The much awaited ANGEL LOCSIN - JOHN LLOYD CRUZ team up!

ShutanginameshShutanginamesh Banned by Admin PExer
John Lloyd Cruz admits he misses doing a teleserye
by Bernie Franco | October 31, 2009 12:56 AM | Share this article


Kamakailan lamang ay nag-renew ng contract si John Lloyd Cruz with ABS-CBN at sinabing nakapaloob sa kontrata ang paggawa ng dalawang teleserye. Sa kasalukuyan ang pinagkakaabalahan ni Lloydy ay isang concert na gagawin sa Europe at pagkatapos ay sisimulan na ang pelikulang muling pagtatambalan nila ni Bea Alonzo.

Inaasahan naman ng aktor na pagkatapos ng pelikula ay magsisimula na siya sa pag-shoot ng kanyang bagong teleserye. Sambit ni Lloydy, nami-miss na nga niya ang paggawa ng teleserye. “Nakaka-miss ‘yung gabi-gabing nakakasama ka ng mga sumusuporta sa ‘yo o nagmamahal sa ‘yo,” kuwento ni John Lloyd. “And kung mabibigyan lang kami ng magandang storya mga interesting na kasama sa trabaho, mapa-director mga co-actors, walang dahilan para hindi ko ma-miss at balikan ang telebisyon.”

Sa pagkakaalam umano ng aktor, sa pagbabalik niya sa telebisyon ay magkakaroon siya ng bagong leading lady. “I’ll be doing something with Angel Locsin, sa tingin ko,” pag-amin ni Lloydy. “Pero alam n’yo naman how things can change in this business baka mabago pa rin pero ang alam ko as of today, it’s with Angel.”

Nabanggit din niya na ang planong pagtambalin sila ni Angel ay nagsimula na mula pa noong maging Kapamilya si Angel noong 2007. “Matagal-tagal na akong nakapila simula nang pumasok siya (Angel) dito. Heto mukhang mangyayari na.”


http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/5421/John-Lloyd-Cruz-admits-he-misses-doing-a-teleserye.aspx





Go Angel!!! Everybody is waiting to see you back! Right, Marian? (Ooops sorry)

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file