COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

pano mag-sangla?

guys, ask ko lang, pano ba mag-sangla? di pa kasi ako nakakapg sangla ng kahit na ano. :D

kapag ba nag-sangla ka and di mo natubos, anong mangyayari? kapag nag-sangla ka and di mo pa natutubos, pinadadalhan ba ng notice sa bahay or what??? anong pawnshop ang pinaka magandang mag-sangla?

TIA! :)
«134

Comments

  • shonenshonen knife PExer
    nagtrabaho ako sa Villarica Pawnshop nuon (early 90s). tsaka nagsangla na rin ako :lol:

    pano ba mag-sangla?
    >> pumunta ka sa Villarica or Lhuiller or pinakamalapit na pawnshop sa lugar nyo, mas maganda malapit para tipid sa pamasahe. meron iba nahihiya magsangla sa bayan nila kaya dumadayo pa sa ibang lugar. dalin mo shempre ang ginto mong alahas. aapraise yun at sasabihin sayo sa window kung magkano ang appraise nila, at yun timbang ng alahas mo. pag ok sayo ay bibigyan ka ng form to fill up (basic info - name address celfone bday). tapos ibibigay na sayo ang pera less 5 peso na service charge (sa iba baka 10 or 15)

    kapag ba nag-sangla ka and di mo natubos, anong mangyayari?
    >>meron renewal every month kung di mo pa matubos within 1 month eh babayaran mo na lang ang interest. kadalasan ay 4% at 5% naman sa iba. di ko na alam sa Villarica. hanggang 3 months at di ka nakabayad ng interest ay padadalan ka nila ng notice na (via postman) na isusubasta nila yun alahas mo. (nalimutan ko na kung baka may final notice pa yata before yun subasta notice)

    anong pawnshop ang pinaka magandang mag-sangla?
    >> dito sa bulacan madami, lalu na sa Meycauayan eg Ralen, Villarica ang sikat at madami branch.

    nun nasa Villarica ako madami kami suki na pagkatubos after ng 1 or 2 weeks pawn uli alahas nila. madami asawa ng seaman.
  • shonenshonen knife PExer
    ps. pag may diamond ang alahas mo di kasama sa appraisal. ginto lang ang may pera.
  • dioraddictdioraddict Member PExer
    ^^oh thanks for the info.! :) pero, pwede bang thru text na lang ang pag bibigay ng notice..? bibigay ko naman yung celphone no. ko diba..? ang totoo kasi nyan, di alam ng parents ko na balak kong isangla yung necklace ko and yung 2 ring. :D di ko na rin kasi naman nagagamit and ayoko na rin gamitin. :)
  • BeerhandBopBeerhandBop I Am WHIP PEx Influencer ⭐⭐⭐
    "
    nun nasa Villarica ako madami kami suki na pagkatubos after ng 1 or 2 weeks pawn uli alahas nila. madami asawa ng seaman."

    this is why the poor continue to be poor.

    you're just constantly giving money away by doing this.
  • shonenshonen knife PExer
    dioraddict wrote: »

    ah di ko alam. matagal na kasi akong di nakakapagsanla haha at early 90s naman yun nasa VP ako. wala pa text nun di ba. itanong mo na lang sa mag aassist sayo sa window.

    @BeerhandPop *okay*

    2 weeks lang ako nagwork sa pawnshop, nagresigned ako agad. newly grad ako nun at narealised ko na altruistic pala ako :lol:

    pawnshop = 5-7 (indi 5-6), 5-8 pa nga sa palagay ko.

    nun time na nagsanla ako, dahil nagwork nga ako sa pawnshop, tiningnan ko muna lahat ng pawnshop kung pareho ang mga appraise nila. at yun sobrang malayo at mababa ang presyo yun ang minamarkahan ko sa utak ko na "pahirap kayo sa tao, imbes na makatulong! 5-9 kayo!! (indi lang 5-6)

    meron pa chismis ako narinig binabawasan daw yun ginto. pawnshop urban legend. :D saka may pawnshop na bukambibig "mababa po ang ginto ngayon" sabi tuloy ng isang customer, oi tigilan mo nga ako luma na style nyo.
  • shonenshonen knife PExer
    dioraddict, try mo sa Filipinas Pawnshop kung meron sana branch sa inyo. nag aadvise sila thru text, ikumpirma mo din sa kanila na by text na lang at wag na ipadala ang notice.

    Filipinas Pawnshop, maliit ang interest, mataas ang appraisal.
  • shonen wrote: »
    ps. pag may diamond ang alahas mo di kasama sa appraisal. ginto lang ang may pera.

    Paki-try po sa Cebuana Lhuillier Pawnshop. Tumatanggap sila ng diamonds, yellow gold, white gold, platinum, selected appliances at cellphones..

    Aside na libre yung appraisal, mataas ring yung appraisal rate nila. :)
  • shonen wrote: »
    ah di ko alam. matagal na kasi akong di nakakapagsanla haha at early 90s naman yun nasa VP ako. wala pa text nun di ba. itanong mo na lang sa mag aassist sayo sa window.

    @BeerhandPop *okay*

    2 weeks lang ako nagwork sa pawnshop, nagresigned ako agad. newly grad ako nun at narealised ko na altruistic pala ako :lol:

    pawnshop = 5-7 (indi 5-6), 5-8 pa nga sa palagay ko.

    nun time na nagsanla ako, dahil nagwork nga ako sa pawnshop, tiningnan ko muna lahat ng pawnshop kung pareho ang mga appraise nila. at yun sobrang malayo at mababa ang presyo yun ang minamarkahan ko sa utak ko na "pahirap kayo sa tao, imbes na makatulong! 5-9 kayo!! (indi lang 5-6)

    meron pa chismis ako narinig binabawasan daw yun ginto. pawnshop urban legend. :D saka may pawnshop na bukambibig "mababa po ang ginto ngayon" sabi tuloy ng isang customer, oi tigilan mo nga ako luma na style nyo.

    based sa na experience ko sa cebuana lhuillier..hindi nila binabawasn yung alahas/gold kasi naka sealed po yung plastic na nilalagyan at pipirmahan po yung ng pawner at appraiser. Pagtutubusin ninyo na po, sealed pa rin yun. :)
  • reykjavikreykjavik Sungka Grandmaster PExer
    Yeah ingat sa mga pawn shops bec some of them can be really shifty. I know of one who pawned a diamond ring. Pagkatubos napansin nya na yung diamond pinalitan. The new diamond had a crack. Of course yung pawnshop owner said that wasn't them, na dati na raw siguro yung ganoon blahblah...
  • ashel_kateashel_kate Member PExer
    May mga pawnshop pa kaya na tumatanggap ng sanlang relo? yung gaya ng fossil or guess kaya ...
  • fossil at guess watch? I doubt, nag aapraise ba value ng mga ganyan watch? Mas madali isanla ang "puri" ngayon. hahahahah!
  • Max_BuwayaMax_Buwaya Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ bukod sa puri, pati kaluluwa rin :lol:
  • naturecrawlernaturecrawler 'pag Naningil ang KALIKASAN PExer
    puwede pa ba i-renew after expiration date? as in kahapon lang iyong expiration...nakalimutan ko lang talaga..please help...
  • WAHEEHEEWAHEEHEE www.waheehee.blogspot.com PExer
    "
    nun nasa Villarica ako madami kami suki na pagkatubos after ng 1 or 2 weeks pawn uli alahas nila. madami asawa ng seaman."

    this is why the poor continue to be poor.

    you're just constantly giving money away by doing this.

    I'm agree. Hindi mo lang mapapansin pero malaki na pala ang kinikita ng pawnshop sa iyo. Payong umbrella lang, iwasan ninyo ang magsangla dahil habit-forming yan.
  • _Esther_Liu__Esther_Liu_ Banned by Admin PEx Veteran ⭐⭐
    ibenta mo yung mga alahas mo
  • ziah299ziah299 Member PExer
    paano kapag naka pagsanla kana tapos hindi mo sia ma2bos kasi nawala mo *** resibo mo.tpos naun nagpadala sila ng reminder na nagmatured na daw *** sinanla ko at kailangan ko daw irenew paano ko marerenew eh nawala ko po young resibo..ok *** ba na hindi mgbayad ng renewal?
    help naman po kasi hindi ko po tlaga la gagawin ko
  • BeerhandBopBeerhandBop I Am WHIP PEx Influencer ⭐⭐⭐
    call them for help. i believe you need an affidavit of loss.
  • ziah299ziah299 Member PExer
    paano kapag hindi ka makakuha ng affidavit ? anong mangyayari mawawala ba *** sinanla ko?
  • wilddogzwilddogz Member PExer
    Hindi siya mawawala. Mabebenta lang sa iba via auction, pwede ka din mag participate pero wala kang special rate/treatment.
  • ziah299ziah299 Member PExer
    Hindi ba nila hahanapin sa akin *** ticket o resibo?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file