FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

GEOFF EIGENMANN - BUMALIK sa GMA 7

ashley26ph2004ashley26ph2004 Sana Bukas May Kahapon Pa PExer
:spinstar:

‘I’m now 100 percent Kapuso’-- Geoff
By: Judith Pulido

Pumirma na ng 3-year exclusive contract sa GMA network last March 11 ang mahusay na aktor na si Geoff Eigenmann.

Isang mainingning na bituin na naman ang ma-dadagdag sa Kapuso station.

Geoff revealed sa press matapos ang contract signing na matagal niyang pinaghandaan ang pagpirma ng kontratang ito para maging Kapuso star.

“Nagpaalam naman ako nang maayos sa ABS-CBN, and we didn’t have to burn bridges naman,” sagot ni Geoff nang tanungin kung ano ang magiging reaction ng Dos sa kanyang paglipat sa GMA-7.

Sa ngayon ay Kapuso na raw siya at iyon ang mahalaga.

“For me, it really doesn’t bother me kung second choice lang ako. Sa script naman, pantay-pantay kami ni Marvin.I’m one hundred percent sure na aalagaan ako ng GMA,” dagdag pang rebelasyon ni Geoff.

Nang tanungin kung ano ang mami-miss niya ngayong nasa Siyete na siya ay sinabi nitong ang friends niyang kapwa artista na nasa Dos.

Supposed to be ay may gagawing dalawang shows sa ABS-CBN si Geoff.

“Maraming offers sa akin sa ABS-CBN pero last minute ay napapalitan ako. Siguro kasi ang daming stars ng Dos,” say pa ng simpatiko at poging anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Iginiit din ni Geoff na hindi sila dapat pagsabu-ngin at ipagkumpara ni Dingdong Dantes.

“We happened to be friends,” depensa pa niya.

May sagot din si Geoff tungkol sa isyu sa kanila ni Nikki Gil.

“Never naman na naging kami ni Nikki,” paglilinaw ni Geoff.

Kaya dapat abangan kung anu-ano mga programa ang pagbibidahan ng guwapong aktor, na mula sa kilalang pamilya ng mga batikang artista.

Pagbibidahan ni Geoff, sa kanyang unang sabak sa GMA ang malapit nang ipalabas na late night drama anthology na S.R.O. Cinemaserye.

Maraming plano ang GMA network na proyekto para kay Geoff para maipakita nito ang kanyang galing sa pag-arte at hindi lang si Geoff ang nagagalak sa kanyang paglipat kungdi maging ang mga taga-GMA-7.

“I am now 100 percent Kapuso,” pagmamalaki ni niya


Posted also at
http://tv.groups.yahoo.com/group/ABS-CBNKapamilyaPEXers2/


:spinstar:

Comments

  • comeoncomeon SKINs(LOVELY) PExer
    uu balik kapuso siya
    piro ok lang yan
    may pina baon naman ang dos sa kanya
    acting literal na pag acting ehehe

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file