FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

Commute

aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
hello taga pasig ako , ano po ba yung pinaka mabilis at pinaka mura paputang ust? newbie pa kasi ako sa pag biyahe wala ako masyado alam .. thnx

Pasig => UST
«1

Comments

  • weetzie_batweetzie_bat Graduating Tiger PExer
    magttren ka tapos pedicab.. di ko sure
  • Wang wangWang wang Wang wang Buwang PExer
    LRT Santolan -> Legarda -> Pedicab
    LRT Santolan -> Recto -> Jeep

    Di ko sigurado, hindi kasi ako taga Pasig. :lol:
    Pero ganyan ginagawa ko pag galing ako Pasig.
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    pero tingin ko mas tipid pag dorm. kasi imagine kung araw araw ka gagastos ng pamasahe tapos hassle pa.
  • enid_warrenenid_warren In search of lost time PExer
    san sa pasig? kung sa may URC area, may FX dun na quiapo di ba? magpractice ka bago magpasukan :D

    kung malapit naman sa LRT, mag-LRT ka na lang
  • aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
    malapit po sa palengke , anyway yup meron dumadaan na quiapo dito
    pag ka quiapo ko ano po susunod?
  • buboybibobuboybibo Member PExer
    sa quiapo sakay ka ng jeep na biyaheng UST-Dapitan or mga jeep na dadaan ng espanya. tama yung isa, practice ka bago mag pasukan...
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    If you are along RCainta, Manggahan, Rosario, Ortigas side ng Pasig:

    1. may EMBC buses, ordinary and aircon, na byaheng Divisoria (Shaw-Mandaluyong-V Mapa-Lacson) ang main route nya) na dumadaan na mismo ng UST. kaso madalang lang ang yun pero kapag nachambahan mo, may discounted fare ang mga UST student.

    2. G-liner or RRCG buses na byaheng Quiapo:

    2.a. Baba ka ng Vicente Cruz (bago umakyat ng Flyover). Lakarin mo yung Vicente Cruz hanggang makakita ng terminal ng Jeep na byaheng UST/Forbes/Lacson.

    2.b. Baba ka ng Quiapo (mas mahal na pamasahe) at sakay ka ng jeep/FX na byaheng Cubao or SM North. baba ka sa harap ng UST (Goldilock's) at tumawid sa overpass.

    Kung sa kabilang side or city hall ka naman ng Pasig manggagaling:

    Sakay ka ng jeep or FX na byaheng Quiapo:

    1. Pasig - baba sa Vicente Cruz - lakad ng onti then sakay ng jeep byaheng UST/ Forbes/ Lacson

    or

    2. Pasig - baba sa Quiapo - sakay ng jeep/FX byaheng Cubao/SM North - baba sa UST


    Kung LRT2 saksakyan mo:

    1. Santolan Station - baba sa Pureza Station - Lakad ng onti sa Vicente Cruz - sakay ng jeep byaheng UST/Forbes/Lacson

    or

    2. Santolan Station - baba sa Legarda Station - sakay ng pedicab across the street (ingat sa snatchers!) at sabihin mo ibaba ka sa UST.

    Good luck! at sanayan lang yan. ^_^
  • aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
    ahh yung EMBC bus ba yun yung dilaw na bus na sinasabi nila?
    sabi kasi ng kapitbahay namin may oras daw ang pag daan nun dito sa pasig , benj20 alam mo ba *** schedule ng pag daan? sakto daw kasi e
  • benj20_phbenj20_ph Kapamilya For Life! PExer
    aztigarize wrote: »
    ahh yung EMBC bus ba yun yung dilaw na bus na sinasabi nila?
    sabi kasi ng kapitbahay namin may oras daw ang pag daan nun dito sa pasig , benj20 alam mo ba *** schedule ng pag daan? sakto daw kasi e

    basta dapat nasa Cainta-Manggahan-Tramo-Rosario-Ortigas side ka ng Pasig ha.

    mas madalas yung buses bound for Divisoria, both aircon (comfortable, yellow ones) and ordinary (old, red ones), early in the rush hour morning 4:30AM-7:00AM. every 15-30 minutes or so. minsan sabay pa ang 1 aircon at 1 ordinary.

    after that, magiging madalang na yan. every 45-60-75-90 minutes even up to 2 hours.

    ganito na lang, kapag nachambahan mo yung EMBC bus, kausapin mo yung conductor at ask mo yung mga probable hours na pagbyahe nila.

    at kung makukuha mo yung cell# nila o kaya nung EMBC bus terminal mismo, is will be good, para machecheck mo kung may dadaan na bus everytime na pupunta ka sa UST, sayang kasi ang oras kung maghahantay ka sa wala.

    and kapag naramdaman mo na you will be caught in heavy traffic, ride ka na lang ng LRT-2 via santolan station (from Rosario, ride jeep bound for Ligaya or Marikina, then baba ka sa Santolan, ride a tricycle bound for SM marikina/LRT-2, konting lakad lang along Marcos highway, nasa santolan station ka na.)
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    aztigarize wrote: »
    ahh yung EMBC bus ba yun yung dilaw na bus na sinasabi nila?
    sabi kasi ng kapitbahay namin may oras daw ang pag daan nun dito sa pasig , benj20 alam mo ba *** schedule ng pag daan? sakto daw kasi e

    ay oo! ito yung bus na sinasakyan ko when I lived in Cainta. As in sa tapat mismo ng gate ng lacson na baba mo. walang ka-effort effort. yun nga lang, bihira itong bus na ito.
  • aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
    thnx benj20 , ***** alam ko na aabangan ko nalang siguro may makakasabay naman akong ust student din doon kaya malaman ko kung may daan pa ba or what hehe
    joseph0487 wrote: »
    ay oo! ito yung bus na sinasakyan ko when I lived in Cainta. As in sa tapat mismo ng gate ng lacson na baba mo. walang ka-effort effort. yun nga lang, bihira itong bus na ito.

    bro pag nag bus ka , traffic ba madalas kung umaga? mga 530 or 6am sana alis ko dito sa pasig pwede na kaya un? 7am schedule ko e
  • weetzie_batweetzie_bat Graduating Tiger PExer
    pano pag proj. 4 manggagaling?

    ano mas maganda?

    jeep (isang sakay lang pero traffic!) o megatren anonas>legarda tapos jeep? (traffic din ata?)
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    aztigarize wrote: »
    thnx benj20 , ***** alam ko na aabangan ko nalang siguro may makakasabay naman akong ust student din doon kaya malaman ko kung may daan pa ba or what hehe



    bro pag nag bus ka , traffic ba madalas kung umaga? mga 530 or 6am sana alis ko dito sa pasig pwede na kaya un? 7am schedule ko e

    Well, hindi ko natry magbus (EMBC) that early. But one thing for sure, matraffic talaga yun kasi talagang rush hour yun eh (lalo sa ortigas area, naku). Nung nag-aaral pa ko matraffic talaga sa UST area. Yung route ko malapit lang sa UST, from Quezon Avenue (Sto. Domingo Church) to UST mga 30 mins na (with traffic) and 15 mins (without traffic). Malapit lang yun ah. Matraffic talalaga. Kung manggagaling ka ng Pasig, hindi lang yun ang traffic na daraanan mo. Andyan ang Ortigas, EDSA, San Juan (kung dun G-LINER/RRCG Bus ka), Shaw Blvd (kung EMBC bus ang sasakyan mo), dagdag mo pa ang traffic sa Lacson (dahil sa UST gates).

    Kung 7am ka, agahan mo siguro. Karamihan ng kakilala/kaklase kong taga Pasig/Cainta area, nage-LRT2 nalang kasi iwas traffic yun, in contrast sa bus na hassle na matraffic pa (prone pa sa holdapan). Yung classmate kong taga cainta dumadayo pa talaga ng Santolan to catch the LRT2 ride to Legarda Station kasi hindi daw talaga advisable magbus/jeep kung ganoong kalayo ang panggagalingan mo. Bukod sa matraffic, marami pang sakay-baba na eksena. So I would highly recommend you to take the LRT nalang kasi yang EMBC bus, kokonti talaga sila so rare. Lagi ka pa kabado kung may darating ba o wala. Magpractice ka bago magpasukan para alam mo route mo at hindi mawawala. Lalo kasi sa first day ng classes, talagang exaggerated ang traffic nyan.

    LRT ka nalang. Yun nga lang, dapat matuto kang isiksik ang sarili mo sa tren tulad nito:

    http://www.youtube.com/watch?v=X9nnXw_6WQs


    Kidding aside, oo masikip dun pero hindi naman ganyang kasikip.
  • uglymonxsteruglymonxster Member PExer
    hahaha!!! kuya joseph!!
    eksaj naman yung train na yun!!

    kung my nakapagpraktis na ng tamang route just post here nalang to help others like me! hahahahaha!

    pero kung mag-llrt ako... saang station ang pinaka malapit n babaan!!
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    Legarda Station tapos sakay nalang pedicab.

    Pede ring Recto Stn. kaso prone ka sa traffic down at lerma kasi sasakay ka pa ng Dapitan jeep or any jeep na dadaan ng Espa?a.
  • aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
    salamat sa kuya , ano naman po magandang pauwi?
    may nagsabi sa akin ok daw yung Quiapo > Pasig Palengke
    masmura daw yun?
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    aztigarize wrote: »
    salamat sa kuya , ano naman po magandang pauwi?
    may nagsabi sa akin ok daw yung Quiapo > Pasig Palengke
    masmura daw yun?

    di ko alam kung ano ang cost-efficient pauwi kasi ako noon i just take the route other way around.
  • enid_warrenenid_warren In search of lost time PExer
    aztigarize...pag pauwi mas ok na yung quiapo tapos fx pasig-palengke..unless maaga uwi mo, eh ok lang mag-lrt ka, pero kung tipong 5pm onwards...mag-fx ka na lang...nakita mo na naman siguro itsura sa LRT Santolan pag rush hour ng gabi?

    weetzie_bat...mag-LRT ka na lang! tapos may kakanta! "maliit na butas lumalaki!" :lol:
  • aztigarizeaztigarize Incoming Freshie PExer
    wao .. ang layo po kasi talaga samen ng LRT .. no choice ako kundi mag quipo tapos pasig palengke nalang siguro :)

    may alam ka pa po bang ibang route? yung ending pasig palengke kasi yun po yung malapit sa amin hehe
  • joseph0487joseph0487 Contemplare et Contemplata PExer
    aztigarize wrote: »
    wao .. ang layo po kasi talaga samen ng LRT .. no choice ako kundi mag quipo tapos pasig palengke nalang siguro :)

    may alam ka pa po bang ibang route? yung ending pasig palengke kasi yun po yung malapit sa amin hehe

    papasok? waw gudlak sa traffic. hehehe
«1

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file