Home PEx Campus

Anong course ang mas demanding? Accountancy o Engineering?

Kakalabas lang ng CHED memorandum na mandatory 5-year course na ang Accountancy. Neck-to-Neck na sila ng engineering.

Sa mga non-accountants/non-engineers... sa tingin ninyo ano ang mas mahirap? Accountancy o engineering?

Sa mga 4th year highschool students, ano sa tingin ninyo mas mahirap? Accountancy o engineering?

Anong title ang mas maganda pakinggan? "Mr. ___, CPA" o "Engr. ___" ?

Sa mga professional accountants/engineers, bakit naging mahirap ang pagiging accountant/engineer? Ano ang mas madali? undergrad o real world? o parehong maluffet? :lol:

Comments

  • Hindi mo malalaman kung anong mas mahirap o mas madali sa dalawa kung hindi mo pa nasusubukan kumuha ng dalawang kursong yun.
  • i think parehong in demand ngayon ang CPA's at Engineers.

    galing ako sa engineering then nag-shift sa accountancy kaya masasabi kong pareho silang mahirap. pero kung di mo gusto yung kurso mo lalong mas mahirap.

    kaya ang payo ko lang sa mga papasok sa college this coming 2009-2010 school year, dapat yung piliin nyo yung kursong gusto nyo at di yung sinabi lang ng kung sino.*okay*
  • depende rin siguro kung ano hilig mo pero mas in demand ang accountats kasi sa kahit anong business establishment kailangan ng accountant but not necessarily engineers :)
  • 2nd year student of accounting here. masasabi ko. ******* ang mga problems ng finac 2.
  • -jps--jps- PEx Influencer ⭐⭐⭐
    mas mahirap sa engineering lalo na pagdating sa design subjects na

    duun talaga kailangan mo ng matindi mathematical analysis para mabuo yung isang project
  • the question is: which course is MORE DEMANDING hindi IN DEMAND
Sign In or Register to comment.