Home PEx Campus Mapua Institute of Technology

Anong Company Ang First Job Mo?

Good Day Mapuans.

Ginawa kong itong thread na ito para magka-alaman tayo kahit konti sa ating mga buhay-buhay. Para rin magkabigayan ng mga tips halimbawang iyong gusto mong pasukin na kumpanya ay first job pala ng isa sa atin. Isa na rin sa rason ko kaya ko ginawa ito ay para makapag-balik-tanaw (reminisce) na rin tayo.

Anyway, about sa thread topic, ang una kong kumpanya ay Intel Technology sa General Trias, Cavite. Dito rin kasi ako naging trainee (OJT) for a year kaya medyo nadalian ako pumasok. Pero sa Intel sa Bangkal Makati ako naka-assign noong trainee pa lang ako. Actually, 6 months lang sana ang training ko pero nagustuhan ng immediate supervisors namin ang performance naming mga nagte-training sa kanila (7 kaming Mapuans noon) kaya pinag-extend pa kaming tatlo ng additional 6 months (iyong apat hindi pwede mag-extend kasi graduate na). Pabor naman sa aming tatlo ang extension dahil 1 semester advance kami sa unang 6 months OJT namin. Dahil maganda nga ang naging image namin at ng mga kasama naming grumaduate sa department, pinakuha pa kami ng mga immediate supervisors namin ng 7 pa naming kaklase na Graduating Class din noon.

Masarap maging trainee sa Intel. Bukod kasi sa bigay na meal allowance na P28 per day, may allowance pa na P165 per day. Kaya pumapatak na P193 ang allowance namin. Mas mataas pa kami sa minimum wage na P165 lang noon. Maganda rin ang exposure namin dahil na-assign kami sa halos lahat ng area. Mula Die Preparation, Assembly/Test hanggang Component Warehouse. Nang trainee kami noon, kakaumpisa pa lang ng Pentium.

Sa Layout at Capacity Standards ako na-assign sa first job ko. Start-up Team kami ng Cartridge product ng Intel. Sa Layout, ako ang nagde-determine kung saan eksaktong ilalagay ng mga Install and Qualification Team ang mga bagong makina ng buong Assembly and Test line. Virtual Factory o Copy Exact kasi ang style ng Intel kaya istrikto ang buong Company sa design and location ng mga makina (kahit sa process). Kaya dapat istriktong maipatutupad ito. Ang ibig sabihin ng Copy Exact o Virtual Factory ay kung ano ang nasa Factory Site na nauna, iyon ang eksaktong gagayahin ng mga susunod na mga Factory Site ng nasabing produkto. Walang labis, walang kulang. Kung may mga nais baguhin sa naunang ginawa, dadaan pa ito sa panel at ipapa-approved. Kumbaga sa paggawa ng batas, dadaan muna ito sa Congreso.

Sa Layout, ang Auto Cad na gamit namin noon ay iyong Relesed 13 pa (iyong ita-type mo iyong command para mag-drawing). Supervisor ko lang ang nagturo sa akin ng Auto Cad noon.

Sa Layout, ako rin ang in-charged sa mga KANBAN.

Sa Capacity Standards naman, ang trabaho ko naman doon ay ako ang kumukuha ng mga Standards Capacity ng mga makina, at Standard Capacity ng isang operator o machine specialist. Ang resulta ng study ko ang binabasehan ng Capacity Planner.

Two years lang ako sa IE Department (cluster kami ng Engineering Department) dahil nag-apply ako for higher position sa Manufacturing Department, pero Intel Cavite pa rin. Awa naman ng Diyos, natanggap naman ako sa in-aplayan ko as Manufacturing Supervisor. Humawak ako ng 23 na operators. Dito, sa Commodities and Enabling Products naman ako ng Intel na-assign. Two years lang din ako sa nasabing position at departamento dahil after two years, lumipat na ako ng ibang Company.

Nakakatuwa experienced ko sa Intel. Usually kasing magkalaban sa Company ay ang Engineering Department at ang Manufacturing Department. Noong sa IE Department ako, ang pinagtatanggol ko ang Engineering Department. Pero ng naging Manufacturing Supervisor na ako, kakampi na ako ng Manufacturing people at kalaban ko na ang mga Engineers. Feeling ko nga naglalaro ako ng Chess eh. Sa Chess kasi, it doesn't matter kung puti o itim ang piyesa mo. Ang mahalaga ay kung ano ang piyesa mo, ito ang idepensa mo at ilaban mo hanggang sa checkmate.

Kayo. Kumusta ang kuwento ng first job mo?

Sige. God Bless the Cardinals!

Comments

  • School of Mechanical Engineering should also have an OJT. Ewan ko kung meron na ngaun OJT sa ME, kasi nung time ko wala kaming OJT, hindi required ng school of ME.
  • Hi Roemar08,

    Good Day!

    Anyway, wala palang OJT sa M.E. Dept. Sana magkaroon din or sana meron na ngayon. Kasi sa totoo lang, malaki ang tulong sa estudyante ng OJT. Kasi bukod sa exposure sa real company world most of the time ina-absorbed ng company iyong trainee kung maganda ang performance nito. Or kung hindi man i-absorbed, may idea na siya sa mga job openings sa loob ng kumpanya. Sa karamihang Company kasi, bago niya i-offer ang mga for hiring jobs nila sa classified ads sa mga bulletin/website, naka-advertise o ino-offer niya muna ang mga ito sa loob ng kumpanya.

    Ano nga pala Roemar08 ang company mo sa first job mo at kumusta ang experienced?

    Salamat.

    God Bless the Cardinals!
  • karonakarona PEx Veteran ⭐⭐
    i&c engineer

    mhi-tsc
  • Samsung Electro Mechanics - 3 mos

    now

    JGC Philippines. Inc. - January 2007 - present
  • first and present company for 4 years now..

    logo_PhilippineAirlines.gif
  • mech_engrmech_engr PEx Rookie ⭐
    ayala property managemnt corp.. 4 mos, then now shifting to design as piping engr. sa chiyoda
  • Ok yang piping engr.
    :D
  • Clarkent wrote: »
    first and present company for 4 years now..

    logo_PhilippineAirlines.gif

    wow..nice..PAL. dyan ko din gusto magwork dati..pero sa mundo ako ng electronics napunta. :)
  • first job technician sa gpc... now piping engr sa fluor
  • mech_engrmech_engr PEx Rookie ⭐
    oo nga eh mas xciting piping compare sa gngawa ko sa ayala... from scratch then turn it to reality..
  • mmmm... as far as i know.. lahat naman ng design.. from scratch and turn to reality... kahit piping.. tsaka di nakakaexcite sa piping.. maniwala ka..
  • xybert_22xybert_22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I'm a Network Operation Engineer at Smart Communications Inc. I'm handling the network operations of Smart Broadband network
  • Graduate ako ng Mining Engineering (2006) sa Mapua. After board exam nung August 2006, nagwork agad ako sa Filminera Resources Corporation. Isang gold mine sa Masbate. I'm working here for 2 years and 3 mos now.
  • sigh_hwatalyfsigh_hwatalyf PEx Influencer ⭐⭐⭐
    still searching

    tsk. haha.. lemme get back to this kapag meron na.. hopefully within 30 days..
Sign In or Register to comment.