Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

need advice sa mga experts

may nakilala akong babae na napakabait sa akin. Siya lang sa kauna-unahang pagkakataon ang babaeng lumapit sa akin para makipagkaibigan. Kung kaya naman di nagtagal ay na-inlove na ako sa kanya. BTW, college stud pa lang po me...

Pero kakikilala ko pa lang sa kanya noon ay alam ko nang may boyfriend na siya. Noong una ay ok lang sa akin na friends kami pero di nagtagal nasasaktan na ako tuwing magkasama sila. Alam kong mahal ng girl ang bf niya at kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Sadyang mabait lang siya sa tao, di lang sa akin. Ganto pala ang umibig... sa di tamang sitwasyon. Naiiisip ko na talaga na mag-move on at kalimutan na siya pero di talaga siya mawala sa isip ko lalo pa't magkaklase lang kami at lagi ko siyang nakikita at nakakausap. Kahit pag-aaral ko naapektuhan na sa sakit ng kalooban ko. Tuwing naiiisip ko na may mahal siyang iba na iniisip niya ang bf niya para akong mamamatay...

Ano kaya ang dapat kong gawin?
1. Ligawan ko siya kahit may bf na siya? Di nga pala kami magkakilala ng bf niya kasi 1 year college higher siya sa amin.
2. Magmove- on at iiwas na ako sa kanya para di na ako masaktan pa?
3. Hihintayin ko na lang na magbreak up sila ng bf niya na kahit habangbuhay ako maghihintay para doon at kahit na masakit araw araw ko titiisin?
4. O iba pa?

Please po kelangan ko po ng advice nyo

Comments

  • move on ka na lang, but stay friends with her :)

    kung liligawan mo siya ng may bf na siya at mapunta siya sa iyo, sa tingin mo ba na kung kayo na at may nanligaw na siya hindi rin niya gagawin sa iyo yun?:)
  • move on na lang mahirap makisawsaw sa isang relasyon
  • imo nakatitig ka kasi sa isang babae. Subukin mong magkilala ng maraming gurls. Tiyak na makakalimutan mo siya. Sa tingin ko problema mo e nag-iisa siyang babae sa consciousness mo. Dapat damihan mo yung kilala mo na babae para she will only be a face in the crowd.

    Note: sabi ko "kilala" hindi "syota". makipagkaibigan ka nang marami.
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    have as many girl friends as you can first before you get yourself a girlfriend. baka kasi nabigla ka lang at biglang may girl na naging close sa iyo. what if may makilala kang higit sa kanya? besides, in a relationship na iyan, off limits na. :)
Sign In or Register to comment.