Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

paano kung may anak na sya?

daphni3daphni3 Member PExer
paano kung malaman mo na yung boyfriend/asawa/live-in partner mo e nagkaanak pala sa iba bago pa naging kayo? yung tipong hindi rin sya sigurado kung sya ba talaga ang ama dahil bigla nalang nawala yung babae at after 4 years dun lang susulat yung ex niya para sabihing 4yrs old na yung anak niya? as a present partner, ano ang mararamdaman at magiging move mo sa sitwasyon na yon?:confused::confused:
«1

Comments

  • hicorthicort Member PExer
    Siempre kung ako ang LALAKI mag iisip ako kung paano ako nagka meron ng anak sa babaeng sumulat sa akin. Pero kung naging GF ko naman talaga and out of my mind na nag bunga pala *** mga intimate moment namin bago sya nag lahong parang bula. But kelangan ko rin na maging math wizzard baka naman ginagawa akong salbabida... after 4 years.

    Sa babae naman wag agad mag react badly against sa partner mo. Be patience and relaxed ganyan naman ang buhay eh.
  • batabatutabatabatuta Member PExer
    I would feel cheated at first....pero if I truly love the person.....I will compromise.....and learn to love the child as well.
  • ka_denizka_deniz bagong buhay PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sinabi na pala nya sayo na di sya sigurado noon at biglang nilayasan sya nung babae, i don't think may itinago sya syo.

    he needs your support right now. his world just went into a tail spin. medyo mahirap yun for him. kung ikaw nasasaktan what more sya? di nya alam kung ano na. tatanggapin ba nyang kanya nga yon? kung kanya yun, magagalit ba sya dahil apat na taon ang inagaw sa kanya nung ina. apat na taon sana kakilala nya anak nya, naalagaan, minahal. o matutuwa ba sya, dahil may anak na nga sya.

    magulo utak nya ngayon, madaming tanong, madaming stress. just be there for him. understand his situation and offer your support. that's all you can do.

    because ultimately, it's about him and his child, di ka kasali sa gulo, dadagdag ka lang sa problema king magsasalita ka at makikigulo. pabigat ka lang kapag nakialam ka.
  • daphni3daphni3 Member PExer
    what if the case is *** pa kaung baby and you know na gustong gusto na talaga nung guy na magkababy kayo and here's the "ex" biglang susulat at sasabihing yan ang anak mo sa picture. instant baby diba? pero pano mo tatanggapin as a girl na hindi mo sya mabigyan ng baby sa hindi nio pa alam na dahilan kung bakit hindi pa nabubuntis at biglang may baby na sya sa ex nia?may insecurity na ba dito? and ano ba ang dapat na gawin ng guy kung ganon na naiipit sya kasi hindi nya naman mahal yung ex nya and hindi sya sigurado kung sa kanya nga yung bata tapos alam nyang nasasaktan *** partner nya?:confused::confused:
  • daphni3daphni3 Member PExer
    ka deniz, pano mo naman nasabi na magiging pabigat ako sa kanya kung involved din naman ako dito emotionally, right? hindi naman din sa makikigulo, pero siguro naman may right ako na malaman kung ano na ang set up namin ngayong may nagpapakilalang anak daw nya na hindi namen alam kung sa kanya nga ba and knowing na excited na syang magkababy tapos biglang may instant child na sya sa iba, anong posibleng maging desisyon nya?
  • ka_denizka_deniz bagong buhay PEx Influencer ⭐⭐⭐
    emotionally involved ka sa relasyon ninyong dalawa, hindi pa sa relasyon nya sa podibleng anak nya.

    di ko sinasabing madali ang sitwasyon mo. lalo na ngayong may posibilidad na di na kyo magkakaroon ng sariling anak.

    pero yan ang sitwasyon ninyo, at yan ang kailangan mong ikutan.

    unahin natin yung insecurity, di mo maaalis yan. pwede mo bang pigilin yan? hindi naman eh. ang masasabi ko lang ay pagtiwalaan mo ang asawa mo. kung mahal ka nya talaga, di ka nya ipagpapalit. at ano ba ang gusto nung babae? baka naman sustento lang? kung anak nya talaga, sustentuhan nya.

    sya kasi talaga ang kailangang magresolba ng problemang yan. kasi problema yan nung wala ka pa sa buhay nya. bayaan mo syang magsabi syo at humingi ng tulong. kung talagang mahal ka nya, sa iyo hihingi ng tulong yan. ganoon ang lalaki. antay antay ka lang, pero huwag na huwag na ikaw ang manghihimasok. bayaan mong sya ang humingi ng tulong syo.
  • daphni3daphni3 Member PExer
    actually ka deniz, a couple of months narin since dumating *** sulat sa kanya. and up to now hindi pa namen napapag-usapan yung about dun kung ano na.. hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nya at kung ano ang nararamdaman nya nung nakita nya yung bata and infairness naman sa kanya confident ako na hindi nya kinocontact yung ex nya to ask about the child. hay syempre iniisip ko rin naman yung future namen na kame lang hindi yung habang may sarili kameng pamilya meron din sya sa iba.
  • ka_denizka_deniz bagong buhay PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ayun naman pala eh.


    nabura na sa isip nya yun.

    tapos na ang isyu para sa kanya.

    mabubuksan din yang usapan na yan. bayaan mong sya magkwento.
  • pojpoj andaming poser hahaha PEx Veteran ⭐⭐
    teka lang, kinasal ba sila nung babaeng naanakan nya ng hindi nya alam?

    kung hindi, hindi ka dapat ma-guilty, nawala sa eksena yung babae tapos biglang susulpot and claims na anak ng shota mo yung bata?

    lufet a, pa-DNA test nyu na lang para sigurado. ;)
  • daphni3daphni3 Member PExer
    hi poj, hindi sila kasal kasi in the first place hindi pa sya talaga seryoso daw sa babae nung time na yon and nung may nangyari naman sa kanila na as in once *** daw, biglang nawala yung girl and sumulat na buntis daw sya at *** hubby ko ang father but hindi naniwala yung hubby ko kaya lumipas yung ilang years nagkaron ng ibang girlfriend ang hubby ko nung mga panahong yon at wala na syang naging balita un sa girl,ni hindi niya nga daw alam kung saan ang probinsya nung babae. gang sa dumating ako sa buhay nya, actually 11 years ang age gap namen. ngayon nung nagsasama na kame biglang may sumulpot ulet na sulat na may kasamang picture ng bata para sabihin sa kanya na hinahanap na daw sya ng anak nya at 4yrs old na yung bata. kaya ang hirap paniwalaan kung totoo nga ba ang sinasabi ng ex nya
  • sinnerorsaintsinnerorsaint go ahead..make my day... PExer
    poj wrote: »
    teka lang, kinasal ba sila nung babaeng naanakan nya ng hindi nya alam?

    kung hindi, hindi ka dapat ma-guilty, nawala sa eksena yung babae tapos biglang susulpot and claims na anak ng shota mo yung bata?

    lufet a, pa-DNA test nyu na lang para sigurado. ;)

    nice..agree.......
  • baklitabaklita taas kilay PExer

    sa kutob ko hirap ang babae financially sa pagpapalaki ng bata kaya
    nagparamdam siya o di kaya'y nape-pressure ang nanay sa kulit ng
    bata upang hanapin ang tatay niya. kaya heto na ang sitwasyon
    ninyong dalawa... may sumingit sa eksena.

    ipalagay natin ipa-dna test ang bata... paano kung ang iyong asawa
    (kasal ba kayo ng lalake o live-in laang?) ang tunay na tatay?

    contrary to the advice sa itaas... dapat pag-usapan ninyong dalawa
    ang biglang pagsulpot ng problema tungkol sa ex-gf at bata. hindi
    kusang mawala o pwedeng i-ignore ang suliraning ito kaya harapin
    ninyong dalawa ang senaryo. you assume guilty ang iyong asawa,
    unless proven otherwise. ngayon anong gagawin mo kung ang claim
    ng ex ay totoo?

    walang choice ang lalake kundi harapin ang responsibilidad niya. alam
    ko ang gusto ng ex-gf ay financial support lamang. siguro baka
    hahantong din sa visitation rights ng ama. ano ang iyong reaksyon?
    would this change in situation affect your relationship with him?

    maybe yes, but how do you deal with it? nandiyan na yan, so ano
    ang iyong gagawin?

    babalikan ko ito...

    ibabalik ko muna ang bagong biling bakya kasi parehong kanan.
    kasalanan ng salesgirl dahil sabay tatlo kaming customer sabay
    ini-entertain niya kanina, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklits


  • starry_nightstarry_night Member PExer
    ang tanong e kung aangkinin niya. and if he did, it shouldn't matter to the gf. mas hindi ok kung anak niya talaga un tapos hindi niya susuportahan.
  • usernametakenusernametaken Banned by Admin PExer
    mahal ko, go lang ng go.
  • SexxyAkooSexxyAkoo Member PExer
    Eto kasi yun..

    LDR kami nang syota ko while nasa malayo ako nka pa buntis cxa dun sa X gf nya.. Nang malaman ko yun nki pgbreak na ako agad kahit masakit na masakit, after 2yrs. umuwi ako nang pinas to have my vacation and *** mka move on na totally sa kanya.. (for two yrs cxa parin palagi nasa isipan ko, kahit anong gawin ko para kalimotan na cxa pero ang hirap kalimutan ang pinakamamahal na tao sa buhay mo). So nang nka uwi na ako nang Pinas, sa liit nang baryo sa amin hndi ko mn lang cxa nakita, Im still hoping pa kasi eh na ma kita ko lang cxa kung ano na kalagayan nya.. Before 2weeks i left in our city ako na tlaga ang nglakas loob na etxt cxa, So one friday nyt ngkita kami nginuman, dun ko na feel na he still love me kasi su.ot parin nya yung ring na binigay ko sa kanya.. At yun ngkalasingan at may nang yari after 3days ngusap nmn kami kasi gsto nya e.explain yung pang yayari nuon kung bakit nya nagawa yun, at yun ngusap.usap at na intindiham ko nmn o TANGAA lang tlaga *** mg pa uto ulit, Nang pa aalis na ako at flight ko na for next 2days sinama ko siya sa Manila para masulit lang din namin yong two days na kami lang, at worth it din nmn kasi im Sooo Happy with Him on that time..


    Nalilito lang kasi ako if Love nya ba ako o pinaglalaruan na nmn..
  • SexxyAkooSexxyAkoo Member PExer
    advice lang po.. 😊
  • JoBoy08JoBoy08 Man pero Boy pa din PEx Veteran ⭐⭐
    Advice: Don't hijack another person's thread. Create your own.

    Anyway, since related naman sa topic yung dilemma mo, lusot ka na, I think.

    Tinatanong mo kung love ka nya or pinaglalaruan ka na naman?
    Tanungin muna kita, anong sagot ang gusto mong marinig?
  • purpleheadd07purpleheadd07 Babae po ako PEx Influencer ⭐⭐⭐
    advice ko lang ay mag type ka ng maayos din. ang hirap basahin eh.
  • Carlos_BCarlos_B Member PExer
    it just means hindi siya baog :glee:
  • cotton_oncotton_on strive for greatness PEx Influencer ⭐⭐⭐
    if you still love him and he loves you sincerely eh wala nang problema yun.

    basta be strong enough lalo na nasa malayo ka ulit. if you want to continue yan, go lang. be consistent sa communication ninyong dalawa.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file