Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities
Tip: Value your mental health. Put that annoying PExer on your ignore list.

[Tropang JESSians] *JESSY MENDIOLA: The Next Big Star ~ thread ii

1196197198199200202»

Comments

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    LaGlinda said:

    Nagresort na lang to threats si atey dahil hindi masabayan yung English-spokening na mga banat ni Kuya Girl. Parang same lang din ng sa split-up niya with Phil Younghusband. Charot. LOL
    Good Karma naman for...

    maria mercedes  Tumblr
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    esquireDAR said:


    So confirm na isa sya sa unang lalayas sa ABS
    Likeliest scenario is that sa TV5 muna siya bago mag-GMA
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Monday Memories

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐


    Mas marami na siguro syang supporters, converts at balik-loob.
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐

    MANILA, PHILIPPINES

    The Kapamilya star finds a new gig at TV5

    If you want to get fit like Jessy Mendiola, there's a new show that might just help you do it. The actress shared on an Instagram post that she will be hosting Fit for Life, a lifestyle and fitness show that will air on TV5.

    The show, she said, will allow viewers to learn more about various workouts and healthy recipes, and will also feature inspirational stories from celebrity guests. 

    Fit for Life will premiere on August 16 at 7 am on TV5, and on August 17 at 7 pm on the Colours channel. 


    Most recently, Jessy appeared on the ABS-CBN teleserye Sandugo which ran from September 2019 to March 2020. 

    Jessy is among the ABS-CBN stars who have found new gigs at TV5 since the network's closure on May 5. Actress Ria Atayde has also found work at TV5, hosting its morning show Rise and Shine along with Pauleen Luna Sotto and Pokwang.

    ABS-CBN's flagship channel and radio stations went off air on May 5 to comply with a cease-and-desist order issued by the National Telecommunications Commission following the lapse of their congressional franchise on May 4.

    On July 10, the House of Representatives denied the media company's franchise renewal, forcing them to do a major retrenchment affecting thousands of workers.

    Jessy had earlier revealed that her partner, actor Luis Manzano had been quietly helping workers affected by the network shutdown, putting up a job fair for displaced employees. – Rappler.com

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐


    At least may exposure ulit si Jessy kahit hindi tatagal mga shows ng TV5. Hello Angel. :lol:
    Good Karma ay tuluy-tuloy lang for Queen Jessy, bukod sa pagdami ulit ng supporters niya and celebrity friends.
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ABS-CBN stars (L-R) Pokwang, Jessy Mendiola, and Ria Atayde only have good words for Star Magic for allowing its talents to explore projects outside ABS-CBN. 
    PHOTO/S: @PORNSTAR_ROVIEL, @SENORITA_JESSY, @RIA ON INSTAGRAM

    Lubos ang pasasalamat nina Pokwang at Ria Atayde sa Star Magic dahil pinayagan sila, gayundin ang ibang kapwa nila Kapamilya stars, na humanap ng trabaho sa labas ng ABS-CBN.

    Saludo rin si Jessy Mendiola, dating Star Magic talent, sa hakbang na ito ng kilalang talent management arm ng Kapamilya network.

    Dagdag dito, sinabi rin ng Star Magic na nakikipag-usap ito sa TV5 at GMA Network para mahanapan ng trabaho ang kanilang mga artista.

    Ito ay matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN noong July 10, 2020 alinsunod sa kagustuhan ng Malacañang.

    Malaking dagok ito sa Star Magic dahil karamihan sa higit 300 talents nito, kabilang ang kanilang malalaking artista, ay nawalan ng trabaho.

    Kabilang sa Star Magic artists sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, at Enrique Gil.

    Bunsod nito, nagdesisyon ang talent management arm ng ABS-CBN na hayaan ang mga talent nilang mag-explore ng mga oportunidad sa labas ng kanilang home network.

    Kabilang sina Pokwang at Ria sa Star Magic talents na agad nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa TV5.

    Magkasama sila sa morning talk show na Chika, BESH (Basta Everyday Super Happy), kasama ang Kapuso actress-TV host na si Pauleen Luna-Sotto.

    Co-host din si Pokwang sa TV5 game show na Fill In The Bank.

    Nagkaroon na rin ng guest appearances sa bagong shows sa TV5 ang ibang Star Magic artists.

    Kasama rito sina Jerome Ponce, Jameson Blake, Ronnie Alonte, Heaven Peralejo, Maika Rivera, at Kira Balinger.

    POKWANG AND RIA THANKFUL TO STAR MAGIC

    Sa digital press conference ng Chika, BESH at Fit For Life ng TV5 ngayong Martes, August 25, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Pokwang at Ria kung ano ang masasabi nila sa hakbang ng Star Magic na payagan ang talents nitong sumubok sa ibang TV networks.

    Sagot ni Pokwang, “Happy, kasi sayang yung mga talent. Maraming mahuhusay, maraming talaga namang hindi deserve na ma-stuck. Sobrang happy. Siyempre, sana magdire-diretso, magtuluy-tuloy,”

    Pagsegunda ni Ria, “Ako, sobrang grateful and happy because it really does go beyond network wars at this point. At the time of pandemic, network wars should be the least of our concerns.”

    Nagpapasalamat si Ria sa Star Magic na isinasaalang-alang nito ang kapakanan ng kanilang mga talent.

    “I’m grateful because, apart from acknowledging artists need their craft, the artists need an outlet.

    “They’ve also acknowledged the fact na kailangan din ng artists ng pera at kumita sa panahon na ganito.

    “It’s just amazing they’ve looked talaga beyond network wars. I’m glad. Really, really happy.”

    PHOTO/S: TV5
     
     

    Muling iginiit ni Ria na ang Star Magic ang siyang tumulong sa kanya para maging co-host sa Chika, BESH.

    Saad niya, “Star Magic was the one that gave my name for this project. I wouldn’t be here if not for Star Magic. So, that alone, I’m so grateful for that.

    "Kasi, at a time of a pandemic, everybody is losing their job. And here we are, being given the opportunity of a lifetime to host a talk show, and they’ve acknowledged that as an opportunity that I should take.

    "And I’m really, really grateful for that.”

    Sundot ni Pokwang, nagkaroon daw siya ng growth bilang artista dahil sa Star Magic.

    “Ang pagiging ano ko, comedienne to naging nag-drama-drama na rin ako sa pelikula and teleserye, talagang kasi doon naman dinevelop kami as artista."

    Nagsimula si Pokwang nang sumali siya sa “Clown In A Million” ng ABS-CBN reality gag show na Yes, Yes Show! noong 2004. Siya ang hinirang na grand champion.

    Pagkatapos nito ay kinuha siya agad ng Star Magic para i-manage.

    Sabi pa ng komedyana, “Sobrang thankful, now nagho-host kami ng ganito. It’s a dream come true. And we’re very, very thankful na hindi lang naman para sa amin, pero para sa pamilya namin, and talagang ang laki ng naitulong.”

    JESSY STILL THANKFUL TO STAR MAGIC

    Labindalawang taon namang naging Star Magic talent si Jessy Mendiola, hanggang sa kumalas siya rito noong 2019.

    Si Jessy, 27, ay nasa ilalim ngayon ng talent manager na si June Rufino, na siya ring manager ng boyfriend ng aktres na si Luis Manzano.

    Sa kabila nito, patuloy pa rin daw ang pagiging malapit niya sa dating kinabibilangang talent management.

    Sa katunayan, kaagad daw siyang tinawagan ng Star Magic executive na si Mariole Alberto nang mabalitaang magkakaroon siya ng programa sa TV5.

    “The first thing that happened was tinext ako ni Tita Mariole, and she was congratulating me and she was asking me kung kumusta na ako,” kuwento ng host ng TV5 health-and-fitness program na Fit For Life.

    Patuloy ni Jessy , “Star Magic ang nagsimula ng lahat para sa akin. Fourteen pa lang ako, nasa Star Magic na ako, and sobrang supportive nila kahit wala na ako sa kanila.

    “May ganoong magic ang Star Magic. They always care about their artists na kahit ano pang mangyari, they will always look out for everyone.

    "Even the staff of Star Magic, the handlers, the RMs [road managers]... so I’m very thankful na ginawa nila yung move na iyon.

    “Kasi, siyempre, tama si Ria na everyone one has to work, especially during this time. We have to support our families and all.

    “Medyo nakakalungkot yung nangyari sa franchise renewal, but then ang galing ni Lord, things have their own way of getting better in time.

    “And this is a great opportunity for every artist of Star Magic, so thank you, Star Magic, for doing that.”

    PHOTO/S: TV5
     
     

    Kamakailan, sinabi ng Star Magic co-founder na si Johnny Manahan, aka Mr. M., na nakansela ang mga proyekto at nasuspinde ang kontrata ng kanilang talents bunsod ng epektibong pagpapasara sa Kapamilya Network.

    Ang isa pang founder ng Star Magic ay si Freddie Garcia, aka FMG, na dating top honcho sa ABS-CBN.

    Ani Mr. M: “[W]e began to look elsewhere for opportunities for our artists. Talks are currently underway with contacts from Channel 5 (TV5) and Channel 7 (GMA 7).”

    “Our artists, once shackled to Channel 2, are now free to go where the work is. Now, truly, they are like gypsies,” dagdag pa niya sa ulat ng Rappler noong August 23.

    Si Mr. M ay artist, actor, director, liban sa president emeritus ng Star Magic.

    Mapapanood ang Chika, BESH mula Lunes hanggang Biyernes, ika-10:00 ng umaga.

    Mapapanood naman ang Fit for Life tuwing Linggo, ika-7:00 ng umaga.

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jessy Mendiola on relationship with boyfriend Luis Manzano: "Four years na kami and, feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together." 
    PHOTO/S: INSTAGRAM
     
     
    182
    SHARES

    Marami ang nag-akalang malapit nang magpakasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

    Ito ay dahil sa sagot ng actress-TV host nang tanungin tungkol sa beachfront house na pinaplano nilang ipatayo.

    "Feeling ko, months na lang. Naku, parang marami na yata akong nasasabi!

    "Marami na kaming naka-plan, pero yun nga, gusto lang naming unti-untiin.

    "And, of course, maraming nagaganap, gusto naming palipasin ang pandemic na 'to.

    "But everything is clear for us. Ito lang muna ang sasabihin ko, malalaman niyo naman lahat,” sagot ni Jessy sa tanong sa kanya ng entertainment columnist na si Allan Diones.

    Nakausap ng entertainmet press si Jessy sa Tuesday afternoon, August 25, sa joint virtual media conference ng Fit For Life at ng Chika, BESH, ang mga bagong programa ng TV5.

    Muling paglilinaw ni Jessy, "Months na lang, matagal na yung pangarap naming may house sa beach.

    "May plans na kami, as in literal plans and all."

    WILL LUIS MARRY JESSY?

    Nagpaliwanag din si Jessy tungkol sa heart-to-heart talk video nila ni Luis dahil inamin niya rito ang pagdududa kung pakakasalan siya ng kanyang boyfriend.

    Saad niya, "Maraming mga beses na ang isang relationship, maraming pinagdadaanan, so hindi lang naman about that.

    "Alam niyo naman, di ba, minsan, tayo, sa isang relationship, may mga trust issues tayo, may mga napagdaanan tayo noon na hindi madaling makalimutan and maka-move on.

    "But slowly, as you go on with your relationship, marami kang natututunan and naghi-heal ka rin."

    Nilinaw ni Jessy na nalampasan na nila ni Luis ang mga isyung tinalakay nila sa kanilang vlog.

    "Dun sa heart-to-heart na ‘yon with Luis, yung pagsagot namin doon, 'yon yung mga first few years namin together.

    "Kaya naging casual na lang siya kasi we got over it.

    "Kumbaga, isa siyang dagok sa relationship namin na napagdaanan namin nang maayos.

    "Maraming doubts, maraming hesitations noon. Pero now, we are very strong.

    "Four years na kami and, feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together."

    THE PROMISE RING

    Nagsalita rin si Jessy tungkol sa promise ring na ibinigay sa kanya ni Luis, at ang malalim na kahulugan ng singsing sa kanilang apat na taong relasyon.

    "Ibinigay niya sa akin ‘to two years ago and, oo, suot ko siya lagi.

    "It’s a great feeling na, you know, he respects my time, yung timeline ko, nirerespeto niya.

    "Yung mga plano ko sa buhay, nirerespeto niya, and he was there all the way.

    "Sobrang thankful ko lang kay Luis kasi he has been so patient.

    "It’s not about the ring lang, it’s the meaning behind it and yung mga experiences na napagdaanan namin together.

    "I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin."

    Naiinip na ba siya dahil hindi pa sila nagpapakasal ni Luis?

    "Hindi," sagot ni Jessy.

    "No naman, kasi napag-uusapan na rin naman namin so, you know, everything happens sa tamang oras.

    "At siyempre, nasa plano ‘yan ni Lord kaya dapat patient ka lang sa mga nagaganap sa buhay mo."

    TIPS FROM LUIS

    Dahil award-winning TV host si Luis, binibigyan niya ng mga tip si Jessy bilang host ng Fit For Life, ang fitness lifestyle show na napapanood tuwing Linggo, 7 a.m., sa TV5.

    Ang makinig sa mga iniinterbyu niya ang isang importanteng aral na itinuro ni Luis sa kanyang girlfriend.

    "First of all, you have to listen. Hindi ka dapat naka-focus lang doon sa question mo.

    "You have to listen to their answers para, at the same time, ma-connect mo din sa mga questions na itatanong mo.

    "Yun ang pinakaunang natutunan ko sa kanya as a host—you have to listen, not to ask lang.

    "You have to listen and react also," ni Jessy tungkol sa mga itinuturo at suporta na ibinibigay sa kanya ni Luis.

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Jessy Mendiola admits she once doubted Luis Manzano's intention to marry her: "It's more of, like, darating sa point na, 'Will it ever happen? Totoo kaya sinasabi niya?' Kasi siyempre, lahat naman tayo may trust issues din." 
    PHOTO/S: JESSY MENDIOLA YOUTUBE
     
     
    461
    SHARES

    Inamin ni Jessy Mendiola na ang pinakamasakit na batikos na ibinato sa kanya ay nang akusahan siyang "boyfriend stealer."

    Naungkat ang isyu sa Q&A nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano sa vlog ng aktres noong August 22.

    Tinanong ni Luis si Jessy kung ano ang pinaka-offensive na negative comment na nabasa niya sa social media.

    Diretsahang sabi ni Jessy, "Siguro naman, hindi maipagkakaila na sobrang na-offend ako nung tinatawag ako palaging 'ahas' or 'third party.' So, that's a given."

    Lubos daw naapektuhan si Jessy dahil walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya.

    "Actually, sinasabi kasi ng iba, 'Dapat di ka nasasaktan kasi hindi totoo.'

    "But it's more of, like, mas masakit kasi hindi nga totoo. That's how I look at it.

    "It even hurts more when it's not true. Kasi kung totoo, 'Sige, hahayaan ko kayong sasabihin 'yan.'

    "Kumbaga, deadma, totoo, e, so hindi ako mao-offend.

    "Pero it's more offending kapag di totoo tapos they throw those things at you."

    Hindi idinetalye ng magkasintahan kung anong insidente ang tinutukoy niya.

    BACK STORY

    Pero hindi kaila sa publiko na nahaluan ng kontrobersiya ang simula ng relasyon nina Jessy at Luis noong 2016.

    Pinutakti si Jessy ng kritisismo mula sa netizens na nagsasabing sinulot niya umano si Luis sa girlfriend nito noong si Angel Locsin.

    Noong kasagsagan ng isyu, nanindigan si Jessy na labas siya sa hiwalayan nina Angel at Luis, at nanligaw lang daw sa kanya si Luis noong single na ito.

    Nang sumunod na taon, noong June 2017, idinetalye ni Luis na hiwalay na sila ni Angel bandang January 10, 2016.

    Hindi raw totoong nag-overlap ang pakikipagrelasyon niya kay Angel at kay Jessy.

    Back to present time, going strong ang four-year relationship nina Luis at Jessy.

    Si Angel naman ay happily engaged sa fiancé niyang si Neil Arce.

    FIRST TIME JESSY SAID "I LOVE YOU" TO LUIS

    Sa pagpapatuloy ng vlog ni Jessy, inalala nila ni Luis na unang beses silang nagkasama nang matagal sa birthday party ng TV host-actor noong April 2016.

    Si Jessy raw ang pinakahuling bisitang natira sa venue, at natatandaan daw niyang masinsinan silang nag-usap ni Luis sa pool area na may view ng beach.

    Inamin ni Jessy na noon pa lang ay naramdaman niyang "may chance" na maging nobyo niya si Luis.

    Tandang-tanda rin ni Jessy na nanliligaw pa lang si Luis ay panay na ang "I love you" nito sa kanya.

    Pero "mid-June" noong 2016 ay saka lang daw niya naramdamang mahal na niya si Luis.

    Balik-tanaw ni Jessy, "June 25, 2016, na-realize ko na mahal kita na one of those times na sinabi mo na nag-'I love you' ka.

    "Naramdaman ko na lang yung feeling na I want to say I love you back. So yun, biglang sinabi ko na yung 'I love you too.'

    "So, guys, that's why our anniversary is June 25."

    ON LUIS'S INTENTION TO MARRY HER

    Aminado si Jessy na sa tagal nilang magkarelasyon ni Luis, may puntong nagduda siya kung talaga bang seryoso ang binata sa intensiyon nitong pakasalan siya.

    "It's more of, like, darating sa point na, 'Will it ever happen? Totoo kaya sinasabi niya?'

    "Kasi siyempre, lahat naman tayo may trust issues din. Masusuntok tayo konti ng doubts. It's a normal thing."

    Hindi raw maiwasan ni Jessy na isipin iyon noon dahil marami silang "detractors" ni Luis.

    Hirit naman ni Luis, "Puwede siya pagdududahan pero antayin na lang."

    Sa ngayon, sinabi ni Jessy na hindi na siya tatablan kahit pa kuwestiyunin ng bashers ang relasyon nila ni Luis.

    Kumpiyansa raw si Jessy sa estado ng relasyon nila ni Luis at kung saan ito papunta balang araw.

    THE PROMISE RING

    Ipinakita rin ni Jessy ang promise ring na bigay sa kanya ni Luis. Iyon daw ang pinaka-meaningful na regalo sa kanya ng nobyo.

    "Lagi ko suot. Na-touch ako nung binigyan mo ako ng promise ring kasi, kumbaga, you respect my time also. Hindi ka nagmamadali," ani Jessy.

    Si Jessy ay 27 taong gulang, habang si Luis ay 39.

    Dagdag niya, "When a guy gives you jewelry, it's a special gesture.

    "Na parang, 'Wow, pinag-isapan niya talaga.' And at the same time, bongga, di ba.

    "It's a symbol of promise."

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    The Reunion full movie now streaming (limited time only)

  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐


    Jipit na Jipit at PIGIL HINGA si QUEEN CHESSY here..





    Kitang kita na ulit ang beautifully long neck ni Queen Jessy naman.
    Good Karma continues to bless her too
  • PartyfleezerPartyfleezer PEx Influencer ⭐⭐⭐

    senorita_jessyVerified

    🌊 soon. 🤍
Sign In or Register to comment.