Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

ano ba ang depinisyon mo ng kaibigan(friends)?

Ano ba ang depinisyon mo sa salitang kaibigan(friends)?

Sa akin, ang depinisyon ng isang kaibigan ehh yung hindi matatakot na sumalungat sayo kapag alam nilang nasa mali ka na. *** handang gawin ang lahat para lang matuto ka ng leksyon na kailangan mong matutunan. *** taong handa isakripisyo ang lahat kahit na ang relasyon mo sa kanya para lang matuto ka ng leksyon mo o kaya naman ehh makorekta ka sa mga bagay na iyong kamalian. Hindi masusukat sa oras ang pakikipagkaibigan. Mas masusukat to sa kalidad ng inyong pinagsamahan.

ganun na ba talaga tayo ka babaw at and depinisyon natin ng isang kaibigan ehh nasusukat sa oras lang, kahit ba alam mong mali na ang ginagawa nya sayo at sa iba ehh kaibigan mo pa rin ba siya?

Kayo ba? ano ba ang tunay na depinisyon ng kaibigan para sa inyo?

Comments

  • How do you know for sure na ikaw ang tama at hindi siya? A lot of friendships have been ruined because of one-side "tama ako!" argument. A true friend would evaluate if the argument is worth risking their friendship for. Kung mababaw lang ang argument, I'll back off even if I think I'm right. Friendship is more important than winning an argument.

    Doon mo malalaman ang measure of friendship, kung gaanong kabilis talikuran ka ng "friend" mo. This happened to me just recently. I thought we were good friends. Tinalikuran ako dahil lang sa napakaliit na bagay. Even though we're still "friends", umiba na ang tingin ko sa kanya ever since.
  • Para sa akin yung totoong kaibigan may two way communication. Yung tipong nakakapag-share ka ng mga bagay bagay tungkol sa buhay mo o kaya kahit anong topic pero at the same time willing din siya mag share ng mga bagay bagay tungkol sa buhay niya. Yung tipong sasabihin niya kung ano yung mga bagay na sa tingin niya hindi maganda sa ugali mo. In short hindi plastik. Ang hirap kasi yung mga plastik na tao. Akala mo, madami kayong common interests at ok ang lahat pero yun pala, hindi.
  • a friend:

    - ma asahan mo kahit anong mangyare
    - willing makinig sayo
    - anjan paren kahit good times or bad times
    - sasabihin sayo *** totoo (*** tipong pag meron silang di nagugustuhan na ugali mo at pag may nagawa sila na d maganda).
    - kasama mag mall kahit walang pera! lol.
    - kahit meron ka bad day pasasayahin ka paren.
    - eencourage ka sa tama.

    yan ang mga totoong kaibgan.
  • sakin, am yung di ka iiwan kahit anong mangyari basta alam na tama ang ginawa mo . di nag prepressure sayo sa mga bagay bagay. handa kang itama kahit pede kang masaktan. iginagalang di lang ikaw pati yung family. willing to sacrifice for you. hehe. ive said all of this coz i have these set of friends.
    ako nga lang high school sa barkada e(most of em have their works na).

    we've been into many times of trouble and we have proven that our circle is the best.
  • How do you know for sure na ikaw ang tama at hindi siya? A lot of friendships have been ruined because of one-side "tama ako!" argument. A true friend would evaluate if the argument is worth risking their friendship for. Kung mababaw lang ang argument, I'll back off even if I think I'm right. Friendship is more important than winning an argument.

    Doon mo malalaman ang measure of friendship, kung gaanong kabilis talikuran ka ng "friend" mo. This happened to me just recently. I thought we were good friends. Tinalikuran ako dahil lang sa napakaliit na bagay. Even though we're still "friends", umiba na ang tingin ko sa kanya ever since.


    Sa isang issue na kinakaharap ko ehh maraming nagtataka kung bakit nagkakaganito kami ngayon. Walang naman talagang problema nuon sa samahan namin kaya lang nagkaganito ehh dahil napalapit ako sa matagal na nyang kaaway na hindi ko alam na kaaway pala nya. Actually ehh *** kaaway nya talaga ehh *** bestfriend ng tao na sinasamahan ko ngayon at talagang dinadamay lang nya. Lahat ng taong tinanong at kinausap ko ehh naguguluhan kung ano ba ang issue. Hindi ko na pinatulan pero sadyang nakakalungkot isipin na tawagin niya akong pekeng kaibigan. Nakakasakit *** mga sinabi nya patungkol sa amin at nung minsan ako'y nagsalita tungkol sa aking hinanakit ehh nagalburuto siya na grabe naman daw ako makapagsalita. NGUNIT alam ng lahat na tungkol sa neutralidad ko sa away nila ang sinabi ko at wala nang iba.

    Alam kong nagkamali ako sa ilang bagay pero ang katanungan ko lang naman ehh "ANONG MALI ANG GINAWA NAMIN PARA MAGALIT KA SA AMIN?" ayun *** tanong na hindi nila masagot sa harapan namin. Sinasabi nila ehh nakikielam kami ngunit wala akong alam sa nakaraan nila, alam ko lang ehh magkaaway sila at wala akong ginagawa. Ang gusto nya kasing mangyari ehh porket kaaway nya ehh kaaway na rin namin dapat which is mali para sa akin. hindi ko kayang gawin yun lalo na't walang ginagawa sa akin *** isang panig.

    Pinapipili nila ako kung saan ako papanig. Kung sa tao ba na matagal ko nang kasama or sa tao na kakakilala ko lang. Sa totoo lang, dun na ako sa taong kakakilala ko lang papanig. Sila na mismo ang nagtulak sa akin sa desisyon na yun.

    kinausap ko *** isang kaibigan nya upang maging tulay sa pagaayos namin pero itinuring nya ito bilang paninira ko raw sa kanya. May kasama akong tao na nakarinig nang aming paguusap. nung nalaman nya ehh siya mismo nagtaka kung saan nya nakuha na sinisiraan ko raw siya sa kaibigan nya.

    Hindi ako ang tipo ng tao na iisipin na TAMA ako palagi. Alam ko kapag mali na at handa ako na humingi ng dispensa sa mga kamalian ko. Pinagiisipan ko ng mabuti ang mga bagay bagay bago ako magdesisyon.

    pinaplano ko nang ayusin ang issue at tapusin na ang pakikipagkaibigan. kahit na mali *** ginawa nya sa akin ehh hindi ko magawang magalit sa kanya. Ok lang sa akin na siraan nya ako sa mga tao dito. Hindi ako gaganti at hindi ako papatol. Sawa na ako sa drama ng buhay dito sa amerika.
  • jinek67 wrote: »
    Pinapipili nila ako kung saan ako papanig. Kung sa tao ba na matagal ko nang kasama or sa tao na kakakilala ko lang. Sa totoo lang, dun na ako sa taong kakakilala ko lang papanig.

    Wow pare, I'm glad you're not my "friend".

    There is nothing wrong with what they're expecting kung matagal na kayo magkakilala at madami na kayo naranasan. Ang tingin nila sa iyo parang kapatid. They expect some bondship diba? This is fine as long as you can expect the same loyalty from them pag ikaw na ang may kailangan. Kung kaaway mo naman ang pinaguusapan natin, siguro ikaw ang kakampihan nila.

    Alam na nila ang measure ng friendship mo. Para sa akin, it will take more than this to betray my friends.
  • kung alam mo kung ano 'yung nakama ng japan, o hyun-hyun ng china, alam mo kung ano 'yung depinisyon ko ng kaibigan... ang hirap ipaliwanag, but at its most essential, my friends are the family i choose for myself. which is why i have so few...
  • ...wakaranai...wakaranai PEx Veteran ⭐⭐
    para sa'kin, ang isang kaibigan ay yung mga taong alam mong andyan kahit anong mangyari. yung mga taong alam kung kailan dapat makinig, kailan dapat magpayo, kailan dapat kang batukan, at kung kailan dapat kang yakapin. sila yung mga taong kahit ilang taon na ang lumipas, kahit matagal kayong hindi nagkasama, kapag nagkita ulit kayo, parang hindi gumagalaw ang mundo, at wala pa ring nagbago.

    gusto ko yung line ni beefixer:
    my friends are the family i choose for myself *okay*
  • Wow pare, I'm glad you're not my "friend".

    There is nothing wrong with what they're expecting kung matagal na kayo magkakilala at madami na kayo naranasan. Ang tingin nila sa iyo parang kapatid. They expect some bondship diba? This is fine as long as you can expect the same loyalty from them pag ikaw na ang may kailangan. Kung kaaway mo naman ang pinaguusapan natin, siguro ikaw ang kakampihan nila.

    Alam na nila ang measure ng friendship mo. Para sa akin, it will take more than this to betray my friends.

    mahaba na masyado *** kwento para majustify yang desisyon na yan. Eto na lang *** justification ko. Ilang beses na nya akong pinasok sa gulo na wala akong kinalaman. Sa lahat ng iyon, hindi siya ang nagayos ng gulo, AKO pa mismo ang nagayos sa gulo na ginawa nya na wala akong kinalaman. Hindi lang ako *** napapahamak sa ginagawa nya, pati *** ibang tao ehh napapahamak ng walang kaalam alam. Binigyan nya ako ng masamang reputasyon sa tao pero ni isang beses ehh hindi nya magawang linisin *** ginawa nya. hindi ko na lang talagang pinansin kasi hindi naman talaga dapat pang patulan ang mga bagay na ganun. Kaso hindi na ako papayag na maulit pa ulit yun kaya tatapusin ko na lang talaga.

    Ayan na *** nagtulak sa akin to call it quits. Ayoko na at sawa na ako sa drama pero siya na mismo *** nagtulak sa akin na lumayo na at magiba na ng direksyon.
Sign In or Register to comment.