"PANATA" ikatlong salinlahi - Page 2 — PinoyExchange

"PANATA" ikatlong salinlahi

2»

Comments

  • “Hindi ako nagtatakang ganon ang inaasal ni Maximo, Lucio. Nang malamang hindi ako pumabor sa kanilang gustong mangyari. Isang bagay ang pagka-palalo niya kaya’t matabang sa kanya si Amihan sa tuwing bumibisita sa amin. Dalawa lang ang anak ko, Lucio. Ayaw kong makikitang magiging luhaan sila pagdating ng araw dahil sa kanilang naging desisyon sa pagpili ng makakasama sa buhay, pagpapamilya at sa kanilang pagtanda” Lahad ni Mang Ador sa binata.

    “Naiintindihan mo ang sinasabi ko Lucio” ang patuloy, habang nakatuon sa mata ng binata.

    “Naiintindihan ko po kayo Mang Ador”tugon ni Lucio.

    Nag-patuloy ang binata, nagbuntung hininga muna bago nagsalita “ Kukunin ko na po ang pagkakataong ito Mang Ador, kung inyo pong mamarapatin ay hihingin ko ang kamay ni Amihan sa inyo ni Aling Dolor”

    Ilang sandaling nanaig ang katahimikan

    Lumunok muna bago tumugon“Alam kong mahal mo ang aking anak, Lucio”

    “Mabuti pa nga, baka sakaling matanggap ni Maximo, kung malaman niyang lumagay na kayo sa tahimik ni Amihan”

    Nag-kislap ang mga mata at unti-unting gumuhit ang kasiyahan sa mukha ng binata sa narinig nito sa kaharap.
  • Laging magkasamang nag-lalasing si Maximo at Alfonso, at madalas pang nang-gugulo.

    “Ellos nos insultaron, Alfonso, permitió esta espera de Indios cuando llegamos a ser oficiales militares” Payabang na salita ni Maximo sa kainuman.

    “Haha ! Hangal ka talaga, Maximo! Gagamitin ba natin ang pag-aaral, ang maging opisyal ng militar, dahil lamang sa kasawian sa pag-ibig. Esto está loco para maghiganti sa mga Indios” Umiiling at nabubulol sa kalasingang sinabi ng Alfonso sa lango na ring Maximo.

    Napikon si Maximo. Nagpupuyos sa galit dahil sa narinig. Pagewang itong tumayo, kumuha ng balanse bago tinadyakan, ng may kasamang sigaw ang mesa.

    Lumagapak at nabasag sa sahig ang mga baso’t bote ng alak na kanina’y nasa ibabaw ng tumaob na mesa.

    Pinag-tinginan sila ng ilang naroon.

    Hinugot ni Maximo ang espada nito sa tagiliran at itinututok sa mga naka-tingin.

    “Sino ang matapang? sigaw ni Maximo”

    Hindi kumibo ang nasa ibang mesa, pati na rin ang may-ari ng taberna. Nag-yukuan upang iwasan ang nanlilisik na mata ng naghahamon.

    Nilapitan ng laging sunud-sunurang Alfonso…kinalma ang kasama,

    “Calme, tranquilize a mi amigo” udyok ng Alfonso.

    Humugot sa bulsa ang Maximo, sabay isinaboy sa sahig ang perang pambayad...bago susuray-suray na lumabas ang dalawa
  • Hanggang dumating ang isang araw.

    "Mabuti’t nakasalubong kita Lucio" ! humihingal na sabi, habang tangan sa mga kamay ang sinidlan ng nilabhang mga damit.

    Bakit Rosa? Usisa ni Lucio.

    “Nakita ko si Maximo at Alfonso nakasakay sa kabayo, pababa ng burol.

    May kutob akong sa direksyon ng batis sila patungo. Naiwan ko doon si Amihan at Estela”.

    Hindi na nakuhang sumagot ni Lucio, iniwan na ang dalawang kalabaw nito na gumilid sa damuhan. Agad na kumaripas ng takbo sa direksyong binanggit ng nakasalubong, patungo sa batis.
  • Nalaglag ang salakot na kanina'y nakasuot sa ulunan ni Lucio. Kung ano ang bilis ng pagtakbo, ay sya ring bilis na rumaragasa sa kanyang isipan ang pagtataka. Ipinagtataka niya ay kung bakit nasa Isabang pa si Maximo at Alfonso gayong kumalat at napabalita sa nayon na nakaalis na ang mga itong lulan ng barko, patungong Espanya...ilang linggo, matapos... galit na kumprontahin ni Don Franco ang anak na Maximo, dahil sa mga balitang nakakarating... ang madalas na paglalasing at panggugulo ng dalawa.

    Unti-unting gumuguhit at nabubuo sa isip ni Lucio ang hindi magandang pangitain.

    Kung tama ang kanyang kutob…ay sadyang ipinakalat ang balitang naka-alis na sila, upang maisagawa ang madilim na balak bago tuluyan, lubusang lisanin ang Isabang.

    “Nagplano sila” Ito ang naibulong ni Lucio sa sarili.

    “Wag naman po sana Diyos ko, wag n’yo pong ipahintulot” Humigpit ang hawak ng mga kamay sa suksukan at puluhan ng gulok ng humahangos na Lucio. Inihanda niya ang sarili sa maaring datnan habang mabilis na tinatahak ang landas papalapit sa batis.
  • Malapit na si Lucio. Lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib…ng bumungad at madaanan ang naka-kalat na mga baro sa daan.

    At habang papalapit ng papalapit ay unti-unting lumalakas sa kanyang pandinig ang mga sigaw at halakhak. Sinundan ni Lucio ang pinagmumulan ng ingay. Kilala niya ang takot, nag-mamakaawang tinig. Bagaman di pa natatanaw ay nasiguro niyang tinig iyon ni Amihan, ang babaeng nakatakda niyang pakasalan. Humahalo din sa pandinig ni Lucio ang alingawngaw ng malalakas at mala-demonyong halakhak na nagmumula kay Maximo.

    Isang “Hindi” ang kumawala sa bibig ni Lucio.

    Nang malagpasan ang huling matalahib na bahagi, patungo sa batis... ay tumambad ang tagpo. Para bang mainit na hangin ang sumalubong kay Lucio sa sandaling iyon. Matinding bugso ng galit ang namuo, bumalot sa kanyang budhi, sa kanyang pagkatao... dahil sa nakita.

    Naabutan niya…sa ibabaw ng malaking bato, nakapaibabaw ang Alfonso, hayok na naka-subsob ang mukha, nagpapasasa sa mag-kabilang dibdib ng dalaga…habang ang baywang naman, ay walang humpay na humahagod … nilalapastangan ang walang ulirat…hubad na katawan ni Estela.
  • Tangan ang gulok. Mabilisang tinantya ni Lucio ang sitwasyon.

    Sina- alang alang din niya ang dipa nakikitang Amihan. Alam niyang hindi na ito kalayuan.

    Nagulat ang nanlalambot na Alfonso ng mamataang papalapit si Lucio. Dali daling inalis ang sarili kay Estela, na noo’y dinudugo ang pagitan ng mga hita. Wala pa rin sa kamalayan si Estela

    Pinipilit abutin ni Alfonso ang nakasuksok na rebolber sa gilid ng bato. Animoy kidlat na lumusob si Lucio. Hindi kumukurap ang mata. Nakatuong mabuti ang paningin sa ikikilos ng kalaban. Alam niya ang magiging kahihinatnan kung mauunahan siya ni Alfonso.

    Samantala sa di kalayuan.

    Patuloy sa pag-iwas si Amihan, ginagawa ang lahat ng paraan. Ngunit nasunggaban ang kanyang damit ng humabol na Maximo. Sa lakas ng paghila ni Maximo ay napunit ang pang-itaas ni Amihan. Lumantad ang harapan ng dalaga. Lalong binalot ng pagnanasa ng makitang nahubaran ang mga suso ni Amihan, na agad namang tinakpan ng mga palad ang dibdib.

    Nang biglang….

    BAAANG !

    May umalingawngaw na putok

    Natigilan si Maximo. Hindi niya natitiyak kung ano ang pinagmulan ng putok. Binunot niya ang kanyang baril. Dinakot ang buhok ni Amihan at saka hinila palapit sa kanya. Waring ginawang panangga ang dalaga, bilang paniniguro.

    Sumigaw si Maximo “Alfonso ikaw ba yan? Ikaw ba ang nag-paputok? ”

    Walang sagot kay Alfonso.

    Ilang sandali pa ay dahan dahang lumitaw si Alfonso. Nangingiwi ang mukha, dahil sa matinding sakit na nadarama mula sa lupaypay at duguang hitang may tama ng punglo.

    Nagapi si Alfonso. Nasa likod nito ang nanaig na Lucio...mahigpit na hawak ang itak sa isang kamay… at ang rebolber na naagaw, sa isa pang kamay.
  • Ang kaninang tirik na tirik na ari ni Alfonso ay waring nawalan ng sigla, nakayuko na iyon, animo’y buntot, na, di-ganap na maikubli ng nahihiyang kamay ni Alfonso.

    Tumigil ito at saka dahan dahang napaupo, namumutla dulot ng nawalang dugo sa tama ng bala.

    Nakuha pang tumawa bago nagsalita ni Maximo

    “Hahaha! ******* ka Alfonso! Kung ano ang laki ng ari mo, ay siya namang liit ng utak mo! Kahit kailan talaga ay hindi ka maasahan” nangungutyang tinig ni Maximo.

    At binalingan si Lucio.

    “Lucio, Lucio ! Ang batang maginoo, Hahaha!

    Ang taga-pagtanggol ng mga pakipot na binibini ng Isabang. Anong gagawin mo ngayon, Lucio?"

    Nagpupumiglas si Amihan

    “Wag kang malikot Amihan, kung hindi ay bubulagta si Lucio. Maniwala ka...asintado ako” Pagbabanta nito habang mahigpit na nakayapos ang malakas na kamay sa babae.

    Nagpatuloy sa pang-iinis si Maximo

    “Ba't ngayon kalang, Lucio? Nahuli kana! Naabutan mo sana. Gustong gusto ni Amihan. Gustong gusto niya”

    “Sinungaling ka! Wag kang maniwala Lucio” Salag na sigaw ni Amihan.

    Habang nakatitig kay Lucio ay suminghap-singhap si Maximo saka inilabas ang dila, bago parang bayawak na hinimod ang tainga ni Amihan.

    Hindi pa nasiyahan, pinagalaw nito ang kamay... dinakot at saka nilamas ang suso ni Amihan.

    "Sige na Amihan! Sabihin mo kay Lucio ! Ipagtapat mo! Sabihin mong dina matutuloy ang inyong kasal dahil sa akin kana " Sabay ginawi ni Maximo ang kamay sa ari ni Amihan

    "Akin na ito" mapanlinlang na pahiwatig ng nakangising Maximo.
  • Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Amihan ay masyado ng hinamak ang kanyang pagkatao. Masyado siyang minaliit sa harap ng kasintahan. Kaya’t buong tapang at lakas-loob niyang pinakawalan ang bugso ng namuong galit. Patulak niyang sinalya si Maximo, na noo’y nagulat at halos ikatumba ang paghawi. Ngunit maliksi at bihasa si Maximo...nagawa pa nitong kalabitin ang gatilyo ng hawak na rebolber.

    BANG !

    Sinamang-palad na tamaan si Lucio sa balikat. Nabitiwan tuloy nito ang baril sa kamay.

    Ngunit, waring hindi iyon ininda ni Lucio, sumibad at nagpatuloy pa rin sa pag atake, gamit ang itak, sa kabilang kamay.

    Iniumang at akmang papuputukin uli ni Maximo ang rebolber sa lantad ng Lucio, ng muling sunggaban ni Amihan ang kanyang kamay. Muling umalingawngaw ang putok.

    Ngunit sa pagkakataong iyon ay malayo sa inasinta ang direksyon ng humagibis na punglo.

    Buo ang loob upang iligtas ang kasintahan. Animo’y tigre…hindi nilubayan ni Amihan hanggat di naaagaw kay Maximo ang rebolber.

    Di man nagtagumpay na agawin, ay nagawa nitong mai-alis sa kamay ni Maximo. Nalaglag sa tubig ang armas. Sadyang mabilis si Maximo. Ginamit nito ang likod ng kamay, malakas na isinampal iyon sa mukha ni Amihan. Pasubsob na tumilapon ang mahilo-hilong Amihan.

    Hinugot ni Maximo ang kanyang espada.

    At noon di’y nagpang-abot, nag-tagisan sa pagtunggali ang dalawa.

    Nagngangalit ang banggaan, ang tunog, sa tuwing nagtatagpo ang matatalas na sandata.

    Sa tindi ng galit, na pinagkukunan ng lakas, ay tila manhid na si Lucio, di-nanararamdaman ang sugat sa balikat.

    Hindi nag-tagal ay ramdam na ni Maximo ang lakas ni Lucio, nayayanig ang kanyang braso sa tuwing isinasangga ang hawak na sandata sa sunod sunod na paghataw ni Lucio. Naririndi siya. Maya-maya pa'y napapaurong na siya, at pag-sangga na lamang ang tanging nagagawa. Sa tindi ng pwersang sinasalubong ay tuluyan itong napa-atras. Hanggang sa makaapak ito ng madulas na bato, nawalan ng balanse si Maximo. Hindi na nagawang umiwas. Naramdaman niya ang paghalik ng dulo ng sumagitsit na itak ni Lucio. Gumuhit ang daan nito, mula kilay, pababa sa kanyang pisngi, bago pa ito tuluyang natumba.

    Kasunod niyon ay mapulang guhit, bago pa tuluyan umagos ang dugo sa kanang bahagi ng mukha. Ikinalito iyon ni Maximo. Nabitiwan ang kanyang sandata. Hinawakan ng dalawang kamay ang mukha.

    Nakasalampak na sa tubig ang walang kalaban-laban Maximo.

    Sa kanyang harapan ay nakatayo si Lucio. Humihingal. Nagtitimpi. Nag-ngangalit ang mga ugat sa braso, dahil mariing pagkakahawak sa itak.
  • Napaatras ang ulo ni Maximo ng umangat ang sandata sa kanyang harapan, dalawang kamay na ni Lucio ang nasa puluhan ng itak. gunit, ilang sandaling nasa gayong anyo. Waring hinahanap ni Lucio ang sarili sa sandaling-iyon...kung susundin ang bugso ng galit sa kanyang dibdib na mag-uutos sa kanyang mga kamay.

    Ngunit sa kabila ng pagkamuhi, ay nagtimpi ito. Napabuntung-hininga si Lucio bago marahang itinutok ang patalim kay Maximo.

    Nanaig parin ang kadakilaan ni Lucio, hindi magawang kumitil ng buhay.

    Buo at maliwanag na sinabi nito.

    "Hindi ko alam kung dapat pa kitang buhayin, Maximo!"

    "Lubayan mo kami" Sabi ni Lucio.

    Hinintay ang sagot ni Maximo.

    Hindi nagsalita si Maximo, ngunit itinaas ang dalawang kamay, upang ipahiwatig na naunawaan niya.

    Dinampot ang mga armas, nagbihis...bago mabilis na nilisan ng mag-kasintahang Lucio at Amihan, kasama si Estela, ang lugar, gamit ang mga kabayo ni Maximo at Alfonso.

    May ibinulong sa sarili si Maximo, habang sumisibad, lumiliit sa kanyang paningin ang tatlo.
  • Makalipas ang mga pangyayari.

    Hindi nag-aksaya ng panahon si Lucio at Amihan. Matapos ilahad ang mga pangyayari kay Mang Ador, Aling Dolor...nagkataong naroon ding dumalaw ang mag-asawang Mario at Ligaya, ay mabilis silang nagpasya at agad na kumilos.

    Sumang-ayon naman agad ang mga magulang, ng ipinaalam ni Lucio si Amihan, na isama ito upang lumayo sa Isabang, upang takasan ang maaring masamang pangitaing nagbabadya.

    Siniguro ni Mario at Ligaya kay Lucio na huwag alalahanin ang kanyang lolo Saro, at pansamantala nilang kukupkupin ang matanda.

    Noon di'y nagmamadaling lumisan ang dalawa.
  • Nang gabi ring iyon, ay maririnig ang dagundong ng mga yapak ng kabayo sa iba't ibang direksyon ng Isabang. Sakay ng mga ito ang mga pulutong na kawal ng guardia sibil, sa pangunguna ni Tinyente Primitivo Contreras. Tiyuhin ni Maximo.

    Tinutugis si Lucio upang arestuhin. Nakasaad sa kautusang dala-dala ng Tinyente na isa umanong testigo ang nag-akusang binubuhay ni Lucio ang nabuwag na Confradia, upang muling maghasik ng insureksyon, at malawakang rebelyon. Dagdag pa dito ay akusado rin si Lucio sa tangkang pag-patay, ng madiskubre umano ni Maximo at Alfonso ang rebelyong binabalak ni Lucio at mga kasama nito.
    Tinambangan daw ni Lucio si Maximo at Alfonso upang utasin, upang di maiparating sa awtoridad ang impormasyong nakalap laban kay Lucio.

    Alam ng mga taga- Isabang na huwad ang sinasabing testigo at ang akusasyon ay pawang gawa-gawa lamang. Batid ng marami na ang aksyon ay paraan at bwelta lamang ng mga Contreras upang isalba sa kahihiyan si Maximo.

    Binasahan ng Tinyente si Mang Ador, Aling Dolor at mga naroon, ng kautusang nagbibigay bisa sa pag- aresto.

    Samantala. Malayo layo na ang binaybay ng magkasintahan. Hindi sa kapatagan, kundi mga liblib na daan ang kanilang tinahak, upang makaiwas sa mga mata ng mga awtoridad. Malakas ang hinala ni Lucio na sila’y tinutugis.
  • Ang sinag ng nagsisimulang bumilog na buwan ay nakatulong upang bagtasin ng magkasintahan ang mahaba at masukal na landas. Kahit sa mga unang gabi ay hindi sila nagpakasiguro, halos hindi sila namamahinga. Ngunit ng maramdaman nilang may sapat ng distansya ay tumitigil na sila sa pagkagat ng dilim. At kinabukasan, pagsapit ng umaga, ay doon muling magsisimula, ibubuhos at sasamantalahin ang paggalaw upang makalayo, makatakas.
  • Sinunod ng magkasintahan ang iminungkahi ni Mario. Tatahakin nila ang direksyon, kung saan sumisikat ang araw, upang matutunton ang bundok ng Sierra Madre. Oras na maakyat nila ang nasabing bundok ay pipihit sila pa-hilaga. Ang kagubatan ang siya nilang pangubli sa kanilang paglalakbay, ang kahabaan naman ng kabundukan… ang siya nilang magiging gabay upang marating ang isang nayon ng Dilasag, na kanilang pakay.
  • Buhat sa bulung-bulungan, isang nayon umano sa Dilasag, probinsya ng El Principe ( now Aurora province) ay waring hindi dinadalaw at waring nalimutan ng sibilisasyon. Ang nasabing lugar, ay siyang iminungkahi ng kaibiga't bilas na Mario, kay Lucio, na kanilang puntahan. Ayon kay Mario, hindi daw gaanong nararating o nirororndahan ng mga kawal ang lugar na pupuntahan nila ni Amihan. Dahil wala daw kwartel ng Kastila doon. At ang higit pang mahalaga, ay naroroon ang mga kamag-anakan ni Mario, na umanoy makakatulong sa kanilang pagsisimula.

    http://www.aurora.ph/dilasag.html

    http://www.aurora.ph/baler-aurora-book/baler-revolt-account.html

    http://www.aurora.ph/history.html
  • Makalipas ang ilang araw na paglalakbay ay nagnaknak ang sugat ni Lucio . Nilagnat ito, bunsod ng impeksyon mula sa nakabaong punglo sa balikat. May pagkakataong nanginginig si Lucio.

    Hindi alam ng nag-aalalang Amihan ang gagawin. Hanggang nagpasya ito. Sumakay ng kabayo...iniwan si Lucio sa loob ng isang tagong yungib na bato.
  • Nagbunga ang pakikipagsapalaran ni Amihan. Madali niyang natunton at natagpuan ang kamag-anakang binilin ng bayaw na Mario. Kasama ni Amihan sa pagbabalik si Tata Jose, tiyuhin ni Mario, na, nagkataon namang hilot at albularyo sa maliit na baryo sa Dilasag. Bitbit ni Tata Jose ang mga dahon at gamit nito sa panggagamot. May dala din itong ilang buhay na manok at bigas.

    Pagkalipas ng ilang araw.

    Nang humupa na ang lagnat at pamamaga ng sugat ay tinanggal ni Tata Jose ang tingga sa balikat ni Lucio.

    Abot ang pasasalamat ni Lucio at Amihan sa matanda.

    Nang matiyak ni Tata Jose, na umiigi na ang kalagayan ni Lucio, ay nagpaalam na ito. Nagbilin lamang na ipahinga muna ng husto ang katawan. At kung ganap ng malakas, ay saka muling lumakbay at naroroong maghihintay si Tata Jose, sa kanila, sa Dilasag.

    Isang umaga ay nagising si Lucio sa dagundong ng mga kulog. Sinundan iyon ng malakas na pagbuhos ng ulan.

    Pinilit bumangon ni Lucio, at saka dahan-dahang lumakad.

    Hinanap niya si Amihan. Wala ito sa loob ng yungib. Patungo na si Lucio sa harap ng sinisilungang kuweba, na noo'y nagmimistulang talampas, dahil sa masagang pagbagsak ng tubig-ulan sa bukana...ng biglang sumulpot ang humahangos na si Amihan. Basang-basa ang buong katawan nito, mula ulo hangang paa. Bitbit sa mga kamay ang mga dahong ipanlalapat sa sugat ni Lucio, piling ng saging, at sa balikat naman... ay kawayang sinidlan, ng tubig na inigib. "

    Bakit bumangon ka na, Lucio ! baka mabinat ka " Bungad na alala ni Amihan. Na humihingal dahil sa pagmamadaling makabalik. Inilapag nito ang mga dala dala.

    "Mabuti't dumating ka na! Sa iyo ako nag-alala, mahal ko !" Salubong ni Lucio sa kanya, bakas ang pag-alala sa mga mata.

    Parang musika sa pandinig ni Amihan ang narinig.

    "Kayganda ng sikat ng araw ng umalis ako. Naubos na kasi ang dahong binilin ni Tata Jose. Pabalik na ako ng bigla nalang dumilim ang kalangitan. Naabutan ako ng ulan sa daan. Kaya , eto, at basang-basa ako". May ngiti at lambing sa mukha ni Amihan na sinabi sa kaharap.

    "Bakit di mo muna pinatila ang ulan? Baka ikaw naman ang mapano"

    "Gusto kong makabalik agad, Lucio. Hindi ako mapapalagay. Gusto kitang makita agad" sagot ni Amihan.

    Natigilan. Napatitig si Lucio sa mga mata ng kasintahan.

    At ilang sandali pa'y mababakas sa mukha ni Lucio ang mataim na paghanga, sa taglay na kagandahan, sa maamong mukha ng kasintahan. Hindi din maiwasan ni Lucio na di mapansin, di sulyapan, masdan ang kabuuan ng kasintahan. Lalo't humapit sa hubog ng katawan, sa mabilog nitong dibdib, sa mapang-akit na dulo niyon, na maaninag sa basang kasuotan.

    Napayuko si Amihan. Naramdaman niyang nanunuot ang mga matang nakamasid sa kanya. Waring nahihiya ngunit napapakislot siya.

    Naghawak ang nakababang mga kamay ni Amihan.

    Waring natabunan ng katahimikan ang malakas na buhos ng ulan.

    Humakbang palapit si Lucio. Idinampi ang kamay sa noo, atsaka inihaplos ang malalaking daliri sa basang buhok at mukha ng kasintahan. Hindi gumalaw si Amihan sa kinatatayuan. Nanatiling nakayuko.

    Inangat ni Lucio ang mukha ni Amihan, na noo'y kagat ang labi.

    Napansin ni Lucio na may nagingilid na luha sa namumungay na mga mata ni Amihan.

    "Bakit, Mahal ko?"

    At noon di'y kumawala ang kaninang nagtitimping mga luha, sa pisngi ni Amihan.

    "Oh Lucio, natakot ako! Akala ko'y iiwanan mo na ako"

    Nagyakapan ang dalawa. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Dina alintana ni Lucio ang namimintig-mintig pang balikat.

    Nanginig ang katawan ni Amihan. Marahil sa lamig ng tubig-ulan, sa pagod, sa kakaibang kaligayang nadarama, sa piling...sa braso ng kanyang pinakamamahal.

    "Nilalamig kana! Saglit at ikukuha kita ng pamunas at tuyong damit" Hinawakan ni Lucio ang likod ni Amihan bago humakbang palayo, upang kunin ang pamunas at pamalit.

    Sa kanyang pagbalik ay nabigla siya nang tumambad sa kanyang mga mata... ang wala ng saplot, hubad na katawan ng iniibig na Amihan.

    Namangha si Lucio habang sinisilayan ang kaakit-akit na katawang nag-hihintay, nag-aasam mapawi ang panlalamig...nag-aasam ng init.
  • Napabuntong-hininga si Lucio.

    Ang mapanglaw na sinag ng liwanag na nagmumula sa labas ng silungang bato, sa likuran ni Amihan, ay lalong nagpatingkad sa awra at hubog ng maalindog, hubad na katawan ng kasintahan.

    At habang dahan dahang lumalapit sa naghihintay na Amihan, ay, lalong nagsumamo ang kinikimkim na pananabik. Nakapako ang mga mata sa isa't isa. Walang salitang lumalabas sa mga labi.

    Marahang idinampi ni Lucio ang malambot na tela. Sa mukha, sa labi ni Amihan. Napaangat ang ulo ng dumako iyon sa leeg, balikat. Tumuloy iyon sa gitna, sa nangingintab, basa pang mga dibdib. At ng haplusin ang dulo, ay lalong tumigas ang nang-aakit na butil ng mga dibdib.

    Napalunok si Lucio sa nakakahalinang pagliyad ni Amihan.

    Binitiwan ni Lucio ang pranela. Kamay na nito ang ginamit sa paghawi ng basang katawan ng kasintahan. Napapasinghap si Amihan. Napapikit, napapakislot. dahil sa kakaibang init na nadarama... sa haplos , sa bawat samyo, na nagmumula… sa dulo ng mga daliri, kamay ni Lucio.

    Inagos na ng lubusan sa pananabik ang dalawa. Nagliliyab ang mga dampi ng labi, ng kamay, at pag- hihinang ng katawan.
  • Napupuno si Amihan. Napapangiwi. Nasasaktan.

    Nang lumaon, sa patuloy na ritmo ng pag-ibig, ay unti-unting natabunan, napawi ang nadaramang hapdi.

    Makaraan pa’y kakaibang damdamin naman ang namumuo sa kanyang kaibuturan.

    May mga pagkakataong napapangiti si Amihan habang patuloy na sinasalubong, hinihimay ang marahang pag-daloy ni Lucio.

    Namimilog ang kanyang labi sa pag-singhap at pag-buga ng hangin.

    Lalong bumibilis ang ritmo, ang tibok ng kanilang puso.

    At ng parating na ang kasukdulan, ay di na napigilang kumawala sa bibig...ang mga ungol at hiyaw ng damdamin, bugso ng kaganapan at nang labis na kaluwalhatian.
  • Waring matamis na nanunukso ang masamang panahon.

    Sa lalong paglakas, paghagupit ng hangin at ulan ay naging dahilan upang manatili at magtagal pa sila sa pansamatalang kinalalagyan.

    Hangga't hindi gumaganda ang panahon ay naging saksi ang sinisilungan, sa maiinit , paulit-ulit na pagtatalik ng dalawa.
Sign In or Register to comment.