Home PEx Family and Society Family, Friends and Society

Parental Guidance. May silbi ba??

media.
Sa aking opinyon, ito ang dahilan kung bakit nagiging open sa sexuality ang mga menorde edad na bata. Ang parental guidance, para nagiging non sense. tayo mismo. media mismo(kayo ang simula).
«1

Comments

  • nasa magulang pa rin *** silbi non, kung babantayan nila na manood *** anak nila ng pg o hindi
  • but some or most of the parents dont care about that. lalo na yung mga mahihirap lang. they really dont care about that matter.
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ang tanongl.... nababantayan nga ba ng mga magulang ang mga anak nila?


    kahit ano pang socio-economic status nila, kung hindi n sila nagagabayan ng mga magulang nila ukol sa ibinibigay ng media maaring magkaroon ng posibilidad na magiba ang pananaw nila sa ibang bagay...

    at saka hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nababantayan nila (mga magulang) ang anak nila. di naman pwede na sa bawat bukas ng TV ng mga anak nila nakabuntot sila dun. nasa tamang pagsasaisip na ito at pagsabi ng mga magulang ito..

    depende na rin yan sa bata....

    specially kung mga movie.. at music videos
  • yellowdanceryellowdancer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I think nasa magulang pa rin ng bata ang responsibilidad when it comes to this issue. Kahit pa may parental guidance kung hindi naman binabantayan ng magulang ang anak niya, wala rin silbi yun :)
  • may ganyan pa ba? hindi ko na kasi napapansin. saka wala na yung voice over bago magstart ang program, yung "patnubay ng magulang ay kailangan."
  • mententenmententen PEx Rookie ⭐
    yup! nasa magulang nga yan... dapat talaga binibigyan ng pansin ng mga magulang ang bawat nangyayari sa anak nila.. naalala ko tuloy yung movie na "taken"..
  • dapat talaga yung POWERPUFF GIRLS, hindi lang dapat PG ang rating nun dapat R
    ex:
    -uupakan si mojojojo tapos lalabas yung utak
    -naguupakan ang magkakapatid (kadalasan si buttercup ang nagagawa ng kaguluhan)
    -inuupakan ang matandang walang kalaban-laban
    - marami pang iba. *** matandaan

    tapos wala man lang PG rating
    kesyo cute ang characters at nasa cartoon network
    ewan ko nalang ngayon kung binago nila
  • mothra_hatermothra_hater PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ned07 wrote: »
    dapat talaga yung POWERPUFF GIRLS, hindi lang dapat PG ang rating nun dapat R
    ex:
    -uupakan si mojojojo tapos lalabas yung utak
    -naguupakan ang magkakapatid (kadalasan si buttercup ang nagagawa ng kaguluhan)
    -inuupakan ang matandang walang kalaban-laban
    - marami pang iba. *** matandaan

    tapos wala man lang PG rating
    kesyo cute ang characters at nasa cartoon network
    ewan ko nalang ngayon kung binago nila

    eh kung sabihin ko din na dapat R ang mga telenovelas sa 2 at 7,,,

    EX:

    -may mga kissing scene
    -some of the characters wearing a revealing and seducing clothes
    -committing some sarcastic and violent actions or activity
    -some sexual activity(e.g bed scene and bathroom scene)
    -marami ding iba


    nasa bata at nasa magulang na din ang mga ito kung seseryosohin ba nila ang mga napapalabas at napapanood nila sa telebisyon... yung mga binaggit mo kasi cartoons lang oo maaaring i-apply din yan sa reality pero sa mata ng bata let we say 6 or 7 yrs old eh nakakatawa yan... kasi ano iisipn niya cartoons lang naman yan eh..

    at sasabihin din ng mga magulang na cartoons din lang naman yan dont take it seriously....

    and look at the bright side maganda din naman ang PPG may aral kang makukuha:rotflmao:

    Im not against you just my point*okay*
  • rayzlerayzle PEx Veteran ⭐⭐
    yes kahit paano at least naiinform ang viewers (parents/guardians) na may mga scenes na di maganda sa mga bata pero nasa sa kanila na lang kung papatigilin nila sa panonood or sila na bahala magpalinawanag ng mga bagay na yun.
  • dapat malaki yung parental guidance sign. pero di yung excuse. dapat may responsibilidad din ang programming ng networks..yung mga parental guidance shows di dapat sa timeslot na mapapanood ng mga bata.

    i find it weird that they have the PARENTAL WARNING (that there are themes not suitable for minors), just before they air GOING BULILIT. And to think, mga bata yung actors dun. Ironic talaga.
  • kensamorkensamor PEx Influencer ⭐⭐⭐
    At least may warning, meaning they (whoever they are) what they are suppose to do. Pero sa bandang huli, ang parents ang may responsibilidad na i-monitor kung anu ang dapat na panoorin ng mga bata. Pansin ko parang we don't take these things seriously kaya ang mga bata di pa nagki-kinder marunong na ng mga kung anu-ano.
  • ned07 wrote: »
    dapat talaga yung POWERPUFF GIRLS, hindi lang dapat PG ang rating nun dapat R

    tapos wala man lang PG rating
    kesyo cute ang characters at nasa cartoon network
    ewan ko nalang ngayon kung binago nila

    tapos sa scooby-doo, winnie the pooh, yogi bear, wala man lang silang salawal!
    ang laswa!!! :bop: :rotflmao:

    pero seryoso, nasa magulang parin yan kung paano nila babantayan ang anak nila.
    gabay lang yun para malaman ng mga magulang kung ano ang appropriate na ipapanood sa mga anak nila at kung ano ang hindi. (granting na pinapansin nila ang mga bagay na yan)
    pero syempre walang kwenta ang parental guidance kung walang parent na maggguide :lol:
  • la na wenta yan.. pwede na lang gawin design sa t shirt yan eh.. hehe!
  • rendakurendaku PEx Veteran ⭐⭐
    Parental Guidance assumes that the parents are not themselves misguided. But many parents themselves suck TV, impressing to kids that wowowie, eat bulaga and PBA are important well-rounded entertainment, and boy abunda and kris are intelligent people. Useless ang PG na yan. :D
  • AnnunakiAnnunaki PEx Rookie ⭐
    for formalities na lang ang notice na parental guidance, required kasi ng mtrcb yun.
  • ^ agree! i was about to say that. para masabing 'di sila nagkulang'.
  • Takot lang ang mga Networks sa MTRCB. Bahagi ng guidelines nila na anumang eksenang maaaring maging sensitibo at di angkop sa mga bata, dapat may label na Parental Guantes. E di sige, tapalan. Ayun, ginamit ang kapangyarihang ito para ilagay ang kahit na anong kalokohan, sa pag-aakalang basta may PG sa ilalim ng screen e "safe" na sila. Di baleng may hubaran sa katanghalian, di baleng may matinding patayan, di baleng puro katarantaduhan ang nasa ere, basta may PG, walang problema. Mga magulang ang bahala sa anak nila.

    Pansin nyo, yung Goin' Bulilit, pambata na nga yung palabas, bata na nga yung mga bida, may Parental Guantes pa rin? Wotdahell...

    Kaya gusto ko ma-revise tong ratings natin e, tulad nung sa US or sa Europe. Naka-angkop depende sa tema kung sino ang maaaring manood. Isa pa, self-regulating ang mga networks nila; sila mismo ang nagre-rate base sa standards. At takot sila hindi sa isang censor board kundi sa tao mismo. Kase kapag may nag-report na mali ang rating para sa isang palabas o di sumunod sa patakaran ang isang network, at napatunayang nagkamali nga sila, naku, katakut-takot na penalty ang kelangang bayaran.
  • asus, kahit naman maglagay sila ng parental guidance sa ibaba ng TV e. . bali wala pa rin.

    depende naman kasi sa mga magulang yan kung pahihintulutan nila ang mga bata na manood ng mga palabas na may halong FOR ADULT'S scene.

    kahit nga mga pirated CD's na ***** sa quiapo eh napapanood na ng mga 7 below age children. . .

    naka depende talaga sa mga magulang . .
  • Nakupo. Lalo na ang rug rats. I'm not used to watching these cartoons like spongebob and rug rats. Pero sobrang nakakadiri pala yung rug rats na yun. Yung bata kumakain ng bulate. Tapos sisinghutin yung uhog! Napanood ko minsan sa clinic ng dentist ko habang naghihintay, sabi ko hindi papanood sa anak ko yang ganyang cartoons!
  • Woman Drags Child On Leash Through Verizon Store (VIDEO)
    [URL="The headline doesn't lie: the following video really does show a woman dragging her child through a Verizon Wireless store on a leash, and at surprising speed."]The headline doesn't lie: the following video really does show a woman dragging her child through a Verizon Wireless store on a leash, and at surprising speed.[/URL]
    I'm sure that every sane person will agree that who would want guidance from such evil, cold hearted sorry creature!!! :eek: :angry:
Sign In or Register to comment.