FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Anak Na Nag Asawa Na-dapat Pa Bang Pumisan Sa Mga Parents Niya?

Anu ano ang advantages at disadvantages ng ganung sitwasyon? Share your comment...:D
«134

Comments

  • hoovenhooven Member PExer
    wala naman sa advantages o disadvantages iyan... kung magkakaroon ka ba ng peace of mind - iyon ang tanong diyan... hirap yatang pumisan...
  • the_BuGsthe_BuGs d ko hilig PExer
    depende sa situation.. kami sa 7 years na naming mag asawa naka hiwalay kami sa parents.. ang masasabi ko lang masaya at nagiging responsible ka dahil independent ka... parang matututunan mo yung mga bagay na kahit wala yung magulang mo...

    personally ayaw ko ng may byenan o magulang ko na kasama sa bahay..dahil ayaw ko na may nakikialam na magulang,kamaganak,kaibigan o ano man sa buhay naming mag asawa....... ok lang dalaw dalaw at stay ng ilang buwan pero permanently hindi.. paano ako matututo kung naka depende ako sa kanila? magiging unfair sa akin at sa asawa ko kung parehong may nakatira sa kanila...


    pero shempre may exception lalo na kung matanda na talaga na hindi na nila kaya na ako na lang pwede ang umako... baka yun pwede pa...
  • starry_nightstarry_night Member PExer
    hindi na dapat. unless siguro na nag-live in sila at underage pa. kailangan bantayan pa ng magulang un.
  • chinita_ksachinita_ksa Member PExer
    problema ko nga yan sa side ng husband ko eh.....dati ilang kapatid nya na mi asawa ang nakatira pa sa bhay ng parents nila...tapos pag kapos sa pagkain, pambayad ng kuryente at tubig, etc eh nag-o-overseas abroad para humingi ng saklolo. pag nagkameron sila ng kotning pera, ayaw na mag-share....sang sasabihin kulang pa sa kanila....nde na naawa sa biyenan kong babae na syang nagkaka-utang para mi malamon sila pag *** sila pera lahat!!!!
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    vicdiaz wrote: »
    Anu ano ang advantages at disadvantages ng ganung sitwasyon? Share your comment...:D

    Madalas sa 'Pinas magkakasama sa isang tahanan ang marami dahil sa kahirapan ng buhay. Kulang ang sahod upang makabayad ng sariling tirahan.

    Mga hijo't-hija: kapag nakamit na ninyo ang "financial independence", nag-asawa man o binata't dalaga pa, ay marapat na bumukod na kayo sa inyong mga magulang. Isang mahalagang life skill ang matutong maging INDEPENDENT. Putulan na ninyo ang umbilical cord ninyo sa magulang kung kaya na ninyong magsarili.

    Good luck sa lahat,

    -Just_JT
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    problema ko nga yan sa side ng husband ko eh.....dati ilang kapatid nya na mi asawa ang nakatira pa sa bhay ng parents nila...tapos pag kapos sa pagkain, pambayad ng kuryente at tubig, etc eh nag-o-overseas abroad para humingi ng saklolo. pag nagkameron sila ng kotning pera, ayaw na mag-share....sang sasabihin kulang pa sa kanila....nde na naawa sa biyenan kong babae na syang nagkaka-utang para mi malamon sila pag *** sila pera lahat!!!!

    Laganap ang ganitong suliranin kung saan inaabuso ng mga anak ang pagiging mapagbigay ng ina. Ang biyenan mo lang ang makalulutas ng suliraning ito.

    Good luck!

    -Just_JT
  • chinita_ksachinita_ksa Member PExer
    u're absolutely right, JUST_JT!!!! i think the problem is with my husband's parents kse they tolerate them that way....hay naku, bahala na nga sila....basta kami ng hubby ko nde umaasa sa kanila :)
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    u're absolutely right, JUST_JT!!!! i think the problem is with my husband's parents kse they tolerate them that way....hay naku, bahala na nga sila....basta kami ng hubby ko nde umaasa sa kanila :)

    Hija,

    Basta ipagpatuloy mo pa rin ang pagtulong mo sa biyenan mo. Kung kaya ninyong magsuporta ay gawin ninyo. Kapag mapagbigay ka sa ibang tao, magiging mapagbigay sa iyo ang kapalaran at sobra-sobra pa ang babalik sa iyo. Kapag madamot ka sa ibang tao, sobra-sobra din ang pagdadamot ng kapalaran sa iyo.

    All the best,

    -Just_JT
  • talkshowsonmutetalkshowsonmute Member PExer
    *** problema kung ok naman lahat saka tulong tulong sa lahat ng dpat gawin... pero panget **** kung uugod-ugod na parents tas aasa pa *** pamilya nung anak nila sa knila, that's not fair.
  • CheerUPCheerUP Member PExer
    For me, ideal na bumukod agad ang may asawa nang son/daughter. Pero sa Phils kasi ugali at custom na na hanggang ata magka-apo, ok lang na magkakasama. Hindi lang advantage para sa mga anak na may asawa, libre or minimal gastos sa rent, etc. pero advantage din sa aging parents na nagpapatira, kasi gusto nila may kasama sa house.

    Disadvantages naman - nagiging tamad and/or dependent ang married children na of course, nagiging example din sa mga kids/apo, na eventually magiging tamad din or walang ambisyon magiong independent. One more thing, dadating at dadating ang time na magkaka-inisan din ang mga magkakasama sa house. Tino-tolerate lang talaga nila ang isa't isa habang kaya. Nagbi-build up lang ng enough reason para bumukod sa isat isa. Disadvantage yun for both parties dahil pag super asar na sila, a) layasan sila ng married children nila b) pare-pareho silang atakihin sa puso sa sama ng loob sa isa't isa. :lol:
  • CheerUPCheerUP Member PExer
    Pisan or bukod?

    Bukod. It will be a lot less expensive, a lot less heartache and at lot less problems for all. Yung ibang parents kasi, sentimental lang. Masasanay din sila. Yung anak naman na married na, takot ng sudden responsibility or talagang hindi pa kaya. Ok lang pumisan pero kailangan may time frame na say 1-2 years. More than that, well, potential problem na talaga yan.

    I'd say, nip it in the bud bago lumala or bago pa maging problem.
  • incubusfrmhellincubusfrmhell Home Grown Gangstah ✭✭✭
    Just got married last september 08. I dont know if pag pisan ang tawag sa pagtira sa isa sa apartment sa compound ng parents. Pero yun ang ginagawa ko now as for the responsibility. We pay the rent shoulders the water and electricity bills, Mahirap lang tumira malapit sa magulang hehehe dami ka maririnig na mga paalala about sa pagaasawa kesyo dapat ganito dapat ganun but as long as you know what's your limit i guess ok lang.
  • meteorgirl27meteorgirl27 Member PExer
    Personal opinion ko, dapat hindi na pumisan ang isang anak na nag-asawa na, kasi yan din ang turo sa biblya na dapat humiwalay ang isang anak na nag-asawa na, at syempre mas maganda kung meron kayong sariling space, wala pakikisamahan, walang magiging problema at higit sa lahat matututo sa mga responsibilidad. Kaya kung darating ang panahon na ako'y mag-aasawa na, talagang sasabihin ko sa magiging asawa ko na dapat may sarili na kaming tirahan kahit upa lang kasi mas makakabubuti yun para sa amin.
  • unicaijarnunicaijarn Member PExer
    oo nga, dapat hindi na pumipisan. maawa naman sa mga inlaws dahil kahit papano lalaki rin ang expenses nila kung maraming nakatira sa bahay. tsaka wala kayong privacy pag ganun. lagi nakasandal.
  • lukas_d_gr8lukas_d_gr8 Member PExer
    Sabi ng tatay ko, kung mag-aasawa, dapat bumukod
  • nikkilovenikkilove Member ✭✭✭
    Definitely, bukod. If di nyo pa kaya, wag muna kayo magsama.

    You have no right to burden your parents or sponsors of the responsibility that should be yours. Oo paminsan minsan kung magigipit natural lang humingi ng tulong pangtawid ba. Pero di ganyang klaseng dependence, maawa naman sa magulang.

    Unless super mansion ang bahay nyo and tipong parang magkapit bahay ang layo ng kwarto nyo sa isa't isa. Pero nothing beats an independent lifestyle, yun ang tama pati pag nagkaanak na kayo.
  • Boytoy2000Boytoy2000 Member ✭✭
    Kung kilala niyo lang ang nanay ko. Hinding hindi ko ipagsasabay ang asawa at ang nanay ko sa isang bahay. !?!?!?!?
  • i_love_bluei_love_blue loves surprises! PExer
    Haay grabe. this is exactly what I'm feeling now. Ang hirap pala talaga ng may kasama kang newly married staying in your parents house no? Akala ko before madali lang pero ngayon dahil dito sa situation sa house namin mas narealized ko kung gaano ka-importante to be not just emotionally ready for marriage, pero dapat financially ready ka rin. more than 3 mos. na sila ritong nakatira and almost everyday, umiiyak ako. i don't know who to turn to. not even my youngest sister. i already talked to my parents about this (na nahihirapan ako.. na concerned ako sa sister ko etc.) and they told me to be patient nga raw and to understand their situation. i told them.. 'are we really serving their purpose why they got married in the first place?' everyday i always have this mental battle about our situation that i end up crying alone. :( ang hirap hirap. minsan natatarayan ko na brother in-law and sister ko.

    isang bagay rin na natutunan ko which my boss said to me was to treat myself as a "boarder" of my parents. since i am also working now, i should more or less abide to whatever rules my parents set on our house/family. medyo na-console rin ako in a way.

    sorry napakwento ako. dala lang siguro ito ng walang makausap sa family :(
  • JUST_JTJUST_JT Banned by Admin PExer
    isang bagay rin na natutunan ko which my boss said to me was to treat myself as a "boarder" of my parents.

    So what's stopping you from moving out yourself? Not being financially ready is not an excuse: people can survive independently on minimum wage.

    -Just_JT
    I'm.sure.you.make.more.than.minimum.wage.
  • ok lang kung maliit ang pamilya natural sa atin na extended ang family. pero kung marami kayong magkakapatid (just like us) eh bumukod ka na noh! magulo ang ganitong set up. ive been there..kaya ayun napadpad kami ng hubby ko sa malayo.
«134

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file