Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

Regal Entertainment's OMG (Oh, My Girl!) with Judy Ann Santos & Ogie Alcasid

crystalblastcrystalblast PEx Veteran ⭐⭐
SOURCE: PEP

Judy Ann Santos and Ogie Alcasid to star in romantic comedy film

Nitz Miralles

Tuesday, March 3, 2009
03:36 PM

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na bukas, March 4, gaganapin ang pictorial nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa batikang photographer na si Jun de Leon para sa pagtatambalan nilang pelikula sa Regal Entertainment. Sa Saturday, March 7, naman ang story conference ng pelikula na ididirek ni Dante Nico Garcia, ang direktor ng Ploning na pinagbidahan Juday.

Romance-comedy ang tema ng pelikulang pagtatambalan nina Judy Ann at Ogie. May title ito na OMG (Oh, My Girl!), na may pagka-showbiz ang istorya. Kung hindi mababago, gagampanan ni Judy Ann ang role ni Darling, isang sikat na artista, at personal assistant naman niya si Ogie.

Sa pagkakaalam namin ay istorya ito ni Regine Velasquez, pero ang grupo nina Catski Flores at Raymond Lee ang susulat ng script. Si Noel Ferrer naman ng GMA Films ang supervising producer.

Sabi ni Direk Dante sa PEP, ang OMG ang papantay sa Payaso (1986) ni German "Kuya Germs" Moreno sa paramihan ng guest stars. Hindi na rin daw nila kailangang makiusap na mag-guest ang mga artista dahil ang mga kaibigan na mismo nina Judy Ann at Ogie ang nagbo-volunteer para mag-cameo sa pelikula.

Sa Sabado, March 7, pa malalaman ang final cast ng movie, yung hindi lang pang-cameo ang partisipasyon. But as of today, nabanggit sa PEP na kasama sa tentative list ang magka-love team na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Maganda kung matutuloy ang dalawa sa nasabing pelikula para hindi lang sila sa TV napapanood, sa pinagtatambalang Dapat Ka Bang Mahalin?.

Inaayos na rin ang schedule nina Judy Ann at Ogie para makapagsimula silang mag-shooting middle of this month at nang maipalabas na agad ang pelikula. Sanay na ang tao na makitang nagko-comedy si Ogie, kaya si Judy Ann ang aabangan tiyak ng fans.

Close na sina Judy Ann at Ogie, pero mas naging close ang dalawa nang tulungan nina Ogie at Regine ang aktres sa kampanya nitong makapasok sa Oscars ang Ploning. Nagpa-charity dinner si Regine sa bahay niya, kung saan si Judy Ann ang nagluto. Bukod dito, nag-donate pa sina Ogie at Regine ng mga gamit na ipina-auction ni Judy Ann.

Bilang ganti, noong February 13 ay nagbigay ng pre-Valentine's dinner si Judy Ann kina Regine at Ogie sa bahay pa rin ng Asia's Songbird. Si Juday rin ang nagluto at ang fianc? nitong si Ryan Agoncillo naman ang kumuha ng mga litrato.

Ang pagsasama sa pelikula nina Judy Ann at Ogie ang resulta ng closeness nila, kasama siyempre sina Regine at Ryan. At hindi na kami magugulat kung may cameo role din sa OMG sina Regine at Ryan.

Gagawin ni Judy Ann ang pelikula nila ni Ogie habang busy siya sa pag-aasikaso sa nalalapit na kasal nila ni Ryan at sa pag-aayos ng kanilang lilipatang bahay. Pagkatapos ng OMG, saka isusunod ang movie nina Juday at Ryan sa Regal Entertainment pa rin. May sitcom din silang gagawin sa ABS-CBN sa direksiyon ni Joey Reyes, na nagdirek ng pelikula nilang Kasal, Kasali, Kasalo at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo.
«13456712

Comments

  • jasgeenajasgeena PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I like the title OMG uso ngayon. :lol:
  • crystalblastcrystalblast PEx Veteran ⭐⭐
    may wikipedia na pala...ang bilis :D

    http://en.wikipedia.org/wiki/OMG_(Oh,_My_Girl!)
  • jasgeena wrote: »
    I like the title OMG uso ngayon. :lol:

    akala ko nga nung una yun na yun eh nyahahaha
  • nasa SNN news pala sila .....kwela nga daw :glee:
  • crystalblastcrystalblast PEx Veteran ⭐⭐
    ^nasa TVPW din...yung behind-the-scenes sa pictorial with Jun De Leon...may kaunting interview din with direk GA, OGIE, and JUDAI...it looks like magiging magaan at masaya ang pagtratrabaho nila *okay*

    thanks to pinoy of JAS thread :)


    Regine meddles in Ogie’s new project
    By: Aster Amoyo
    If I Know

    IT’S confirmed: Judy Ann Santos and Ogie Alcasid are doing a movie soon under Regal Entertainment.

    “Yes, I will be Juday’s next leading man. And what excites me more is that I’m part of the writing team,” Ogie said.

    Interestingly, his ladylove Regine Velasquez has inputs too in the project.

    “To begin with, this is our original concept. Mother Lily (Monteverde) commissioned some new writers to help us develop the story. Dante Garcia, the director of Juday’s "Ploning" will also handle this project. I’m certain that it will turn out fine,” says Ogie.

    The film, titled "Oh My Girl" belongs to the romantic comedy genre.

    “It’s a feel-good movie, something that leaves a smile on the viewers’ faces after watching it in the theater. And definitely, it has a heart. It’s like watching an Adam Sandler or Ben Stiller flick.”

    Their maiden venture in scriptwriting, Ogie said that he and Regine want to make sure that the public will not get disappointed.

    “For one, we are very meticulous with every detail. We want our brilliant concept be transcended to the big screen the way we visualized it. It’s really one thrilling project. We hope it makes a killing at the tills,” the talented host-comedian said.
  • promoteone.jpg

    Hi po! Papromote lang po.


    Please watch Jairus in Pieta after Parekoy (in the Philippines)/ Tayong Dalawa (in the USA).


    promotetwo.jpg

    Please visit his thread, http://pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=281637

    Thanks po! *okay*
  • can't wait..

    i just hope mapromote ng maayos..
  • Hi! excited about this movie..Good luck!
  • OMG (Oh, My Girl!) is a romantic comedy film produced by Philippines' Regal Entertainment and Ploning director Dante Nico Garcia. Judy Ann Santos stars as the famous actress named Darling while Ogie Alcasid plays Darling's personal assistant. The film is about friendship and love in the entertainment industry. Many of Santos' and Alcasid's friends in showbusiness are expected to appear in cameo roles. [1]

    Cast
    Judy Ann Santos...Darling
    Ogie Alcasid...
    Kris Bernal...
    Aljur Abrenica...
  • wow!!new movie for Juday....excited na ako panoorin yan with Ogie siguradong riot sa comedy.
  • eb65e7669.jpg

    [highlight]Judy Ann Santos and Ogie Alcasid will tickle funny bones in Oh My Girl![/highlight]

    Jocelyn Dimaculangan

    Friday, March 6, 2009
    08:41 PM

    Young superstar Judy Ann Santos teams up with singer-songwriter-comedian Ogie Alcasid for the upcoming comedy Oh, My Girl! (OMG). It will be helmed by Ploning director Dante Nico Garcia under Regal Films.

    In a previous interview, Direk Dante told PEP (Philippine Entertainment Portal) that the story was conceptualized by Asia's Songbird Regine Velasquez.

    He also pointed that viewers will see a different Juday in the film OMG, which is scheduld to grind before the end of the March.

    "Gusto ko kung gaano ka-kime si Juday sa Ploning, ganun siya ka kahinhin sa Ploning, gusto kong i-reverse," said Direk Dante. "Alam ko mas mahirap magpatawa kaysa magpaiyak kaya gusto ko lang i-try. It's a story by Regine Velasquez and it will star Ogie Alcasid and Juday. Sa story, nag-collaborate kaming apat: si Ogie, si Regine, si Juday at ako," says Direk Dante about his second full-length feature film. (Click HERE to read more about his future projects.)

    According to Regal matriarch Mother Lily Monteverde, "This is a movie borne out of friendship. Undoubtedly, Juday and Ogie are two of the most loved personalities in showbusiness, and their friendship goes beyond what is seen by the cameras. Ogie was one of those who stood by Juday during the Ploning fund raising and unknown to the public, Juday and Ogie together with their respective parties spent Valentines with a double date."

    Aside from occasional guestings and co-hosting chores in S.O.P., Juday was last seen gracing Ogie's anniversary concert via a short film-music video directed by Dante Nico Garcia. "But this film will just be a riot, we shall do everything to make this work," said Ogie.

    For her part, the female ABS-CBN talent said that she is equally excited to shoot this comedy film with the GMA-7 TV host-singer. "I look forward to having a grand time in the set as I always enjoy being with Ogie."

    Asia's Songbird Regine Velasquez is also one of the key people why Oh My Girl's story came to be. "Juday and Ogie have sowed a lot of goodwill in the industry and Oh My Girl! will be a testament to their love and friendship. We hope to make evident onscreen the positive vibes that we all feel about the project," remarked supervising producer Noel Ferrer.

    "This production is teeming with friends who are deemed as the best in the industry, so we are really excited to see through this project's fruition," said Roselle Monteverde-Teo, Regal's heiress.

    Mother Lily emphasizes, "All of us have best friends and soul mates, and I'm sure a lot of people will identify with Juday's and Ogie's characters in Oh, My Girl!—the partnership of an odd couple magnetized by friendship which makes the chemistry all the more interesting and worth waiting for."


    Oh My Girl! (2009)

    Written by: Tanya Winona Bautista

    Directed by: Dante Nico Garcia

    Genre: Romantic-Comedy

    Based on a Concept By: Ogie Alcasid, Emman dela Cruz, Regine Velasquez

    Story Developed for Film by: Ogie Alcasid,Tanya Bautista, Emman dela Cruz, Dante Nico Garcia, Josel Garlitos, Raymond Lee, Regine Velasquez


    SYNOPSIS. Oh My Girl! is a love story about a young superstar desperate to find her true identity and a simple cell phone repair man desperate to find his greatest love. They overcome outrageous odds to find their hilarious way back to each other. OMG promises to make you laugh out loud by showing the crazy things we do in the name of lasting friendship and enduring love.
  • yes...comedy! may aabangan na naman kay Juday *okay*
  • Story conference this Saturday ng OMG! o Oh, My Girl!, ang pelikulang pagtatambalan nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid sa Regal Entertainment to be directed by Dante Nico Garcia.

    All-out comedy ang pelikula na mapupuno ng cameo roles ng mga kaibigan ng dalawa.

    Dagdag na ikatatawa ng manonood ng pelikula ang ibang cast na kinabibilangan nina Carmi Martin, Roderick Paulate at Nova Villa.

    Si Carmi ang lalabas na nag-adopt kay Darling (Judy Ann) at si **** ang mag-a-adopt kay Ogie.

    Kasama rin si Bituin Escalante as Judy Ann’s ghost singer at join din daw si Aljur Abrenica.

    Ngayong Marso sisimulan ang shooting ng pelikula.
  • crystalblastcrystalblast PEx Veteran ⭐⭐
    ^thanks Aquapisc :wave:

    natawa naman ako at talagang Bituin Escalante ang ghost singer ni Judai :bounce:

    tapos ang nag-ampon sa kanila ay D i c k and C a r m i :lol:

    mukhang riot ang pelikula na ito *okay*
  • bing74 wrote: »
    snn15.jpg

    mukha talagang kwela to *okay**okay*
  • Mali ang duda ng iba na kaya si Dante Nico Garcia ang direktor ng Judy Ann Santos-Ogie Alcasid movie under Regal Entertainment, Inc. ay dahil BFF (best friend forever) ng direktor ang bidang babae ng pelikula.
    Ayon sa isang malapit kay Ogie, mismong ang singer/comedian ang nagdesisyong si Ga (palayaw ng BFF ni Juday) ang mamahala ng nasabing proyekto at walang kinalaman doon ang pagiging malapit nito sa young superstar.
    Mukhang impressed si Ogie sa Ploning na idinerehe ni Ga, kaya ito na rin ang pinagdirek ng OMG (Oh, My Girl).
    Nang maka-chat ko kahapon sa Facebook si Ga, sinabi niyang noong una, ayaw sana ni Juday na siya ang magdirek ng OMG para walang intriga, pero si Ogie raw ang nagsabing siya ang “one and only choice” ng singer/comedian to handle the project.
    “With Ogie’s big help sa Ploning, sino ba naman ako para tumanggi? Siyempre, happy ako sa tiwala ni Ogie sa akin,” sey ni Ga.
  • s-08-juday-ogie-1path.jpg


    Juday at Ogie, nagmamahalan sa tunay na buhay



    Ngayon pa lamang, excited na ang mga moviegoers sa mangyayaring team up nina Juday at ang singer-songwriter-comedian Ogie Alcasid sa isang laugh-out-loud at outrageously funny love story sa OMG (Oh My Girl!) handog ng Regal Films, sa direksyon ni Dante Nico Garcia.


    Bakit exciting ang OMG (Oh My Girl)?


    First big screen team up ito nina Juday at Ogie na pawang excited sa paggawa ng proyekto.


    Follow up film ito ni Direk Dante Nico Garcia after his highly successful Ploning. At kung tutuusin, sa totoong buhay, sobrang kalog at nakakatawa si Direk Dante.


    Kasama si Regine Velasquez sa pagbuo ng istorya at ngayon pa lang, ginagawa na ni Ogie ang theme song ng pelikula.


    Ang supervising producer na si Noel Ferrer (na kaibigan din ng dalawa) ang nakaisip ng title na OMG (Oh My Girl)! At ang Regal heiress na si Roselle Monteverde ang tuwang-tuwa sa pagsasama nina Juday at Ogie.


    Positive ang vibes ni Mother Lily kina Juday at Ogie dahil kilala niya ang dalawang ito bilang tunay na magkaibigan na nagmamahalan – at malaki ang naitulong sa Regal films sa kanilang 48 years sa industriya.


    Inaasahan na marami sa mga kaibigan nina Ogie at Juday ang sasali sa pelikula sa kanilang came*o performances.


    Magsisimula na ang shooting ng OMG nga*yong Marso!
  • “This is a movie borne out of friendship,” sabi ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.


    Undoubtedly Juday and Ogie are two of the most loved personalities in show business, and their friendship goes beyond what is seen by the cameras.


    Ogie was one of those who stood by Juday during the Ploning fund raising and unknown to the public, Juday and Ogie together with their respective parties spent Valentines with a double date.


    Aside from occasiona*l guestings and co-hosting chores in S.O.P., Juday was last seen gra*cing Ogie’s anniversary concert via a short film-music video directed by Dante Nico Garci.


    “But this film will just be a riot, we shall do everything to make this work,” said Ogie.


    “I look forward to having a grand time in the set as I always enjoy being with Ogie,” said Judy Ann.


    “Juday and Ogie have sowed a lot of goodwill in the industry and Oh My Girl! will be a testament to their love and friendship. We hope to make evident onscreen the positive vibes that we all feel about the project,” supervising producer Noel Ferrer remarked.


    “This production is teeming with friends who are deemed as the best in the industry, so we are real*ly excited to see through this project’s fruition,” sabi ni Roselle Monteverde-Teo.


    “All of us have bestfriends and soul mates, and I’m sure a lot of people will identify with Juday’s and Ogie’s characters in Oh, My Girl! – the partnership of an odd couple magnetized by friendship which makes the chemistry all the more interesting and worth waiting for,” sabi pa rin ni Mother Lily.
Sign In or Register to comment.