Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Unforgetable experiences when 'u were a kid

Any unforgetable experiences when 'u' were a kid?

Nuon kami ng mga pinsan ko nagtatakbuhan kami
at iniiwasan namin si Lola pag nadalaw saamin.
Kasi parating may dalang prutas. Pag na-aalala ko yon,
nakakahiya ang attitude na yun, hind ba?

Kayo ano ang experiences niyo nuong childhood?
«1

Comments

  • pexer26pexer26 PEx Veteran ⭐⭐
    i play with grasshoppers and dragonflies in our backyard. i use them as my soldiers in lego. i dunno why i love to play with them. most of the time they die afterwards. lol.
  • -gelay--gelay- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    *wrong post* :lol:
  • -gelay--gelay- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pexer26 wrote: »
    i play with grasshoppers and dragonflies in our backyard. i use them as my soldiers in lego. i dunno why i love to play with them. most of the time they die afterwards. lol.

    they are sensitive to human touch :lol:
  • scavengerpigscavengerpig PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nahulog ako sa kanal! amf!
  • impulse101impulse101 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ scav!!

    ayokong matulog tuwing hapon dati! 1pm uwian namin nung grade 1 ako. kasi naman yung zenki eh alas 3 ng hapon! d ko mapanood. kainis.
  • ...wakaranai...wakaranai PEx Veteran ⭐⭐
    nahulog ako sa armchair at nabagok ulo ko. kailangan tuloy tahian... :mecry: :lol:
  • I was probably 5 or 6 years old then, yung kalaro ko
    ay pinupuntahan ko. Malaki rin ang bahay nila. Niyaya
    ako ng kalaro ko na umakyat sa stairs nila. Her name was Liza.
    Nauna siya sakin ang taas ng stairs, paikot.
    Kinilabutan ako dahil bigla siyang nawala. Then I called her,
    Lizaaa, Lizaaa
    Pagkatapos nalaglag yung bote ng gatas coming
    from the stairs. May nag-cry na baby.
    Karipas ako ng takbo dahil sa takot at malakas pa naman ang hangin. Umuwi na ako.
    So far, hindi ko rin maintindihan
    kung bakit ako natakot. Baka sa hugong ng hangin
    coming from the big trees.
  • 14 or 15 yata ako nun... bisita namin ang mga cousins ko one summer vacation...

    while playing naisipan namin na umakyat sa rehas ng gate namin... lahat naka-over-the bakod pero ako ang nahuli... iyong rehas namin matulis sa dulo pero in between may design na bakal na puwedeng maapakan...

    when it was my turn - tamang-tama iyong tiyan ko nasa bandang matulis na parte na ng rehas.. iyong inaapakan ko na design - natanggal!... natusok ako sa bandang tiyan pero di naman malalim... iniangat ko na ang katawan ko bago pa man dumiin....

    grabe, ang takot ko... nagdudugo siya pero di ko pinaalam sa lahat kasi sigurado kaming mapapagalitan... kaya quiet lang ako... buti na lang di naimpeksiyon...
  • - paglalaro sa hapon (after class)
    - shaider shows, bioman
    - nung hinabol ako ng palo ng nanay ko na sobra talagang takot ako
    - tinali ako sa bangko ng panganay namin dahil nakita niya ko naglalaro sa bakanteng lote (maraming gumagalang addict dun)
    - bote ng magnolia sa umaga...araw araw ang delivery.
    -nagkaroon ako ng skin allergy for 1 whole yr. beef and milkfish lang puede kong kainin
  • Dunno kung 'kid' pa yung HS pero here goes....

    When I 1st arrived in the country my then classmates would make fun of my accent. However I sounded, it was obvious I wasn't brought up in the Philippines. Ewan ko kung naiinggit o ano, basta ako napipikon dati. What I did was to turn the tables and magpaparinig ako sa hallway saying something like this in a really thick Filipino accent:

    Pack you all! You are all packing annoying! Yes, call me a beach! Dats oll you stoopid pipol can do anyway. You only know how to make pan of pipol. You are all useless and you ol deserb to die!

    Oh, di ba?! Nakapag mura ako ng di nagmumura! Those were the days! Nuninuninu....:D
  • First Grade ako noon I was coming home from school,
    puwedeng lakarin yung
    bahay naminl pauwi. Ang kasabay ko na kaklase ko rin,
    nauuna yung bahay nila bago saamin. Naiwan na ako,
    nakauwi na yung kaklase ko. May sumusunod na mama
    sa likod ko. Yung tingin niya parang kakain ng bata :lol:
    Nagmadali akong lumakad, binilisan niya rin.
    Tumakbo ako, tumakbo na rin yung mamang sumusunod
    saakin. Pinagpawisan ako sa takot. Umiba ako ng daanan
    katatakbo. Buti na lang may parating na matandang babae
    sa likuran ko. Umuwi na akong madali.
  • The KryptonianThe Kryptonian PEx Influencer ⭐⭐⭐
    -paglalaro ng tumbang preso agawang base, at ng futbol (walang humpay na takbuhan, tapos pag uwi mo pagagalitan ka ni nanay dahil nanlilimahid ka na.) :lol:

    **yung futbol na laro namin dati eh pinaghalong soccer at baseball. may diamond, may taga pitch, at may sisipa. pag nasipa na yung bola, may tatakbo sa mga bases. kung kalaban naman babatuhin yung mga tumatakbo at pag tinamaan ng bola yung tumatakbo sa mga bases, out na sila. yun parang adik lang. onli in da Philippines. :D

    -nung nabagok (or should I say nauntog) ako sa pasimano ng bintana dati dahil nadapa ako sa katatakbo ko sa kwarto. nagkaroon tuloy ako ng malaking gash sa right temple ko at kelangan tahiin. (kapag naalala ko kung tinatahi ng doktor yung sugat nanginginig ako :mecry:) yung scar, nandun parin hindi na naalis.:D
  • borederboreder PEx Veteran ⭐⭐
    nung elementary ako, pinasok ako sa sako ng mama at ate ko. hahahaha. swerte lang nila wala pang Bantay bata 163 nun. :lol:
  • during my school days.. parang kelan lang..
  • Unforgettable talaga nun nilagay ko sa ilong ko yung pinakamaliit na holen ko.. Exact lang sya sa butas ng ilong ko..Nilagay ko, then ayaw na matanggal.. Nagkagulo si mama, ate, at lahat ng tita ko.. Ayun d maalis. kaya dinala ako sa doctor, ang tagal bago naalis...Hahaha.. D ko talaga makalimutan yun kahit ng ate ko...hahaha
  • Any unforgetable experiences when 'u' were a kid?

    Nuon kami ng mga pinsan ko nagtatakbuhan kami
    at iniiwasan namin si Lola pag nadalaw saamin.
    Kasi parating may dalang prutas. Pag na-aalala ko yon,
    nakakahiya ang attitude na yun, hind ba?

    Kayo ano ang experiences niyo nuong childhood?


    May puno ng papaya yung kapitbahay namin noon. Nasa labas ako at tinitingnan ko kung may bunga eh may nakaharang na poste, tuloy parin ang lakad ko habang nakatingala , nahulog tuloy ako sa imburnal . Nalublob ako sa napakaruming tubig pero hindi ko alam kung paano pero nakaahon ako. Lahat ng kalaro ko pinagtatawanan ako pag ahon ko.


    :)

    No regrets
  • Nung tipong 4 or 5 years old ako, sinaksak ko yung tyane (tweezers) sa electric socket. Ayun, the experience was hmmm... electrifying. Hehehe. Tuloy, 9 years old na ko pero takot pa rin akong magsaksak sa kuryente.
  • i liked watching my older cousins play with different insects when i was young... salagubang (kapag tag-ulan), gagamba (kapag summer), tutubi (kapag mayroon), at alitaptap (noong uso pa iyong brownout noong late 80's at early 90's)... sana maeperience din ng mga generations to come kaso mukhang bibihira na ang mga insektong ganito lalo na dito sa siyudad... well, iyong salagubang at gagamba marami pa rin sa prubinsya pero bihira na ako makakita ng tutubi ngayon lalo na ng alitaptap...
  • peyborit ko ata yung kanal nung bata pa ko

    una, nung 4yrs old palang ako, gabing-gabi na yun kaya sobrang dilim na sa labas
    nagpunta sina papa sa bahay ng friend nila, tapos sumama ako tsaka ate ko, kami nasa kotse lang habang sina papa nasa terrace
    eh nagbibiruan kami ni ate, tas bigla siya tumakbo palabas, edi sunod naman ako
    biglang *blogg!!* nadapa na ko at nalaglag ako sa kanal una ulo ehehe
    ayun naligo tuloy sa dugo :lol:

    tas yung isa naman, pauwi na ko sa bahay namin
    eh nasa dulo ng street yung bahay namin
    ewan ko ba kung ano hinihithit ko nun at naisip kong "maglakad kaya ako pauwi ng nakapikit :lol:"
    edi sige, maayos naman, naglalakad ng nakapakit, nakangiti pa ko nun
    tas biglang tapak ko, kanal na pala! ayun puro gasgas paa ko :lol:
  • paganpagan PEx Veteran ⭐⭐
    **yung futbol na laro namin dati eh pinaghalong soccer at baseball. may diamond, may taga pitch, at may sisipa. pag nasipa na yung bola, may tatakbo sa mga bases. kung kalaban naman babatuhin yung mga tumatakbo at pag tinamaan ng bola yung tumatakbo sa mga bases, out na sila. yun parang adik lang. onli in da Philippines. :D
    kami rin usong-uso ang "futbol"!!! *okay* isama mo pa ang mataya-taya, langit-lupa, 10-20 (yung gamit ay garter), at taguan after school

    - playing Rockman, Tetris, Super Mario, etc. on our neighbour's Family Computer tuwing hapon, at buong araw tuwing summer vacation

    - when i was younger-younger, mahilig kaming mangolekta ng insekto, lalo na yung mga caterpillar (hindi yung mabuhok ha kasi makati yun :lol: ). the bigger, the better! "aalagaan" namin yung mga yun sa isang box na may dahon para makita namin kung papano maging butterfly. somehow, they all end up dead after a day or so :glee:. when i got a little bit older, however, i got incredibly afraid of caterpillars. i can't pinpoint the exact time or incident that made me change, but until now i can't stand the sight or thought of those little monsters.

    - my friends and i would re-enact the stunts on Takeshi's Castle. ako daw si Takeshi with matching "hu-hu-hu" na tawa pa. :rotflmao:

    - mahilig din kaming mag-imbento ng kung anu-anong recipes. half of them turned out fantastic, others crap. perhaps the most famous failure was the one we christened "Darak". it was made of ground graham crackers, milk, sugar, corn kernels, cheese, and chocolate bits na pinagsama-sama namin sa isang bowl. yun, mukhang darak. :rotflmao:

    - when i was about 6 and my brother was 1, he fell down the stairs in his walker. hindi ko nakita yung pagkahulog talaga kasi nasa isang kwarto ako pero rinig na rinig ko yung kalampag sa hagdanan. grabe, takot na takot kami nun! he was miraculously unhurt, thank goodness. nagulat lang kaya iyak nang iyak.

    - nakita ko yung childhood bestfriend kong masagasaan. naglalaro sya ng Slinky sa may gilid ng daan sa may tabi ng fire hydrant. biglang may narinig akong kaskas ng kotse tapos nakita kong lumiko sa corner kung saan nakatayo yung kaibigan ko. my friend turned her head, then tried to run away but she wasn't quick enough. the car hit the fire hydrant first (buti na lang at humina ang impact), then ran over my friend. kalahati ng katawan nya asa ilalim nung kotse. grabe sigaw siya nang sigaw. ako naman asa harap ng bahay nila (about 50 feet away from the accident), takbo agad sa loob tapos tawag ng malakas sa nanay nya. syempre si Tita nagsisigaw din tapos takbo agad sa labas. paglabas namin, basang-basa na yung daan ng tubig galing sa fire hydrant. maraming mga tao yung nagtulungang iangat yung kotse tapos hilahin palabas yung kaibigan ko. yun, tinakbo sa ospital. she was ok, puro flesh wounds lang tsaka burns from the engine but no bones were broken. her legs got very scarred though, puro keloids. yung driver kapitbahay rin namin -- babaeng teenager na nag-aaral magmaneho. i remember seeing her fleeing from the scene in her high heels and running straight to their house. ewan ko kung binayaran nila yung hospital bills ng kaibigan ko. they probably did. hetong incident na to talagang di ko makakalimutan. the images and sounds are still vividly ingrained in my mind.
Sign In or Register to comment.