Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Discuss your bets and predictions on who will be the next Miss Universe. 👑

Usapang pera...

mindweavermindweaver PEx Influencer ⭐⭐⭐
Naranasan nyo na ba yung noong nagkaroon kayo ng trabaho at mataas na salary eh yung mga kapamilya nyo eh lagi ninyong napapag usapan ang pera? "May babayaran sa ganito", "may sakit si ganyan", "Bibili ako ng ganun kasi importante", tapos syempre sa inyo galing yung pambili. Pero nung hindi pa ganoon kalaki ang sahod mo eh hindi nyo naman iyon napapagusapan o kaya sasabihin nila "kung magkano lang maibigay mo" o kaya "bahala ka na sa bibigay mo" or hindi nyo talaga napag uusapan at all.

Nangyari na ba sa inyo to?

Comments

  • neneodinneneodin PEx Veteran ⭐⭐
    Parang nagkaganon na rin ang sitwasyon ko pero marunong akong kumambyo sa kanila at ipinakita ko ang aking boundary.Dahil kung bukas-palad ako sa kanila,ako rin ang mahihirapan.
  • I don't mind sharing mine as long as may sobra or may excess sa part ko. They understand naman my situation na I can't always provide for those biglaang expenses.
  • okey lang siguro yun.. ganun naman talaga ang magpapamilya kung sino meron sya dapat mag bigay.. kailangan mo din i sacrifice yung pangangailangan mo para sa kapakanan ng pamilya mo.. pamilya mo yan, thru thick and thin kayo parin ang magkakasama hanggang sa huli.. ang kaibigan maari kang talikuran, pero ang pamilya hindi.. sila ang buhay mo at dapat lang ipakita mo sa kanila na mahalaga sila sa iyo.. kahit na may ilan sa mga meyembro ng pamilya mo na blacksheep at parang inaabuso ang kabaitan mo.. ipakita mo rin sa kanya na hindi maari yung mga ginagawa nya.. madadala naman siguro yun sa mabuting usapan.. paliwanagan mo ng maayos.. and everything will be okay.. that's it.
  • amiloproamilopro PEx Veteran ⭐⭐
    we never believed in retirement in our family and everybody works until the day they die or they get sick :) Kahit mapa-odd job pa yan like handing out flyers, everybody works.
  • Yup, been through something similar...or maybe worse. Ako kasi, di lang hinihingian, ako lang gumagastos. Sa kin, walang problema kung hati hati tapos pantay ang hati. What really pushed me to confront them is the fact that I was the youngest in the family at wala pang mga pamilya yung mga kapatid ko pero may mga trabaho rin. Mas malaki lang sweldo ko. But I still felt it was unfair na porque mas malaki sweldo ko e pwede na nila ako gamitin.

    TS, I'm not sure what your real situation is, but I know how difficult it is to confront your family when it comes to money. Siguro sagutin mo muna mga tanong na to:

    - how much do you give? how much does the rest of the family give? unless there's a justifiable reason, dapat pareho ang sagot....
    - ano ba ang bibilhin at sino makikinabang? its unfair to make you pay for something you did not agree to buy or something you never get to use...
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐
    EcKo_01 wrote: »
    I don't mind sharing mine...


    pahingi naman ng balato... kahit isang milyon.
    syempre down payment pa laang yan, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • okay lang kung family e...pano kung yung pati extended family?
  • rvjrvj PEx Influencer ⭐⭐⭐
    okay lang kung family e...pano kung yung pati extended family?

    oo nga kaso minsan pati family mo na lolokohin ka pa.
    para daw sa school nang anak pero bayad na pala yun.
    mga makakapal mukha.
  • hmmm..pede ba yung ganitong situation?

    i pay for everything for myself, including rice ng bahay

    my brother, who works for my dad, and upon knowing my salary range, my mom barged to have it increased to much higher than mine and kept it a secret from me, doesn't pay for a thing kasi si ermats pa din ang may sagot.

    pero pagnashort ako, ako pa yung pinagagalitan. :lol:

    wala ganun ****. sad kasi sa family pa natin una nararanasan mga ganyang bagay tsk tsk
  • neneodinneneodin PEx Veteran ⭐⭐
    okay lang kung family e...pano kung yung pati extended family?

    Nung nasa abroad na kami ng sister ko,ang nagsaya ay yung kamag-anak namin hindi mismong pamilya ko.Kaya kinontrol ko ang padala nun,sinabi ko na wala akong trabaho at mister ko lang ang kumikita sa amin at nakakahiyang manghingi para ipadala sa kanila.Dahil tatay ko nun,parang amerkanonglasing,panay pamigay.Kaya bawat asenso ng kinikita ko,walang nakakaalam sa pamilya ko para wala ring manghingi ng manghingi.

    Ang matindi nyan ay nung umuwi ako,may nakakita pala sa aking kamag-anak na mahigit ng 2 decades na hindi nagpapakita sa amin,aba,nagpunta sa amin at nangungutang ng 20 thousand at pangtuition daw ng anak nya.May makukuha daw sila sa loan sa SSS pero di pa nadating kaya nahiram muna sa akin.Ang sagot ko lang sa kanya"ibibigay ko ang telephone number ng mister ko,ikaw na ang kumausap sa kanya dahil galing sa kanya ipinamasahe ko pauwi ng Pinas!".Natauhan yata at di na bumalik pa sa amin.
  • mindweavermindweaver PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ german ba mister mo nene? parang natakot kamag anak mo manghiram ah. Siguro ganon nga no, yung mismong kamag-anak mo sila yung malakas na loob na umutang syo pero kapag sa asawa mo na, meyo nawawala kapal nila humingi.

    Ang ayaw ko lang eh yung hindi pa man din dumadating sahod mo eh parang nakalista na ang mya dapat mong ibigay sa kanila - mas alam pa nila sasahurin mo kaysa syo ultimo deduction. hahaha
  • mindweaver wrote: »
    Naranasan nyo na ba yung noong nagkaroon kayo ng trabaho at mataas na salary eh yung mga kapamilya nyo eh lagi ninyong napapag usapan ang pera? "May babayaran sa ganito", "may sakit si ganyan", "Bibili ako ng ganun kasi importante", tapos syempre sa inyo galing yung pambili. Pero nung hindi pa ganoon kalaki ang sahod mo eh hindi nyo naman iyon napapagusapan o kaya sasabihin nila "kung magkano lang maibigay mo" o kaya "bahala ka na sa bibigay mo" or hindi nyo talaga napag uusapan at all.

    Nangyari na ba sa inyo to?

    magtira ka para sa sarili mo..mag open ka ng savings ng hindi nila alam..ok lang tumulong,huwag lang sobra...
  • neneodinneneodin PEx Veteran ⭐⭐
    mindweaver wrote: »
    ^ german ba mister mo nene? parang natakot kamag anak mo manghiram ah. Siguro ganon nga no, yung mismong kamag-anak mo sila yung malakas na loob na umutang syo pero kapag sa asawa mo na, meyo nawawala kapal nila humingi.

    Ang ayaw ko lang eh yung hindi pa man din dumadating sahod mo eh parang nakalista na ang mya dapat mong ibigay sa kanila - mas alam pa nila sasahurin mo kaysa syo ultimo deduction. hahaha

    German ang mister ko pero kung humawak ng pera ay parang Ilocano.
    Pagdating naman sa tulong lalo na sa nanay ko ay mabait sya,wag lang sa kamag-anak,mamimihasa daw.

    Pansin ko lang bakit sa ating mga Pinoy di maalis na may kamag-anak na nahingi ng tulong lalo na pagdating sa pera,dito sa lugar ko,wala silang pakialamanan kahit close ang relationship nila.Tayo lang ba ang ganito ang tradisyon????
  • froshie1froshie1 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ako eto experience ko. I have a local job and iyong Aunt kong nasa states ipinaubaya ang basic needs ng nanay nya (bale lola ko) at sya lang daw sa gamot na kulang pa ang binibigay as in kulang. Sinabi ko na ito dati pa pero kulang talaga at iyon lang daw ang maibibigay nya. Ako naman ok finel, pinagkakasya ko at nagdadagdag sa kulang.

    Kaya lang nagbago ang lahat. Noong sinabi kong hindi ko na kaya at bumukod na kami ng pamilya ko, galit at asar na asar sa akin at hindi nya maintindihan kung baket ganun. Di ko mahandle ang kanyang kaasaran at tatay ko na ang sumagot.

    I hope na sana maintindihan nya na sya ang directly na dapat ang may responsibilidad doon kaysa sa ipapasa nya sa akin na ang sweldo ko lang ay hindi ganun kataas at kailangan ko pang supportahan ang needs ng pamilya ko. She is a professional engineer in the US of A. Dinadahilan nya may pinapaaral pa syang isang college level at masters. Pero isip isip ko scholar naman iyong dalawa at board and lodging lang and some books ang gastos. Yeah may gastos pa rin pero di katulad ng sasagutin nya lahat fully ang tuition. Isa pang rason nya, ako rin dapat ang may responsibilidad dahil kadugo ako ng lola ko. Eh inisip ko kung ganun lang, dapat iyong mga pinsan ko sa states mag chip in din sa mga summer jobs nila pero hindi ko na sinabi iyon.

    Isa pa bago kami bumukod, may health concern ang anak ko at isa iyon sa mga reasons kaya bumukod kami ng bahay (iyong bahay na dati naming tinitirhan hindi sa lola ko kundi sa parents ko). Iyong lola ko kasi on/off ang pneumonia at nakakahawa ito sa mga batang bata ang edad (rare ages ang nahahawaan nito sabi ng doctor ko it's either matandang matanda na or batang bata). Noong sinabi ko na bubukod na kami at syempre di ko na kakayanin dahil bumili kami ng bahay ayun doon sya naasar dahil malamang iyong comfortable life nya sa abroad ay mababawasan.
  • rvj wrote: »
    oo nga kaso minsan pati family mo na lolokohin ka pa.
    para daw sa school nang anak pero bayad na pala yun.
    mga makakapal mukha.
    neneodin wrote: »
    Nung nasa abroad na kami ng sister ko,ang nagsaya ay yung kamag-anak namin hindi mismong pamilya ko.Kaya kinontrol ko ang padala nun,sinabi ko na wala akong trabaho at mister ko lang ang kumikita sa amin at nakakahiyang manghingi para ipadala sa kanila.Dahil tatay ko nun,parang amerkanonglasing,panay pamigay.Kaya bawat asenso ng kinikita ko,walang nakakaalam sa pamilya ko para wala ring manghingi ng manghingi.

    Ang matindi nyan ay nung umuwi ako,may nakakita pala sa aking kamag-anak na mahigit ng 2 decades na hindi nagpapakita sa amin,aba,nagpunta sa amin at nangungutang ng 20 thousand at pangtuition daw ng anak nya.May makukuha daw sila sa loan sa SSS pero di pa nadating kaya nahiram muna sa akin.Ang sagot ko lang sa kanya"ibibigay ko ang telephone number ng mister ko,ikaw na ang kumausap sa kanya dahil galing sa kanya ipinamasahe ko pauwi ng Pinas!".Natauhan yata at di na bumalik pa sa amin.

    hay nakakarelate ako. ganun yata tayong mga nasa abroad, akala ng mga kamag-anak ay nangingitlog lang tayo ng pera.

    last year inis na inis ako sa nanay ko at mga kamag-anak ko. siguro mga 6 months din akong di nagparamdam masyado. kapag nag-ym at puro pera ang pinag-uusapan, parang gusto ko na maglog-out at lagi akong nagdadahilan na matutulog na ako.

    sobrang feeling ko minsan pasan ko ang mundo. ang dami naman nag-abroad sa side ng father ko e kung bakit ako pa ang laging inuutangan at hinihingan ng pera ng mga tiyahin at tiyuhin ko. mother side ko naman, yung lola ko at yung 2 kapatid ng nanay ko...kung hindi nahingi ay nautang din ng pera. kung ako lang masusunod di talaga ako magpapahiram. aba, nung nag-aaral ako e halos magkandaiyak na ko makakuha lang pambayad ng tuition ko pero isang kusing na bigay nila medyo galit pa...tapos ngayong gumiginhawa kami ng pamilya ko e gusto naman nila ibigay lahat ng katiting na naipon namin.

    nanay ko naman naiipit, kasi lagi sya ang hingian ng lola ko ng pera. sabi ko, bigyan na lang nya ng grocery para kahit papaano may napupuntahan talaga yung pera ko...aba! ayaw ng grocery, pera na lang daw. yung isa namang tito ko, nanghiram ng tuition ng anak nya (dalawang anak nya sa private school). nagkasakit kasi sya pero yung perang hinihiram ay napakalaki. sabi ko sa nanay, kung nga yung kapatid ko di mapag-aral sa private school, tapos manghihiram ng pera...di naman nila mababayaran. yung isa naman nyang kapatid, gusto malaman kung magkano pera ko sa bangko. sya na daw maghahandle at pede daw ba makahiram kung kapusin sa pagmemed school yung 2 kong pinsan. whoah!! pati pagmemed school ako pa sasagot? huh! di nga ako nagmed school kasi alam kong di naman afford e, tapos ako naman magshoshoulder nung sa kanila??

    ang lalong nakakainis neto, yung mga kapatid ng tatay ko (10 silang magkakapatid). tatlo sa kapatid nya ang nasa abroad pero yung iba kong tita sakin lumalapit kahit maliit na bagay. yung pangsalamin ng anak, pambaon, konting panggastos....haaaaaaaaaaaaaayyy. kaya nanay ko minsan nagbibigay ng pera di na sinasabi sa akin. ang nangyari tuloy ubos ang ipon ko! hindi naman ako palagi nagbibigay sa kanila at tumatanggi na din ako, kaso nakakainis lang pag meron pang mga sinasabi na tipong walang utang na loob...at bakit daw akala e laging mangungutang sila. totoo naman na palaging nangungutang :lol:

    so sabi ko sa nanay ko, next time mamigay sya ng pera na hindi nagpapaalam e titigil na talaga akong magpadala ng pera. iiwan ko na lang sila ng parang bula at di na ko magpaparamdam. tulad ngayon recession pa...sabi ko hindi lahat ng panahon ay may trabaho ako sa ibang bansa at syempre gusto ko rin naman magkaroon ng pamilya balang-araw. buti naman at natauhan..simula noon ay bihira na sya magbanggit ng tungkol sa pera hehe.
  • neneodin wrote: »
    German ang mister ko pero kung humawak ng pera ay parang Ilocano.
    Pagdating naman sa tulong lalo na sa nanay ko ay mabait sya,wag lang sa kamag-anak,mamimihasa daw.

    Pansin ko lang bakit sa ating mga Pinoy di maalis na may kamag-anak na nahingi ng tulong lalo na pagdating sa pera,dito sa lugar ko,wala silang pakialamanan kahit close ang relationship nila.Tayo lang ba ang ganito ang tradisyon????

    Haha. Germans do have the reputation of being precise and stingy, diba?

    In most Western countries, Germany especially, the people all are into Protestant work ethics, kaya super todo kayod sa trabaho. They work hard so they do not have to depend on others for their needs.

    Anyway, yes, feeling ko masyado kasing close-knit ang Pinoy family and Filipino parents expect that their children will help them in their old age. Ang masaklap nga, minsan, pati extended family tulungan din. OK lang sana kung bata pa, o invalido o may kapansanan o may sakit yung tutulungan pero kung *** tutulungan mo ay yung kapatid mo na tambay sa kanto pero ang lakas ng katawan at ayaw magtrabaho, mag-isip isip ka na...:naughty:
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    ... at karamihan sa mga utang o hinihiram na pera hindi
    binabayaran kadugo natin o hindi. kung baga grabeng
    utang kalimutan, de vaah?

    tapos kung uuwi ka ng pilipinas... umaasa sila ng mga
    pasalubong. plural ang sinabi kong pasalubong, noh!

    sa kabilang dako... kahit sana pangkonsuelo o katiting
    na regalo sa balikbayan, eh, walang binibigay, de vaah?

    sige nga... sabihin nyo na mali ako. aber!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • onga, giniGuilt trip ka pa na nahihirapan sila tapos ikaw may ipon naman, baka pwedeng pahiram muna.... ang hirap pang tumanggi kasi nakakatanda pa sa iyo ang mga humihiram...
  • ~gIrLnXtDoOr~~gIrLnXtDoOr~ PEx Veteran ⭐⭐
    naku never kong na-experience yan... even when i worked abroad.. ***** i'm one of the lucky ones to have a family lke that.. kaya naman ako na ang nahgkukusa na magbigay ng share ko sa bahay.
Sign In or Register to comment.