Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Depressed na Bestfriend

May kaibigan ako na sobrang close ko. Mga 4years na kame magkaibigan. Nung una ok samahan namen. masaya. walang problema. Kaso recently e depressed siya kaya lahat ng suportang kaya kong ibigay e naibigay ko na lahat. Depressed siya dahil Iniwan siya ng gf niya. Nilayuan siya ng mga iba niyang kaibigan, wala siyang work ngayon. sobrang dami niya problema sa buhay.

Ang problema kase e masyado syang dumepende saken. Gusto niya lagi kame magkasama May mga time na uma-absent na ko sa trabaho para lang samahan siya dahil ayaw niya mag-isa. Yung time ko sa gf ko nabawasan na para sa kanya.
Lahat na ng advice na pwede kong ibigay naibuhos ko na lahat pero hindi siya nakikinig saken. Hindi sa nagsasawa ako na tulungan siya kaya lang ayaw niya tulungan sarili niya.

2 weeks ago, niyaya niya ko mag out of town dahil wala daw siya makausap, sabi ko di ako pwede mag-absent sa work. sabi ko sa dayoff ko na lang. ayun nagalit. kung ano ano na sinabi saken. Wala daw ako kwentang kaibigan. Di daw ako maasahan pag may problema. Na-badtrip ako kase alam ko sa sarili ko na todo suporta ako sa kanya. Nagkasumbatan kame nung time na yon. mula non di na kame nag-usap. Pero di ako nakatiis, tinawagan ko siya nung Xmas, di nya sinagot fone niya kaya tinext ko na lang. Nag reply siya ng "Get out of my life, a-hole!"

Ngayon worried ako kase baka kung ano gawin non. Kung may gawin siya sa sarili niya magi-guilty ako. Gusto ko sya kausapin pero ayaw niya.

Ano sa tingin niyo dapat ko gawin?

Comments

  • kahit anong tulong pa ang gawin mo sa kaibigan mo, kung hindi niya kayang tulungan sarili niya, wala talaga mangyayari sa kanya.

    "pag pinag dugtong daw ang tenga ng tao.. korteng PUSO.
    kaya sabi ni Pareng Bob.. Kung hindi ka marunong makinig..
    hindi ka din marunong mag mahal.."

    kaya iniwan siya ng gf niya, baka hindi siya marunong makinig.

    kung meron man siyang gawin sa sarili niya, kasalanan niya yon. ginawa mo na ang parte mo bilang kaibigan. binigay mo na ang kaliwang kamay mo, gusto pang kunin pati ang kanan.

    ;)
  • jed_allanjed_allan PEx Influencer ⭐⭐⭐
    pag problema sa gf,kanya kanya kami ng bespren ko.nagsasabi lang ako ng problema at nakikipag inuman pag masama ang loob pero di ko sya iistorbohin kung depressed ako.

    dapat sinabihan mo sya na [email protected] sya. kung magpakamatay sya,wag ka maguilty. wag ka magpakontrol sa baliw. :lol:
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐


    napagbuntungan ka sa problema niya. habaan mo pa ang iyong
    pasensya. there's only so much you can do... the rest depends
    on his self-reliance. nasa kanya pa rin ang gawa.

    baka di na rin siya naliligo at amoy kili-kili na, noh!

    aihihihi!!! :lol:

    baklita


  • Just be there for him... you have to make him realize na kelangan niya tulungan sarili niya..

    tama si baklita.. you can only do so much, that's about it.
  • There's nothing for you to be guilty of. you did what you can and that's about it. maybe your friend needs to see a shrink.
  • May kaibigan ako na sobrang close ko. Mga 4years na kame magkaibigan. Nung una ok samahan namen. masaya. walang problema. Kaso recently e depressed siya kaya lahat ng suportang kaya kong ibigay e naibigay ko na lahat. Depressed siya dahil Iniwan siya ng gf niya. Nilayuan siya ng mga iba niyang kaibigan, wala siyang work ngayon. sobrang dami niya problema sa buhay.

    Ang problema kase e masyado syang dumepende saken. Gusto niya lagi kame magkasama May mga time na uma-absent na ko sa trabaho para lang samahan siya dahil ayaw niya mag-isa. Yung time ko sa gf ko nabawasan na para sa kanya.
    Lahat na ng advice na pwede kong ibigay naibuhos ko na lahat pero hindi siya nakikinig saken. Hindi sa nagsasawa ako na tulungan siya kaya lang ayaw niya tulungan sarili niya.

    2 weeks ago, niyaya niya ko mag out of town dahil wala daw siya makausap, sabi ko di ako pwede mag-absent sa work. sabi ko sa dayoff ko na lang. ayun nagalit. kung ano ano na sinabi saken. Wala daw ako kwentang kaibigan. Di daw ako maasahan pag may problema. Na-badtrip ako kase alam ko sa sarili ko na todo suporta ako sa kanya. Nagkasumbatan kame nung time na yon. mula non di na kame nag-usap. Pero di ako nakatiis, tinawagan ko siya nung Xmas, di nya sinagot fone niya kaya tinext ko na lang. Nag reply siya ng "Get out of my life, a-hole!"

    Ngayon worried ako kase baka kung ano gawin non. Kung may gawin siya sa sarili niya magi-guilty ako. Gusto ko sya kausapin pero ayaw niya.

    Ano sa tingin niyo dapat ko gawin?


    just because u said u cant nagalit? ayos ha. give her space.. time will come that everything will cool down and u can talk it over.
  • jed_allanjed_allan PEx Influencer ⭐⭐⭐
    anne_373 wrote: »
    just because u said u cant nagalit? ayos ha. give her space.. time will come that everything will cool down and u can talk it over.

    lalake yung friend nya.:lol: saka ayaw nya ng space.lagi pa nga nagpapasama.:lol:

    unless kausap mo yung gf nung friend nya.
  • jed_allan wrote: »
    pag problema sa gf,kanya kanya kami ng bespren ko.nagsasabi lang ako ng problema at nakikipag inuman pag masama ang loob pero di ko sya iistorbohin kung depressed ako.

    dapat sinabihan mo sya na [email protected] sya. kung magpakamatay sya,wag ka maguilty. wag ka magpakontrol sa baliw. :lol:

    di naman siya baliw pre. hehehe. nakakaawa lang kase dati naman masayahing tao yun e. ewan ko ba ano nangyari don. nakaka-miss yung dati nyang personality. Tsaka di ko kayang balewalain pagkakaibigan namen kase nung time na nagkaroon ako ng major financial problem, sya yung umalalay saken. Kaya sana lang magtino na yung utak nya tapos mabalik dati nameng samahan.
  • karlo_12karlo_12 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    maybe he is still grieving because his gf left him. i can relate.. haha. pero parang sobra naman pag ka O.A nya haha
  • may mga tao talaga na hindi marunong maghandle ng problema at mahilig magdepend sa ibang tao. pag medyo naka-recover na yan sa depression nya, babatiin ka din nyan. pero napaka-demanding naman nyang kaibigan. hayaan mo lang, wag mo kulitin kasi baka lalong mabuisit. kung may suicidal tendencies yan, sabihan mo mga tao sa bahay nila na itago lahat ng baril, kutsilyo, muriatic acid, insecticide at sleeping pills sa bahay nila. (hayaan mong maging last resort nya ang shampoo.) magkakabati din kayo nyan. hanapan mo kaya ng bagong gf?
  • Ang hirap talaga pag ganyan.
    Siguro you need to talk to him more.. personally
  • kumakawaykumakaway PEx Influencer ⭐⭐⭐
    talk to him more. wag mo pabayaang magmukmok siya ng magmukmok.

    always remind him that nobody could help him better than himself.
    but tell him that you will be there to support him.
Sign In or Register to comment.