Luis Manzano & Angel Locsin Part 1

2z7mue0.gif

littlefieldangellocsinandluismanzan.jpg

This thread is dedicated to this two lovely couple :)
«134567250

Comments

  • c/o: Angel Republic :)

    2a15vk.jpg
  • c/o: Luis Thread

    IMG_3314.jpg
  • c/o pep

    Luis Manzano says "there's no necessity" to admit relationship with Angel Locsin
    Julie Bonifacio
    Saturday, August 23, 2008
    04:46 PM


    Dinaaan na lang sa biro ni Luis Manzano ang sinabi ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos na ayaw muna niyang magkaroon ng apo. Balitang-balita na kasi ang magandang relasyon ni Luis sa kanyang rumored girlfriend na si Angel Locsin. Kaya naman hindi malayo na ang kasunod nito ay ang pagbuo ng isang pamilya nina Luis at Angel.



    "Ayaw pa ni Mommy?" tanong ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Well, it's understandable. Protective isn't the right word kay Mommy. Pero, siyempre, kahit paano nandun ang maternal instinct naman. Pero, of course, sooner or later, when time passes by, siyempre gusto rin naman niya na magkaapo at ako magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero siguro not now, which is perfectly understandable."



    Base sa mga pahayag ni Governor Vi, ayaw pa rin niya na lumagay sa tahimik si Luis.



    "I think it's maternal instinct. It's not necessarily strict dahil she was never strict sa akin. Kahit bata pa ako, gumigimik na ako. First year high school pa lang, gumigimik na ako. Because she knew, she trusted me naman. Alam niyang responsible din ako. So she was never strict to me. Never akong nagka-curfew. Umuuwi ako after two weeks, okey lang sa kanya. Galing, ang galing magpalaki!" biro ni Luis.



    Ganun din ba ang idea niya about getting married o gusto na rin niya talagang lumagay sa tahimik anytime now?



    "Hindi," sagot ng TV host-actor. "Siguro ngayon, ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami pang puwedeng pagkakitaan. Marami pang priorities na kailangan na i-focus muna. Pero sa akin, walang definite age if alam mo marami ka pang kailangang gawin, then, go for it."



    Sa tingin niya kung magpapakasal siya, si Angel na ang babaeng pakakasalan niya?



    "Si Angel ay isang babaeng karapat-dapat pakasalan," ngiti ni Luis.



    Magiging mahirap ba para sa mommy niya ang mag-asawa siya at this point in time?



    "No, definitely kahit mag-asawa na ako..., I would love to have my mom right by my side. So, it won't be difficult na my mom checked up on me. That's a good thing dahil you always know that you are loved," sabi ng 27-year-old TV host-actor.



    INSPIRED. Obvious sa mga mata ni Luis na inspired na inspired siya ngayon. Ilang percent ang inspirasyon na nangagaling kay Angel?



    "A very, very substantial portion."



    More than half?



    "You'll never know."



    Pero bakit hindi pa maamin ni Luis ang relasyon niya kay Angel samantalang hindi rin naman siya nagde-deny?



    "Hindi, kasi there's no necessity," paliwanag niya. "Yun yung para sa akin pinaka-ano doon, necessity. Hindi naman kailangang pag-usapan. Walang buhay na nakataya. Sabi nga ni Angel sa interview namin sa Entertainment Live, yung sa amin, it's on a personal basis na we don't need to expound on it naman."



    Tatlong beses na raw nag-join si Angel sa family occasion nila.



    "Dahil sabi nga namin, it's not that we want to keep it really private, yung parang we don't need to talk about it. Pero Angel and I, lumalabas kami in public. Nagmu-mall kami, so parang it's not worth hiding, e. Parang we just don't need to.



    "Yun nga, may buhay bang nakataya ‘pag sumagot ako o hindi? Meron bang nakaabang sa building? Wala naman. Na ‘pag oo, may tatalon, kapag hindi, di ba? There's no necessity naman. Kumbaga, sinasabi namin ni Angel palagi kahit paano ibalato na lang sa amin," pahayag ni Luis.



    Obserbasyon ng iba, hindi raw naging ganito noon si Luis sa mga ex-girlfriend niya tulad nina Anne Curtis at Nancy Castiglione (na ngayon ay Nancy Jane na ang ginagamit na screen name).



    "Hindi, kasi, one, sa amin ni Anne, when we started coming out about our status before, seven years ago, hindi pa ako showbiz noon. So, that's why we were open to talk about it.



    "Nancy? Especially, mas lalo akong hindi showbiz noon at siya rin. Hindi pa siya showbiz noon, commercial model pa lang siya," paliwanag niya.



    Pero hindi ba siya nagseselos na si Piolo Pascual ang kasama ni Angel sa mga showbiz gatherings ‘tulad ng anniversary ng Belo Medical Group?



    "Hindi, kaya nga yung sa amin, for example if PJ [palayaw ni Piolo] and Angel are seen somewhere, for example sa Belo party, I can't because I'm with Calayan.



    "And I understand naman na magkaibigan sila. PJ and Angel, there's nothing wrong kung pumunta sila together. And sabi nga nila, sila ang love team; kami hindi. Wala kaming ipinu-promote."



    Hindi ba siya nag-aalala na baka ma-develop sina Angel at Piolo?



    "Hindi, dahil secure ako sa kung anuman meron kami ni Angel and secure rin ako in the same way sa friendship namin ni PJ," pagtatapos ni Luis.
  • c/o pep

    Luis Manzano stands by rumored girlfriend Angel Locsin amidst past issue with Claudine Barretto
    Rose Garcia
    Wednesday, August 6, 2008
    04:26 PM


    Masuwerte si Angel Locsin dahil may defender siya sa lahat ng isyung idinidikit sa kanya sa katauhan ng rumored boyfriend niya na si Luis Manzano.



    "Of course, it gets to her sa laki ng mga isyung naibabato sa kanya. But she's smiling. Ang gusto niya, magtrabaho. And I think, 99 percent na mga kilala niya, alam ang totoo," pagtatanggol ni Luis kay Angel sa press conference ng Dyosa sa Manila Ocean Park noong August 4.



    What about Luis, hindi ba siya naapektuhan sa naging away nina Angel at Claudine Barretto?



    "Alam ko ang totoo kaya okey lang sa akin," sagot niya. "Ako naman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows how to handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niya babaguhin ang sarili niya?"



    Ano ba si Angel sa pagkakakilala niya?



    "Not just pagkakakilala ko... We see how loving she is, especially sa family niya. That's a perfectly good example. Sabi nga ng mommy ko [Governor Vilma Santos] one time, one thing that she really loves about Angel ay kung gaano siya ka-loving sa kanyang daddy [Mr. Angel Colmenares]. Na bawat pagod niya, bawat puyat niya, [para] sa daddy niya ginagawa. So it shows how loving a person she is.



    "At ang dami niyang natutulungan, which is walang nakakaalam; and for me, the right thing. Never siyang tumulong para lang sa press release or magpa-presscon para sa isang charity. Ang dami-dami niyang natutulungan na mas gugustuhin niyang walang nakakaalam," papuri ni Luis sa rumored girlfriend niya.



    Pero si Luis ba ay walang pinanigan kina Angel at Claudine?



    "Well, I'm also close to Claudine being the anak-anakan din ni Mommy. But I'm very very much closer to Angel, so I was with her all throughout," sagot ni Luis. (Nagkasama sina Vilma at Claudine sa blockbuster hit na Anak ng Star Cinema.)



    May nabago ba sa pananaw niya kay Claudine?



    "You know, it's hard but one instance does not necessarily define a person, di ba? Pero parang ganoon lang. Hindi dahil sa isang pagkakamali ay ganoon na agad ang tao. I would still say hi to her. I would still talk to her," sabi ni Luis.



    STATUS OF RELATIONSHIP. Gaano na ba sila katagal na happy ni Angel?



    Natatawa si Luis nang sumagot. "Siguro, I started being happy noong makasama ko siya sa States. Around August siguro last year, so one year na. Noon ko siya nakilala. Nagsu-show ako ro'n for Tito Al Chu and she was there before siyang pumunta ng London to study. E, di ba, nag-hiatus siya for a while? E, kilala rin niya si Tito Al. After ng three days, maglo-London na siya. I got her number and every day, we chat, we talk. Actually, napangiti talaga ko noong siya na ang unang nag-message sa YM."



    During the time na sila pa ni Nancy Castiglione, isa si Luis sa napaka-open na lalaki when it comes to his relationship. Pero how come this time, tila pigil na pigil sa kanya ang pag-amin gayong obvious naman na sila na ni Angel?



    "Well, one is, siguro this is my second na showbiz relationship. Ang una talaga is Nancy and that was a long time ago. At kumbaga, that time, hindi ko pa fully understand ang law ng showbiz," paliwanag niya.



    Officially, sila na ba talaga ni Angel?



    "We have a very, very good bond," nakangiti niyang sabi.



    LOVE TRIANGLE. Kumusta naman sila ng minsan ding na-link sa kanya na si Anne Curtis? Incidentally, si Luis ang isa sa leading men ni Anne sa Dyosa along with Zanjoe Marudo and Sam Milby, rumored boyfriend of Anne.



    "Si Anne naman, every time na kasama ko siya, it's always pleasant," maikling tugon ni Luis.



    Hindi ba siya naiilang seeing how sweet and close Anne and Sam are?



    "Hindi! Sila ang mailang sa akin!" biro ni Luis. "Well, as long as they are happy, they are smiling, bakit ako maiilang?"



    Actually, para ngang naiilang si Sam sa kanya, lalo pa nga't alam nito na dati siyang nanligaw kay Anne at isa sa lalaking malapit pa rin hanggang ngayon sa young actress.



    "I don't think na naiilang si Sam. Sam understands and respects yung bond namin ni Anne. Yung length, yung depth, he understands that," sabi ni Luis.



    NUDE SCENE. Balitang may nude scene si Luis sa Dyosa kung saan gumaganap siya bilang merman.



    "Kasi, medyo revealing lang yung transformation scene at saka merman costume. Siyempre, may konting skin. It's a body paint na it takes four hours to put on and another two hours to remove. Ang call time ko dati is 2 a.m.," kuwento ni Luis.



    Hindi ba nagkakaroon ng sapawan o kumpetisyon sa kanilang tatlong leading men ni Anne?



    "Well, siyempre, yung mga characters namin... Like ako, I try na talunin itong si Adonis which is si Sam, and then there's Zanjoe. Pero sa totoong buhay, we get to laugh, We get to talk."



    Would he say, ito ang pinaka-daring niyang role?



    "You know what, you have to watch it for you to say daring talaga. Pero may ipinakita ako, yun lang," nakakabiting sagot ni Luis.
  • c/o pep

    Luis Manzano avoids working with Angel Locsin to maintain their privacy
    Jocelyn Dimaculangan
    Tuesday, August 5, 2008
    04:15 PM


    During the general press conference of Dyosa at the Manila Ocean Park yesterday, August 4, Luis Manzano was asked by the press regarding his rumored girlfriend Angel Locsin.



    He tells PEP (Philippine Entertainment Portal), "We're okay, we still go out, and we're very, very, very happy. The key word is that it's not a necessity. Because the more I answer, the more I will sound showbiz. I want to give people due respect, ayokong magpaikot ng tao.



    "There is no need for me to answer, wala namang buhay na nakataya," he says.



    When pressed to define what kind of relationship he has right now with Angel, he says half-jokingly, "Kung may necessity, kung kailangan ko nang sagutin dahil may buhay na nakataya, saka ko na lang sasabihin."



    At this point, Luis revealed that he has no plans of being paired with the new Kapamilya star. "We're not working together and we have no plans of working together. We believe we have our own thing...siguro ‘pag episodic. Pero ‘pag love team sa teleserye, ayaw namin kasi mas lalong mapapakialaman kung ano man ang meron kami."



    Why is Luis very protective about his "relationship" with Angel? "Kasi, it's something very special. If there's something very special sa buhay natin, wala naman tayong ibang gagawin kung hindi alagaan yun," he reasoned.



    Is Angel special to him right now? "Yes, definitely," he answers.



    How special is Angel to him? "What you see is what you get. Nakikita naman ng tao yun."



    In 2007, it was reported that Luis chose Anne Curtis as one of the beneficiaries for his life insurance, aside from naming his immediate family members. Does he see himself naming Angel Locsin as his beneficiary, similar to what he did for Anne?



    "You have to understand, kami ni Anne, we go back for at least eight years and we have been through so much, not just a typical eight-year friendship. We have been through so much ups and downs. I'm very, very close to her family and I'm in constant communication with her mom. So hindi puwedeng i-compare. It's unfair to compare."



    "Pero siguro if the time is right, oo, puwedeng maging beneficiary ko rin si Angel."



    How does he feel about the intrigues being faced by Angel now?



    "In showbiz and politics, there is no right thing. Even if you do the right thing, people will judge you. Kahit gaano ka pa kabait, meron at merong magsasabi ng masama sa ‘yo. Kahit anong kabutihan ang ipakita mo, meron pa rin."



    Angel reportedly had a disagreement with Claudine Barretto in a salon last July 4, which prompted ABS-CBN executives to step in and facilitate a meeting with both Kapamilya stars.



    How did Angel handle these negative criticisms? "She has handled it unbelievably well. Of course, it gets to her pero sa laki ng issue na binabato sa kanya, she's smiling...basta ang importante sa kanya ay magtrabaho."



    Luis says that he knows what is the truth behind these issues and he is ready to support Angel wholeheartedly. "Alam ko ang totoo and I think 99 percent ng mga kilala niya, alam rin ang totoo. She gets upset but that doesn't really affect who she is. Hindi naman talaga siya ganun."



    Did Angel cry over this issue? "There was one time that she got teary-eyed. Let's leave it at that. They chose to keep that issue between them," said Luis.
  • c/o pep


    Luis Manzano has no restrictions for rumored girlfriend Angel Locsin
    Julie Bonifacio
    Sunday, July 27, 2008
    05:12 PM


    Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis Manzano tungkol sa isyung kinasasangkutan ng nababalitang girlfriend niya na si Angel Locsin at si Claudine Barretto. Noong Miyerkules, July 23, ay nagharap na sina Claudine at Angel sa conference room ng Star Cinema para linawin ang isyu sa pagitan nila. Kasama ni Claudine that time ang kanyang asawang si Raymart Santiago.



    "I know, I know... Well, one siguro is they're married. That's one thing naman na Claudine and Raymart, they are married. Pero ayoko nang dugtungan ‘yon. Pero kumbaga, the whole time I knew what was happening na rin naman na... I mean sa kanya [Angel], I know what's happening naman."



    Nagkita ba sila ni Angel pagkatapos ng paghaharap nila ni Claudine?



    "I was taping Dyosa. Natapos na ako mga 5 a.m. na kanina [Thursday]."



    RELATIONSHIP WITH ANGEL. Sa ngayon ba mas tumitindi na ang pagmamahal niya kay Angel?



    "You know, kasi nakasama ko siya when I first met her sa States. Sa bahay ni Tito Al [Chua] sa L.A. ‘ata. ‘Tapos I was there for shows and she was there bago siya pumunta ng London. So from that day, yung bond namin na ‘yon na umalis siya ng ibang bansa and we would chat sa Internet, definitely, kung ano meron man kami, they developed na mula sa una naming pagkikita," lahad ni Luis.



    Kailan ang anniversary nila ni Angel?



    "Ng?"natatawang sagot na patanong din niya sa amin. "We never ano naman, we never confirmed or denied din anything din naman. Basta, you know, we have this good bond na it's not about the anniversary date, that's not anything else. Basta kumbaga, we have a bond. We don't need to go into details naman about what we have."



    NO RESTRICTIONS. Hindi ba nagbibigay ng restrictions si Luis kay Angel sa mga ginagawa niya sa telebisyon at ngayong may pelikula ring ginagawa ang young actress with Piolo?



    "I never had or will have a say sa trabaho niya. Di ba, trabaho niya ‘yon bago pa man kami naging malapit sa isa't isa," saad ni Luis.



    Hindi sila nagse-set ng limitations para sa isa't isa?



    "No, no, no. Artista siya bago ko siya nakilala. So definitely, hindi ko siya papakialaman sa ginagawa niya and she knows. Matalino si Angel. She knows right from wrong."



    Hindi ba siya na-bother man lang ng matinding kissing scene ni Angel with Piolo sa ending ng Lobo?



    "Sabi ko nga sa interviews, this may sound wrong pero kung ganun ako kababaw mag-isip, e, di sana ang sama na ng tingin ko sa mommy ko. E, kasi more than 30 guys na or at least na-kissing scene ni Mommy, di ba? Ilan na ang naka-kissing scene ni Mommy, di ba? Ilang bed scenes ang nagawa ni Mommy?"



    Napanood ba niya ang mga movies ng mommy niya?



    "Hindi, pero alam ko lang. Kung ganun ako ka-shallow mag-isip, e, di sana ang sama na ng tignin ko sa mommy ko?" rason ni Luis.



    ''NAKED" SCENE. Naghubad si Angel during her transformation sa teleserye nila ni Piolo Pascual na Lobo. Kakabugin ba ni Luis ang ginawa ni Angel sa Dyosa nila ni Anne Curtis?



    "Nagawa ko na nga yun," ngiti ni Luis. "Hindi, actually sa Dyosa, meron nga akong isang ‘naked' scene...hindi naman naked pero exposure ‘yan. Kasi isa ako doon, may pagka-merman ako, e. So, may transformation."



    Naghubad din siya?



    "Well, basta they have to see it. Kumbaga, sa Cute Ng Ina Mo nga, nagpakita na ako ng puwet, e."



    Biro namin, this time ba may frontal siya?



    "We'll see. Hindi naman namin kailangan ng ratings, e!" tawa niya. "Masaya. I mean, based on the story naman na merman ako. So, may transformation. Wala pa akong nakikitang nagta-transform na may suot. Abangan natin."


    Nag-plaster ba siya?


    "No," matipid na sagot ni Luis.


    Paano siya napapayag?


    "Basta panoorin na lang. Siyempre ano namin style namin ni Direk Wenn [Deramas] ‘yon. Even yung kung paano yung treatment na ginawa niya kay Anne. So, parang it's something to look forward to."


    Kinunan daw ang transformation scene niya sa dagat.


    "Ah, oo, sa beach talaga. Wala naman akong itinatago sa mga ganyan. ‘Tsaka hindi ano...basta. Si Direk Wenn naman hindi naman sasabihin, ‘O, maghubad ka. Lakad ka diyan.' Hindi, of course, iingatan niya talaga ang artista niya."



    After ng eksena niya, ano ang ginawa niya?



    "Kumuha ako agad ng tuwalya lang naman. Basta they have to see kung paano nila in-execute yung eksena."


    DEFENDING SENATOR RECTO. Noong Huwebes ng umaga, July 24, lang nalaman ni Luis na in-appoint ang kanyang stepfather at dating senador na si Ralph Recto bilang bagong NEDA Chairman. Ito ang sinabi ng panganay na anak ni Batangas Governor Vilma Santos at OMB Chairman Edu Manzano sa PEP.



    "May isa akong kaibigan na nag-text today. You know Tito Ralph, kasi siguro naipit lang siya sa bad publicity. Pero I'm sure he has a purpose. Yung pagktabo niya bilang congressman for how many terms, naging senator siya pero hindi nga lang na-reelect. Pero I believe sa napakita niya he has a purpose in this government," bungad ni Luis sa PEP bago siya pumunta sa taping nya for MYX.



    Understandable naman daw kung papurihan man niya ang kanyang stepfather habang ang iba naman ay sinasabi na kabayaran yun kay ex-Senator Recto ng ginawa niyang utang na loob ng administrasyon ni President Gloria sa kanyang batas on E-VAT.



    "You know, in politics and in showbiz, there is no right thing. You can never do right, I think. Kahit gawin mo ang tama, may huhusga pa rin sa ‘yo," saad ni Luis.
  • c/o pep


    Gov. Vilma Santos on son Luis and Angel: "Ano pa ba ang aaminin nila?"
    Nitz Miralles
    Friday, August 22, 2008
    03:32 PM


    Dinaluhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang launching ng "Laki sa Gatas" Nutrition Education Campaign ng Bear Brand na ginawa sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon ng tanghali, August 21. Present ang top man ng Nestle at si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na top advocate ng campaign at endorser ng Bear Brand.



    "I believe in their advocacy" ang main reason ni Governor Vi kung bakit ang Bear Brand ang piniling i-endorse na milk product. Sinabi naman ng mga taga-Nestl? ang three top reasons why she was chosen to endorse their product.



    "Because she's a mother not only to her family, but also to her constituents. Also, her program in Lipa is very much aligned to the campaign of Bear Brand. Number three, because she's very credible at alam naming she'll be a very powerful spokesperson for the brand."



    Nilinaw ni Vilma na walang kinalaman ang pulitika sa pamumuno niya sa "Laki sa Gatas" campaign.



    "Walang political agenda ito. Whether tatakbo ako o hindi, this has nothing to do with the 2010 campaign. Wala sa isip ko ang sinasabi nilang pagtakbo kong vice-president. Ang focus ko ay ang malnutrition problem sa Batangas. Iniisip ko lang ang makatulong. I want to help and I want to make a difference."



    "In anything I do...hindi ko puwedeng sabihin na it's a prestige for me na from a governor I will be the vice-president, hindi po. Ang focus ko, ano yung puwede kong gawin...Batangas lang. Wala akong interes sa national positions, hindi ko pa kaya.



    "Tsismis lang yung planong pagtakbo kong vice-president or president, forget it, there's no plan and I believe in destiny. Wala sa plano ko yun. Gusto ko lang muna talagang makatulong. Nakakaalarma na sa mga bata, malnutrition ang problema, pero sa adult, obesity," mahabang pahayag ng actress-politician.



    MOVIE WITH JOHN LLOYD. Ikatutuwa ng Vilmanians ang ibinalita ni Gov. Vi na malapit na siyang gumawa ng pelikula. Ito yung nasusulat na pelikula nila ni John Lloyd Cruz para sa Star Cinema.



    "Before end of the year, magsu-shooting na kami. Wala pang title, pinag-uusapan na. Si John Lloyd pa lang ang alam kong kasama; ang ibang cast, hindi ko pa alam. Ito yung ?di natuloy last year, matutuloy na rin sa wakas. First ito sa three movie commitments ko sa Star Cinema. May movie rin ako with Luis [Manzano] and Sharon [Cuneta]," kuwento ni Vilma.



    LUIS'S LOVE LIFE. Hindi rin nakaligtas si Vilma nang tanungin sa love life ng anak na si Luis. Maraming nali-link sa kanyang binata, sino ang pinakamalapit sa puso ng anak, si Angel Locsin ba?



    "I find Angel very, very nice. Masaya sila and I'm happy for my son, period. No comma."



    Ready na ba siyang magkamanugang?



    "Huwag muna. Ayoko pang maging lola. My son's enjoying his life, maawa kayo, he's only 27! Right now, I know he's very, very happy at bilang ina, masaya ako if he's happy. Kung kailan siya ready, open ako at alam kong up to this day, wala kaming inililihim sa isa't isa. We're very comfortable sa mother and son relationship namin."



    Posible ba ang movie na magkakasama sila nina Luis at Angel?



    "Why not! Basta, enjoy lang."



    Sa palagay niya, may relasyon na sina Luis at Angel?



    "Nakikita ninyo ang galaw nila at may mga estrelya ang mga mata nila, ano pa ba ang aaminin nila? Basta ako masaya ako sa anak ko."



    Biniro si Vilma na ibinuking niya ang anak, pero sabi naman nito, hindi itinatago ng dalawa na masaya sila tuwing tinatanong ng press.



    "Lagi nilang sinasabing masaya sila and I understand, may mga bagay-bagay na hindi puwedeng sabihin. Alam ni Luis kung saan ilalagay ang sarili, pero ayaw niyang mag-deny," pagtatapos ni Vilma.
  • Hello..thank you so much sa mga articles. Wala kasi ako mahanap eh
  • Angel Locsin at Luis Manzano, aamin na sa kanilang relasyon
    November 09, 2007


    Isa sa mga araw na ito ay nakatakda nang umamin sa kanilang relasyon sina Angel Locsin at Luis Manzano.

    Matagal na raw itong alam ni Vilma Santos, ngunit ayaw naman daw nitong pangunahan ang dalawa sa pagsasabi ng kanilang relasyon.

    Nakiusap raw kasi dito ang kanyang binata na sila na ang magkukumpirmang dalawa ni Angel kung kaya’t hindi na ito pinakialaman pa ng aktres-pulitiko.

    Handa na raw si Angel na ibulgar ang tunay na estados ng kanilang relasyon ni Luis.

    http://rmn.com.ph/
  • Hopefully, more articles and pics to come next time around :love:
  • Hopefully, more articles and pics to come next time around :love:

    thank you ha? :D
  • http://www.pep.ph/news/18753/Governor-Vilma-Santos-likes-positive-effect-of-Angel-Locsin-on-Luis-Manzano

    Governor Vilma Santos likes positive effect of Angel Locsin on Luis Manzano

    Julie Bonifacio
    Friday, August 15, 2008
    03:05 PM

    **snipped**

    VILMA'S FIRST SON. Ano naman ang masasabi niya sa paghuhubad ni Luis sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Dyosa?

    Tumawa muna nang malakas si Governor Vi bago nakasagot.

    "Itong anak kong ito, nakakabuwisit di! Lagi kong tini-text ‘yan. Sabi ko, ‘Anak, tigilan mo ‘yang pagiging exhibitionist mo.' Sabi ko, ‘Aminado ako, anak, maganda. Pinaghihirapan mo yung katawan mo. But you should know your limitations.' Tatawanan lang ako. ‘Hahaha! Mommy. If you have it, flaunt it!'" tawa rin ni Governor Vi.

    "Iba na ang mga bata ngayon," patuloy niya. "That's why parents should adjust. Isipin mo kung ako yung makaluma, nagalit na ako noon sa sagot niya. Pero hindi, you should understand them."

    Ano ang sinabi niya sa sagot ni Luis sa kanya?

    "Natawa rin ako. Yun para bang, ‘O, just know your limits.' Yun lang. Pero ‘pag hindi ka adjusted, mahihirapan ka maka-cope sa klase ng mga bata ngayon."

    Nakikita ba niya na may bakas din na susundan siya ni Luis as a public official?

    "Yeah," sagot ni Governor Vi. "Later on kung ano, kasi nakikita niya rin ang ginagawa ko. Nakikita ni Luis yung... ‘Pag nakita niya na mahal din ako ng tao, parang pupuwede raw siya. Tinanong ko rin siya, e. Sabi ko, ‘Anak, someday nai-imagine mo ang sarili mong ganito?' Sabi niya, ‘Yes, Mom."

    Looking forward naman si Governor Vi na magkasama sila ni Luis sa isang movie project.

    "I'm very proud of my son. He can act, pero may room for improvement pa rin. Kasi tini-text ko ‘yan, e. Was it yung Kampanerang Kuba? ‘Anak, anak, sobrang lukot ng mukha mo nung umiiyak ka.' Meron naman, ‘Anak, perfect ang tulo ng iyak, ganyan lang. Pag-aralan mo ‘yan.' You know, I tell him that."

    Paano tini-take ni Luis yung advise niya?

    "Ah, okay sa anak ko. Minsan nagtatanong pa siya sa akin. So, may room for improvement si Lucky. Ah, hosting, no doubt. ‘Tsaka kapag napapanood ko, ang yabang ko! Ang galing niya talaga. Singing career, pareho kami! O di ba?" tawa niya.

    "Dancing career, kami the best. Ang galing-galing niyang sumayaw! Bihira nga siyang sumayaw sa ASAP '08. E, hindi tinanong ko rin, ‘Anak, ano bang ano mo sa ASAP?' Host daw talaga siya. Binibigyan lang siya ng ganun [dance numbers] kapag birthday niya. Pero ang kontrata niya doon is just a host, not really a performer. ‘Tapos ang isang proud lang ako sa anak ko, imagine, Lucky now is 27, mabait pa rin, di ba?"

    POSITIVE EFFECT. Ano naman ang masasabi niya sa nababalitang girlfriend ni Luis na si Angel Locsin?

    "I love Angel," sagot niya.

    Ayon sa ina ni Governor Vi, tatlong beses na niyang nakita si Angel sa mahahalagang okasyon ng pamilya. Gusto rin daw ni Mama Santos si Angel dahil marespeto. Ano ang masasabi ni Governor Vi rito?

    "No comment ako," iwas niya. "Huhulihin ninyo ako, e. Basta alam ko maligaya si Lucky. Ayoko because there are some private moments na hindi dapat sabihin. Pero si Mama pala ang nagkukuwento. Pero ano, very marespeto. Nakasama ko siya [Angel] sa Mano Po, marespeto siya at saka tahimik lang."

    Maging ang ama ni Luis na si Edu Manzano ay sinabi rin na gusto niya ang influence that Angel has on Luis.

    "That's very true. That is very, very true. Maganda sa nakikita ko. Naku, ha!"pagpipigil pa ni Governor Vi.

    "Maganda yung impluwensiya ni Angel kay Luis. I agree with Edu. Even yung outlook ng anak ko ngayon, iba. Maganda, maganda, ‘tsaka laging happy. ‘Tsaka guwapito, kasi nga blooming."

    Ipapasa ba niya kay Angel ang kanyang mga panyo if ever?

    "Hindi puwede. Bibigyan ko siya, pero hindi ko ipapasa ang panyo ko. Because ako ang mawawalan. Ayoko!" ngiti ni Governor Vi, na kilala sa kanyang trademark na panyo.

    Nabalita na niregaluhan na ni Governor Vi si Angel ng panyo last Christmas.

    "Marami na rin akong nairegalo sa kanya. Pero hindi lang namin sinasabi. Marami na kaming regaluhan sa isa't isa. Pero sa amin na lang.

    "You know, sa nakikita ko, ha, parang maganda yung team nung dalawa. Kasi yung weaknesses nung isa, nandun yung strength and baliktad; and they compliment each other with that and they both grow positively. Nagtutulungan sila.

    "Kasi yun din ang nababanggit sa akin ni Angel kapag nagkakausap kami. At yun din ang nababanggit sa akin ni Lucky. So which means naggro-grow sila positively and sa relationship, yun ang importante. Yun ang maganda doon," saad ni Governor Vi.

    Tinuturuan din daw ni Angel si Luis na mag-grocery.

    "May time na sabay sila [Angel at Luis]. At least ang anak ko natututo. Marunong nang mag-grocery ngayon. Magluto? Ay, ano ka ba, e HRM ‘yan! Mas marunong siyang magluto kesa sa akin. ‘Pag gumawa ‘yan nung mga gourmet na prawns? Hindi nga ako marunong magluto. Yung anak ko, gourmet kung gumawa.

    "Ang dream niya talaga someday to have his own restaurant and bar. But I told him then na you have to get also ano, business management [course], in order na ma-guide-an ka, you know."
  • You're welcome!!! :D

    Sana more pics ano? hehehe..
  • mystique143mystique143 KISMET/F2/DMM/ASHRALD/ PExer
    HEY!!! LUCKYGEL!!! hahaah!!

    i respect them talaga!!

    i also respect the fact that they don't want to really have a project together....di ba? separate career and personal lives. ang galing!
  • HEY!!! LUCKYGEL!!! hahaah!!

    i respect them talaga!!

    i also respect the fact that they don't want to really have a project together....di ba? separate career and personal lives. ang galing!

    Yes. Thank you for posting :D
  • http://beta.abs-cbn.com/tabid/104/Article/10837/Default.aspx

    Luis and Angel, getting serious?
    By Bernie Franco

    Although Luis Manzano and Angel Locsin are neither confirming nor denying that they are an item, they are spotted together around events and places in the Metro frequently. One recent sighting of the two was during the premiere night of A Very Special Love, starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo, which somehow confirmed the special bond going on between them. “We never confirmed or denied anything din naman. Basta you know we have this good bond na it’s not about the anniversary date. Basta kumbaga, we have a bond. We don’t need to go into details about what we have.” Luis said during an interview.

    There also have been reports saying that Luis’s parents, Batangas Gov. Vilma Santos and OMB Chair Edu Manzano have allegedly noticed a change in their son’s attitude, particularly about the level of seriousness he has imbibed to improve his life. Even Luis admits that this change is a conscious effort. “Kaya ako nagpapakatino na ay dahil gusto kong maging seryoso na talaga sa babaing makakasama ko sa habambuhay,” he admits.

    On another issue, Luis is said to have forbidden Angel to have kissing scenes with her leading men. Luis denied this allegation. “I never had or will have a say sa trabaho niya. Uhm, di ba, trabaho niya ‘yon bago pa man kami naging malapit sa isa’t isa? So, definitely, hindi ko siya papakialaman sa ginagawa niya and she knows that. Matalino si Angel, she knows what is right from wrong.”
  • ang cute naman nila :love:

    Slide1-1.jpg
  • Slide2-1.jpg
  • Slide3-1.jpg
  • Slide8-1.jpg
«134567250

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file