay ko. May balak din akong magtransfer sa Diliman dati, pero hindi ko na natuloy, kasi kagaya nga nung nabasa kong isang reply dito, I fell in love with the place. :D
  • ^clap clap!

    Hindi lang close ang orgs dito, we consider them our family. Aba eh application process palang eh talagang seseryosohin mo na. Kaya pagpasok ng org eh talagang mamahalin to.
  • About transferring to UP Diliman:

    dahil BS bio ka, i think it's a bad idea for you.. UPLB offers the best programs related to natural sciences in the country (biased, i know :rotflmao:).. at hindi sya madali. you're gonna have to spend so much time, money, and effort--tapos di pa certain kung matatanggap ka talaga.. not to mention the fact that you need to have high GWA (mine was 1.64) para iconsider ka, to say the least, for admission sa diliman.. and yes, it's very competitive, pero marami namang nagtatagumpay.. hehe
    in addition, being a UP diliman has its perks *okay*..and the main reason why i transferred was quite shallow (wala lang, feeling ko lang malayo ako masyado sa mundong dati kong ginagalawan).. :mecry:.. so, i spent my freshman year in LB, then i trasferred the following year.
    at, oo nga pala, mahirap BS Bio (at least for me).. iniiyakan yan nung classmate kong magaling na sa pagkaka-alam ko.
    pero kung gusto mo talaga, sige, itry mo. but be careful, LB has this magical something that makes students fall in love with it in just a short time... marami akong mga kasabayang magshishift sana sa diliman nung first year, first sem (as in nagsasabing "HINDI AKO PAPAYAG NA HINDI AKO SA DILIMAN NEXT SEM :grrr::grrr:"), tapos nung second sem, ayaw na (siguro naman hindi dahil sa grades, kasi lima ata UNO ata nun that year.. haha)!!
    anyway, goodluck.. kaya mo yan... AND WELCOME TO UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, our new isko!!!*okay**okay*
Sign In or Register to comment.