Nora Aunor, magbabalik na!!!

From Philippine Star- Sanga sangang Dila
(Fri Jan 29, 2010 9:14pm ET)
Veronica Samio

* * ***************************

Hindi pa naman pala siguradong sa GMA 7 magta-trabaho si Nora Aunor pagbabalik niya ng Pilipinas. Gusto kasi nitong gumawa hindi lamang ng movie pagdating niya. Gusto rin niyang mag-teleserye at mag-concert. Kung maibibigay ito sa kanya ng Siete, okay lang. Pero isang source ang nakapagsabi sa akin na wala pang final decision para sa superstar ang Kapuso Network in which case ay baka maunahan pa sila ng Kapamilya network na pagdating sa ganitong bagay ay mabilis mag-desis*yon. Kapag nagkataon, nasa Dos na ang Star For All Season (Vilma Santos), Diamond Star (Maricel Soriano), Multi Media Star (Kris Aquino) at baka madagdagan pa ng Superstar.

****************************************

Kung ako ang ta*ta*nungin, mukhang hindi matutuloy ang pagbabalik-Pilipinas ni Ate Guy. Kung babasahin kasi ang mga gagawin niya sa sandaling pag-uwi niya mukhang hindi magiging possible ang mga ‘yun.


Pag-uwi pa lang ng Marso ay naatras na ito ng Abril.

Magkakaroon daw ng major concert sa Araneta Coliseum si Nora Aunor, gagawa ng pelikula, isang bagong TV series, isang bagong endorsement at isang bagong album.


Aba, kung gagawin niyang lahat ang mga ‘yan eh kailangang isang taon mananatili si Ate Guy sa Pilipinas! Kaya ba ni Albert Sunga ‘yan ha, Norie?


Matagal na ang mga press releases na ‘yan about Ate Guy.

Sana hindi manatiling press relea*ses na lang, ha!
-Alfie

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file