Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Guys, Ganoon Ba *** Talaga?!?

Hi first time ko sumali sa isang forum na tulad nito, tanong ko lang sana sa mga lalaki bakit minsan kahit gusto mo *** isang girl at alam mo may gusto din *** sa iyo pero hindi ka gumagawa ng moves para ligawan or sabihin sa kanya na mutual ang feelings niyo sa isa't isa. At bakit lagi nalang kami mga girls ang gusto niyo nauunang kumausap or gumawa ng paraan para magkaroon ng communication. Dahil ba siguro iniisip nyo ba na kahit hindi nyo kami pansinin, kami talaga ang unang gagawa ng move para pansinin o di kaya kausapin kayo bakit ganon? ='(
«1

Comments

  • siguro kasi natatakot silang ma-refuse ng girl...kung tayo nga naman ang gagawa ng move eh sure na sure na ang mga boys na bibigay tayo pag pumorma na sila..
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    icafae wrote: »
    Hi first time ko sumali sa isang forum na tulad nito, tanong ko lang sana sa mga lalaki bakit minsan kahit gusto mo *** isang girl at alam mo may gusto din *** sa iyo pero hindi ka gumagawa ng moves para ligawan or sabihin sa kanya na mutual ang feelings niyo sa isa't isa. At bakit lagi nalang kami mga girls ang gusto niyo nauunang kumausap or gumawa ng paraan para magkaroon ng communication. Dahil ba siguro iniisip nyo ba na kahit hindi nyo kami pansinin, kami talaga ang unang gagawa ng move para pansinin o di kaya kausapin kayo bakit ganon? ='(

    Kasi hija WOMEN'S LIB na ngayon kaya pantay-pantay na ang lalaki at babae. Kung type mo iyong dude dapat kumilos ka rin para magpahiwatig.

    -Just_JT aka "Boss Pogi"
    Equal.opportunity.
  • maybe he's just slow. LOL.
  • mcsteamy17mcsteamy17 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ...ooOOHHH... ...fast ako pag-andun na... ...mmmMMM...

    ...pero tsope talaga pag-una...


    ...isang kalabit lang...aaaAAHHH...vaavaaAAVOOMMMmm...:naughty:
  • salamat sa mga replies :) yun nga nagpapahiwatig na nga ako at alam naman nya may gusto din ako sa kanya pero bakit tila naghohold back pa *** ligawan ako haaayy
  • batabatutabatabatuta PEx Veteran ⭐⭐
    baka naman lalake ang gusto nya :lol:
  • hindi naman ***** hahaha
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    icafae wrote: »
    salamat sa mga replies :) yun nga nagpapahiwatig na nga ako at alam naman nya may gusto din ako sa kanya pero bakit tila naghohold back pa *** ligawan ako haaayy

    Hija, baka naman guni-guni mo lang na may gusto siya sa iyo. Baka may iba siyang dinidigahan. Ilang taong gulang na ba si lalaki?

    -Just_JT aka "Boss Pogi"
    Diga.Pony.
  • baka naman di ka niya talaga type?
  • baka nga pero yung mga friends namin sinasabi nila na mauna na daw ako gumawa ng paraan kasi kung maghihintayan daw kami ay walang mangyayari, sinabi din nya sa isa kong kaibigan na gusto niya ako, pero bakit hindi niya masabi personal sa akin bakit dinadaan pa nya sa iba? 27 na po siya at 26 ako
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    icafae wrote: »
    baka nga pero yung mga friends namin sinasabi nila na mauna na daw ako gumawa ng paraan kasi kung maghihintayan daw kami ay walang mangyayari,
    Naku, hija maski anong hila at palo mo hindi mo mapipilit uminom ang caballo sa ilog.
    sinabi din nya sa isa kong kaibigan na gusto niya ako, pero bakit hindi niya masabi personal sa akin bakit dinadaan pa nya sa iba?

    May tawag diyan: TORPE-SOR.
    27 na po siya at 26 ako.

    Wow, da-matans na pala kayo. Akala ko naman 13 at 14 lang kayo. Hayaan mo na siya, wala kang mapapala roon.

    -Just_JT aka "Boss Pogi"
    Baka.mapanis.at.amagin.ka.lang.
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐

    kahit type ka niya mahina o walang lakas-loob na ligawan ka o
    baka wala siyang karanasan sa pagligaw kaya di siya makagawa
    ng unang hakbang... ika nga, eh, totoy na totoy.

    tama rin ang sinabi ni just_jt... si lalake torpe!

    nakakatawa itong customer ko sa byuti parlor. bilang na bilang na
    nga ang balahibo niya sa ulo... siguro wala pang beynte sa bilang,
    eh, gusto niya gagamitan ko raw ng hair spray, noh!

    didikitan ko kaya ng balahibong manok, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • darmonxdarmonx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    27 na yung lalaki mahiyain pa??? Sige... ikaw na nga ang may kailangang kumilos kung talagang type mo. Baka naman maging good husband dahil hindi marunong manghabol ng babae.
  • hahah mejo naka relate ako sa dilemma ni girlalet ah ^_^ may mga torpe pa pala talagang mga boys haaayyy
  • baklita wrote: »

    kahit type ka niya mahina o walang lakas-loob na ligawan ka o
    baka wala siyang karanasan sa pagligaw kaya di siya makagawa
    ng unang hakbang... ika nga, eh, totoy na totoy.

    tama rin ang sinabi ni just_jt... si lalake torpe!

    nakakatawa itong customer ko sa byuti parlor. bilang na bilang na
    nga ang balahibo niya sa ulo... siguro wala pang beynte sa bilang,
    eh, gusto niya gagamitan ko raw ng hair spray, noh!

    didikitan ko kaya ng balahibong manok, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita



    sosyalan ka naman, nasa parlor may internet:naughty:
  • talk to him and say it in his face and ask him bkit ayaw ka nya ligawan, hahahahahha..... hala ka!!!! its getting late... hahahaha, pero ang conclusion ko, mapangarap yung guy kaya sa pangarap ka *** niya nililgawan, hahahahahaha..... malamang ha"""""
  • turatko!turatko! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sungaban mo sa dilim.!
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    meron nang similar thread dati.. :)

    hindi naman dapat dumating sa point na yung girl na ang actually nanliligaw..

    siguro, bigyan na lang ng 'green light' yung guy.. o kaya opportunity para mas maging madali ang pag diskarte niya.

    pag nagawa mo na lahat.. at ayaw pa rin gumawa ng move, it's either di ka niya ganun kagusto or sobrang torpe na lang talaga.

    nagsasayang na lang kayo ng time niyan. antay na lang ng next na manliligaw. :)
  • menyekmenyek PEx Rookie ⭐
    I would agree with JT - torpe siguro. Wala siya maisip na approach or diskarte. Kulang sa tiwala sa sarili.

    I don't see any problem kung babae ang unang lumapit at mag initiate though.
  • Maybe he's just too afraid to take the risk of getting out from "friendship zone" coz it might destroy the friendship in the end.

    Show to him that you're more than willing to take your friendship to the next level.
Sign In or Register to comment.