Reklamo para sa kapitbahay namin. help me po!

Hello po sa inyong lahat dito. nais ko lang po sanang humingi ng tulong at advice kung ano po ba ang dapat kong gawin sa kapitbahay namin. kung anung reklamo ang dapat kong isampa sa kanila.
ganito po kasi yun. naglagay po sila ng basketball ring sa gilid ng bahay nila,na nasa harapan naman po ng pintuan namin. ginawa nilang basketball playing grounds yung harapan namin. madalas na tumatama yung bola sa pintuan namin at bubungan. paulit-ulit po iyon at nakaka irita na. bukod pa po dun, damay rin po yung mga sinampay namin na madalas madumihan at higit sa lahat nakakasagabal po iyon sa mga taong dumaraan. sinubukan po namin silang paki-usapan na tanggalin na ang basketball ring na yun. pero hindi po sila nakinig sa amin at nagmamatigas pa po sila. hindi naman po daw nakakabit sa bahay namin yung ring na yun at wala po kaming karapatan na tanggalin yun o ipatanggal sa kanila.
kung minsan may mga batang dumarayo pa ang mga naglalaro doon. napapagod na rin po akong maki-usap sa kanila na sana itigil na nila ang paglalaro ng basketball sa tapat namin. minsan mga alas sais palang ng umaga may naglalaro na at maging sa gabi. napeperwisyo na rin pati ang pagtulog namin. napakasikip po ng lugar namin at hindi po advisable na maging playing grounds.
labis na po kaming napeperwisyo nang dahil doon at nagpaplano na po akong magsampa ng reklamo sa baranggay namin. nais ko lang po sanang malaman sa inyo kung anu po bang pwede kong ikaso sa kanila. kung anu po bang paglabag ang ginagawa nila at kung anu-ano pong mga legal actions ang dapat kong gawin.
please educate me po about this. marami pong salamat!

Comments
2nd, continue your plan to file a complain at barangay-level. Lahat ng problemang pang communidad nakukuha sa magandang usapan. remember, magandang paliwanag at paki-usap sa barangay ang gawin mo tulad ng pag explain mo dito. kasi once na hindi mo maresolve yan sa barangay level pa lang, then mahihirapan kana at habang nanjan ang basketbol court hindi ka matatahimik. at isa pa, hindi maganda na ang kapitbahay maging kaaway, it's not very healthy so paki-usapan mo na lang ng maayos be gentleman na lang.
3rd, kung hindi mo na makuha sa maganda usapan... since sabi mo nasa harapan nyo lang *** ring at masikip ang daanan, gumawa ka na rin ng sagabal sa paglalaro ng basketbol, use their arguments pag nagreklamo sila pero paalam ka muna sa barangay.... ang nasa isip ko kasi, ay tulad ng ginawa ng sister in law ko sa barangay nila na ganyan din sitwasyon... una ginawa niyang sampayan ang ring pangalawa nagtayo sya ng isang ring na malapit sa fence niya na naging sagabal sa court. pangatlo, gumawa sya ng Manhol sa court
bili ka nang marami paputok... got my idea?
magandang usapan na lang ang option....
Patay ang mga pitbull dahil mataas ang ring, pagtinali mo sila doon...bitay, patay! :eek:
TS
Maglagay ka ng ilang kahoy sa bubong niyo na may matulis na pako na nakausli para pagbinagsakan ng bola, butas! *okay*
kapag may nabasag, pabayarin mo.
idea ba?
First step is ask them nicely. Hindi mo lang dapat pakiusapan ipatanggal, pero mag suggest ka kung saan nila pwede ilipat. If necessary mag donate ka ng net or paint para meron kang goodwill at mahihiya sila sa iyo. Asking them personally will be a test of your negotiation and diplomatic skills. Prepare for all objections and rebuttals
Kung ayaw talaga report it to the baranggay. But you have to know who is their contact in the Baranggay. Kung mag isa ka lang, the Baranggay would lean towards the benefit of more people. It would be best to be armed with a signed petition of residents opposing the structure. The more the manyer.
actually, meron po akong dog dito sa bahay. pero hindi ko po pwedeng gawin yun dahil baka ako naman ang malagay sa alanganin. baka ako pa ang siyang makulong kapag ginawa ko yun.
hindi ko po ma-imaging gawin yung kagaya ng ginawa ng sister and law nyo. hanga ako sa katapangan ng sister in law mo. parang ganyan din kasi kapatang yung ate ko eh. pero wala kasi siya ngayon nasa ibang bansa. kaya feeling ko mag-isa lang ako at wala akong kakampi. kung pwede nga lang maghagis ng paputok dun sa mga istorbong yun gagawin ko eh. hehe
salamat nga po pala sa option na ibinigay ninyo (1st & 2nd option) and sa payo na rin. *okay*
wow! i think kailangan kong pag-aralan 'to. i will search for it. illegal structure and disturbance of peace pala ang pwede kung ikaso sa kanila. and unjust vexation kung talagang sinasadya.
ganitong mga legal na paraan ang kailangan ko. humanda yung mga kapitbahay naming yun. kala nila wala akong magagawa para ipagtanggol ang sarili ko. gusto kong ipa-realize sa kanila yung perwisyong naidulot nila sa amin. *peace*
thanks for sharing your knowledge about legal matters sir. *okay*
yeah, i got your point sir. thanks for the advice po. *okay*
one time may pumasok na bola sa bahay namin. naki-usap yung bata na kung pwede eh, ibigay ko sa kanila yung bola. naawa naman ako. kaya yun ibinigay ko. mabait kasi ako eh. hehe
pero one time din may pumasok uling bola, ginawa ng pamangkin ko sinarado yung pintuan namin at hindi na nakuha ng mga naglalaro yung bola. sabi ko sa pamangkin ko kanino 'tong bola. sabi nya dun daw sa mga naglalaro. what i did is, ibinigay ko sa aso ko yung bola at yun nabutas.
2) kausapin mo barangay captain para kausapin ang kapitbahay mo
3) tignan mo local ordinance, baka may special law na pwede mong gamitin
4) file a civil case for abatement of nuisance. pwede ka rin humingi ng danyos!
or if all else fails, remove the ring yourself!!
provided a prior demand was made sa kapitbahay mo, tapos ni reject, tapos may permiso ka sa police at local barangay officials, tapos hindi lalagpas ng 3000 pesos *** ring na tatanggalin.
dapat no unnecessary injuries inflicted at dapat does not upset the peace. walang violence o scandal. bastat tanggalin mo na lang ng kusa. kung hindi, baka makasuhan ka ng breach of peace.
ayos? *okay*
yun nga rin po ang plano ko na magtake ng pictures for evidence and also a video just incase na kailanganin. thanks for the advice po sir. *okay*
thanks for that sir. to tell you honestly guys, nalulungkot ako na kailangan ko pang gawin 'to. sobrang na-iistress na ako. minsan gusto kong isipan na pabayaan nalang sila at tiisin nalang ang mga pamimerwisyo nila. pero either way ma-istress at ma-istress din ako. hayz.. :mecry:
dito lang talaga ako nagkakaroon ng kakampi. salamat po sa inyo dito na sumimimpatya sa akin. *okay*
man up boy! stand up for your right. tapat nyo ginugulo, iniisip mo pa gagawin mo. pinepex mo pa. dapat di mo na pilagpas un araw na un, paalisin mo, patanggal mo ring!