[Jake Cuenca & Melissa Ricks] Cuenca + Ricks=Cuicks || LOVE CONTROL!

stephebojostephebojo JakeLissa Yeah! PExer
Cuicks.jpg

Hi mga Cuicks! Please post post!:bop:
«134567251

Comments

  • kurt_01kurt_01 It's time to be Grand! PExer
    WATCH THIS:

    DAHIL MAY ISANG IKAW TEASER link below:


    Dahil may isang ikaw trailer


    PLEASE COMMENT, RATE AND SUBSCRIBE! THANKS!
    Starring Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, John Estrada, ChinChin Gutierrez, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle and Sid Lucero. SOON on PRIMETIME BIDA.
  • stephebojostephebojo JakeLissa Yeah! PExer
    Melissa Ricks admits Jake Cuenca's sweetness!

    Mellisa Ricks is one of the casts of Your Song Presents: Underage. It's a remake of 1980's film originally top billed by Maricel Soriano, Dina Bonnevie and Snooky Serna. The show recently held a press conference. Mellisa was asked about her rumored suitor, Jake Cuenca.

    Mellisa didn't deny the sweetness of Jake Cuenca last Valentines Day, "Actually tinanong ko siya kung bakit nagpadala ng flowers, hindi niya kailangang gawin yon. Ang sabi niya, 'wala lang, friends lang'. It's okay, gusto ko lang namang magpadala ng flowers'. Okay, sabi ko". she said. Roldan Castro revealed in his article yesterday in Bulgar that a dozen of roses was given by Jake. Melissa was also asked if what is on her mind after the actions of Jake towards her,Melissa Ricks and Jake Cuenca

    jake+cuenca+and+melissa+ricks.JPG

    "Ayaw ko namang mag assume. dapat manggaling na lang sa kanya." Melissa quickly replied. She also revealed that Jake is not asking her for a date. A reporter also asked her if she is receiving foods from Jake, "Sinong nagsabi niyan?.. Three times siyang nagpadala. Yung iba niluluto pa niya, yung iba binibili niya. Personal niyang dinadala (in her condo unit), pero iniiwan lang sa lobby." she revealed.

    Melissa also admits that during the Pedro Penduko days, she is crushing on Jake, "Nung Penduko days, may crush ako sa kanya. Pero ngayon, kaibigan na lang talaga siya." she insisted. "Basta masaya si Jake, mas masaya ako. Hindi naman kailangang maging kami. Friend ko lang talaga siya. Guys ah! ano ba!" she added.

    Anyway, Your Song Presents: Underage will start on March 1, 2009 right after ASAP 09.

    ***

    Yahoo!*okay*
  • stephebojostephebojo JakeLissa Yeah! PExer
    Jake at Melissa, sobrang sweet sa US

    Sa lakad ng Star Magic na iyon ay may nagkuwento rin sa main na sobrang sweet sa isa’t isa sina Melissa Ricks at Jake Cuenca.
    Sa tingin daw niya ay may relasyong malalim ang dalawa.
    Kaya tigilan na ang Matt Evans-Melissa romance kuno. Sabagay, natsismis na rin noon sina Jake at Melissa at maaring totoo ang relasyon nila.

    ***

    http://www.abante-tonite.com/issue/july0809/entertainment_joe.htm
  • Lovely~celebLovely~celeb RG|JL|AJ|BP PExer
    070809-melissa.jpg

    Melissa Ricks, naguguluhan nga ba kay Rayver Cruz at Jake Cuenca?


    Dumating na sa bansa ang mga artistang sumama sa Star Magic Concert Tour na ginanap two weeks ago sa Amerika, at kasama sa nasabing tour si Melissa Ricks. When they all got here, agad namang lumabas ang mga kuwentong nakitang magkasama diumano sina Melissa at Jake Cuenca sa isang mall habang nagsa-shopping sa Amerika. Dahil sa isyung magkasamang lumabas sina Melissa at Jake, nagkaroon tuloy ng ispekulasyon na tuloy ang panliligaw ni Jake sa dalaga.

    Nakausap ang ABS-CBN.com si Melissa nu’ng dalawin namin ang aktres sa ASAP ’09.
    The young actress didn’t deny that she and Jake were seen together pero agad na itinanggi ni Melissa ang kumakalat na isyung super sweet sila ni Jake. “Magkakasama lang talaga kami nina Jake, along with Rayver (Cruz), Shaina (Magdayao), Ate Kitkat. Nandoon din sina Kim (Chui) at Gerald (Anderson). Si Gerald, kaibigan si Victor (Basa), si Victor, kaibigan si Jay-R, so nagkasundo kami to go to West Gate.”

    Dagdag pa ng aktres, magkakasama raw sila sa iisang bus at sabay-sabay silang namimili ng gamit. Hindi na nagtataka umano si Melissa kung may ganito mang mga balitang lumalabas, “Eh, may sumagi lang sa balikat ko, nali-link na agad sa akin, ‘di ba?” So, wala pang pormal na ligawan sa pagitan nila ni Jake? “Ay, wala po talaga. Magkaibigan kami ni Jake and he is a nice person.” Eh si Rayver? Sinasabing siya talaga ang pinopormahan ni Rayver at hindi si Sarah Geronimo. Ito umano ang dahilan kung bakit nagagalit daw sa kanya ang fans ni Sarah? “Kaibigan ko lang din si Rayver, hindi totoong ako ang nililigawan niya. Hindi rin totoo ‘yung sinasabi nilang pumupunta si Rayver sa bahay namin.”

    Though Rayver isn’t closing his doors on the possibility that one day, he and Melissa could be more than friends, mukhang hindi pa handa sa Melissa na i-entertain ang thought na ito. “Siguro as of now, kailangan maghintay muna kami. If it grows into something more than that, saka pa lang natin masasabi o malalaman ang mangyayari. I’m not closing my doors to anybody.”

    ***
    http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/4111/Melissa-Ricks-naguguluhan-nga-ba-kay-Rayver-Cruz-at-Jake-Cuenca-.aspx
  • stephebojostephebojo JakeLissa Yeah! PExer
    Jake Cuenca on Melissa Ricks: 'I'm just an admirer of hers'

    His detractors can say the most disgusting things but Jake Cuenca is happy with the fabulous developments in his career over at ABS-CBN. Plum projects ang nakukuha niya. Bukod sa tinatangkilik na teleseryeng Tayong Dalawa, the Fil-Spanish hunk is also shooting a horror flick called Estrella opposite Shaina Magdayao and directed by Rico Ilarde (of the indie film Altar) under Star Cinema. " Madugo ang (special) effects kaya medyo natatagalan," balita ni Jake sa launch kamakailan ng The Bar alcoholic drink sa Eastwood City Park. Co-endorser ni Jake ng nasabing alak ang kapwa niya Kapamilya star na si Angelica Panganiban. Jake looked dapper in his pink long-sleeved polo the night of the press launch. He considers Tayong Dalawa his biggest break so far. Nang tanungin kung kailan matatapos ang Tayong Dalawa, nagbibirong sumagot si Jake ng, " Sana hindi na siya matapos."

    But of course, all good things come to an end somehow. Sinabihan na raw sina Jake and company ng management na tentatively sa July magwawakas ang naturang soap. " Napakagandang opportunity nung soap para sa akin. Ang maganda lang sa role ko dun (as the other David Garcia - kapangalan niya sa story ang gumaganap na half-brother niya sa soap na si Gerald Anderson), ang dami mong puwedeng gawin. Ang daming pinuntahan nung character. First time kong nag-portray ng role na ganito kalawak, ganito kalalim. From high school hanggang mag-PMA (Philippine Military Academy). Hanggang sa malapit na siyang (his character David) mamatay, bumalik, naging sira-ulo." Because of Tayong Dalawa's strong impact, pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines ang soap at cast nito for helping push the number of PMA applications to an all-time high of 300%. " Binigyan kami ng plaque of appreciation ng AFP. Biglang dumami ang mga tao na gustong ipagtanggol ang bansa natin. Masaya kaming lahat talaga."

    Right from the time they started taping for Tayong Dalawa, Jake and his co-star Gerald Anderson in particular were briefed on the significance of their latest TV assignment. " Alam namin ni Gerald na malaking responsibilidad ito. Hindi na uso dito yung nalalagay ako sa kung anu-anong kontrobersya. Ang nire-represent ko mga sundalo. Yun ang ginawa naming obligasyon ni Gerald from the beginning. Hindi natin ipapahiya ang Army, ang Navy, ang Air Force. Parang lifelong effort na rin na panindigan namin ang natutunan namin sa show na ito." What was the hardest scene for him to tackle? "The really hard scenes were yung mga maliliit na eksena," says Jake after toying with the question. " Yung emotional continuity ng isang tao na na-war shock. Dapat dinarama ko yun. Kailangang paniwalaan ko yung hirap."

    Jake credits Tayong Dalawa directors Ruel Bayani and Trina Dayrit for the good notices on his improved acting. " Nag-usap talaga kaming tatlo to make it really realistic. Tinutulungan nila kami nina Gerald at Kim (Chiu) na mag-mature yung acting. Hindi na puwede na paulit-ulit lang." The presence of exalted performers like Helen Gamboa, Cherry Pie Picache, Anita Linda, Spanky Manikan, and Gina Pareno in the cast also challenges the younger thespians to be up on their toes. " Ginagalingan namin kasi ang laki ng tulong ng co-stars namin. Nandun sila lagi to give advice. It's really a team effort. Walang may attitude. Walang may ere."

    Siyempre pa hindi pakakawalan ng entertainment press si Jake without questions pertaining the girl he openly admits to admiring. Ano na ang development sa kanila ni Melissa Ricks? "Friends talaga kami. Minsan nagkukumustahan kami. Tulad nga ng sabi ko, hindi pa ako lumiligaw. I'm just an admirer of hers." Kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Melissa na kay Matt Evans lang na perennial leading man niya siya papayag magpahalik on screen. " Hindi naman ako na-offend dun," maagap na reaksyon ni Jake, " kasi magkaibigan lang naman talaga kami eh. Masayang-masaya ako for both of them, nakatrabaho ko sila (Matt and Melissa) sa Pedro Penduko dati. Engrande ang Kambal Sa Uma nila kaya I'm happy for them both." Dagdag pa ni Jake," Mas matagal yung pinagsamahan nila and I'm not going to come between them. Again, I'm just an admirer of Melissa. Kung manligaw man ako, it has to be the parents first." Huling hirit ng press 'What is it about Melissa that you find most attractive?' " Ano ba naman ang hindi nakaka-attract kay Melissa? Napakaganda niya. She's blooming into a woman," tapos ni Jake.

    ***

    http://telebisyon.net/balita/Jake-Cuenca-on-Melissa-Ricks-Im-just-an-admirer-of-hers/artikulo/58643/

    Yeheee! Kilig
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
    may thread na pala sila, wow cute naman ng "Cuicks":love::love:
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
  • SOwhatSOwhat Cousinbear Mel PExer
    i super love them! haha i'm glad there's finally a thread for them :D hopefully a project for them soon :lovesigh:

    nice name "cuicks" i always been calling them "JaMe" :lol:
  • SOwhatSOwhat Cousinbear Mel PExer
    online.gif

    Hot 'n Spicy

    Itinatanggi ni Melissa Ricks ang napabalitang very sweet sila at panay ang halikan nila ni Jake Cuenca sa bus patungong San Francisco sa nakaraang U.S. trip nila kasama ang Star Magic talents.

    Nakausap namin ang young actress sa presscon ng pelikulang Love OnLine (LOL) ni Vic Sotto last Tuesday at tawa ang initial reaction ni Melissa tungkol dito kasunod ang pahayag na hindi ito totoo.

    “Alam n’yo, ’yang mga isyung lumalabas, ’yung mga nanliligaw daw, sina Aaron Villena, si Rayver (Cruz), kung sinu-sino na lang ang lumalabas, pero hindi naman sila nanliligaw sa akin even si Jake.

    “Ang ngayon naman, may tukaan issue, hindi ko alam kung saan nanggaling ’yon. Ang katabi ko sa bus, ako, si Erich, si Kitkat, magkakatabi kaming lahat.

    “And then, for a while, tumabi sa akin si Jake kasi may pinag-usapan kami tungkol sa isang project, pero bumalik naman agad si Erich. Siguro, nabigyan lang ng ibang kahulugan ’yon. Nakakahiya naman kay Jake,” paliwanag ni Melissa.

    Klinaro rin ng young actress na hindi naman daw talaga nanligaw sa kanya si Jake kahit noon pa.

    “’Yung pagpapadala niya noon ng flowers or chocolates, siguro gusto lang niyang mabalik ’yung friendship na meron kami dati, kasi for a long time, hindi kami nagsama, hindi kami nagkausap.

    “Eh nu’ng nagkausap ulit kami, we enjoyed each other’s company and he’s really a good friend of mine now,” say pa niya.

    Tungkol naman sa issue nila ni Rayver, na nanood pa umano ng movie sa Alabang, ani Melissa, hindi rin ito totoo.

    “Once lang po ako napunta sa Alabang, nu’ng 2003 pa ’yon. Kung talagang nakita nila kami, ipadala nila ang picture, gusto kong makita. I think, lumabas sila, sina Kim (Chiu), si Rayver at si Gerald (Anderson). Pero hindi po ako kasama. After ASAP po ’yon, matagal na, and hindi ako kasama, hindi nga ako na-invite, eh,” natatawa niyang sabi.

    Naloloka na nga raw siya mga isyung lumalabas.

    “Sabi ko nga, ’yung mga (nababalitang) nanliligaw sa akin, none of them are true also and then ito naman, hindi ko alam kung saan nagmula, nadaragdagan nang nadaragdagan.

    “Hindi ko alam, so, siguro kung anuman ang gusto nilang paniwalaan, sige. Pero galing na sa akin, hindi po totoo.”

    Samantala, very honored sina Melissa and Matt Evans na napasama sa movie ni Bossing Vic sa kabila ng mahigpit nilang schedule.

    Nu’ng una ngang nalaman niya na napipisil sila for the movie, tuwang-tuwa raw sila ni Matt.

    “Siyempre, na-excite kami agad dahil siyempre Vic Sotto ’yan and lahat ng pelikula niya, box-office. Kahit nagku-conflict ’yung schedule namin sa Kambal sa Uma, pinilit talaga namin, kahit segue-segue kami, dahil we really wanted to accept the project kasi hindi lahat ng tao, may chance na makatrabaho si Bossing Vic.

    “It’s an honor talaga kaya nagpapasalamat din kami sa kanila that we were considered na maisali sa movie,” say pa ni Melissa.

    Mula sa APT Entertainment, OctoArts Films at M-Zet Productions, showing na ang LOL sa Aug. 19 mula sa direksyon ni Tony Reyes.
  • SOwhatSOwhat Cousinbear Mel PExer
    online.gif

    Melissa nakipagtukaan kay Jake
    By: Tonee Coraza
    Whatever

    Ang haba-haba ng hair ni Melissa Ricks dahil kung kani-kanino siya nali-link ngayon.

    Nandiyan ‘yung todo-ligaw raw ang ginagawa sa kanya ni Jake Cuenca at ang tsikang kumalat ay super-sweet daw silang dalawa sa service bus ng Star Magic artists nang mag-tour ang grupo nila sa States kamakailan lang.

    May nakakita pa raw sa kanila na nagtutukaan.

    “Ha? Nakakatawa naman ang balitang ‘yan. That’s totally false. Paano kami magiging sweet ni Jake sa bus, eh, hindi nga kami magkatabi. Si Erich Gonzales ang katabi ko. Ang please walang smooching na nangyari, huh? Puro beso-beso lang kami dahil we are all friends.

    “I admit binigyan ako ni Jake ng flowers and chocolates. But I don’t consider that panliligaw. Kasi ang definition ko ng courting ay ‘yung pumupunta sa bahay namin ‘yung lalaki at doon niya ako susuyuin,” paliwanag ni Melissa na binagayan ng kanyang bagong short hairdo.

    May lumabas namang tsika na binasted niya raw si Jake dahil hindi niya ito type.

    “That’s harsh naman. Paano ko iba-basted si Jake kung hindi naman siya nanliligaw sa akin in the first place? At saka sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya, eh, napakaguwapo niya at magaling pang artista. Wala naman talaga akong type-type na tinatawag. Basta ang preference ko lang ay ‘yung matatangkad. Kasi 5’8 na ako ngayon, tapos kung naka-heels pa ako at lalo akong tumatangkad,” nakangiting tugon ni Melissa.

    Nandiyan din ang tsikang panliligaw daw sa kanya ni Rayver Cruz na outright naman niyang itinanggi.

    Wala raw katotohanan ‘yung tsismis sa kanila ni Rayver.

    Pati raw ‘yung nagkasama sila sa Hongkong at kesyo nagpupunta ang aktor sa bahay nila ay hindi totoo.

    Close sila ni Rayver kasi part ito ng grupo nila na kinabibilingan nina Matt Evans, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador at Shaina Magdayao.

    Dahil sa tsikang ito sa kanila ni Rayver ay nag-react ang nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

    Tumigil na raw si Rayver sa kaliligaw sa anak nito kung totoong nililigawan siya ng aktor.

    Muling iginiit ni Melissa na never nanligaw si Rayver sa kanya kaya walang dahilan para mabahala ang kampo ni Sarah.

    Inamin din niya na hindi sila close ni Sarah.

    Kahit magkakasama sila sa iisang dressing room sa ASAP ay hindi raw sila nag-iimikan nito.

    Kasi raw ay masyadong busy si Sarah sa pagre-rehearse ng mga kakantahin nito sa show kaya wala na itong time na makipagtsikahan.

    Masaya ring ibinalita sa amin ni Melissa na na-extend na naman ang Kambal sa Uma kaya tuluy-tuloy pa rin ang taping nila dito.

    Kasama rin silang dalawa ni Matt sa pelikulang Love Online (LOL) na pinagbibidahan ni Vic Sotto at ang banyagang commercial model na si Paula Taylor na magso-showing sa August 19.
  • lonestaranalonestarana love ko si Jakey PExer
    SOwhat wrote: »
    i super love them! haha i'm glad there's finally a thread for them :D hopefully a project for them soon :lovesigh:

    nice name "cuicks" i always been calling them "JaMe" :lol:

    hi there :wave:

    I love them too and I call them JaMe but "Cuicks" sounds cute and unique.:love:

    Sana people let them enjoy whatever they have, as long as di naman nila pinababayaan ang career. I like them kasi parehong responsible and they both know their priorities, ang career nila.
  • affuRaffuR TBBT | LADY GAGA | HIMYM PExer
    waah! Dami na agad nagpost! steph(bespren) bongga ka ha!

    Pa-advertise na lang. Alam ko kasing mga mababait ang mga Melissanians at Jakeanians.

    And Cuicks! :))

    Papromote lang.

    LloydFanatics {Ruffa & John Lloyd} NO HATERS PLEASE!



    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=398580


    1_886955808l.jpg

    1_411630143l.jpg

    1_942961413l.jpg

    1_470884511l.jpg

    Thank you po! Visit and post po! No hater allowed :D

    :drive: daan lang ako
  • affuRaffuR TBBT | LADY GAGA | HIMYM PExer
    Up Up this thread!
  • ayemarieayemarie Member PExer
    waaahhh,,my thread na sila...

    cuicks:wave:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file