Homeโ€บ PEx Campus

Paano Ba Pumunta Sa San Sebastian???

Help Naman Po Kasi Kuha Ng Exam Pamangkin Ko Sa San Sebastian Pano Po Ba Pumunta Dun..taga Bulacan Kami...balagtas Bulacan...help Lang Po..salamat!!!!

Comments

  • ang alam ko may mga bus from bulacan na dumadaan sa sa Rizal Avenue ba yun? basta yung malapit sa Blumentritt.

    Ask mo na lang sa driver sa ibaba kayo sa Blumentritt malapit sa UST then lakad lang kayo papuntang UST tapos pag dating sa Dapitan, sa likod ng UST, may mga jeep dun papuntang Morayta, sumakay kayo.

    pagkababa ninyo, tawirin lang ninyo yung overpass, tapos lakarin ninyo yung Morayta street (may mga bus like GLiner at RRCG na dumadaan dun). madadaanan ninyo ang FEU sa Morayta.

    tapos turn sa left sa Recto at madadaanan ninyo ang gate ng UE at may mga fastfood dun like jollibee.

    pagkalagpas ng onti UE tumawid kayo sa kabila at hayun back entrance na San Sebastian yun.

    yung main entrance ng Baste ay sa Plaza del carmen, sa kabila ng recto, at nanduon naman yung San sebastian parish.

    basta pag nasa morayta-recto na kayo, ask na lang kayo sa mga tao.
  • kung bus po kayo, pili kayo na ang terminal sa Avenida, kung sa Monumento kayo or anywhere along Avenida bababa, sakay kayo LRT, pa Baclaran, baba kayo ng Doroteo Jose, lakad kayo pa Recto, sakay kayo ng Cubao, FX o Jeep.

    kung sa Cubao naman terminal nyo, punta kayo pa Aurora Blvd. pwede kayo mag MRT pa Recto, baba kayo sa Bustillos. tapos jeep pa Divisoria, pwede nyo rin namang lakarin.

    kung private car naman, sundan nyo pa din yang routa na yan, wala naman ako maisip na shortcut.
  • meteorcatchermeteorcatcher UE FIGHT! PEx Expert ๐ŸŽ–๏ธ
    Taga balagtas Bulacan din ako. Im from UE, mgakalapit lang ang baste at UE, halos magkatabi na. From Balagtas sakay ka ng German Espiritu na bus byaheng Divisoria. Baba ka ng Tutuban then sa harap ng tutuban mall sakay ka ng byahe either san juan, cubao or kahit ano na pala dumadaan naman lahat ng baste. Mas madali makita yung UE kesa baste, pag nakita mo na yung UE pwede ka na bumaba. O kaya sabihin mo sa driver ibaba ka ng baste.
  • Help Naman Po Kasi Kuha Ng Exam Pamangkin Ko Sa San Sebastian Pano Po Ba Pumunta Dun..taga Bulacan Kami...balagtas Bulacan...help Lang Po..salamat!!!!

    Hi! Di ko alam sa Bulacan but ang suggestion ko ay punta ka ng Monumento. Sakay ka ng LRT. Baba ka sa Doroteo Jose Station.

    Lakad ka ng kaunti papuntang Recto. Tawid ka ng kalye tapos sakay ka ng jeep ng direction papuntang Cubao, San Juan or Sta. Mesa. Sabihin mo sa driver na ibaba ka sa San Sebastian. The ride should not be more around 5-10 minutes lang under normal traffic.
  • okie salamat po!!!big help po sabihin ko nalng sa pamagkin ko..mas okie siguro yong lrt way baba nalng sa doroteo jose station..salamay po uli..GOD BLESS po sa inyo!!
  • pwede ding galing bulacan punta ka ng cubao kung didiretso din lang naman yung bus papuntang cubao tapos sakay ka ng lrt 2. baba ka ng legarda station then sakay kang jeep papuntang recto magbilin ka lang sa driver na baba sa san sebastian dun na. from legarda to san sebastian kaya ang 1-2 minutes kung walang traffic. pero pag meron na usually namang nangyayari mga 5-10 minutes. mas malapit kasi yung compared sa bababa ng doroteo jose. kasi may chance na maligaw o mawala kapag lrt 1 dumaan instead sa lrt 2 yung violet line.
Sign In or Register to comment.