FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

What was the worst punishment you got from your parents?

I never experienced being grounded but my mom has a tendency to get very physical :rotflmao: Pag nagalit sayo yun naku magtago ka na. :lol: I would like to share mine but i'm still busy.

Anyone here who would like to share his/her funny and memorable childhood pagalit experience.:bop:

Comments

  • SkepticOverlordSkepticOverlord Salingpusa PExer
    Haha. eto pangbantaybata ito.

    Yung nanay ko, may tendency ding maging pisikal, although once in a blue moon.

    Yung tatay ko naman nangbubugbog talaga. Naranasan ko yung nahulog-lang-po-sa-cabinet alibi pag tinanong ng teacher sa school dahil sa black eye. And I was, grade 2? Haha. Tapos may panahon dati kala ko mapapatay na ako. Actually marami.

    Siguro ang napala ko lang from these experiences is my not-so-good relationship with my dad kasi sobrang takot, pepro hindi lang naman dahil sa pambubugbog yun. Pero walang hatred at mahal ko pa rin sya. hindi rin naman ako lumaking weird at emotionally incapable. siguro medyo hindi ako sensitive sa mga bagay bagay which other people might think walang puso, but that's just from my mom's genes, kasi ganun yung lahi nila na hindi nadadala agad emotionally.

    So wala namang naging tragic effect sa akin. Pag naaalala ko na lang eh natatawa ako. which kind of makes me think, it's really how you perceive thinks. Other people in my shoes might have grown up differently, bringing that burden all through out their lives. Ako kasi, kung iisipin mga kalokohan ko dati, parang mas malala pa yung kunsumisyong dinulot ko sa kanila. haha.
  • infinite_trialinfinite_trial ♥ Drayer PExer
    lagi akong pinapalo at kinukurot ng nanay ko. matigas daw kasi ulo ko. merong time na nag-away kami tungkol sa kuryente. nawalan ng kuryente tapos ayaw nya maniwala na nagkaroon na. narinig ko kasi sa kapitbahay parang nanonood ng tv, tapos kulit ako ng kulit na buksan na nya yung tv at meron ng kuryente. nakulitan sa akin, pinalo ako. iyak ako ng iyak, hinataw yata ako nun lol...pangbantay bata din ang eksena. nakita nung kapitbahay namin na umiiyak ako. tinanong nanay ko kung bakit ako pinalo. ayun sinabi nya, napahiya pa nanay ko...sabi ng kapitbahay meron na daw kuryente. yun pala nasira yung fuse namin kaya wala sa aming kuryente. di man lang nagsorry nanay ko :(
  • torontoron deep fried PExer
    waha.. hangang sigaw lang naman sila papa at mama saamin noon.
  • borederboreder Otokomae =P PExer
    pinasok ako sa sako ng nanay ko... kasabwat nya pa ang ate ko :bop: :rotflmao:
  • LabuyoXVIIILabuyoXVIII Member ✭✭✭
    Worst punishment? My parents were called by the Disciplinary office when I was in 5th grade for a nasty thing I did to my seatmate. My dad made me stand in the corner, face the wall for an hour, and banned me from watching Mighty Morphin Power Rangers for two fridays.

    The most boring friday nights when I was a kid. :D
  • vicdiazvicdiaz Member PExer
    pinalo ako ni nanay kasi naman ginupitan nya ako ng buhok tapus hindi man lang inahit kaya ang resulta: ampangit!! hindi ako tumigil ng kaka iyak. nung paluin na niya ako,HUMINTO NA AKO NG IYAK. MASAKIT KASI HEHE. im 10years old nun at nagkakaroon na ng mga crushes sa mga young ladies tapus ganun ang gupit ko? YAAKS!!..
  • jmpet626jmpet626 Member ✭✭
    tinali ako sa may poste ng gate namin
  • mindweavermindweaver the chosen one... ✭✭✭
    nakaranas ako ng pisikal na parusa mula sa nanay at tatay ko.

    - Yung tatay ko palagi ako pinapagalitan me kasama pang hampas, kutos at kurot na malakas yung parang lalagnatin ka.

    - yung nanay ko pinapalo ako ng sinturon. Yung buckle ang pinanghahampas nya sa akin. Meron ding hanger, walis, kaldero atbp.

    Kaya lumaki ako na manhid at barubal.Di naman sa sobrang mahid pero hindi ako emotional o yung mabilis lumambot ang puso.
  • lovie_02lovie_02 Member
    hinampas ako ni daddy e ang laki laki nya. pumasok ako the following day puro pasa. tapos few months after that yung boyfriend ko actually my 1st ha, beat me! i had a pasa on my face and a long scratch half inch from my eye and sa galit ng dad ko naghagis siya ng gunting and excato sa gitna ng fingers ko buti hindi ako gumalaw kundi panget na kamay ko ngayon. nanay ko naman sinampal ako sa hospital. ayun naglayas ako lalo. haha
  • ??ThuGz????ThuGz?? Banned by Admin PExer
    nothing beats emotional punishments :glee:
  • kristine_sadkristine_sad buti ng tamad, PExer
    nung elementary ako... pinaluhod ako ng tita ko sa asin... rock salt!! kasi ayaw ko mag aral....:lol:
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    lovie_02 wrote: »
    hinampas ako ni daddy e ang laki laki nya. pumasok ako the following day puro pasa. tapos few months after that yung boyfriend ko actually my 1st ha, beat me! i had a pasa on my face and a long scratch half inch from my eye and sa galit ng dad ko naghagis siya ng gunting and excato sa gitna ng fingers ko buti hindi ako gumalaw kundi panget na kamay ko ngayon. nanay ko naman sinampal ako sa hospital. ayun naglayas ako lalo. haha

    Child abuse ito. Dapat tumawag ka ng police at pinakulong sila!!

    -Just_JT aka "Boss Pogi"
    Child.abuse.contradicts.basic.human.rights.
  • keyjeykeyjey ninja.nagwiwiwi.sa.dilim. PExer
    sa akin naman yung mga usual na palo lang nung bata... uhmm siguro hanggang end ng high school

    yung tipong hanggang maputol ang hanger, tapos belt buckle naman, habang sinasabayan ng mura at kung ano pa

    ako din naman kasi may kasalanan kaya ako ginaganun

    pinakanatakot ako dati nung hinabol kami papasok ng bahay na may hawak na bamboo stick! parang scene sa horror movie, di ko alam kung saan ako magtatago! ahaha

    tsaka dati dapat daw makauwi ako araw araw from school by 4pm, eh 4:30pm dismissal ahahahaha
  • Dragon_HeartDragon_Heart Member ✭✭
    Pinagpapalo ng nanay ko ng situron, yantok, stick, tsinelas, lahat na lang ata.

    Hindi pa ako nagamitan ng hanger kasi sayang, madaling masira :rotflmao:

    Pinagbawalan manood ng TV( bata pa ako nun ) hanggang hindi umayos ang grades ko. Malala ito kasi hindi ako lumalabas ng bahay gaano, at halos walang kaibigan( anti-social nga ako ). Hindi na pwede ito ngayon kasi pwede nang i-download lahat ng palabas.

    Pinaluhod sa asin at munggo, habang may librong nakapatong sa dalawang kamay na nakataas, saka sa ulo.

    Hindi ako binigyan ng allowance kaya tiis na lang kung gutom sa eskwela. Walang kaibigan kaya walang mautangan. Nagkasya na lang sa pahingi-hingi ng chichirya nila.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file