Home PEx Chat Small Talk

Mga Nakakaaliw na Pexer

Mickey2000Mickey2000 PEx Influencer ⭐⭐⭐
hay...sa tagal ko ng nag pe pex, lahat na yata ng klase ng pexer eh nakilala ko (virtually speaking) dami din palang klase, di lang iisa,

Pexer na akala mo alam lahat ng pinagsasasabi, with matching complete reasearch pa and using fancy words, samantalang mahahalata naman na kay Google nanggaling or kay Wikipedia.

Pexer na keep bragging about their hottie gf, but my gaydar says otherwise.

Pexer na @$$ki$$er ng ibang pexer, they keep following their leader anywhere,kapag nag post, hayan na, post na rin silang lahat to back-up their leader.

Pexer na nagpo-post sa topic na ang kadalasang sagot lang lang eh, "walang kwentang thread ito" (pero pinag-aksayahan ng panahon na magreply)

Pexer na thread police (feelind mod), Hindi on-topic ang sagot, kundi para lang sabihin na nasa maling forum ang isang thread. Katulad ng thread na ito, hindi ko alam kung saan ito i-po-post, bahala na ang mod maglipat. (Kawawa mga newbie dito ,:glee: )

Pexer na ang galing magbigay ng advice or comment about certain things na talaga naman bibilib ka kung wala karing alam,malalaman mo sa katagalan na wala naman pala sya ng bagay na pinagmamagalingan nya.

Pexer na grammar police,hindi rin sasagutin ang topic,pero i co correct ang mga maling grammar ng sumagot (lagi ako nabibiktima,kasi b0b0 ako sa grammar eh, nasa spelling pa lang ako)

Pexer na akala lahat ng nakapost na tanong dito eh malalaking problema. Hindi nila alam na it's only for conversational (if there's such term) purposes only.


These are the pexers that makes this forum a fun place to stay :glee:
«1

Comments

Sign In or Register to comment.