Home PEx Business and Careers The Working Filipino
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Global Strategic Business Process Solutions: Bad Experiences

april32april32 PExer
edited March 2019 in The Working Filipino #1
Hi Everyone!

Meron ba rito sa members of Pinoy Exchange who has a bad experience sa company na eto? Global Strategic Business Process Solutions?

They are located sa may Paragon Plaza between Boni and Shaw?

Would you believe pinahihirapan nila yong mga applicants dito?

Mga approximately 7 interviews ang dadaanan mo! Ang masakit pa nito hindi yata trained sa Human Resources ang nag sisipag interview! May mga non-sense pang tanong at mali mali pa mag English! Pa-ulit ulit pa ang mga tanong like they don't compare notes before talking to the applicant.
Mas nervous pa yong interviewer kesa sa interviewee. One of them would even ask what's your favorite movie? Like if it's a trick question. (it's not even near a logical question). Some questions got nothing to do with the information found on the resume!

Yong isa pang babae (pandak) na interviewer masungit! Feeling sobrang talino na ngayon lang yata nakaranasan mag interview! Or ngayon lang yatang nabigayan ng opportunity mag interview-- umaastang nakasalalay sa kanya ang pag hire sa iyo.

You shouldn't treat applicants that way!

Maging Professional naman kayo! At dumaan din naman kayo sa pag aaply! If ngayon pa lang ganoon na ang mga recruitment specialist ninyo (my guess not really HR but some hand picked employees) conducting those interviews. What does that say about your COMPANY?!!!!

Hindi ko purpose manira rather share ko lang eto para to serve as a warning narin for others for those who are planning to apply or wake up call narin.

Mahirap na nga mag hanap ng trabaho, sana maging considerate naman sila sa mga nag apply lalo na kung galing pa sa malalayong lugar.

May paala pa silang come in business attire pero halos lahat nang tao roon or yong mismo interviewer ay naka t-shirt jeans lang.

Napaka unproffessional ang dating nila. I hope others would share their "horrific" experiences.

One last thing ang sabi pa yong mga newly hired daw---they require to sing and dance daw on the first day! kagawin ka pa yatang katawa tawa.:grrr:
«13

Comments

  • mad_hijamad_hija PEx Rookie ⭐
    Global Strategic Business Process Solutions? They have a lot of openings pa naman on jobsdb and jobstreet. Funny if they really act that way. Must be newbie..
  • april32 wrote: »
    One last thing ang sabi pa yong mga newly hired daw---they require to sing and dance daw on the first day! kagawin ka pa yatang katawa tawa.:grrr:

    hehehe..baka performers naman *** inapplyan nila. ehehhhe:rotflmao::rotflmao:
  • Hi April 22,

    It is unfortunate that you did not find your interview experience with Global Strategic favourable. Our hiring process involves the participation of all employee levels. That is the reason applicants undergo more interviews than usual to gauge their personality, aptitude and most importantly, ability to fit in with the company’s culture.

    We take our recruitment practice seriously and any comments from applicants are important to us. I have taken the time today to remind everyone involved in our hiring process that there is no place for one to be rude or short tempered as mentioned in your posting.

    To be fair to all applicants, we remind them to come in business attire so they would not be judged on their appearance. Our dress code calls for business attire as well. However, due to the ongoing expansion of our office, we have allowed casual dress until the completion of the construction.

    As an icebreaker, new hires introduce themselves in a variety of ways, dancing and singing is an option. In turn, the current employees welcome them into what we call the “Global Strategic family”.

    We invest a lot of time in our hiring process and it is our goal for our new hires to have a long and lasting career with the company.

    Sincerely,

    Jun Lota
    Vice President
    Global Strategic Business Process Solutions
  • jlota wrote: »
    Hi April 22,

    that is the reason applicants undergo more interviews than usual to gauge their personality, aptitude and most importantly, ability to fit in with the company’s culture.

    As an icebreaker, new hires introduce themselves in a variety of ways, dancing and singing is an option. In turn, the current employees welcome them into what we call the “Global Strategic family”.

    yung dancing/singing na yan. usually, ang alam ko usually nagaganap lang yan sa christmas party....or other events. pero hindi mandatory. kawawa naman kapag *** employee...walang talent na mapakita. pano yun?

    maraming ways naman to fit in.....
  • haha.. eh sa ganun ang company nila eh.. wag kang umangal haha

    kung ayaw mo dun ede sana hindi mo na tinuloy ang pag-apply

    kung gusto nila sumayaw at kumanta wala ka ng paki-elam dun
  • We take our recruitment practice seriously and any comments from applicants are important to us. I have taken the time today to remind everyone involved in our hiring process that there is no place for one to be rude or short tempered as mentioned in your posting.



    Sincerely,

    Jun Lota
    Vice President
    Global Strategic Business Process Solutions[/QUOTE]

    Mr. Jun Lota,

    I appreciate your reply regarding this. Kasi marami kaming nag apply that day (including two of my friends) and we get to talk about it while waiting for our turn sa interview process. If that is your hiring process...it's really none of my business but my point is the people behind those who are conducting the interviews!


    It's the risk I have to take by posting here sa pinoy Exchange as I don't know what to expect from members who gets to read the post.

    But if I don't speak up, how will you know na meron kayong mga interviewers who are not competent enough to asked a professional question--- nakakasira din sa image nang company ninyo di ba? at parang sinayang ninyo rin ang pera at panahon nang mga applicants.

    In fairness, some of them are polite except for two or three people who seems to be showing some ego trip! Na describe ko na kung sino yong isa...its really up to you to do something about it if you are indeed taking this seriously.

    I respect everyone's opinion here at sana respetuhin rin ninyo yong mga opinions nang iba.


    May point si Lifesabig*****, or rather he or she is trying to lighten up the mood by injecting some humor.

    @Cookie Mobster

    I am not sure kung reply mo iyon kay Lifesabig*t

    Yes! Ayaw ko doon sa company na yon so that is why I walk out sa ika 5th kong interview (hindi ko na tinapos yong susunod pa!) and I got some feedback from the others na nag progress hangang 7 or 8 interviews pa yata.

    Kaya nga I am inviting them to share their experiences also but so far I am already satisfied sa sagot na ni Mr.Lota at least he is paying attention!!!! (also have a chance to explain)

    And yes...if those newly hired wants to make a spectacle of themselves...*** na nga tayong paki-alam but I like I said respect breeds respect!

    I already said my piece and it already serves its purpose.
  • "Yes! Ayaw ko doon sa company na yon so that is why I walk out sa ika 5th kong interview (hindi ko na tinapos yong susunod pa!)"

    @April22, Tama na rin na hindi mo tinuloy yung application mo sa company para hindi rin waste of time sayo at sa company kung alam mong hindi ka rin tatagal sa gusto nila (e.i: dancing and singing). At least sa umpisa pa lang alam mo ng hindi ka fit in sa work o let's say sa company, right? Pero okay yun ah, may singing and dancing.. ang saya kaya nun, unless na lang KJ ka! Sa ibang company kasi sa sobrang cost cutting nalilimutan na ng management ang party para sa mga employees nila. Lahat naman siguro ng tao pinanganak na may talent, hindi pa lang nadidiscover ng iba. Parang okay yun, dun mo madidiscover na marunong ka palang sumayaw o kumanta. O di nagkaroon pa ng improvement yung sarili mo.

    Alam mo, normal sa isang company na may mga taong kung umasta eh kala mo kung sino especially sa mga interviewers. Saan ka makakakita ng kumpanyang lahat eh mababait? Walang perpektong kumpanya so don't expect na lahat ng tao eh ipe-please ka. You have to be flexible kung gusto mo talagang makahanap ng trabaho.

    "May paala pa silang come in business attire pero halos lahat nang tao roon or yong mismo interviewer ay naka t-shirt jeans lang. Napaka unproffessional ang dating nila." - May reason naman pala kung bakit sila naka-t-shirt o jeans lang. Nanghusga ka agad.

    "I respect everyone's opinion here at sana respetuhin rin ninyo yong mga opinions nang iba." - Sino bang hindi rumespeto sayo? Sosyal ka nga, Vice president pa nila ang nagreply sa message mo. Okay nga yung company na 'to kasi yung ibang Vice-president ng company walang pakialam sa ganito di ba? and to think na Vice President pa nila ang nagreply sayo, Okay ah! Sa company nga namin, walang pakiaalam management namin samin eh.

    This site is open to all comments/opinions, good or bad, so I guess it's all up to you and the company kung pano nila iinterpret yung mga comments dito. Cheer up! Marami pang company dyan na pwede mong applyan, kung hindi ka pumasa sa Global Strategic Business Process Solutions, edi apply ka uli sa iba! Don't make your life miserable.
  • just make a set of team of interviewer :bashful: suggestion *** ha yung iba kasi makakontra *** eh,
  • to make it clear ok yung company hindi lang talaga sya fit samin...
    respect breeds respects quoted from april papa auto detailing ko nga to pengeng copyright. hahhahahah LOL
  • hahahaha..... di na ko makikipag-argue. marunong naman akong tumanggap ng opinyon ng iba. dun naman kasi tayo naggo-grow...dun tayo natututo sa mga opinyon ng ibang tao. dapat matuto tayo tumanggap ng pagkakamali.

    sa tingin mo...kung walang nagsalita....malalaman ba ng management na ganon pala ang impression nila sa ibang tao? impression is very critical in companies...dun kasi nila nage-gain madalas ang mga clients nila.

    Oh well...
  • naging applicant ako ng global strategic, papagtanggol ko lang un company opinion ko to, ok naman ang company at maganda ang environment dun. mababait ang mga tao. wala naman mali sa recruitment process nila e. magkakaiba ang recruitment process ng ibat ibang kumpanya. mejo sablay lang un pagpost mo kasi sabi mo di ka naninira pero hindi ganun ang lumalabas. mas maawa ka sa mga taong gustong magkaroon ng trabaho, malay naman natin na matanggap sila dun. wag mo ipagkait ang opportunity sa kanila sa pamamagitan ng paraan mo. yun lang salamat.
  • Do they accept undergrads here in Global Strategic? Nakita ko kasi sa jobstreet and jobsdb that a 2 year vocational course is considered, but what if a person have just completed 2 and a half years in college? Pwede pa rin ba yun?
  • dogbone wrote: »
    naging applicant ako ng global strategic, papagtanggol ko lang un company opinion ko to, ok naman ang company at maganda ang environment dun. mababait ang mga tao. wala naman mali sa recruitment process nila e. magkakaiba ang recruitment process ng ibat ibang kumpanya. mejo sablay lang un pagpost mo kasi sabi mo di ka naninira pero hindi ganun ang lumalabas. mas maawa ka sa mga taong gustong magkaroon ng trabaho, malay naman natin na matanggap sila dun. wag mo ipagkait ang opportunity sa kanila sa pamamagitan ng paraan mo. yun lang salamat.

    I’ve been a lurker here for a long time but this thread got me interested maybe because I am a HR practitioner.

    My point of view:


    @DOG BONE- By the time na nag apply ka siguro, the company Global Business whatever had already cleaned up their act about their recruitment process nila (dahil may nag brought up nga ng issue). It is their prerogative kung ang hiring process nila involves a lot of interviews. However, this would not been an issue at all, if well-trained HR people would do those several interviews. I don’t think she meant na hwag na kayong mag apply doon!

    THERE WON’T BE A SMOKE, IF THERE IS NO FIRE

    I think yong nag START ng thread na ito was pertaining for all those who are involved in recruitment in general. Wake up call nga naman sa amin. Recruitment people or those who do the interviews are the frontline of any company. So its up to us if we either make or break the company we represent.

    If we don’t act accordingly,(in terms of profesionalism) this will be the results nga --- if some of us don’t treat applicants properly. Heto nagiging subject ka nang forums, chats, emails, blogging etc….

    Just imagine nga naman kung galing pa yang applicant nayan sa isang malayong lugar such as Bulacan or Laguna tapos ganoon ganon lang yong set of interviewers nila, ma di- disappoint nga naman if kung parang pang “slumbook” ang dating na questions nila at may attitude problem pa. That person might even think : “What did I get myself into?” But of course, there is no such thing as perfect company. But most of us can learn from this.

    @Mr.Jun Lota—Bravo! Bravo! Although damage control. Maganda ho ang sagot ninyo instead of attacking the messenger, you took action and addressed the issue promptly. There is always two sides of the coin!

    Kung biglang tingin or basa…iisipin mong bitter etong si April but come to think of it. Who are we to judge her? We did not witness everything or be in that situation like hers.

    Hirap sa atin basta lang makapag voice out lang nang opinion, maka pag comment lang even if there is no substance underneath those comments! (bato,bato sa langit and tamaan hwag magagalit)

    In my perfect world, I wish this thread would end with me pero tiyak kong may mag re-react pa rito sa post ko. But I think based sa post ni April at Mr.Lota it seems settled na naman. Meron lang talaga iba sa atin would like to add fuel to the fire.

    PEACE BROTHERS!
  • nakakadisappoint nga na parang pang slumbook lang yung tanong sa iyo.. pero baka naman tinatry lang nila na magign at ease kayo during the interview? minsan kasi ganyan ang ginagawa ng mga interviewer.
  • i applied at Global Strategic and siguro nga, they already fixed whatever was wrong with their recruitment process because in my experience, it turned out so well.

    my interviewers weren't bad, in fact, they were all accommodating and friendly, EXCEPT nahawahan ata ako ng sipon nung isa kong interviewer, dahil kinabukasan, nagkasakit ako dahil sa matinding sipon at kakahatsing.. hehehe..

    with regards to their "newbies' singing and dancing," i guess some companies do that nowadays. sabi ko nga when i was told about it, mas concern ako sa makikinig sa akin pag kumanta ako. kawawa naman ang mga tenga nila. eh problema na nila yun, papakantahin nila ko, eh di pagtiyagaan nila ang boses ko.

    ang secret lang dun for the applicants, don't let yourself be intimidated by anyone - be it by the interviewers themselves, or by the tenured employees who walks past you. be confident. dahil ikaw at ikaw lang ang nakakaalam kung anong kaya mong gawin at i-contribute sa company na inaaplayan mo.

    MOTTO: HUWAG PASISINDAK. :)
  • Start na ko sa monday sa GS.

    Yung interviews ko madami, pero buti naman pumasa :)

    Kinakabahan lang ako sa sing and dance dahil parehas hindi ako marunong nun
  • hicorthicort PEx Rookie ⭐
    pmsben wrote: »
    Start na ko sa monday sa GS.

    Yung interviews ko madami, pero buti naman pumasa :)

    Kinakabahan lang ako sa sing and dance dahil parehas hindi ako marunong nun

    Good luck and post here again your first day experience.

    Nice to know more about tis company :)
  • hehehe,nag-apply din ako dito last year matindi pa sa mga multinational BPO companies ang series ng interview kala mo managerial position ang aaplyan mo sa sobrang dami...to TS yung babaeng naka-salamin ba ang tinutukoy mo?bad3p nga yun.hahaha.

    kala ko pa jan eh malaking company isang floor lang pala na nasa basement pa ng building...may nag ask pa diyan sa akon na "kung gusto ko ba si pacquiao " meron ding isa na "anong fave song ko" and meron din siyempre yung pamatay nila " do you know how to sing or dance" bakit may ganyang tanong talent show ba sila?
  • hicorthicort PEx Rookie ⭐
    pmsben wrote: »
    Start na ko sa monday sa GS.

    Yung interviews ko madami, pero buti naman pumasa :)

    Kinakabahan lang ako sa sing and dance dahil parehas hindi ako marunong nun

    Any news about your employment? Curious lang po. :)
  • bongskie wrote: »
    hehehe,nag-apply din ako dito last year matindi pa sa mga multinational BPO companies ang series ng interview kala mo managerial position ang aaplyan mo sa sobrang dami...to TS yung babaeng naka-salamin ba ang tinutukoy mo?bad3p nga yun.hahaha.

    kala ko pa jan eh malaking company isang floor lang pala na nasa basement pa ng building...may nag ask pa diyan sa akon na \"kung gusto ko ba si pacquiao \" meron ding isa na \"anong fave song ko\" and meron din siyempre yung pamatay nila \" do you know how to sing or dance\" bakit may ganyang tanong talent show ba sila?

    Salamat Bongskie!!!!

    Salamat din doon sa HR Practioner na Azariel!

    Although water under the bridge na etong thread or topic
    dahil awa ng Diyos I got a better job na.

    At least, hindi ako nag iisa. Bongskie, I confirm na ganyan na ganyan ang mag tanong sa akin like I said before parang hindi Professional ang dating nila at parang pang manangement position sa dami ng interviews. But siguro naman na ayos na nila at na afford na rin siguro nila na kumuha nang isang REAL practicing Human
    Resources or a good recruitment specialist. Hindi ako nag sisi that I started this tread like Azariel would say

    THERE IS NO SMOKE IF THERE IS NO FIRE!


    Anyway ayoko nang pahabain pa eto...nagulat lang ako to find out I am not indeed the only one who gets a bad experience from this company.
Sign In or Register to comment.