COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

CARLO AQUiNO .thread 3.

1167168169170171173»

Comments

  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    PaPi2010 said:

    Angelica Panganiban gets flak from blogger over Holocaust Memorial "OOTD post"

    by Jet Hitosis
    11/7/2019

    Sinita ng isang blogger ang “OOTD post” ni Angelica Panganiban sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

    Ang litrato ay ipinost ng 33-anyos na Kapamilya actress sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules ng gabi, November 6.

    Sa photo, napapagitna si Angelica sa ilan sa 2,711 stone slabs na tinatawag na stelae, na sumisimbolo sa anim na milyong Jews na pinatay sa panahon ng Holocaust, sa pagitan ng 1941 at 1945.

    Hindi nakangiti si Angelica, na nakapayong ng itim, at nakasuot ng black dress.

    Caption niya: “Kabibili ko nga lang pala ng bansang ito . Ayun sa ootd ko.

    “Tabi! Dadaan ang madam!”

    PHOTO/S: @IAMANGELICAP ON INSTAGRAM
     

    BLOGGER TELLS ANGELICA TO “BE RESPECTFUL”

    Pinalagan ni Dexie J Wharton, Pinay na US-based blogger ng feistymomma.com, ang tinawag niyang “Inappropriate And Insensitive Holocaust Memorial IG Photo & Caption” ni Angelica.

    Sa blog ni Dexie nitong Miyerkules, November 6, nagpahayag siya ng pagkadismaya na nagpakuha na nga ng litrato si Angelica sa makasaysayan at sagradong Holocaust Memorial, nagbiro pa ito tungkol sa sariling OOTD o outfit of the day.

    “You just can’t take a photo at the Holocaust Memorial while joking that you just bought the country and for an OOTD post, no less,” saad sa blog ni Dexie.

    Pinayuhan din ni Dexie ang aktres na mag-research muna sa mga lugar sa pinupuntahan, at matutong rumespeto sa kasaysayan ng ibang bansa—o gumamit ng “common sense.”

    Sulat pa ni Dexie, “Learn the history of places you travel to and be respectful.

    “Even without educating yourself about the Holocaust there’s still a thing called common sense.

    “Not everything is for your selfies, jokes, or outfits.”

    Sa huli, kinumbinsi ni Dexie si Angelica na i-delete na lang ang naturang litrato.

    “JUST NO! DELETE DELETE DELETE!!” saad ni Dexie.

    Kalakip din ng blog ni Dexie ang isang artikulo ng Washington Post tungkol sa mga nahihilig mag-selfie sa Holocaust Memorial, o Memorial to the Murdered Jews of Europe.

    NO REACTION FROM ANGELICA

    Wala namang reaksiyon si Angelica sa paninita ni Dexie, at hindi rin tinanggal ang litrato sa kanyang Instagram Stories hanggang sa mailathala ang report na ito.

    Ang kinukuwestiyong litrato ay kabilang sa latest posts ni Angelica tungkol sa pagbabakasyon niya sa Europe.





    Nasa Europe si Angelica upang doon ipagdiwang ang kanyang birthday nitong November 4.

    Bago nagpuntang Germany, namasyal muna sa Italy si Angelica.

    Sa kanyang Instagram post nitong October 29, ikinuwento pa ng aktres na sinita siya ng Italian police sa pag-upo niya sa Spanish Steps Palazzo Di Bolgna sa Rome.





    “YOLOCAUST” AGAINST HOLOCAUST MEMORIAL PHOTOS

    Batay sa impormasyon sa website ng Memorial, ang tanging ipinagbabawal sa mga bumibisita sa Field of Stelae ay ang “climbing onto or hopping across sa stelae” at ang “noisy behaviour, smoking, and drinking alcohol.”

    Gayunman, ilang tao at maging kilalang personalidad na ang binatikos at tinawag na insensitive sa pagpapakuha ng litrato sa Holocaust Memorial.

    Kabilang sa mga personalidad na ito ang British model na si Rhian Sugden, ang Indian actress at Miss World 2000 na si Priyanka Chopra, at si Vice President Leni Robredo.

    Noong 2016, inilunsad ng Israeli artist-satirist na si Shahak Shapira ang proyektong “Yolocaust” upang ipaunawa sa mga nagpapakuha ng litrato sa Holocaust Memorial na paglapastangan sa alaala ng milyun-milyong pinaslang na Jews ang kanilang ginagawa.

    Kinolekta ni Shahak ang mga selfies at litratong kuha sa Memorial na in-upload sa Instagram, Facebook, Tinder, at Grindr, at gamit ang Adobe Photoshop ay binago ang 12 sa libu-libong litratong nakalap niya.

    Sa halip na ang mga stelae ang background, pinalitan ito ni Shahak ng litrato ng mga makapanindig-balahibong eksena sa Auschwitz Concentration Camp.

    May 2015 nang buksan sa publiko ang Holocaust Memorial, na designed ng American architect na si Peter Eisenman.

    Bente-kuwatro oras na bukas ang Holocaust Memorial, at walang bayad ang entrance dito.

    On the other hand....



    #GoodKarma

  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • PartyfleezerPartyfleezer No Sugarcoating! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    esquireDAR said:
    image
                                                                            
    Wow! Mga pinagpala ng GOOD KARMA. ;):naughty:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file