Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV

GMA-7's DARNA - Starring Marian Rivera and Mark Anthony Fernandez - Thread 2

mywebsitemywebsite PEx Influencer ⭐⭐⭐
243ey6u.jpg



We do need another hero
Life
Written by C. Mendez Legaspi
Thursday, 06 August 2009 20:15

life-pic02.jpg

WE are a nation of heroes. As the ultimate Super Pinay—President Corazon C. Aquino—passes on into legend, another one, the indestructible Darna, makes a comeback. Citing from The Manila Times archives, “Darna is a cultural icon born at a time when the Philippines was struggling to come out of the devastation of World War II. She served as a salve to a country looking for champion.” On the other hand, everyone’s Tita Cory became the galvanizing force who would save the country from a tyrannical dictatorship. Trying to find parallelisms between these two remarkable women may be too presumptuous but we can’t help it. We are currently riding high on a crest of patriotism and newfound pride as a people.

In her latest incarnation, Darna returns to the small screen with no less than the Queen of Primetime as her vessel, Marian Rivera. The half-Spanish hot property wears the scarlet costume after stints in the top-rating Marimar and Dyesebel and the subpar-performing Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, all on GMA. But after these emotion-drenched turns, Marian plunges into an infinitely more physically demanding role.

“Ang puhunan ko talaga ay mahal ko ang aking trabaho. Binibigay ko talaga lahat,” she said at the grand launch held recently at GMA Network’s Studio 5, readily accepting that the role of a lifetime requires her to master the harness, engage in fight scenes and undergo grueling training. Just as she did with the Philippine swimming team for Dyesebel, she trained under the national wushu team in preparation for Mars Ravelo’s Darna, which premieres Monday night on the Kapuso Network’s “Telebabad” prime-time block.

“Bago ko gawin ang mga fight scenes, kelangan ko muna mag-stretching, at para ma-prepare din ako before ako mag-harness. Kelangan ko talaga i-kundisyon ang katawan at utak ko para sa action scenes,” Marian excitedly revealed. “Na-achieve ko ’tong katawan ko sa diet at gym. May mga scenes kasi ako na dapat mag-tumbling while nasa harness ako, so dapat magaan ako.”

A brief rundown on Darna culled from various Internet literature: she is a fictional character and superheroine created by Filipino komiks legend Mars Ravelo, also the creator of Dyesebel and Captain Barbell (who was recently beaten for National Artist honors by Carlo J. Caparas—ugh!). She is sometimes portrayed as a warrior from outer space manifesting herself through a girl in Earth named Narda (actually an anagram). Originally known as Varga, she first appeared in Bulaklak Magazine, Volume 4, No. 17, on July 23, 1947. As “Darna,” she was relaunched on May 13, 1950.

Darna has the “allure of Venus, the glory of Apollo and the strength of Samson.” Once she swallows the Magic White Stone and shouts “Darna,” she acquires psionic abilities, a form of telekinesis that enhances her speed and strength, and allows her to fly. Her skin’s invulnerability is because of her alien race. With these attributes alone, any accusations of her being a Wonder Woman clone are easily dispelled. What the Ravelo family admits to is that the models for Darna were Superman and Captain Marvel, whose comics stories Ravelo favored. And because Ravelo grew up fatherless, his mother became his hero. Thus, the inspiration for Darna.

As the newest Darna, it’s inevitable that Marian will be compared with her predecessors. “’Di talaga maiiwasan na ikumpara ako kay Angel [Locsin, the 2005 Darna]. Basta sa mga nababasa ko, magaganda naman ang sinasabi niya at binabati niya na ako bilang bagong Darna,” Marian said, adding that her approach to the role will be akin to that of Vilma Santos’s, the “Silver Age Darna,” where Narda/Darna is played by one person and is transformed once she shouts the other’s name. In contrast, the “Golden Age Darna,” as originated by the goddess-like Rosa del Rosario in the 1951 Fernando Poe Sr.-directed film, she has a separate identity from Narda (Mila Nimfa).

The new series, which replaces the concluding ratings blockbuster Zorro, aims to humanize the Darna tale in manner of the Wolverine, Spiderman and Iron Man blockbusters. “The hurdle is to make this version exciting,” explained Wilma Galvante, GMA senior vice president for entertainment. “Nandiyan na ang tensyon, ang takutin kayo, but never in the history of Darna na ikinuwento ang pinanggalingan niya. This storyline was agreed upon by the creative team. This is also our birthday gift to Marian. Ito ang bungisngis na Darna. She smiles when flying. Iba ang attack. She is delightful in the role.”

Dominic Zapata, one of the series’s directors (along with Don Michael Perez), disclosed that it took years for the new show to be developed. “After long deliberations, there is fun, anticipation and eagerness. Darna is the ‘it’ comic book in our culture. This will be a long series. The cast is impressive, and the number of actors is second only to That’s [Entertainment],” he laughed.

Eddie Garcia, as Padre Mateo, leads the stellar cast. Mark Anthony Fernandez is love interest Eduardo. Dark-skinned Buboy Villar plays Ding, the brother-sidekick. Caridad Sanchez is Lola Loleng. Jestoni Alarcon, Janice de Belen, Alfred Vargas, Raymart Santiago, Rufa Mae Quinto and Rita Avila are also in the cast.

Of course, Darna’s greatness can only be measured by the quality of her villains. Iwa Moto, in her biggest break yet, plays archnemesis Valentina. Paolo Contis is supervillain Kobra. Ehra Madrigal is Babaeng Lawin; Francine Prieto is Babaeng Tuod; Maggie Wilson is Babaeng Linta; Nadine Samonte is Babaeng Impakta; and Ricky Davao is Dr. Morgan.

The eternally chic Celia Rodriguez, forever ingrained as Valentina, plays a good person this time. As Perfecta, she is the head of the orphanage where Narda grows up and serves as her second mother. “I have been in four Darnas already [with Vilma in Lipad, Darna, Lipad!, 1973; with Dolphy, Brenda del Rio and Lotis Key in Darna Kuno?, 1979; and with Angel in the 2005 series], but Marian is the cutest and sexiest Darna I’ve ever seen! She is grossly misunderstood. She is cariñosa. Ang kulit-kulit! Dapat talaga kilalanin muna.”

While Marian will endear herself as Darna for several TV seasons, she is set to be seen in the horror flick Tarot with the delectable Dennis Trillo. By September she will reprise her Shake Rattle and Roll role as Nieves, the engkantolarya for the annual Metro Manila Film Festival.

How does she feel to be regarded as the Queen of Prime Time? “Naku nasa mga GMA bosses at sa press na po ’yun!” She blushed. Any material thing that she wishes for her 25th birthday? “Wala eh. Basta happy ako at sana mahalin ng tao ang Darna. At sana lalo kami magkakasundo sa set.”

http://businessmirror.com.ph/home/life/14246-we-do-need-another-hero.html

credits: yan_nit/Noodles
«13456759

Comments

  • aba himala at nabuhay ang mga mod sa pex. hehe. nagapprove na sila ng mga threads pero yung show me da manny ginawan ko ng thread d naapprove :bop:
  • oct 19 agb ratings:


    darna 37.5 mbp 27.3


    :wave:
  • up for DARNA :bounce:
  • oct 19 agb ratings:


    darna 37.5 mbp 27.3


    :wave:

    salamat tumaas ulit. sana magbalik sa 40.
  • I think very timely ang pagpasok ng Babaeng Tuod sa Darna in relation with typhoon Ondoy and Pepeng. This is somewhat like an eye opener for us para alagaan ang mga puno at kalikasan :)
  • mywebsitemywebsite PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Thanks mod Ada for approving this new thread.

    Report Card ni Darna
    AGB Ratings



    First Week

    Pilot episode (Aug. 10, 2009) - 44.1% Eksena pa lang nina Janice, Rita at Jestoni ang pinakita. (intro pa lang ng mga kontrabida ni Darna)

    2nd Episode (Aug. 11, 2009) - 42.9% Eksena naman ng mga batang Narda, Eduardo at Valentina.

    3rd Episode (Aug. 12, 2009) - 44.7% Eksena ng paghihiwalay nina Narda at Eduardo at ang unang eksenang pinakita sina Marian at Iwa.

    4th Episode (Aug. 13, 2009) - 46.7% Unang eksenang pinakita si Mark Anthony at mga eksena ng muling pagkikita nina Narda at Eduardo.
    Inabangan pala ng marami ang unang eksena nina Marian at Mark Anthony *okay*

    5th Episode (Aug. 14, 2009) - 39.2% Inagaw ni Valentina si Eduardo kay Narda sa pamamagitan ng pagpapakagat ng ahas na galing sa ama ni Valentina kay Eduardo. Naging sunod sunoran si Eduardo kay Valentina.


    Second Week

    6th Episode (Aug. 17, 2009) - 43.7% Unang salakay ng mga kalaban ni Narda. Inalok ng tagapangalaga ng bato (Angel Aquino) si Narda na tanggapin ang bato sapagkat siya ang itinakdang tagapaglistas pero tinanggihan nya ito.

    7th Episode (Aug. 18, 2009) - 47.5% Transformation ni Narda. *okay* Unang eksena ni Marian naging Darna. Madamdamin ang mga eksena nina Narda at Eduardo. Nawala ang sumpa ni Valentina kay Eduardo at naging pilay si Narda.

    8th Episode (Aug. 19, 2009) - 42.3% Unang eksena ni Babaeng Impakta maghasik ng kaguluhan. Unang eksena rin nina Ruffa Mae, Raymart, Pekto at John sa kumpanya ng pahayagan.

    9th Episode (Aug. 20, 2009) - 44.5% Napaghiwalay ni Darna sina Impy at Roma. Mga eksenang nag-aaral lumipad si Darna habang nakatingalang tinitignan nina Watson at Eduardo si Darna. Eksenang pumapasok ni Roma sa simbahan. Unang eksenang lumabas sina Ediide Garcia bilang isang pari at Alfred Vargas bilang isang reporter.

    10th Episode (Aug. 21, 2009) - 39.4% Unang pagkikita nina Narda at Roma sa simbahan. Kumapit si Impy sa likod ni Eduardo.


    Third Week

    11th Episode (Aug. 24, 2009) - 43.9% Sinalakay nina Eduardo at Impy si Narda. Inutusan ni Impy si Eduardo na patayin si Narda. Habang sinasakal ni Eduardo si Narda nahawakan ni Narda ang pisngi ni Eduardo kung saan bumalik ang kanyang alaala at natauhan. Naramdaman ni Roma si impy habang nakikipag away ito kay Eduardo.

    12th Episode (Aug. 25, 2009) - 41.6% Natauhan na si Eduardo. Kumapit si Impy kay Perfecta. Naghahasik ng takot naman sina Impy at Perfecta sa bahay ampunan. Samantala, nagkita sina Narda at Eduardo sa kapilya ng simbahan ngunit iniwan ni Narda si Eduardo dahil nagkasunog sa bahay ampunan.

    13th Episode (Aug. 26, 2009) - 40.1% Sinagip ni Darna ang mga bata sa bahay ampunan. Nakipag away si Darna kay Impy. Nawala at natauhan si Perfecta. Tinanggihan na ng tuluyan ni Narda ang pag-ibig ni Eduardo. Unang eksenang pinakita si Buboy Villar bilang Ding. Kumapit si Impy kay Ding. At unang pagkikita nina Darna at Ding.

    14th Episode (Aug. 27, 2009) - 42.7% Dinala ni Narda si Ding sa bahay ampunan. Pinaalalahanan ng tagapangalaga ng bato si Narda na wag gamitin si Darna sa pang sariling interes. Nakita ni Impy si Roma sa simbahan. Nakatakas si Valentina kay Kobra.

    15th Episode (Aug. 28, 2009) - 41.6% Paalis na sina Roma at Gabriel nang San Martin nakita sila ni Impy. Inatake ni Impy si Gabriel pero pinagbantan ni Roma si Impy na papatayin ang sarili kung hindi sya lalayo sa kanila ni Gabriel. Nasaksihan ni Narda ang lahat ng pangyayari at nalamang sina Roma at Impy ay ang magkakambal na babaeng impakta. Ipinagtapat ni Roma ang tunay nyang katauhan kay Narda. Samantala, pinuntahan ni Valentina si Eduardo at nalaman ni Eduardo na buhay si Valentina. Nagkaroon ng holdapan sa banko nakipaglaban si Darna sa grupo ni Shiro. Tinamaan ng bazooka ni Shiro si Darna.


    Fourth Week

    16th Edpisode (Aug. 31, 2009) - 39.2 % Nagkasugat sa kaliwang balikat si Darna dahil sa tama ng bazooka ni Shiro. Pinagdududahan ni Ding si Narda na sya si Darna. Naawa si Eduardo kay Valentina at tinulungan nya ito. Nang mabalitaan ni Eduardo kay Inoy na tinamaan ng ligaw na bala si Narda, pinunthan ni Eduardo si Narda sa ospital. Samantala dahil sa bakas ng dugo ni Darna nakunan ito ni Apollo at ibinigay kay Dr. Morgan para matukoy ang tunay na katauhan ni Darna.

    17th Episode (Sept. 1, 2009) - 41.1% Nalaman ni Narda buhay si Valentina. Ipinakiusap ni Valentina kay Narda na sabihin kay Eduardo na mahalin sya. Nalaman ni Valentina ang lihim nina Roma at Narda. Samantala, napanaginipan ni Eduardo na hinalikan sya ni Narda, pero nang magising si Valentina ang nasa harap nya. Ipinatapat ni Eduardo kay Valentina na si Narda ang tunay nyang mahal. Dahil di matanggap ni Valentina na si Narda ang tunay na mahal ni Eduardo, bilang ganti, ipinaalam ni Valentina kay Gabriel ang lihim ni Roma at ng babaeng impakta ngunit sinabi nya kay Gabriel na sya ay si Narda.

    18th Episode (Sept. 2, 2009) - 37.2% Nasaksihan ni Gabriel ang pagkikita nina Roma at Impi. Napilitan si Roma sumama sa kakambal na impakta upang di patayin si Gabriel. Nagkwento si Ding ng tungkol sa kanyang ama at ang pangarap nitong makapagpalipad ng saranggola. Naawa si Narda kaya sa pamamagitan ni Darna inilipad ni Darna si Ding sa langit. Galit na galit na pinuntahan ni Roma si Narda para patayin dahil sa pagsasabi ng kanilang lihim kay Gabriel. Ngunit hindi alam ni Roma na si Valentina ang nagsabi kay Gabriel tungkol sa lihim nila. Naging Darna si Narda para labanan ang Babaeng Impakta. Samantala iginiit ni Eduardo kay Valentina na si Narda ang tunay nyang mahal.

    19th Episode (Sept. 3, 2009) - 39.9% Kumapit si Impi kay Darna. Pilit niya itong nilalabanan ngunit kapag sinasakal ni Darna si Impi, nasasakal rin si Roma. Sa huli napatay rin ni Darna si Impi.

    20th Episode (Sept. 4, 2009) - 41.2% Napatay ni Darna ang Impakta at si Roma ay dinala sa kweba ni Kobra. Sinisi ni Darna ang sarili dahil naging mahina sya. Ngunit payo ng tagapangalaga ng bato na dapat ihiwalay niya ang damdamin ni Narda sa pagiging Darna dahil ito ang nagbibigay ng kahinaan sa kanya. Samantala saksi si Narda sa ginagawang pag aalaga ni Eduardo kay Valentina. Muling iginiit ni Narda na ibaling ang pagmamahan ni Eduardo kay Valentina dahil hindi sya karapat dapat niyang ibigin. Malakas pa rin ang pagdududa ni Ding na si Narda at Darna ay iisa. Naipagtapat ni Gabriel kay Francesca ang tungkol sa lihim nila ng Babaeng Impakta ngunit lingid sa kaalaman nila narinig ni Crisanto ang kanilang pag-uusap.


    Fifth Week

    21st Episode (Sept. 7, 2009) - 38.8% Dahil sa pagdududa ni Ding, inabangan niya si Narda sa itaas ng punong kahoy at dito'y nasaksihan niya ang pagpapalit anyo ni Narda na maging Darna. Dito magsisimula ang pagiging matalik na pagkakaibigan nina Darna at Ding. Samantala pinilit ni Crisanto si Francesca ibigay ang impormasyon tungkol sa Babeng Impakta upang mailathala sa pahayagan ng Siklab. Nabuhay at bumalik si Roma sa simbahan ng San Martin at malugod na tinanggap siya ni Padre Mateo. Ngunit tuluyan ng nalaman ng taong bayan ang katauhan ni Roma sa pagkakalathala ng kwento tungkol sa babaeng Impakta. Sinugod ng taong bayan ang simbahan upang kunin si Roma. Subalit hinadlangan sila ni Padre Mateo at sinabing umalis na si Roma sa simbahan. Napag alaman ni Narda na siya ang itinuturong nagbigay ng imposmasyon tungkol sa Babaeng Impakta kung kaya pinuntahan ni Narda ang pahayagang Siklab at nagpakilalang siya si Narda.


    22nd Episode (Sept. 8, 2009) - 43.3% Muling ipinagtabuyan ni Narda si Eduardo. Pinagtapat ni Narda kay Ding kung bakit di niya pwede ibigin si Eduardo dahil siya si Darna at si Darna ay hindi pwede umibig kanino man. Ipinagtapat naman ni Eduardo kay Valentina na si Narda lang ang nilalaman ng puso niya. Samantala, habang lumilipad si Darna sa langit, nasaksihan niya ang paghahalikan nina Eduardo at Valentina. Nakuha ng taong bayan si Roma at balak nilang sunugin. Kahit anong pakiusap ni Padre Mateo sa taong bayan na hindi masama si Roma kundi ang kanyang kakambal na Impakta lamang, hindi pa rin sila naniwala at sinunog pa ang mukha ni Roma. Dumating si Darna ngunit hindi tumigil ang mga taongbayan hangga't hindi nila nasusunog si Roma. Nang dumating ang mga pulis, nawala si Roma.


    23rd Episode (Sept. 9, 2009) - 40.5% Nagalit si Gabriel kay Crisanto dahil sa paglabas ng lihim ni Roma sa pahayagang Siklab. Nagkaroon ng holdapan sa daan habang nagmamaneho ng sasakyan si Eduardo. Narinig ni Narda ang balitang holdapan kaya dali dali siyang umalis para puntahan ito at matulungan ni Darna. Nagkaroon ng barilan sa pagitan ng mga pulis at grupo ni Shiro sa pamumuno ni Liberty. Napadaan ang minamanehong sasakyan ni Eduardo sa pinangyarihan. Hinarang ng grupo ni Liberty ang sasakyan ni Eduardo at inihulog mula sa sasakyan si Eduardo sa gitna ng daan. May paparating na malaking truck at nakita ni Darna na masasagasaan ng truck si Eduardo kaya iniligtas niya ito. Gandang ganda si Eduardo kay Darna habang pinagmamasdan niya ito sa ere. Yun ang unang beses nakita ni Eduardo si Darna ng malapitan. Nagkwento si Eduardo kay Watson habang galit na nakikinig si Valentina. Samantala, dahil sa pagkakaligtas ni Darna kay Eduardo, naging malaking balita ito sa pahayagang Siklab. Habang binabasa ni Aleli ang pahayagan, tinutukso ni Ding si Narda kay Eduardo at si Watson naman si Eduardo kay Darna. Sinisisi ni Gabriel ang sarili dahil sa sinapit ni Roma.

    24th Episode (Sept. 10, 2009) - 40.5% Dahil sa pagkakalathala ng kwento ng Babaeng Impakta sa pahayagang Siklab ng walang pahintulot ni Garbrial, nagpasya itong magbitiw bilang reporter ng kumpanya. Inalam ni Narda kung sino ang Nardang nagsabi kay Gabriel ng lihim nila ni Roma. Ipinakita ni Gabriel ang larawan ng Nardang nagbigay ng impormasyon sa kanya. Nagulat si Narda dahil ang nakita niya sa larawan ay si Valentina. Pinuntahan ni Narda si Valentina para alamin ang naging motibo niya sa pagsabi ng lihim nila ni Roma kay Gabriel, ngunit sinaktan ni Valentina si Narda. Nawalan ng malay si Narda. Bago mapahamak ni Valentina si Narda sa pamamagitan ng pagtuklaw sana ng mga ahas sa kanyang ulo, dumating si Eduardo. Labis na nag-alala si Eduardo kay Narda at tinanong kung ano ang nangyari. Nagsinungaling si Narda kay Eduardo at sinabi niyang nadulas lang sya. Samantala, lumalaki na ang laman ng tiyan ng ipinagbubuntis ni Roma.

    25th Episode (Sept. 11, 2009) - 39.5 % Pinuntahan ni Eduardo si Narda sa Bahay Ampunan ng lasing na lasing. Narinig ni Eduardo ang pag-uusap nina Narda at Carding na ang habol lang ni Narda kay Eduardo ay ang kanyang pera at matagal na siyang naiinggit sa maginhawang buhay ni Eduardo dahil sa pagkaka ampon ni Dr. Morgan sa kanya. Nagtaka ni Carding kung bakit sinasabi ni Narda ang ganun. Sinabi ni Narda kay Carding, sinadya niya sabihin ang mga bagay na yun dahil alam niyang maririnig ni Eduardo ang usapan nila at sa pamamagitan niyon ay lalayuan na siya ni Eduardo. Naipanganak na ni Roma ang isang batang babae ngunit may kakaibang taglay ang naging anak niya. Ito ay nagiging ahas. Samantala dumating sa bayan ng San Martin ang imahe ng birhen na may suot na magarang korona. Nanakawin nina Shiro at ng pangkat niya ang korona sa simbahan. Nakuha nila ang korona ng birhen ngunit dumating si Darna. Sadyang hinintay ni Shiro si Darna para sabihin ang sorpresa niya para sa kanya. Isang bombang sasabog sa eskwelahan ng mga bata. Kailangan makuha ni Darna ang bomba dahil sasabog na ito. Samantala, pauwi na sina Eduardo at Watson ng malaman nila ang tungkol sa kaguluhan. Pinuntahan nila ang pinangyarihn dahil tiyak ni Eduardo na naroroon si Darna. Nailayo ni Darna ang bomba. Muling nagtagpo ang landas nina Eduardo at Darna. Tuwang tuwa si Eduardo nang makilala siya ni Darna.


    Sixth Week

    26th Episode (Sept. 14, 2009) - 40.3% Inis si carding sa pag iwan sa kanya ni Darna kaya pinagbantaan ni Ding si Narda kapag inulit ang ginawa nya sa kanya ay ipaaalam sa lahat ang lihim nila. Tinanong ni Narda ang tagapangalaga ng bato, kung bakit nailigtas nga niya ang mga bata sa kapahamakan ngunit di nya nabawi kay Shiro ang korona ng birhen. Ang tugon sa kanya ay dahil hindi pa niya nababawi ang lahat ng kapangyarihan ng bato na nakuha ng mga kalaban. Samantala, tumitindi ang interes ni Eduardo kay Darna na siya namang ikagagalit ni Valentina. Natuklasan ni Roma ang pag-iibang anyo ng anak. Nasaksihan rin nina Dr. Morga, Apollo at Impy ang pagiging ahas ng anak ni Roma. Narinig ni Roma ang balak gawin ni Dr. Morgan sa kanyang anak. Kaya itinakas nya ito. Habang tumatakas, nahuli sila ni Apollo ngunit pinoprotektahan si Roma ng mga nagbabatay na ahas ni Kobra. Aksidenteng nabuksan ang kulungan ni Impi. Nakatakas si Roma kasama ang anak at si Impy. Lumalaki ang palaka na tinurukan ni Dr. Morgan ng dugo ng anak ni Roma. Nagpatulong si Aling Loleng kay Narda para hanapin ang nawawalang anak na si Consuelo sa kweba ni Kobra.

    27th Episode (Sept. 15, 2009) - 40% Pinaubaya ni Roma ang kanyang anak kay Padre Mateo. Gustong gumanti ni Roma sa taong bayan dahil sa dinanas niyang paghihirap sa mga kamay nila. Naghasik ng kaguluhan ang Babaeng Impakta. Dumating si Darna at nag tuos sila. Sa bandang huli, hiniling ni Roma kay Darna na patayin na siya para sa ikatatahimik ng San Martin. Kailangan syang mamatay dahil hindi mamamatay ang kakambal na impakta habang nabubuhay siya. Ngunit tumanggi si Darna na patayin si Roma at sinabi nyang hindi sya mamamatay tao. Samantala, pasasabugin na sana ni Impy ang isang truck ng gasolina nang binalak ni Roma na tumalon sa isang mataas na gusali upang mapakamatay. Tumalon si Roma at namatay. Kasabay ng pagkamatay ni Roma ang kanyang kakambal na Impakta.

    28th Episode (Sept. 16, 2009) - 36.7% Inilibing na si Roma. Pero ang bangkay ng impakta ay kinuha ni Doc. Morgan upang pag aralan ito. Sa di sinasadyang pagkakataon nagkita sina Eduardo at Narda. Ngunit naalala ni Eduardo ang narinig na usapan nina Ding at Narda kaya di nya ito pinansin. Pinagbabantaan pa rin ni Ding si Narda na kapag di sya isinama ni Darna ay ipapapalam sa lahat ang natatagong lihim nila. Nagpatulong si Aling Loleng para hanapan ang kaibigan ng anak nya kay Narda. Sumalakay ang isang higanteng palaka sa bayan ng San Martin. Hindi na pumayag si Ding na iwan sya ni Darna kaya walang magawa si Darna kundi pinasakay nya ito sa likuran sa paglipad. Natalo at napatay ni Darna ang higanteng palaka. Naging bida si Ding dahil nakunan siya ang litratong nakasakay sa likod ni Darna at nalathala sa pahayagang siklab. Pinuntahan nina Narda at Aling Loleng ang kaibigan ni Consuelo. Wala ng balita ang kaibigan ni Consuelo sa nangyari sa kanya. Ngunit nabanggit ng kaibigan ang tungkol sa ina ni Narda na si Alicia.

    29th Episode (Sept. 17, 2009) - 36.9% Nagkaroon ng pag-asa si Narda na magkikita pa sila ng inang nawalay ng matagal. Subalit ang litratong naibigay ng kaibigan ni Consuelo ay nasira na kaya hindi nya nasilayan ang mukha ng ina. Samantala, ipinagutos ni Doc. Morgan kay Shiro na dukutin at ibigay sa kanya ng buhay si Darna kapalit ang malaking malagang pera. Pinagplanuhan nina Shiro ang pag kuha kay Darna. Gumawa sila ng gulo upang dumating si Darna na sya namang nangyari. Sa pamamagitan ng pagbaril kay Darna ng pampatulog, nakuha nila si Darna at nabihag. Sa pagkakabihag ni Shiro kay Darna, nagkita ang mag ina ngunit di nila nakilala ang bawat isa.

    30th Episode (Sept. 18, 2009) - 38% Bihag ng Bazooka gang si Darna, Kapalit ng halagang 30 million ibibigay ng grupo ni Shiro si Darna kay Dr. Morga. Lingid sa kaalaman ni Eduardo, ang papa nya ang utak ng pagbihag kay Darna. Samantala, naalala ni Alicia ang nangyaring pagtakas niya kay Kobra. Sa bahay ampunan, dahil bihag ni Shiro si Darna, nawawala rin si Narda. Labis ang pag aalala ni Ding sa kaibigan. Naghahanda sina Eduardo at Watson upang saksihan ang isang parangal para kay Dr. Morgan. Sumama sa kanila si Valentina. Narinig ni Alicia ang balak ng grupo ng anak na si Shiro ang pagpatay sa Mayor ng San Martin sa pamamagitan ng pagpapasabog ng pinagdadausan ng okasyon. Hindi sang-ayon si Alicia sa gagawin ng anak kaya pinatakas nya si Darna ngunit sa isang kondisyon na patatakasin rin at di sasaktan ni Darna si Shiro. Sumangayon si Darna. Nakita ni Carding si Eduardo sa naturang okasyon. Sinabi ni Carding kay Eduardo nawawala si Narda. Ngunit nagdalawang isisp si Eduardo na tulungan si Narda dahil sa narinig nyang sinabi ni Narda na pera lang ang habol ni Narda sa kanya. Ngunit ipinagtapat ni Carding kay Eduardo na hindi totoo yun at sinabi lang ni Narda ang bagay na yun dahil para layuan sya nito. Nagkagulo ang lahat dahil sa bombang pasasabugin ni Shiro.


    Seventh Week

    31st Episode (Sept. 21, 2009) - 34.6% Napigilan ni Darna ang pagsabog ng bomba ni Shiro. Naglaban sina Darna at Shiro. Natalo ni Darna si Shiro at pinahuli sa mga police. Nagalit si Alicia sa di pagtupad ni Darna sa usapan nila. Samantala, lumalaki na ang anak ni Roma at pinangalanan ito ni Kobra ng Serphina. Narinig ni Valentina ang pag uusap nina Eduardo at Watson at ang muling pagtatago nina Narda at Eduardo. Nagalit si Valentina kaya inutusan nya ang mga ahas na patayin si Narda. Dahil nalaman ni Eduardo ang totoo, muli niyang sinuyo si Narda at ipinagtapat ang tunay na nararamdaman para sa kanya. Ngunit sinalakay sila ng mga ahas ni Valentina. Natuklaw ng ahas ni Valentina si Narda.

    32nd Episode (Sept. 22, 2009) - 38.2% Nasa bingit ng kamatayan si Narda dahil sa tuklaw ng mga ahas ni Valentina. Sinisi ni Eduardo ang sarili sa nangyari kay Narda. Narinig ni Valentina ang sinabi ni Eduardo kay Narda na gumising lang sya at hindi na niya ito gagambalain pa. Samantala, nakawala si Babaeng Lawin sa pagkakakulong sa kanya. Tinulungan ni Valentina si Narda sa pamamagitan ng pagsipsip ng lason ng kamandag ng ahas na tumuklaw sa kanya. Nagising si Narda na siyang ikinatuwa ni Eduardo. Ngunit nalaman din ni Eduardo na si Valentina ang tumulong kay Narda upang mabuhay muli.

    33rd Episode (Sept. 23, 2009) - 36.8% Tuluyan ng gumaling si Narda at ikinatuwa ito ni Eduardo. Ngunit dahil si Valentina ang nakapagpagaling kay Narda, hiniling ni Valentina kay Eduardo na tuparin ang pinagusapan nilang ipagkakaloob ang ano mang hiling mailigtas lang si Narda. Dahil si Valentina ang nagligtas ng buhay ni Narda, hiniling nya kay Eduardo na layuan si Narda at sya ang ibigin. Samantala, inamin ni Narda kay Ding na may pag ibig din sya kay Eduardo. Sa pagkikita muli nina Eduardo at Narda, tinupad ni Eduardo ang hiling ni Valentina at sinabi kay Narda na kalimutan na sya nito at ibaling ang pag ibig sa iba. Labis na nasaktan si Narda. Nagpakita na si Babaeng Lawin.

    34th Episode (Sept. 24, 2009) - 35.4% Naalala muli ni Fr. Mateo ang kasalanang ginawa nya sa kapatid na si Armida. Nalaman ng taong bayan ng San Martin ang ginawang pagligtas ni Valentina kay Narda. Dahil dito maraming tao ang humingi ng tulong kay Valentina upang gamutin ang kanilang karamdaman. Samantala, dahil sa pagkakakulong ni Shiro, sinisisi si Madam Alice ang pagpapatakas kay Darna at galit si Madam Alice dahil hindi tinupad ni Darna ang kanilang usapan. Dahil maraming tao ang nagpapagamot kay Valentina, naisip ni Crisanto ilagay sa pagahagang siklab ang kwento ni Valentina. Nagpasama si Aling Loleng kay Narda upang magpagamot kay Valentina. Narinig at ikinagulat ni Narda nang ipinakikilala ni Valentina ang kasintahang si Eduardo kay Crisanto. Labis ang sakit na naramdaman ni Narda nang ipinagtapat ni Eduardo, bagaman masakit rin para kay Eduardo sabihin kay Narda na si Valentina ang mahal nya. Samantala, nagsimula nang maghasik ng lagim ang babaeng lawin. Unang eksena ng Babaeng Lawin.

    35th Episode (Sept. 25, 2009) - 35.5% Nagkita sina Narda at ang kanyang ina ngunit hindi nila nakilala ang isat isa. Narinig ni Aling Loleng tinawag ni Ding si Narda na Darna. Ngunit nagdahilan si Ding na hindi Darna ang itinawag niya kay Narda. Naniwala naman si Aling Loleng kay Ding. Samantala, nagsimula nang maghasik ng kaguluhan ang Babaeng Lawin. At simula na rin ng kwento ng pinanggalingan ng Babaeng Lawin. Plano ni Madam Alice itakas si Shiro sa kulungan.


    Eight Week


    36th Episode (Sept. 28, 2009) - 21.8% Naitakas ni Madam Alice at ng Bazooka Gang si Shiro. Dumating si Darna ngunit dumating rin ang Babaeng Lawin at tinulungang makatakas si Shiro sa kamay ni Darna. Nagtuos ang Babaeng Lawin at si Darna. Dahil sa taglay nitong bilis muntik nang talunin ng Babaeng Lawin si Darna. Ngunit nakapag isip ng paraan si Darna upang talunin ang Babaeng Lawin at nagtagumpay si Darna. Nakuha ni Darna ang pakpak ng Babaeng Lawin. Nahuli muli ni Darna si Shiro pero sa pagkakataong ito dumating si Madam Alice at upang makatakas ng tuluyan si Shiro, lumundag si Madam Alice sa taas ng gusali dahil alam nyang ililigtas rin sya ni Darna. Tuluyan ng nakatakas si Shiro dala ang Babaeng Lawin. Samantala, may dumapong hindi maipaliwanag na sakit kay Eduardo na naging sanhi ng kanyang pagkakaratay sa ospital.


    37th Episode (Sept. 29, 2009) - 24% Hindi pa rin alam kung ano ang naging sanhi ng karamdaman ni Eduardo. May natuklasan si Serpina isang lihim sa kweba ni Kobra. Ito ay ang bangkay ni Consuelo. Nagalit si Kobra kay Serpina dahil sa pagkakatuklas ng kanyang lihim. Nagising na ang Babaeng Lawin ngunit wala na syang pakpak. Inilibing ni Darna ang pakpak ng Babaeng Lawin. Ibinalita nina Aleli at Inoy ang nangyari kay Eduardo. Pinuntahan ni Narda si Eduardo sa ospital. Samantala, ikinuwento ng Babaeng Lawin kay Shiro ang ginawang eksperimento sa kanya ni Dr. Montgomery. Sa pamamagitan ni Dr. Montgomery naging Babaeng Lawin si Armida. Dumating si Dr. Morgan sa ospital para kunin si Eduardo at dinala sa kanyang laboratoryo. Sa pamamagitan ng tatlong marka sa kamay ni Eduardo, alam ni Dr. Morgan kung ano ang sanhi ng di maipaliwanag na sakit ni Eduardo.


    38th Episode (Sept. 30, 2009) - 28% Ang kapatid ni Armida na si Padre Mateo ang sinisisi niya sa kanyang sinapit, kung kaya gusto nya itong paghigantihan. Pinagsisisihan naman ni Padre Mateo ang ginawa nya sa kapatid na si Armida. Naalala ni Perfecta ang nangyari sa araw ng kanyang kasal kay Ramil. Si Babaeng Lawin ang unang kasintahan ni Ramil ngunit dahil sa pagtutol ni Padre Mateo, ginawan nya ng masama si Armida. Sa isang palabas, sinadyang inihulog ni Mateo si Armida na naging sanhi ng kanyang pagkalumpo. Sa araw ng kasal ni Perfecta at Ramil, pinatay ng Babaeng Lawin si Ramil. Paghihigantihan sana ng Babaeng Lawin si Mateo ngunit nailigtas sya ng unang Darna. Para mabawing muli ang pakpak ng Babaeng Lawin, naisip ni Shiro na kidnapin si Ding upang ipatubos kay Darna kapalit ng pakpak ng Babaeng Lawin. Nabawi ni Shiro ang pakpak ng Babaeng lawin kapalit ng buhay ni Ding. Samantala, naglayas si Serpina sa kweba ni Kobra. Tuluyan ng gumaling sa isang mahiwagang sakit si Eduardo.


    39th Episode (Oct. 1, 2009) - 29.5% Dahil sa panganib na dulot ng pagkakaibigan nina Darna at Ding, nagpasya si Narda na putulin ang kaniyang pagkakaibigan. Hiniling ni Narda kay Ding na ibaling sa iba at makipagkaibigan nalang sa ibang bata. Iniiwasan na ni Narda si Ding. Dinala ni Shiro ang Babaeng lawin sa laboratoryo ni Dr. Morgan upang doon ibalik uli ang pakpak ng Babaeng Lawin. Nagtagumpay si Dr. Morgan. Gustong tumakas ng Babaeng Lawin dahil sa narinig nyang paguusap nina Shiro at Liberty na kaya tinutulungan ni Shiro si Armida ay dahil maari nila itong gamitin sa kanilang grupo. Ngunit nahuli pa rin nina Shiro at Dr. Morgan ang Babaeng Lawin. Binabagabag ng kunsyensya si Padre Mateo sa naging kasalan nya sa kapatid. Pinuntahan nya ang pahayagang Siklab para sabihin na sya ay kapatid ng Babaeng Lawin.


    40th Episode (Oct. 2, 2009) - 27.6% Nagkaroon ng pambihirang lakas si Eduardo. Dahil sa pagbabalewala ni Narda kay Ding, naisip niyang lumayas ng bahay ampunan. Dinalaw ni Eduardo si Narda at duon nakilala nya si Gabriel. Sa paglalayas ni Ding natagpuan nya ang isang bagong kaibigan. Si Serfina. Sinalakay ng mga ahas si Ding ngunit dumating si Darna upang iligtas si Ding sa mga sumasalakay na ahas. Dinala ni Ding at Darna si Serpina sa bahay ampunan.


    Nineth Week


    41th Episode (Oct. 5, 2009) - 28.2% Ipinagtapat ni Perfecta kay Lola Loleng ang nangyaring pagkamatay ng kasintahan na si Ramil sa araw ng kanilang kasal. Hindi pa rin nakakalimutan ni Perfecta ang sakit ng ginawang pagpatay ng babaeng Lawin sa nobyo. Naging magkaibigan sina Ding at Serfina. Palaisipan kay Valentina kung bakit nababasa ni Serfina ang nasa isip nya at ni Valentina ang nasa isip ni Serfina. Pinuntahan ni Valentina si Serfina sa bahay ampunan upang alamin kung bakit nababasa ni Serfina ang nasa isip nya. Sa kanilang komprontasyon, nakawakan ni Valentina si Serfina at nakita nya sa isip ng bata ang kanyang inang si Consuelo. Dumating si Narda at tinanong si valentina kung ano ang nangyayari. Samantala, sa pamamagitan ng isang bagay na inilagay ni Dr. Morgan sa leeg ng Babaeng Lawin, mapapasunod nya ito sa anuman ang nanaisin nilang ipapagawa sa Babaeng Lawin.

    42nd Episode (Oct. 6, 2009) - 31.8% Naging bihag uli nina Doc. Morgan at Shiro si Babaeng Lawin. Dahil nakita ni Valentina ang ina sa isip ni Serfina, pinutahan nya ang libingan kung saan niya inilibing ang ina. Hinukay ni Valentina ang libingan upang hanapin ang bangkay ng ina, ngunit di niya na natagpuan ang bangkay ng ina. Nakatakas ang Babaeng Lawin sa kamay nina Doc. Morgan at Shiro. Nalaman ng Babaeng Lawin na buhay ang kapatid at ito ay si Padre Mateo. Pinuntahan ni Babaeng Lawin ang kapatid sa simbahan. Habang nasa misa dumating ang Babaeng Lawin sa simbahan ng San Martin. Dito ay nakilala rin ng Babaeng Lawin si Ms. Perfecta. Ang babaing pakakasalan ng nobyo nyang si Ramil. Gustong maghiganti ni Armida sa kapatid at idinamay si Perfecta. Dumating si Darna at iniligtas ang dawalang bihag ng Babaeng Lawin. Nagtuos sina Darna at babaeng Lawin. Hinanap ng Babaeng Lawin si Shiro upang paghigantihan at pinasabog ang eroplanong sinasakyan ni Shiro. Samantala natagpuan ni Valentina ang ina sa kweba ni Kobra at pilit itong gamutin.

    43rd Episode (Oct. 7, 2009) - 31.5% Hindi napigilan ni Darna si Babaeng Lawin at napatay ng Babaeng Lawin si Shiro sa pamamagitan ng pagpapasabog ng eroplanong sinasakyan nito. Muling nagtuos ang Babaeng Lawin at si Darna. Natalo ni Darna ang Babaeng Lawin. Bago namatay si Shiro, hiniling niya kay Darna dalhin sya sa kanyang ina. Dinala ni Darna ang bangkay ni Shiro sa kanyang ina sa harap simbahan. Sinisi ni Madam Alice si Darna sa pagkamatay ni Shiro at sinisi rin ni Padre Mateo si Darna sa pagkawala ni Armida. Hinikayat ni Padre Mateo na wag umasa kay Darna. Nagalit ang taong bayan kay Darna. Pinatanggal ni Padre Mateo ang rebulto ni Darna sa Plaza. Nakapagpasya si Narda na hindi muna gamitin ang kapangyarihan ni Darna. Samantala, nabuhay si Consuelo.

    44th Episode (Oct. 8, 2009) - 30.7% Nasaktan ng labis si Narda dahil sa pagkawala ng tiwala ng mga tao kay Darna. Natuklasan ni Kobra na nawawala si Consuelo. Sa pagbabalik ni Franchesca sa Siklab, may iba ng pumalit sa kanya. Nagdesisyon si Narda hindi muna maging Darna. Balak ni Madam Alice lisanin ang San Martin. Nakita ni Madam Alice si Consuelo sa simbahan, hinabol nya ito ngunit tumakbong papalayo si Consuelo. Samantala simula ng nagparamdam at maghasik ng lagim ang Babaeng Tuod. Nakita ni Serfina ang bato ni Darna at magkaka interes ito sa kinang ng bato.

    45th Episode (Oct. 9, 2009) - 29.4% Dumalaw sina Eduardo at Valentina sa bahay ampunan. Duon nagkrus muli ng landas sina Valentina at Serfina. Natuklasan ni Valentina na si Serfina at sya ay magkapatid. Hindi naniwala si Valentina kay Serfina kaya nagalit ito at naitulak ang bata. Nakita ni Narda ang ginawa ni Valentina kay Serfina. Pinagsabihan ni Narda si Valentina. kinampihan ni Eduardo si Valentina na syang ikinasakit ng damdamin ni Narda. Naglasing si Eduardo dahil hindi pa rin niya makalimutan si Narda. Mahal na mhal pa rin niya ito. Natuklasan ni Eduardo ang lihim ni Valentina sa pamamagitan ng video na nakunan nila habang inataki sila ng halimaw sa gubat. Dali dali syang kumuha ng baril at pinuntahan si Valentina sa kwarto. Habang natutulog si Valentina, hinablot ni Eduardo ang buhok ni Valentina at duon natuklasan niya ang mga ahas sa ulo ni Valentina. Binaril ni Eduardo si Valentina habang tumatakas. Nakatakas si Valentina. Ipinaalam ni Eduardo sa ama ang tungkol sa halimaw na si Valentina. Ngunit pinagsabihan si Eduardo ng ama na huwag sasabihin kahit kanino ang tungkol kay Valentina. Samantala, gustong nakawin ni Serfina ang bato ni Darna.


    Tenth Week


    46th Episode (Oct. 12, 2009) - 30% Dahil pinagbawalan ni Doc. Morgan si Eduardo sabihin kanino man ang lihim ni Valentina, inilihim nya ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Valentina kay Watson. Samantala, napunta si Valentina sa bahay ni Delia at hiniling na doon muna sya manatili. Nagsimula nang magparamdam ang Babaeng tuod. Kumuha sya ng dalawang nilalang sa San Martin para gawing alipores. Binalikan ni Eduardo si Narda upang suyuing muli ang dalaga. Ngunit muling tinganggihan ni Narda ang pag-ibig ni Eduardo. Ipinagtapat ni Watson kay Narda ang dahilan kung bakit mas pinili ni Eduardo si Valentina keysa sa kanya. Ito ay dahil naipangako ni Eduardo kay Valentina kapag nailigtas sya ni Valentina sa pagkakakagat ng mga ahas, ibibigay ni Eduardo kahit anong hihilingin ni Valentina sa kanya. At hiniling nga ni Valentina ang ibigin sya ni Eduardo . Nagpasya si Eduardo umalis ng San Martin at pumunta ng Maynila upang makalimutan si Narda.


    47th Episode (Oct. 13, 2009) - 35.3% Ipinagtapat ni Perfecta kay Narda ang sakit na naramdaman sa pagkamatay ni Ramil. Paalis na si Eduardo patungong Maynila. Pinuntahan ni Watson si Narda upang ipaalam ang balak ni Eduardo. Hinabol nina Narda , Ding at Watson si Eduardo ngunit nakalipad na ang eroplano. Sa akala ni Narda nakasakay si Eduardo sa eroplanong lumipad, labis ang kanyang paghihinagpis. Ngunit laking tuwa ni Narda nang papaalis ang isang eroplano at nakita nya si Eduardo. Hindi itinuloy ni Eduardo ang pag alis dahil hindi nya kayang iwan ang babaing pinakamamahal nya. Sa unang pagkakataon hinalikan ni Eduardo si Narda. Tuwang tuwa si Eduardo at tinanggap na ni Narda ang pag-ibig nya. Samantala, sa Bahay Ampunan inagaw ni Len len ang batong ninakaw ni Serfina kay Narda. Nabuhay at nagkaroon ng dalawang alipores ang babaeng Tuod.


    48th Episode (Oct. 14, 2009) - 34.2% Sa pamamagitan ng tubig naging higanteng puno ang Babaeng Tuod. Nagsimula ng maghasik ng kaguluhan sa San Martin ang Babaeng Tuod. Samantala, nagkita muli sina Eduardo at Valentina. Hindi matanggap ni Valentina ang pagkabigo sa pag-ibig ni Eduardo, kaya gusto nya itong patayin. Pero may pambihirang lakas si Eduardo at naihagis nya si Valentina kaya hindi nagawa ni Valentina ang balak na patayin si Eduardo. Ngunit sadyang may kapangyarihan si Valentina at nasaktan nya si Eduardo. Habang walang malay si Eduardo, dumating si Consuelo at pinagpapalo nya si Valentina at tinawag na halimaw at tumakbong papalayo sa kanya. Hinabol ni Valentina ang ina at iniwan si Eduardo nakahadusay sa daan. Nagkagulo sa bayan ng San Martin dahil sa Babaeng Tuod. Kailangan ni Narda maging Darna ngunit nawawala ang bato. Nakita ni Narda at Ding hawak ni Serfina ang Bato. Ngunit ayaw ibigay ni Serfina ang bato at nagtago. Nag anyong ahas si Serfina upang hindi mahuli ni Narda at Ding. Nakita ni Ding ang ahas. Pinalo ni Narda ang ahas. Hindi nila natagpuan si Serfina. Ngunit kalaunan lumabas rin si Serfina na sugatan at walang saplot. Nakuha ni Narda ang bato.


    49th Episode (Oct. 15, 2009) - 34.7% Naglaban at natalo ni Darna ang Babaeng Tuod. Pinuntahan ni Eduardo si Narda sa Bahay Ampunan. Labis ang pag alala si Eduardo kay Narda dahil baka kung ano ang gagawin ni Valentina sa kanya. Pero lingid sa kaalaman ni Eduardo si Narda at si Darna ay iisa. Pinagsabihan ni Eduardo si Narda na mag ingat kay Valentina dahil mapanganib sya. Samantala, isinama ni Narda at Eduardo si Lola Loleng sa simbahan kung saan naroroon ang nawawala nyang anak na si Consuelo. Nagkita sa unang pagkakataon ang mag inang nawalay ng matagal. Tinanong ni Narda kay Consuelo kung nasaan ang inang si Alicia. Ngunit walang maalala si Consuelo tungkol kay Alicia. Hiniling ni Lola Loleng kay Padre Mateo na dalhin nila si Consuelo sa Bahay Ampunan para doon na tumira.


    50th Episode (Oct. 16, 2009) - [highlight]?[/highlight] Pinakiusap ni Lola Loleng kay Perfecta na patirahin si Consuelo sa Bahay Ampunan at pumayag ang huli. Nagbalik ang Babaeng Tuod at inutusan ang alipores na kumuha ng sariwang dugo upang muli syang lumakas. Naging malapit si Consuelo kay Narda at gusto nya itong ituring na anak. Patuloy ang magandang pagtitinginan ni Eduardo at Narda na syang ikinagagalit ni Valentina. Hinarap ni Valentina si Narda. Ipinakita ni Valentina kay Narda ang lihim nyang mga ahas sa ulo. Dahil sa galit balak ni Valentina patayin si Narda. Dumating si Eduardo at ipinagtanggol si Narda. Tinawag ni Eduardo si Valentina na halimaw kaya labis na nasaktan ang dalaga. Gusto ni Eduardo isumbong sa mga pulis si Valentina ngunit nais ni Narda tulungan si Valentina. Ani ni Narda, hindi likas na masama si Valentina at mas kailangan ni Valentina ang tulong nila. Samantala, dahil sa pang iinsulto ni Doc. Morgan kay Apollo, papatunayan ni Apollo na kaya rin nya buhayin ang kakambal ng Babaeng Impakta na si Impy. At nabuhay nga ni Apollo si Impy.
  • Ganda ng Darna kagabi. Mamaya Darna ulit :bounce:
  • isa muna patalastas,













































































    SAN MARINO CORN TUNA, sarap nyan
  • ay may new thread na pala:eek:
    salamat naman:lol:
  • wow bagong bahay.....ayos a he he he

    aba.......nagsasalita na rin yung ahas na kausap ni paolo jr or kobra jr he he he asensado!!! may boses na.
  • nadaan lang..:wave:
  • ala yung abangan......mukhang na kita ni eduardo si narda na nag darna......ngayon na ba ang panahon para malaman niya na siya si darna hmmm

    nakakatakot pala si babaeng tuod........mahusay ang pagganap ni francine prieto
  • naku mukhang makikita ni eduardo transformation ni narda:eek:
    dito na siguro magstart conflict ng love story nila:(

    magaling nga si francine prieto
    paganda ng paganda darna*okay*
  • bluecolorbluecolor PEx Veteran ⭐⭐
    DARNA 10-13-2009


    b29.jpgb30.jpg
    b31.jpgb32.jpg
    b33.jpgb34.jpg

    b28.jpg
  • bluecolorbluecolor PEx Veteran ⭐⭐
    DARNA 10-14-2009


    do3.jpgdo2.jpg
    do4.jpgdo5.jpg
    do6.jpgdo7.jpg

    do1.jpg
  • Ano Ang Papel Ni Paolo Contis Dito Bukod Sa Ama Ni Iwa Moto Yong Isa Pang Paolo Contis
  • bluecolorbluecolor PEx Veteran ⭐⭐
    DARNA 10-15-2009


    hh1.jpghh2.jpg
    hh3.jpghh4.jpg
    hh5.jpghh6.jpg

    hh8.jpg
Sign In or Register to comment.