TV 5 - DAPAT BANG MAG BUILD UP ng SARILING ARTISTA kesa MAG PIRATE?

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PEx Veteran ⭐⭐
:spinstar:

THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon)

Ang daming tsismis na ikinalulula ng GMA 7 da*hil ang nasasangkot ay mga pangunahing ar*tis*ta nila. Kung totoong sinusulot ng TV5 ang mga artista nila sa pagbibigay ng mas mataas na offer sa mga ito, feeling ko foul yon. Pag*da*ting sa pera, bihira ang makatatanggi, lalo’t mahirap ang buhay. Pero kung sa laba*nang ga*nito, gustong bumanat ng kalabang istasyon, wala tayong magagawa lalo’t ang ipinam*babala nila ay pera, malalaking halaga.

Pero bakit ayaw na lang mag-build up ng sa*ri*li nilang artista ang Singko? Hindi yung ma*mi*mirata na lang sila ng pinaghirapan ng iba? O baka naman kulang na sila ng panahon ang since mayroon naman silang maio-offer na mas maganda, yun na lang ang ginagawa nila.

Hintayin na lamang natin kung totoong masisilaw nila sa malalaking offer nila sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at si Jennylyn Mercado nga rin ba?

Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2/

:spinstar:
«1

Comments

  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    eh di tapatan ng gma kung totoong mas marami silang pera, di ba kuningtator?

    wag kang iiyak iyak kuya germs.. baka ikaw masilaw din.. o baka sipain ka ng gma lipat ka ng tv5 lol!

    career move ang isa sa mga basehan ng mga lumilipat. di lang pera lahat lol!
  • iRebirthiRebirth **** PEx Influencer ⭐⭐⭐
    both dapat.
    kailangan mamirata ng big stars para mapansin ang network. pero kailangan din ng home-grown, yung mga magkakautang na loob sa network.
  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    iRebirth wrote: »
    both dapat.
    kailangan mamirata ng big stars para mapansin ang network. pero kailangan din ng home-grown, yung mga magkakautang na loob sa network.

    ganyan ang ginawa ng abs. ginamit ang regal babies nung 1986.. then unti unti gumawa ng sarili nilang stars.

    kaya wag magmaasim si ate germs no bwhahaha!

    at totoo ngang sine SHAKE ng tv5 ang industriya. marami ng umaaray bwahhaha!
  • arl999arl999 Member PExer
    correct..... kaya kuya germs wag ka nang mag puyat sa walang tulugan kung pwede ka namang matulog ng maginhawa.. lipat na sa tv5 kung saan mai aaply mo ang knowledge mo sa pag hubog ng artista........ aanhin mo ang loyalty mo kung inaapi ka naman sa pinaglalaban mong network..
    imagine ilagay ka sa madaling araw na show...

    better pa ang thats entertainment datiiiiii... I suggest lumipat ka na rin...
  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    ^baka nagpaparamdam lang si kuya germs.. na hala create tayo that's entertainment sa tv5 bwhahaha!
  • arl999arl999 Member PExer
    oks lang din yan si kuya germs dami ding natulungan nyan....
    basta lipat ka nalang kuya germs.. para hindi ka na apihin...
  • iRebirthiRebirth **** PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^^^baka sakali raw maging noontime show ang twilight show niya! :rotflmao::rotflmao::rotflmao:
  • muhaboymuhaboy Banned by Admin PExer
    Ang Pamimirata ay parte ng negosyo yan. . . hindi naman siguro masamang mag offer ka sa isang talent para mag trabaho sya sa iyo. Gayan ng ABS at GMA nag pipiratahan normal nalang yun, eh kung yun ang ikagaganda ng buhay ng isang talent eh di wala namang problema dun. . . Ang hindi maganda ay kung itatali ng isang network ang isang artista sa kanila na mababa lang naman ang sinasahod. Merong mas mataas na offer eh di tapatan nila para hindi makuha ang artista nila. . .
    No need to build up new talents for TV-5 because entertainment Industry are already congested of talents ang iba nga o marami nga sa kanila ay walang trabaho eh. Maganda na yang may competition, magkakaroon ng level playing field para sa quality programs, talent fees at income spreading para sa may ari ng networks. . .
  • bizzybonebizzybone Banned by Admin PExer
    bakit Kapa Mag Bubuildup Eh Madami Namang Nakakalat Sa Paligid Mo!!! Ang Pag Build Up Ng Artista Ay Parang Sugal... Sa Baguhang Tulad Ng Tv5.. Hindi Pa Napapanahon Para Sa Salitang "build-up"
  • lady ememlady emem Maricelian since I was 10! PExer
    muhaboy wrote: »
    Ang Pamimirata ay parte ng negosyo yan. . . hindi naman siguro masamang mag offer ka sa isang talent para mag trabaho sya sa iyo. Gayan ng ABS at GMA nag pipiratahan normal nalang yun, eh kung yun ang ikagaganda ng buhay ng isang talent eh di wala namang problema dun. . . Ang hindi maganda ay kung itatali ng isang network ang isang artista sa kanila na mababa lang naman ang sinasahod. Merong mas mataas na offer eh di tapatan nila para hindi makuha ang artista nila. . .
    No need to build up new talents for TV-5 because entertainment Industry are already congested of talents ang iba nga o marami nga sa kanila ay walang trabaho eh. Maganda na yang may competition, magkakaroon ng level playing field para sa quality programs, talent fees at income spreading para sa may ari ng networks. . .

    Salamat, I totally agree......mas maraming TV stations mas maraming choices ang manonood, mas maraming may trabaho at hindi nafo-frozen ang mga artistang may ibubuga at may maico-contribute pa sa industriya.

    TV 5 need established and popular stars kasi napakalayo ng agwat nila sa ABS and GMA.

    Nakakalungkot isipin pero duopoly nga ang nangyari sa TV. I remember those days before na it does not matter kung saang channel ka may show you can have a show in 2-3 stations and it does not matter. Ang mga artista nakakapagpromote ng mga pelikula nila in all channels sa iba ibang variety shows and talk shows (RPN9, IBC13, Channel 7, City 2 and even PTV4) kaya masigla rin ang film industry noon. Walang exclusive contracts, nagtutulungan. Mas maraming choices ang mga manonood.Ano na ang nangyari sa TV and film industry?????? This network war should end.......Back to STAR SYSTEM not STUDIO SYSTEM.

    super agree ako sa iyo. dapat ang government station.. ibc 13, rpn 9 at tv4 maging competitive din sana.
  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    lady emem wrote: »
    Salamat, I totally agree......mas maraming TV stations mas maraming choices ang manonood, mas maraming may trabaho at hindi nafo-frozen ang mga artistang may ibubuga at may maico-contribute pa sa industriya.

    TV 5 need established and popular stars kasi napakalayo ng agwat nila sa ABS and GMA.

    Nakakalungkot isipin pero duopoly nga ang nangyari sa TV. I remember those days before na it does not matter kung saang channel ka may show you can have a show in 2-3 stations and it does not matter. Ang mga artista nakakapagpromote ng mga pelikula nila in all channels sa iba ibang variety shows and talk shows (RPN9, IBC13, Channel 7, City 2 and even PTV4) kaya masigla rin ang film industry noon. Walang exclusive contracts, nagtutulungan. Mas maraming choices ang mga manonood.Ano na ang nangyari sa TV and film industry?????? This network war should end.......Back to STAR SYSTEM not STUDIO SYSTEM.

    agree ako. kahit meron musical variety sina vilma, maricel, sharon, nora at snooky.. nag ge guest sila sa shows ng bawat isa. nakakapag promote sila.

    it was abs cbn who started the exclusivity actually. tapos nagka network war na. hati ang mga pinoy lalo na dito sa pex lol!
  • bizzybonebizzybone Banned by Admin PExer
    renz: Pano Ba Naman Kasi Hindi Mahahati Eh Yung Iba Dito Kulang Nalang Tayuan Sila Ng Rebulto Mapag Tanggol Lang Network Nila!!!!
  • lady ememlady emem Maricelian since I was 10! PExer
    bizzybone wrote: »
    renz: Pano Ba Naman Kasi Hindi Mahahati Eh Yung Iba Dito Kulang Nalang Tayuan Sila Ng Rebulto Mapag Tanggol Lang Network Nila!!!!

    *okay**okay**okay**okay*AGREE AGREE BIZZY BONE.....

    Pero bakit nga ba nagsimula itong network war at nahati tuloy ang mga Pililipino - Kapamilya ka ba o Kapuso ka at ngayon may Ka shake na ?

    Di ba nagsimula rin ito because of the way the two networks really did their marketing to entice loyal supporters.

    I hope TV5 will not follow the same path......na manatiling open ito and have freelance talents.

    I really hope hindi exclusive ang contracts nila Marya and Dolphy.
  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    at sana para madagdagan ang revenue ng gobyerno.. palakad nila sa matinong mga tao ang government owned stations. sayang lang kasi ang mga facilities ng ibc 13 (ganda ng reception nito sa maynila.. hanggang ngayon pa ba?)... itapon na ang ptv4.. ibenta na nila.

    the more the merrier.
  • muhaboymuhaboy Banned by Admin PExer
    Mas maganda man ang Star System pero sa palagay ko thing of the past nalang yun. Sa panahon ngayon iba na ang trend nga industriya. Hindi man maganda sa paningin ng iba ngunit kailangang gawin ng mga may ari ng network para ma protektahan ang kanilang negosyo.

    Wala namang problema ang industriya ngayon eh, actually pabor nga sa taong bayan na maraming competition kahit na ang mga artista ay nagkakaroon ng exclusive contract sa bawat network. . .
  • muhaboymuhaboy Banned by Admin PExer
    Good for TV-5 to have freelance talents but it's bad for GMA because they share the same markets. . .
  • renzzrenzz Banned by Admin PExer
    we can never tell what will happen next. pero very positive ako sa tv5... now that it is under mvp.

    exciting ang mga darating na buwan.. taon..

    tingnan nga natin kung ma se shake talaga ng tv5 ng tunay ang industriya. this early pa lang.. they are really shaking. kung gaano kalakas ang shake.. kung maging intensity 7 or more ba.. that remains to be seen.
  • lady emem wrote: »
    *okay**okay**okay**okay*AGREE AGREE BIZZY BONE.....

    Pero bakit nga ba nagsimula itong network war at nahati tuloy ang mga Pililipino - Kapamilya ka ba o Kapuso ka at ngayon may Ka shake na ?

    Di ba nagsimula rin ito because of the way the two networks really did their marketing to entice loyal supporters.

    I hope TV5 will not follow the same path......na manatiling open ito and have freelance talents.

    I really hope hindi exclusive ang contracts nila Marya and Dolphy.

    i also remember the days n kahit saang network ok *** manood pero pagkaalam ko kasi GMA7 is very busy degrading ABS-CBN and its pool of stars lahat sinisiraan nila para makuha simpatiya ng mga tao at magalit s ABS-CBN..dun ako naturn off s kanila...pwede b natin masabi n malaki ang naging role ni wilma galvanti s pagsira ng tv industry? hahaha!

    well sana di gayahin ng TV5 ang style ni wilma at gozon n paninira s mga kalaban nila para s ikauunlad ng industriya...*okay*
  • muhaboy wrote: »
    Good for TV-5 to have freelance talents but it's bad for GMA because they share the same markets. . .

    i agree kaya panic mode n ang mga kapuso execs lantaran n ang paggaya s mga shows ng ABS di n kasi makapag-isip ng maayos dahil sa panic mode n sila!:D

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file